Press Release
May 13, 2014

CAYETANO: NAPOLES NAGPASABOG NG WEAPON OF MASS DISTRACTION AT DESTRUCTION

HIGHLIGHTS FROM THE INTERVIEW

Nagpakawala si Napoles ng weapon of mass distraction At destruction. Distraction because dini-distract niya and tao para ma-confuse at para mawala sa kanya ang focus, tumagal ang kaso at mapawalang sala sila by 2016 kung manalo ang candidato nila.Destruction dahil gusto niyang magiba, ma-destroy ang mga kumakalaban sa kanya at sa mga kasabwat niya. Si Napoles lang at mga kasabwat niya ang nakikinabang sa gulong ito.

DAPAT LABASAN NG KATOTOHANAN HINDI HULAAN SA LISTAHAN

Dapat ilabas ng gobyerno ang lahat ng SARO, lahat ng dokumento, lahat ng request letters. It's the choice of the government. Choice ito ng Aquino administration kung gusto nila ang larong hulaan sa listahan o kung gusto nila, labasan ng katotohanan. Dapat humarap na si Secretary De Lima at si Napoles mismo para ilabas na ng katotohanan.

I HOLD MYSELF TO THE SAME STANDARDS AS ALL PUBLIC OFFICIALS

I have nothing to do with Napoles. I have never met her. Ni singko, wala kaming nilagay sa any business niya o kaya NGO niya. Kung anong standard na hinold ko sa tatlong senador at sa lahat ng public officials, I will hold it also to myself. Dito makikita ng tao kung ano ang difference ng pagkilos ng guilty sa inosente.

News Latest News Feed