Press Release
June 9, 2014

Transcript of ambush interview with Sen. Alan Peter Cayetano

I WILL CALL ON THE SUPREME COURT TO STUDY THE POSSIBILITY OF HAVING A LIVE COVERAGE OF THE PDAF CASES.

I am writing a letter to the Supreme Court, asking them to study well and consider very respectfully the allowing of the live coverage of the Sandiganbayan hearings on the PDAF scam. Alam natin na dalawa ang kailangan ng ating bansa - katarungan at ang mabilis na paglilitis. We need swift justice but precisely, it should be fair. Justice means mabilis, pero fair.

At makikita po natin, kalian ba ang tao ay on their best behavior, hindi ba kapag sila ay binabantayan at kapag sila ay nanliligaw? Ang korte ay nililigawan ang tao at sinasabing "this is the justice system, professional kami, we will decide on the merits;" Ang prosecution, nililigawan ang tao, na sinasabing "ito ang ebidensya namin, mabigat;" Ang defense, nililigawan ang tao, sinasabing "hindi totoo yan, mapapawalang sala sila."

Kung titingnan natin, all over the world, kapag nagkaroon ng live coverage, nagiging part ang komunidad sa panghuhusga at mas madaling tanggapin ang desisyon at tumataas ang tiwala ng tao. Tumataas ang tiwala sa institusyon at gobyerno.

Tingnan niyo po ang nangyari kay Rodney King noon. Ang verdict lang ang ni-live nila at hindi tinanggap ng mga kababayan nila. Kaya anong nangyari? Riots. Maraming namatay, maraming nasaktan.

Kung gusto natin maging example at maging landmark itong kaso na ito, ito na ang magbabago sa image ng Pilipinas na kapag may korapsyon, masasakdal ka, magkakaroon ka ng day in court pero fair, I think the live coverage will answer many of the questions we have. One of the questions is, will it take ten years, will it take five years? The other question is, paano kung ang manalo [in 2016] ay kaalyado nila? Ang live coverage will answer all of this kasi bibilis ang paglilitis and all sides will make sure na fair ang paglilitis.

EVERYONE WILL AGREE NA DAPAT FAST TRIAL AS LONG AS FAIR. ANG PAGIGING FAIR AY MABABANTAYAN PAG MAY LIVE COVERAGE TAYO.

Well, mismong American justice nagsabi na justice delayed is justice denied. Sa Amerika, pag kriminal case araw-araw Monday to Thursday naghe-hearing then Friday it's motion day. Tayo kung mag two to three days tayo during Monday to Thursday tapos maghihigpit tayo, eh di before 2016 makakatapos tayo. Walang normal na tagal o bagal but everyone will agree na dapat fast as long as fair. Fair ibig sabihin lahat ng sides, lahat ng dokumento i-produce. Ang mangyayari lang dyan maghihigpit ang judge na hindi pwede sa mga abogado na postpone ng postpone. Hindi rin pwede na yung witnesses sasabihin wala dito, ayaw, etc. Yan ay mababantayan pag may live coverage tayo.

I am making the appeal to the media ngayon at sana yung mga kapatid natin sa media na naniniwalang tama ito, ay sumangayon din. Remember, we're not asking the Supreme Court to make this a general rule. Pwedeng gawin ito na eksperimento ng Supreme Court. Pwedeng sa kaso na'to, umpisahan natin and then i-assess nila pagkatapos.

News Latest News Feed