Press Release
June 3, 2014

Transcript of Ambush Interview with Senate President Franklin M. Drilon

Q: On the modernization of PAGASA

SPFMD: Dahilan sa malapit na po ang pag-ulan at maraming weather disturbances, ay atin pong hinhiniling na maimodernize na ang PAGASA. Malaking bagay po ito kung mamamodernize ang PAGASA. The modernization of the PAGASA can help the people by preventing losses in lives and property. So it's very critical that we give every support to PAGASA.

Q: Paano po yung brain drain, paano po ito maaddress ng modernization ng PAGASA?

SPFMD: Obviously, we have to be competitive. We have to provide incentives so people would stay. It is important that we have competent people who will run PAGASA.

Q: May nagsasabi po na ang Senado, puro pork scam ang inaatupag, kamusta na po ba ang Senado?

SPFMD: You know duon sa aming regular meetings sa House, napagkasunduan namin na mayroon kaming around na 15 na panukalang batas na ipapasa. Unang una yung graphic health warning sa sigarilyo, sisikapin namin na maapprove on third reading on Monday. Yung liberalization of foreign banks, kung saan ililiberalize natin ang pagpasok ng foreign banks.

Andiyan din yung mga education bills, tulad ng Iskolar ng Bayan Act, yung bill on open highschool system at distance learning system , kung saan ang mga out-of-school youth ng ating bansa - na madami - ay mabibigyan ng pagkakataon na makapagtapos ng pagaaral, kahit na hindi physically pumapasok sa paaralan, through modern technology.

Q: Meron po bang legislation na ipapasa to prevent another pork scam?

SPFMD: Well, we already abolished the pork barrel system, ang PDAF system. Nanguna po tayo sa Senado na alisin ang pork sa Kongreso. At pinasa din natin ang pagbilis ng pagdinig at paglilitis ng kaso sa Sandiganbayan. Meron po tayong ipinasang batas na magbabago sa proseso ng Sandiganbayan upang mapabilis ang mga kaso dito.

News Latest News Feed