Press Release
March 31, 2014

Speech of Senator Grace Poe
65th Anniversary of the Pasay City Lions Club

Golden Bay Seafood Restaurant, Macapagal Blvd.Pasay City
March 30, 2014

Thank you, Mr. Allan Co, third vice president, for your introduction. Nais ko pong batiin sa gabing ito, unang-una siyempre ang Lion President natin, ang magandang lalaki na kasama ang kanyang asawa, si Mr. Benny Antiporda. Ang District 301-A2 Governor Alfonso Manahan, Past International Director, na magrerepresenta sa Lions Club sa Chicago, si Mr. Michael So, To the Officers, Directors and Members of Pasay City Lions Club and all the delegations,dignitaries from your sister clubs in Taipei, Malaysia, Hong Kong and Davao City, To all our guests, Good Evening.

Thank you for inviting me to be your keynote speaker, it was certainly an honor, my father-in-law was a Lions Club President in Quezon City a long time ago. Kaya hindi pwede rin na hindi ako pumunta dito. Pero noong mga nakaraan, parang mas marami akong inaatendan na Jaycees event, so I asked them "What do you do to your members when they reach the age of 40?" 'Diba alam nyo na yung joke palagi na sagot. Ang sinasabi ng mga Jaycees, "Oh, the good ones, we throw to the Lions..." So andito na iyong mga magagaling, kaya nandito ang mga lagpas sa forty, so kung tutuusin dapat rito na rin ako diba? Kasi mga lagpas na sa forty. But before I proceed, let me first greet your club president, Mr. Benny Antiporda. Alam ninyo po,hindi ko talaga mahihindian ang imbitasyon ni Mr. Benny, dahil isa po siya sa tumulong sa akin sa Freedom of Information. Kung kayo po ay sumusunod sa mga balita, pinasa na po namin sa Senado and Freedom of Information Bill, na ngayon ay Freedom of Information Act. Ito'y magbibigay liwanag para magkaroon ng transparency sa gobyerno. Ibig sabihin, iyong mga dokumento,pwede na ninyong busisiin kung ito'y mapapasa kasama sa Kongreso. Siyempre sa tulong ni Mr. Benny, marami tayong mga kaibigang isinulat kung gaano ka-importante ang Freedom of Information. Tapos, siya rin po ang nagbibigay sa akin ng advice. Siyempre kapag may mga issues. Tinutulungan nya iyong aking mga kasama sa opisina kung ano ba talaga ang dapat nating talakayin. Ang isa diyan ay iyong National Press Freedom Day, dahil kung naalala natin ang Maguindanao Massacre nuong November 23. So nais naming bigyan ng pahalaga ang mga mediamen na pumunta nuon at nabiktima dahil sa karahasan at dahil sa pamumulitika duon sa Maguindanao. So isa po iyan, sa amin din iyong Freedom of the Press is not only about journalist freedom to comment and write any news story they want, Freedom of the Press, more importantly is about the right to report the news free from intimidation. Na hindi naman tayo matatakot magsalita dahil tayo'y may mangyayari sa atin. Alam n'yo po, I'm thinking of giving you a snap shot of what I've been doing in my first eight and a half months as a Senator.

Ang dami po talagang dapat matutunan sa ating bansa. Alam n'yo po, marami kayo dito sa Lions. Mayroon kayong mga sariling business, marami kayong mga empleyado, I'm sure lahat kayo, importante sa inyo na kung ano man ang mga binabayad ninyong buwis sa gobyerno ay gamitin naman ng tama. Pangalawa, na kung kayo'y gagawa ng isang negosyo, huwag naman kayong ipitin ng hindi naman makatarungan. Ibig sabihin, magpapatayo kayo ng isang gusali kung susundin ninyo iyong code ng tama, huwag naman...itatago pa nila 'yung building permit ninyo o kaya ilang beses pa kayo pupunta sa mga ahensya para kumuha ng approval, hindi po iyan friendly sa ating mga negosyante. Kaya importante po dito sa first eight and a half months ko sa Senado siniguro ko talaga na itulak ang Freedom of Information sapagkat kung nakikita natin ang tunay na kalakaran sa mga opisina ng gobyerno, mababawasan ang korapsyon kahit papaano. Kami na lang nga sa Senado, 'pag mayroong Freedom of Information, lahat pati mga resibo namin kailangan namin ipakita, hindi ba importante iyon para malaman na kung saan mo man ginagasta ang pera, napupunta sa mga dapat puntahan.

Pangalawa, alam n'yo po ang bansa natin... Our population is composed of children below the age of seventeen. Thirty-four percent of our population are children below the age of seventeen. Ganoon kabata ang ating populasyon kaya kapag naglalakad kayo makikita n'yo halos mayorya ng ating mga kababayan puro mga kabataan. Ngayon, ang problema five hundred thousand of our children are severely malnourished. Ibig sabihin, buto't balat na lang and two million of them are undernourished. So ibig sabihin, ang daming mga batang nagugutom pa rin kahit na sinasabi natin na ang ating ekonomiya ay gumaganda. Kaya po isa sa aking panukala ay magkaroon ng libreng pananghalian sa public elementary schools. Bakit po? Eto natanong ninyo, sinabi po ng mga doctor: That the development of a child really begins early on habang nasa pre-school sila. Lahat ng natututunan nila until the erly years of elementary. Kung wala silang makain, brain development is stunted. Bakit ito importante? Imagine n'yo; this program would cost to feed all until grade four kasama iyong kindergarten and pre-school. It would cost about ten billion pesos a year. So iisipin ninyo, wow ten billion...pero isipin ninyo hanggang grade four may kakainin lahat sa public elementary schools araw-araw. Ang Conditional Cash Transfer program, sixty-three billion ang ginagasta natin. Iyong pera na iyan, pumupunta sa pinakamahirap nating kababayan, nakakatulong iyan. Ako po'y para diyan pero hindi rin tayo sigurado kung ito ba'y binubulsa, kung ito ba'y napupunta sa tamang paraan, pero ang pagkain...Noong panahon ni President Marcos, kung natatandaan pa ng iba sa inyo, mayroong nutribun na binibigay sa mga eskwelahan. Iyong nutribun na iyan parang maliit na tinapay pero puno iyan ng vitamins at nakakabusog. Mayroong binibigay na mais, sa ibang mga schools mayroong gatas, bakit ngayon, wala na? Iilan-ilan na lang ang mayroong ganyan. Importante na palakasin natin ang mga bata para ang ating bansa ay maging kasinlakas din ng mga kapit-bahay natin sa Asya.

Ano pa ba iyong aking tinutulak? Alam ninyo, ako po kasi ang chairman ng dalawang komite, ang unang komite na aking pinamumunuan, ang committee on public information and mass media. Bakit? Kasi galing ako sa MTRCB at iyong mga magulang ko naman ay nasa showbiz, pero importante ang mass media dahil ang mga bata nanunuod ng TV twenty-one hours a week, tapos lahat tayo naka-konekta tayo palagi sa radyo, sa TV, media is very important. Anong mga tinulak ko sa media? Mayroon akong bill, ang tawag ay Film Tourism Bill. Anong gagawin nito? I-popromote ang Pilipinas sa ibang bansa para gawing shooting destination. Bakit importante ito? Akalain ninyo kung magshooting dito iyong mga pelikula katulad ng 'Bourne Legacy', ilang trabaho ang maibibigay nila sa kababayan. Kapag sumikat ang pelikulang katulad ng Lord of the Rings sasabihin ng mga tao "Saan shinooting 'yan?...Ay New Zealand, ang ganda pala ng New Zealand!" Diba? After shooting in New Zealand, 'Lord of the Rings', brought in a hundred percent increase in the number of tourist visits in New Zealand. Can you imagine, the impact it would bring to our country? If our country is promoted in a beautiful full-length movie. So papaano ko ipopromote iyan? Kailangan, gumawa tayo ng mga tamang brochure, na ipapamigay natin sa mga producer sa ibang bansa, hindi pwedeng laway lamang kasi kahit papaano, may gastos pa rin ang pagsali sa mga trade fair para ipakita ang Pilipinas. So para sa akin, natutulungan na natin ang mga kababayan natin sa showbiz, industry dito sa Pilipinas, pero higit sa lahat ang mga kababayan natin na naghahanap rin ng trabaho, na mabigyan ng pagkakataon sa pagsikat at paglago ng ating ekonomiya.

Ngayon, ang isa pa na akin naming tinutulak ay ang pagkakaroon ng Financial Literacy Assistance para sa mga OFWs natin. Bakit importante ito? Ang mga kababayan natin na nagtratrabaho sa ibang bansa pero pagkatapos nilang ipadala ang mga kinita nila pagkatapos ng limang taon, sampung taon, dalawampung taon halos walang naiipon. Bakit? Dahil lahat ng pinapadala nila ay iginagastos para sa kung anuman ang kailangan ng pamilya. Kailangang turuan natin ang ating mga OFWs na mga kababayan kung papaano rin mag-invest sa tamang paraan, sa mga may garantiya na mga investments. So kasama iyong financial literacy sa pag-unlad ng ating bayan na hindi puro gastos kung hindi pagtitipid rin at pag -iipon para sa kinabukasan.

So mga...hindi ko masasabing, fellow Lions Club members pero masasabi ko naman na dahil dati noong ako'y bata pa sinama ako ng father-in-law ko noon sa isang event. Alam ko marami kayong natutulungan. Ako'y nagpapasalamat sa organisasyon ninyo dahil alam ko marami rin kayong ini-sponsor na mga charitable causes. Pero gusto ko rin pong malaman ninyo na kahit nagkakaroon ng mga kontrobersya sa gobyerno at mayroong mga PDAF scam. Mayroon pa rin namang mga tao sa gobyerno na kakampi ninyo na ginagawa naman ang tama. Alam ninyo hindi po madali, pero nagdadasal po ako araw-araw at ang nanay ko naman po ay hindi nagkulang sa pagpayo sa akin na ang aking kapital ay ang malinis at magandang pangalan ng aking tatay. Kaya po, sa inyo po sa Lions club na sumuporta naniwala at bumoto sa akin, maraming salamat po dahil alam ko, ito'y isang pagkakataon ko ngayon na mapatunayan na ako naman ay may kapasidad na manilbihan sa inyo. Ang tatay ko po, si FPJ ay maagang naulila, fourteen years old nagtrabaho na siya at sinuportahan niya ang kanyang mga kapatid at nanay. Siguro mayroon ding iba sa inyo ang tumigil sa pag-aaral upang matulungan ang inyong mga mahal sa buhay at ngayon ay asenso na kayo at hindi siguro ninyo makakalimutan sa inyong pag-angat na kailangan rin ninyong dalhin ang mga kababayan ninyong nangangailangan. So para sa ala-ala po ng aking tatay at sa ilang libo sa inyo na patuloy na tumutulong sa inyong mga kababayan, isa pong karangalan ang maging senador ninyo na maaasahan din ninyo na suklian naman kahit papaano ang pagiging mabuting Filipino ninyo.

Maraming Salamat po!

News Latest News Feed