Press Release
April 24, 2014

DZRH interview with Sen. Francis Guevara Escudero

DZRH interview with Sen. Francis Guevara Escudero (FGE)
Program: Damdaming Bayan
Anchors: Joe Taruc and Milky Rigonan

TARUC: Sen. Chiz, ano po ba ang inyong tingin tungkol dito sa naglalabasan ngayon tungkol pa rin dito sa PDAF scam? Mukhang marami pang bago na hindi natin nalalaman ano ho.

RIGONAN: Iba't-ibang mga anggulo ho ngayon Sen. Chiz.

FGE: Well tama yan Manong Joe, Milky pero hintayin nating lumabas ang affidavit ni Napoles. Alalahanin natin nung una syang lumabas sa Senado, nagsinungaling sya. So ang tanong ngayon ay nagsasabi ba sya ng totoo ngayon? Nagsasabi ba sya ng buong katotohanan? May halong katotohanan ba at may halong kasinungalingan? Hindi po natin alam. Noong una ay nagsinungaling sya, papaano natin sya pagkakatiwalaan ng buong buo ngayon dahil baka mamaya diskarte lang yan ika nga pampagulo. O baka ang isang salita nga ay magkahiwa-hiwalay ika nga.

TARUC: Kung sabagay wala pa namang desisyon kung kukunin o hindi bilang testigo ano ho. Mukhang ito ho ay kasalukuyan pang sinusuri at pinag-aaralan din ng mga awtoridad.

FGE: (Inaudible)

RIGONAN: Hindi qualified Sen. Chiz?

FGE: Opo. (inaudible)

TARUC: Mr. Senator, medyo iche-check lang namin ang signal. Napakaganda ng ipinaliliwanag ninyo pero hindi maganda ang signal...

FGE: ...taliwas yung sinasabi niya sa sinasabi ng mga whistleblower... (inaudible)

TARUC: Medyo linawin natin mabuti Sen. Chiz particularly yung most guilty at least guilty. Ano ho ba ang (inaudible) ng batas ukol dito para sa isang state witness? Kinakailangan most guilty o kinakailangan ay least guilty?

FGE: Palagay ko, does not appeal to be the most guilty.

TARUC: The most guilty. So ibig sabihin kung guilty sya pero hindi ganon katindi ay pupwede.

RIGONAN: Pero at this point Sen. Chiz, sino ba ang magdedetermina kung siya ay pasok bilang state witness? Ang DOJ ba o Office of the Ombudsman?

FGE: Maliwanag po ang batas dyan, Sandiganbayan. Pwedeng hingin ng Ombudsman sa Sandiganbayan pero ang pinal na magpapasya ay Sandiganbayan pa rin.

TARUC: Pero pwede rin magrekomenda ang DOJ?

FGE: Pwede po magrekomenda ang Ombudsman pero (inaudible).

TARUC: Pero kayo po ba Sen. Chiz bilang kagawad ng Senado, hindi po ba kayo curious na malaman kung ano itong mga lumalabas sa balita na marami pala sa tatlo, maaring umabot ng siyam hanggang labing tatlo yung kagawad ng Senado na involved dito?

FGE: (inaudible)

TARUC: Naku malabo, mga kaibigan iche-check naming mabuti yung linya ni Sen. Chiz Escudero para mallinaw na mapakinggan yung kanyang mga paliwanag dito sa naturang isyu.

-COMMERCIAL BREAK-

TARUC: Okay Sen. Chiz, yung pinag-uusapan natin tungkol kay Napoles. Hindi pa sya tanggap bilang state witness, wala pang desisyon...

FGE: ... At mukhang malabo syang matanggap. Gaya nga ng nasabi ko, (inaudible).

TARUC: Pero kayo po ba bilang kagawad ng Senado, hindi gustong malaman kung ano pa ang mga detalye na naglalabasan ngayon na marami pala kayong mga kasama na bumabanat dito sa PDAF scam pero involved pala at nababanggit ang pangalan.

FGE: Well, iniinvolve ni Janet Napoles siguro Manong Joe. Halimbawa ako Manong Joe, paano pag dinawit ako ni Napoles dyan, tandaan natin ako yung nagfile ng resolusyon, ako nagpa-subpoena sa kanya, ako humiling hanggang sa ngayon na ilagay sya sa ordinaryong kulungan, biglang dinamay nya ako doon, e' di sasagtin ko dahil hindi naman po totoo. Narinig at naranasan ko na rin kasi sa mga nagdaang panahon, sa tagal ko sa pulitika Manong Joe na minsan dinadawit ng testigo para magpagulo, magpadestruct, ilipat at ilihis ang isyu. So sino man ang banggitin nyang pangalan Manong Joe, ibigay yung panig nya, para makita at malaman ng taong bayan kung sino ba ang nagsasabi ng totoo.

TARUC: Maliban na lamang kung ide-detalye bakit nabanggit yung pangalan ano ho.

RIGONAN: At merong ebidensya.

FGE: Halimbawa nung iniimbestigahan namin yung Garci tape, ako naghain ng resolusyon nun at pinatawag namin si Garci. Biruin mo sabihin ba naman ni Garci na tinawagan ko rin daw sya. So ang sabi ko nasan ang Garci tape ko, bakit wala? Kasi depende yun sa testigo kung ano ang sasabihin nya.

TARUC: Kasi yung sinasabi at pinapaliwanag ni Sec. Ping, meron din daw silang kahalintulad ng Garci tape, Hello Janet. (laughs)

FGE: (laughs) Isa pa po siguro, bine-verify daw at validate ng DOJ ang affidavit ni Napoles. Ang problema ko po dun, kung ano ang affidavit ni Napoles, may halong totoo man, may halong hindi, yun ang buong buo dapat ilabas dahil hindi po para sa DOJ na piliiin ang ilalabas base sa validation po nila. Halimbawa, may binaggit na pangalan, vinalidate ng NBI, hindi pala totoo, ano yun papatanggal nila sa affidavit? Hindi naman po siguro ganon yun. Hayaan natin tumayo yung affidavit nya na may halong kasinungalingan, may halong katotohanan, pero hindi para sa anomang ahensya ng gobyerno na piliin kung ano yung ilalabas at hindi ilalabas.

TARUC: Pero merong counter checking dito e, may hawak din na kopya ng affidavit mismo si Sec. Ping at kapag nakita nya raw na medyo kulang yung pangalang ilalabas ay ilalabas nya yung kanyang kopya.

FGE: Well ang pagkakaunawa ko Manong Joe, mas kumpleto yata ang listahan ni Sec. De lima kumpara sa listahan ni Sec. Ping, pero malay natin baka yung hindi kumpletong listahan ni Sec. Ping ay mas hindi pa kumpleto yung ilabas later on, hindi natin alam.

TARUC: So kung kayo ang tatanungin bilang miyembro ng Blue Ribbon Committee ay hindi acceptable bilang testigo itong si Janet Lim?

FGE: Sa ngayon po hindi at ayon din po sa batas kailangan required yung kanyang testimonya bago makaconvict. Ayon po kay Sec. De Lima malakas na yung kaso nila at sa pananaw ko rin yung mga whisleblowers ay kumpleto na po yung kwentong binibigay. Siguro mas nakikisimpatya ako sa whistleblower sa ngayon na kinakabahan dahil baka baliktarin sila bigla nitong si Napoles, dahil tila lumalabas na nga sa affidavit ni Napoles, hindi daw sya ang utak, matapos sabihin ng mahigit 20 whistleblowers na sya ang nasa likod nito.

RIGONAN: Biglang nagbago e.

TARUC: Hindi sya ang utak, paulit-ulit na binabanggit din ng kanyang mga abogado na hindi sya ang utak. Ibig sabihin, mayroon pang mas matindi na mastermind.

FGE: At napakinggan ko yung sinasabi ninyo Manog Joe. Ang mas mataas po sa senador, kung pagbabasehan natin ang plaka na inisyu ng LTO, 1 po presidente, 2 vice president, 3 Senate president, 4 speaker 5 chief justice 6 cabinet member, 7 senador, 8 ang congressman, 9 justice ng Korte Suprema, 10 justice ng mas mababang Court of Appeals.

TARUC: Kung mas mataas pa doon sa tatlong senador, aba'y ibig sabihin nandoon tayo sa 6, 7 ...

RIGONAN: Binigay na ni Sen. Chiz 1 to 9 e.

(Laughs)

FGE: Ang nakakakaba lamang dyan Manong Joe ay baka mamaya ay pampagulo yan at pampa-destruct at pampadagdag sa usapan. Para malihis ang usapan mula sa kanya at sa ibang akusado.

TARUC:

RIGONAN: Alam mo may punto ka dyan Sen. Chiz. Ang publiko hindi naman madaling lokohin Mrs. Napoles. Number 1, 'di ba noong humarap sya sa Senate Blue Ribbon Committee hearing, ang sabi nya wala syang alam. Kawawa naman daw yung mga senador na idinadamay dahil nababanggit daw yung pangalan. Hindi po sila sangkot dito, at ngayon, sasabihin nya sangkot at marami pa syang sasabihin. Sino ang paniniwalaan ngayon ng publiko?

FGE: Well, gaya nga ng sabi ko Milky, minsan na syang nagsinungaling sa Senado at publiko. Gaano tayo kasigurado na yung sasabihin nya ay buong katotohanan? May halo bang kasinungalingan o parteng totoo ba, parteng sinungaleng o lahat ba hindi na naman totoo? Hindi na natin masasabi yan. So siguro sa parte rin ng DOJ,'wag nila masyadong panghawakan anumang sasabihin ni Naopoles. Siguro yung validation na lang sinasabi yun ang ibig sabihin. Hindi naman talaga yan pagpili kung ano'ng ilalabas.

TARUC: Sigurop mas maganda, kailangan ko kinaklaro yan banda doon sa mga additional names aba'y kawawa naman yung mga maaaring mabanggit yung pangalan na maaaring wala naman talagang kinalaman dito. Halimbawa, yung mga senador na nahalal noong hindi pa senador before 2010. Hindi po ba?

FGE: Tama po yun. Halimbawa Manong Joe, halimnbawa Manong Joe, magbanggit ng mga pangalan na hindi naman talaga dawit. Kunwari ako, banggitin bigla, sasagutin ko po ng diretso . "Hindi totoo, at kung totoo man yan, ikaw lang ang nagsasabi dahil lahat tumestigo na, ni hindi nabanggti man lang anino ng pangalan ko, biglang ikaw babanggitin mo. Kaya ko namang sagutin Manong Joe. So, anuman ang nilalaman ng affivadvit nya, sinumang walang tinatano, wala pong dapat katakutan.

TARUC: Maliban na lang kung may pakikita syang mga dokumento at mga ebidensya na talagang magpapakita na merong kulay ng involvement.

FGE: Well, tama po kayo. Maliban na nga lang kung ganoon ang mangyayari. Depende rin sa dokumento na ipapakita nila

RIGONAN: Mayroon bang magiging ekpekto kung sakaling ikonsidera ng Sandiganbayan ang pagiging state witness nya, kasi under oath sya dba noong sinabi nya sa Senate Blue Ribbon Committee na wala syang alam, hindi yung mga senador na yan nadadawit. Kawawa naman sa pork barrel scam at kung ano ano pa Sen. chiz?

FGE: Gagamitin po laban sa kanya palagi yan ng abogado ng kabilang panig. Sigurado yun. Pero, sang-ayon din sa batas, kapag sya ay hindi makuha na isang state witness at ang statement nya ay binigay nya bilang pag-a-apply sa pagiging state witness, hindi yan magagamit laban sa kanya Milky. Pero ang pagkakaunawa ko dito sa statement na binibigay nya o binigay na nya, yan ay hindi nakakondisyon sa pagiging state witness. Tumatanggap man sya o hindi, magagamit po yan laban sa kanya at lahat ng akusado.

TARUC: Okay. Sen. Chiz, batay po dito sa mga nagiging kasalukuyang development, alam po ninyo, mayroon ding mga nag-siisip na maaaring ito'y sadyang ginagawa upang hihndi makausap itong scam na ito.

FGE: Yun nga ang pinapangamba ng mga whistleclowers Manong Joe, Milky, na baka ito'y pambasag, pampagulo, ang salita sa amin sa BICOL Pampasamok para malihis ika nga ang atensyon ng publiko. So, hintayin natin na lang, lumabas yung affidavit at kapag lumabas, doon natin timbangin.

TARUC: Oo, pati na yung pagkilos ng ombudsman tungkol dito sa naturang kaso. Actually, nag-expire na yung period ano? Within reach na kinakailangan silang mag-decide tungok dtio sa naturang desisyon na i-file sa Sandiganbayan yung naturang reklamo?

FGE: Tama po yan, pero dahil sa development na ito, baka madelay na naman yan. maantala na naman at baka mamaya modus operandi pala Manong Joe ay hihintayin lamang matapos ang administrasyong ito.

TARUC: Also, kung marere-open ang kaso, at pagkatapos ay tatanggapin bilang state witness si Napoles,aba'y lalong magtatagal yan.

FGE: Simula na naman tayo sa siimula Manong Joe. (Laughs)

RIGONAN: Oo, back to zero. Pero, naniniwala po ba kayo sa pahayag ng kampo ni Napoles at ng DOJ na wala daw kapalit yung gagawin nyang pagbubulgar dito Sen. Chiz?

FGE: Well, hindi lang walang kapalit. Ako nga, ang sakin nga Milky dapat may kapalit kung talagang sinsero at tunay at tapat ang kanyang alok, dapat kasama sa usapan ang pagbabalik ng anumang ninakaw, nakulimbat o pinakinabangan. Kung ilang bilyon man yun, dapat ibalik sa kaban ng bayan.

TARUC: Lastly, Sen. Chiz, mayroon na po bang petsa?

(Laughs)

RIGONAN: Hearing ng Blue Ribbon?

(Laughs)

FGE: Yung hearing ng Blue Ribbon Manong Joe pag-resume na siguro (inaudible) sa Mayo po.

(Laughs)

RIGONAN: Yung ibang petsa ang tinatanong ni Manong Joe Sen. Chiz.

FGE: (Laughs) Wala pa po. Wala pa.

TARUC: Pero tiyak na yun?

FGE: Kada interview na lang talaga may update?

RIGONAN: Syempre, on a lighter note yun e. Hinuhuli talaga yan Sen. Chiz.

FGE: (Laughs) Wala pa.

TARUC: Yun ang sigurado. Tiyak!

FGE: (Laughs) Tiyak po yun.

TARUC: Maraming salamat, Sen. Chiz.

News Latest News Feed