Press Release
June 3, 2014

Transcript of DWIZ Interview with Senate President Franklin M. Drilon

Q: May impression na dahil po sa pork barrel scam na mas parami ng parami ang nadadawit na mga lawmakers dahil sa iba't ibang version ng Napolist, distracted nga ba ang Senado, o marami pa rin bang panukalang batas ang naipapasa ng Senado?

SPFMD: Cely, ikaw ay kasama namin sa Senado araw-araw. Nakikita mo naman na ang mga debate ang patuloy, at tuluy-tuloy ang pagtalakay namin ng mga panukalang batas bago matapos ang aming session next week, at kami po ay regular na nakikipag-usap kay Speaker Belmonte at nakikipag-coordinate sa mga batas na aming kailangan ipasa bago po matapos ang aming session sa susunod na Miyerkules.

Babanggitin ko po ang ilang panukalang batas na talaga naman na makatutulong sa ating ekonomiya. Yung Senate Bill 27, yung Picture-Based Health Warning Act. Kung maalala mo nuong 2011, ako po ang nag-sponsor at ipinasa natin ang Sin Tax Bill na nagtaas ng buwis sa sigarilyo at alak, para po mabawasan ang libu-libong namamatay sa bansa kada taon dahil sa paninigarilyo. Ngunit hindi rin lubusang bumaba ang dami ng mga naninigarilyo. Pero sa kabilang dako, ang buwis na ating nalikom ay P51 billion ay dahil nga diyan sa additional Sin Tax Law. Yaan po ngayon ay ginagamit ngayon sa ating health sector.

Ngunit kulang pa rin po - at pwede nating sabihin na - kulang pa ang mga batas na talagang magiging successful ang pagbaba ng paninigarilyo sa ating bansa. Kaya nga ipapasa nating itong linggo na ito ang Picture Based Health Warning Act, na kung saan yung mga pakete ng sigarilyo ay magkakaroon ng picture ng mga baga o iba pang parte ng katawan na naaapektuhan ng paninigarilyo. 50% ng display area ay magkakaroon niyang mga picture ng baga o ipin o iba pa na maapektuhan dahilan sa paninigarilyo. Ito po ay isang paraan na mapigil natin ang mga kabataan lalo na pumasok sa bisyo ng paninigarilyo.

Q: Kahit na ito ay mangahulugan na mabawasan yung consumer ng sigarilyo na pinagkukunan natin ng buwis, eh ang objective ng batas na ito ay mapigilan an gating mga kababayan lalo na ang mga kabataan mula sa paninigarilyo.

SPFMD: Tama iyan Cely. Sa dami ng naninigarilyo, kapag nabawasan natin ang dami ng naninigarilyo, mababawasan din natin ang dami ng pupunta sa public health hospital dahilan po sa ang laki ng gastos ng bansa pagdating sa mga smoking related-illnesses. Sa mga public hospital, ang laki ng nagagastos sa mga gamot related diyan sa mga smoking-based illnesses. Kaya pag naibaba natin iyang bilang ng naninigarilyo, mababawasan din ang gastos ng taumbayan (Note: The Department of Health places the costs associated to cigarette smoking at 87,600 Filipino deaths annually or about ten Filipino deaths for every hour. Also, cigarette smoking costs an estimated P218 to P416 billion in annual health care expenses and productivity losses). Patas lang po. In other words, there is a commensurate decrease in public expenses.

Q: This week ma-approve na on third reading yang bill na yan?

SPFMD: Ma-approve iyan on second reading. Target namin na tomorrow that will be approved on second reading, and on Monday, we will approve it on third reading.

Q: Yung House po ba may same commitment?

SPFMD: Tama po iyan. Ipapasa po nila yung bill sa komite ngayong hapon, and alam ko, they will come up with a committee report and ipapasa nila din iyan sa plenaryo.

Q: Ito na po ba ang pinakamahalagang batas na maihahabol this week, o may iba pa po ba na mahalagang batas na maipapasa?

SPFMD: Meron pang iba. Meron tayong ilang education bills o panukalang batas sa edukasyon. Halimbawa yung Iskolar ng Bayan Act, kung saan yung sampung pinakamagaling na graduates ng isang public highschool ay magkakaroon ng automatic admission sa state colleges and universities. Ganun din yung isa pang panukalang batas sa edukasyon, yung open-high school system, for out of school youth and yung distance learning educational system.

Dito po ay ating mga kabataan na out of school youth o yung mga hindi nakapagtapos ay maaring pong mag-aral at makatapos under sa isang program under which hindi na nila kailangang pumasok sa iskwela araw araw, kung hindi meron pong mga open at distance learning systems. Ginagawa na po ito sa ilang mga unibersidad kung saan hindi na kailangan pumasok physically sa paaralan, pero through computers ay pwede na magaaral.

Dahilan po ito ang Pilipinas ay nasa top 5 na may pinakamaraming out of school youth - 1.5 million na kabataan - sa Southeast Asia at sa buong mundo. Isa tayo sa pinakamaraming bata na nasa school age pero nasa labas ng paaralan. Ang strongest asset ng ating bansa, hindi makapagaral. We are becoming a nation of uneducated people - dito sa problema na kung saan marami sa ating pinakamalaking bahagi ng ating populasyon ay out of school youth.

Q: Maganda nga po iyan Senate President dahil kahapon po ay nagopen ang pasukan sa mga paaralan at may mga lumabas na datos na kung saan mataas ang bilang ng enrollee pagdating sa elementary, pero sa highschool at college, pababa na ng pababa yung bilang. Ibig sabihin, marami sa kabataan ang hindi nakakapagpatuloy ng kanilang pag-aaral hanggang sa sekondarya o sa kolehiyo.

SPFMD: Tama po iyan Cely. Ang drop-out rate natin masyadong mataas. Kasama na po diyan yung kahirapan. Kaya naman sa programa ng DSWD na conditional cash transfer o CCT, isa sa mga condition duon na ibinibigay sa pamilya, ang kanilang anak ay dapat nakapasok sa iskwela. Iyon po ay binibilang kung ilan sa isang buwan ang pasok ng isang bata, at ayan po ang isa sa main condition under the program, dahilan po sa malaki ang bilang ng bata wala sa iskwela. Inuulit ko po, nasa top five ang Pilipinas sa may pinakamaraming out of school youth. Ito po ay isang seryosong problema ng ating bansa, at kasama nga po sa ating mga ipapasang batas ay yung open high school system at yung open learning through distance learning system.

Q: Isa pa nga po sa lumabas na problema ngayong pasukan ay yung kakulangan sa silid aralan. Alam ko po nung meron pang pork barrel, halos buong pork barrel nyo po ay nilalaan niyo sa pagtatayo ng mga silid aralan, at sa taunang national budget, ay may malaking pondo po para sa pagtatayo ng mga silid aralan. Sa tingin niyo po ba ay kulang pa rin ito o kung ganoon talaga kabilis ang pagdami ng mga estudyante?

SPFMD: Well meron tayong sapat na pondo. Ito pong panahon na ito ang pinakamabilis na pagtayo ng mga silid aralan ng Department on Education. Tama kayo, noong may pork barrel pa, ay halos lahat ng aking pork barrel ay napupunta sa Filipino-Chinese Chamber of Commerce ang Industry, kung saan kami ay nagpatayo mg mga silid paaralan - 1, 600 na school rooms ay aming naipatayo, for half the price ng mga government contractors. Ito pong programa ay tinututukan natin at ako po ay umaasa na by the time matapos ang termino ng Pangulong Noynoy, we can catch up with this issue.

Marami na kasing sector ang involved dito. Involved na ang private sector through the PPP. Alam ko malaking contractor ang pumapasok dito, at patuloy pa ang libo-libo -40,000 classrooms ang nabubuo every year. Kaya po ako ay umaasa pagkatapos ng termino ng Pangulong Noynoy, this lack of school classrooms should be addressed.

Isa pa pala, ating ipapasa bago mag sine die, ang isang importanteng batas para sa ating ekonomiya, 'yung liberalization ng ating banking laws. Ngayon po, 10 lang na foreign banks ang pwedeng mag-operate dito sa ating bansa. Ito po ay ating bubuksan. We will allow foreign banks to come in for free competition, para po mas malaki ang pondo sa banking system natin. Magkakaroon ng mas malaking pondo kasi kulang ang ating capital market. Kailangan ang sapat na pondo sa mga bangko para makapagpahiram ng mas mura sa mga negosyante. Kaya ating papayagan ang foreign banks to come in although there are limitations. Kailangan a certain percentage lang of the total assets ng banking system at kailangan may sarili silang pera na ipasok. Hindi 'yung dito rin mag-so-source ng pera. This would be an addition to our capital market. Maganda poi to para sa ating ekonomiya, 'yung pinapayagan nating pumasok ang foreign banks dito sa atin in order to promote competition.

Q: Open po ba diyan ang mga local banks?

SP: Kung gusto nila sila lang, hindi naman pwede. Ang kapakanan ng ating bansa sa kabuuan ang ating tinitingnan, hindi po 'yung kapakanan ng ilang malalaking negosyante na nag-mo-monopolize. Kaya po hindi lumalago ang ating ekonomiya ng ganong kabilis dahil sa hawak po ng ilang negosyanteng malalaki an gating ekonomiya kaya binubuksan po natin ang ating ekonomiya as part of our effort to improve our investment climate.

Q: Senate President Drilon, kahapon po napakinggan ko na nagpahayag na ng concern ang ilang officials ng Moro Islamic Liberation Front dahil sa patuloy na pagkaka-delay ng Malacañang doon sa panukalang Bangsamoro Basic Law. Ang concern nila, baka raw 'yung target na ipatupad ito, 'yung creation ng Bangsamoro political entity ay maatraso po ng husto.

SPFMD: Kung inyong titingnan, itong Bangsamoro Basic Law is tinatawag na administration measure. Hindi po kami ang gumagawa ng draft kung hindi MILF and Malacañang dahilan po na sila ang gumawa ng kasunduan. Ang dapat ibigay sa amin, ang dapat ipadala ng Pangulong Noynoy, ang administration measure ay dapat in accordance with the Comprehensive Agreement on the Bangsamoro. Ibig sabihin, kung ano ang napagkasunduan nila, 'yon ang ibigay sa amin. I-certify as an administration measure. Sa pagkaalam ko, talagang tinitingnan line by line na dapat consistent sa agreement.

Tingnan mo, kung ang ipapadala sa amin, hindi sang-ayon sa pinirmahang agreement, pagdating sa Kongreso at Senado, mag-ne-negotiate na naman 'yung MILF at Kongreso. Ma-de-delay lalo dahilan po na instead of simply looking at the Comprehensive Agreement of the Bangsamoro and the draft basic law, ang mangyayari kung labis sa Comprehensive Agreement, e di mag-de-debate. Mag-de-debate pa pagtawag mo ng experts. Pagtawag mo ng MILF sasabihin nila tama 'yan. Sabi ng Ehekutibo, hindi tama 'yan. There will be another negotiation. Pero mas mabuti 'yung doon pa lang, sa Malacañang pa lang, susuriin ng husto ng mga abogado, ng Department of Justice, mga abogado ng Pangulo, ang draft Bangsamoro bill para padating sa atin, we can be certain na 'yon ay ayon sa Agreement na kanilang nilagdaan. Otherwise, lalong tatagal. Ako ay kampante. Titingnan natin kung ganun ang napagkasunduan, susuportahan natin. Kung labis sa napagkasunduan, lalo na kung hindi sang-ayon sa Saligang Batas, lalo pong matatagalan ang debate niyan sa Kongreso.

Q: May narinig nga ho ako na sinabi ng Malacañang na better be late than complicated.

SPFMD: Tama po 'yan dahil kapag komplikado talagang hindi po madaling ipasa 'yan.

Q: Ano pong information ninyo Senate President Drilon, bago po mag-adjourn, ma-su-submit or kapag nag-resume na po sa July ang submission ng proposed bill na ito?

SPFMD: Kung i-submit po nila bago mag-sine die, wala na rin kaming magagawa. Sa akin po, mas mabuti na tingnan nila ng husto. I have no information kung kailan nila ma-su-submit 'yan.

Q: Baka po mabanggit na lang ito ng Pangulo sa SONA at doon na lang banggitin kung kailan ito ma-su-submit sa Kongreso.

SPFMD: Hindi ko pa po alam.

Q: Dagdag pa po Senate President Drilon kasi hanggang next week na lang po ang inyong session at mayroon pa tayong miyembro ng gabinete na hindi pa po nakakalusot sa Commission on Appointments. Mukhang maisasalang bago mag-sine die sa confirmation hearing si Secretary De Lima.

SPFMD:: Ngayong araw na ito, I think may hearing sila De Lima, Dinky Soliman, Comelec Commissioner Padaca, COA Commissioner Heidi Mendoza. Ilan po 'yan sa naka-schedule sa hearing today at sa susunod na linggo.

Q: 'Yung kanilang confirmation, depende na lang po kung walang oppositor at kung walang haharang na miyembro ng CA?

SPFMD:: Tama po 'yan ngunit pag isa sa features ng CA ay hindi mo pwedeng ipagpaliban kapag nasa plenaryo na. Hindi mo na pwedeng ipagpaliban ang botohan pagdating sa plenaryo on sine die kailangan pagbotohan.

Q: Hindi po pwede i-invoke ang Section 20?

SPFMD:: Tama po 'yon.

Q: Sir, may proposal po si Senator Trillanes, 'yung two-strike policy na kung twice na bypass sa CA, dapat hindi na pwedeng i-reappoint ng Pangulo. Kumporme ba kayo sa ganoong panukala?

SPFMD:: Kumporme man tayo o hindi, sa palagay ko, pag-aralan natin ng husto lalo na sa Saligang Batas dahil 'yan po ay limitasyon sa kapangyarihan ng Pangulo na maghirang ng isang miyembro ng gabinete. Sa akin, ang better rule, pagkatapos ng dalawang bypass, kailangan pagbotohan na. Hindi po pwede na i-take ang route na sige i-bypass natin, hindi natin pagbobotohan. Sa akin, after two bypasses, let us vote on it. Hindi na pwede 'yung pangatlong bypass, kailangan pagbotohan. Pero hindi mo pwedeng sabihin na bawal ng i-appoint. That is, to me, ay limitasyon sa kapangyarihan ng Pangulo sa ilalim ng Saligang Batas ng maghirang ng kanyang miyembro ng gabinete.

Q: Sir, kapag nagbotohan, it's either confirmed or rejected? Tama po ba 'yung term?

SPFMD:: Tama po 'yan. Confirm or reject. Pabor ako doon. On the third time, either confirmed or rejected.

Q: At kapag rejected po, hindi na pwede i-reappoint ng Pangulo?

SPFMD:: Hindi na pwede i-reappoint.

Q: Mayroong proposal na mag-create na lang po ng isang independent Truth Commission. Ito na lang po 'yung maghandle ng imbestigasyon sa pork barrel scam dahil ang dating sa iba ay magulo na 'yung kaso, nakakaabala pa sa law making na trabaho ng ating mambabatas. Mag-create na lang daw po ng isang independent Truth Commission.

SPFMD:: Sa akin po, unang-una, kailangan pag-aralan natin ng husto 'yan dahil sa ating batas ngayon, ang may kapangyarihan sa ating Saligang Batas na mag-imbestiga ng anti-graft cases ay ang Ombudsman. Hindi po nating pwedeng ilipat 'yan sa independent commission. 'Yung investigation at prosecution niyan ay nasa Ombudsman ayon po sa ating Saligang Batas. Palagay ko malapit ng madesisyunan ng ating Ombudsman ang kaso. Konting hintay na lang. Hindi na kailangan ng independent commission dahil mag-aakto na ang Ombudsman. Sang-ayon sa Ombudsman, mag-aakto sila sa lalong madaling panahon.

Q: Mukhang pinag-iinitan si Budget Secretary Butch Abad. Sinisilip ngayon 'yung pagkakaroon ng 11 Abad sa gobyerno. Ito po ba ay isang uri ng nepotismo?

SPFMD:: Kilala ko po ang pamilyang Abad. Matino pong pamilya 'yan at marurunong. 'Yan po ay nakakalungkot na sa lahat ng kawani ng gobyerno, si Butch Abad at ang kanyang anak na si Julia Abad na nanungkulan bilang miyembo ng gabinete at PMS. Wala po akong masabi. Matinong pamilya po 'yan kaya nakakalungkot. Malapit na po ang halalan. Isa, dalawang taon na lang kaya lumalabas na lahat ng klaseng intriga. Sana po wag ganong klaseng tapunan ng putik.

News Latest News Feed