Press Release
June 19, 2014

Kapihan sa Senado with Senator Jinggoy Estrada

SJE: Good afternoon everyone. Sa dami ng Kapihan sa Senado na ating pinuntahan, ngayon lang yata naging blockbuster. Andaming mga camera. Siguro sinasamantalahan niyo na ako. Anyway, I am enjoying my last days of freedom.

Question: Sir, could we know the details doon sa allegedly gentleman's agreement between the three senators and CIDG Chief Benjamin Magalong?

SJE: Unang una, sometime last month, I received a call from General Benjie Magalong. We talked about the impending arrest, upon the issuance of the warrant of arrest by the Sandigan Bayan. I committed to him.. I assured him that I will surrender peacefully. There is no need for them... for the policemen to arrest me in my residence. Simply because I do not want my children to see me arrested. Baka magkaroon ng trauma ang mga bata. I will just go to PNP or kung saan ako papupuntahin ng Sandigan Bayan.

Q: So Sir, si Gen. Magalong iyong tumawag sa iyo? Hindi kayo ang tumawag sa kanya?

SJE: Hindi. Si Gen. Magalong.

Q: That was a month ago? And, that time wala pang kaso sa Sandigan Bayan?

SJE: I think so.

Q: Sir, how about po if the NBI will serve the arrest warrant?

SJE: Siguro makikiusap din ako sa NBI na doon na din ako susuko. Basta kung saan ako papupuntahin ng Sandigan Bayan, kung saan ako i-commit ng Sandiganbayan doon ako pupunta.

Q: Sir, right now, sa tingin niyo very imminent na talaga iyong issuance ng warrant of arrest?

SJE: I think that is already inevitable. Wala nang magagawa.

Q: Sir, meron po bang agreement na poposasan po ang mga senador?

SJE: From what I heard on tv na hindi naman daw kailangan posasan pa ang mga senador.

Q: Pero sila? Sa personal nilang sinabi sa inyo na agreement na don't worry walang posas kayo? May ganun po ba na practice?

SJE: Tinanong ko. Actually, that was one of my questions addressed to Gen. Magalong kung poposasan kami. Hindi naman daw.

Q: Pero may request kayo na hindi na kailangan kayong posasan?

SJE: Wala akong request. They can handcuff me if they want to.

Q: Sir, May balita po na pati iyong mug shots ay hindi ia allow na makuhan ng media.

SJE: Well salamat. The first time that we were arrested in 2001, pinakita sa public iyong mug shots namin ni Pres. Erap.

Q: Tinawagan din hindi lang po ikaw ni Gen. Magalong sina Senators Revilla and Enrile?

SJE: Hindi ko alam. I do not any idea.

Q: Sir, meron po ba kayong napag usapan na special request para sa detention cell niyo?

SJE: Wala. Wala. Sinabi lang niya na walang aircon, walang tv, walang mga gadgets. Pero kung puwede mag request na magkaroon lang naman ng tv. Kasi kung hindi naman kami suspendihin ng Sandigan Bayan, na sana hindi naman kami sususpendihin, e senador pa rin naman kamil.Siguro may karapatan pa rin naman kami na malaman kung ano ang mga nangyayari sa labas.

Q: Sir, so wala kayong communication kina Senators Bong Revilla and JPE na kung saka sakali sabay sabay kayong pupunta sa Crame?

SJE: Remember, there are three divisions. Puwedeng mag issue ang isang division ng warrant sa isang senador. Puwede naman na ang isang division mag issue ng warrant kinabukasan sa isang senador. Hindi natin alam. Hindi naman necessarily na sabay sabay silang mag issue ng warrant of arrest.

Q: Sir, do you have any plans to file a petition for bail?

SJE: Definitely. Of course.

Q: Kung papapiliin ka, ang gusto mo ay house arrest?

SJE: That question, iyang issue na iyan, kasi tinanong ako ng isang reporter, nakalimutan ko kung Channel 2 or Channel 7 or Channel 5. Tinanong ako kung saan ang pipiliin ko na makulong? Sinagot ko na kung pupuwede sa bahay, e di sa bahay na lang ako. Pero hindi ako hihingi ng house arrest sa Sandigan Bayan.

Q: Sir, I remember your father, former President Estrada, iyong naharap sa plunder case, may nag offer sa inyo to leave the country. Now that you are facing another plunder case, mayroon po bang nag advise sa inyo to leave the country?

SJE: No. In fairness to the government, there is no offer for me to leave the country. Pero kahit na may nag offer na umalis ako, I won't leave the country. I will face the charges squarely.

Q: Ito na iyong second time na naharap kayo sa plunder, is there any regret for you that you entered politics?

SJE: No. No regrets. I have already dedicated my life for almost three decades in public service. I do not have any regrets. And, if ever I will be acquitted in the case filed against me, I will still continue to serve the people to the best of the interest of the people.

Q: Sir, si Sen. Revilla, he is willing to run for president sa 2016 kung may public demand. How about you sir?

SJE: Ako for presidency?

Q: or vice president? For higher position?

SJE: Well, let us just cross the bridge when we get there. Matagal pa naman iyon. Sana mapadali na itong kaso para malaman natin ang buong katotohanan.

Q: Is there any offer or clamor for you to run for presidency or higher office?

SJE: Well, I was perceived to be running for higher office before, and wala pa namang pagbabago doon sa mga plano.

Q: Is there any offer from Vice President Jejomar Binay?

SJE: Well, I haven't talk to the Vice President.

Q: Did you already talk to your family or your children regarding your situation?

SJE: I have already talked to my children regarding my situation. I advised my family to pray and to stay strong while I am in jail. Kaya lang, hindi ko masyadong ma-take kumbaga ang nararamdaman ng bunso kong anak, dahil ang tatlo kong anak ang malalaki na, may isip na. pero itong bunso, parang she cannot take it. Parang hindi niya pa maintindihan. Minsan nagtatanong siya sa nanay niya kung bakit daw ako makukulong. Hindi na namin kailangang i-elaborate sa kanya.

Q: Isa sa plano daw po ni Sen. Revilla na magbasa daw siya ng bible sa loob ng detention cell. Kayo, may pinaplano na ba kayo or ayaw niyong pagplanuhan kung ano ang mga gagawin niyo sa loob ng detention?

SJE: Lagi kasi akong nagdadasal eh Si Sen. Bong ngayon lang yata nagdasal e.

Q: Sir, mas gusto mo bang magkasama kayo? Or hiwalay ng detention cell?

SJE: It's not for me to decide. It's for the Sandigan Bayan to decide where to commit us.

Q: Pero kung bibigyan kayo ng chance na mag request, mas gusto niyo bang may makasama kayo?

SJE: Well, para may makasama ako at may makasama siya. Malungkot sa loob ng kulungan. I have already experienced that. Kahit maganda ang lugar mo, still your movements are restricted and limited. Mahirap iyon.

Q: Mas gusto niyong ma resolve ang kaso sa lalong madaling panahon? Or gusto niyong ma delay ito?

SJE: Oo. If I were to be asked, kahit araw-araw, maghearing kami sa Sandigan Bayan, walang problema sa akin.

Q: Marathon hearing?

SJE: Yes.

Q: Iyong creation sa special divisions, kasi pending pa iyon sa Korte Suprema?

SJE: Personally, I am opposed to the proposal of the ombudsman to create 2 special divisions since special divisions are really designed or created to convict the accused. Wala pa namang special divisions na na create na in-acquit ang mga akusado e. Even if you go by history, noong araw pa hanggang panahon pa ng tatay ko, all of them were designed to convict the accused.

Q: Last time magkasama kayo ni President Erap?

SJE: E ako noong araw, kaya ako siguro isinama ng ombudsman sa charge sheet noong 2001 sa plunder, siguro para lang may makasasma ang tatay ko dail wala naman talagang kaso e. Ngayon, hindi ko naman masingil ang tatay na samahan ako sa loob. Joke lang.

Definitely, wala akong makakausap, wala ang tatay ko. Wala ang nanay ko, nanay ko, ang pamilya ko. It would be much much lonelier inside.

Q: How is your father and your mother, ready na po ba sila?

SJEE: Wala namang choice, wala namang magagawa eh. Lalo na ang nanay ko, walang ginagawa iyon kundi magdasal nang magdasal iyon para sa akin.

Pa-react lang sa sinabi ni Pres. Erap na you were careless daw kayo.

Sen. Jinggoy: Well, careless in a sense na nagtiwala ako na hindi bogus 'yung NGO because I was made to believe that these NGOs were legitimate. Because I've been receiving reports coming from the farmer beneficiaries na talagang nagdedeliver sila ng mga supplies, mga agricultural inputs. I was made to believe that these were legitimate NGOs. Had I known these were bogus NGOs... bakit ko naman cha-channel ang aking PDAF sa mga bogus NGOs? That is the duty and responsibility of the implementing agencies to determine whether an NGO is bogus or not.

Q: So, sir, gagamitin n'yo 'yan argument sa kaso na nagtiwala lang kayo at hindi n'yo alam na mga bogus NGOs?

Sen. Jinggoy: No, that is the job of the implementing agencies to determine na kung bogus or legitimate 'yung NGO. Trabaho 'yan ng mga implementing agencies. Pinagkatiwalaan ko na 'yung mga implementing agencies ay gagawin nila ang kanilang trabaho na siguraduhin na legitimate ang mga NGOs na accredited nila... sila mismo ang nag-accredit ng mga NGOs, hindi naman kami. We are there to determine kung anong NGOs, kami purely recommendatory lang, sila dapat magdecide kung talagang bogus or not. The least that they should have done is to inform the senators na bogus mga NGOs na 'yon.

Q: Sir, may communications ba kayo ni PNP Chief Purisima?

Sen. Jinggoy: Wala. It was only Dir. Magalong.

Q: Sir, anong pakiramdam n'yo sa imminent arrest?

Sen. Jinggoy: Torture. Mental torture. Hindi natin alam kung kailan, bukas, next week or two weeks from now lalabas ang warrant. Hindi natin alam.

Q: Sleepless night?

Sen. Jinggoy: Hindi naman. Natkakatulog naman ako ng mahimbing.

Q: Sir, what will you do if you will be informed about the warrant of arrest? Maghahatid ba kayo ng family?

Sen. Jinggoy: Baka ihatid lang ako ng misis ko o ng aking mga magulang. Actually, I don't want my children to bring me to the detention cell.

Q: Kung hindi naman preventive suspension, you will still perform your job as a lawmaker?

Sen. Jinggoy: As long as we are not suspended by the Court or the Sandigan, we can still function, perform our duties and responsibilities as a senator, we can conduct hearings inside like what Sen. Trillanes did before when he was incarcerated. He conducted hearings inside the detention cell.

Q: So, puwede na kayong tatlo ni Sen. Enrile...

Sen. Jinggoy: May quorum na kami...

Q: Kung mayroon na warrant of arrest, tatawagan kayo at hindi na kayo ipipick up?

Sen. Jinggoy: Hindi na. Magkikita na lang kami sa Crame. Pero, nakiusap ako sa kanila na bigyan ako ng konting leeway, isa, dalawang oras, tatlong oras, siyempre kailangan ko magdala ng mga gamit. Kailangan kong maligo.

Q: Are you packed up?

Sen. Jinggoy: Malapit lang bahay ko sa Crame. Five minutes away lang.

Q: Pero, sir, na appreciate n'yo ba na may ginawa naman silang improvement sa detention center?

Sen. Jinggoy: Kung ako tatanungin, okay na sana doon kaya lang the last say will be the Court, the Sandiganbayan. Eh, kung sasabihin ng Sandiganbayan "dalhin n'yo itong si Sen. Estrada sa regular city jail," May magagawa ba ako?

Q: Sir, what's the composition of your legal team? What are their preparations?

Sen. Jinggoy: My legal team is headed by former prosecutor Atty. Jose Flaminiano, Atty. Sabino Acut, Atty. Malaya and their associates. I think tomorrow, the Sandiganbayan fifth division will hear our motion for judicial determination of probable cause.

Q: So, most probably, hindi pa po imminent 'yung issuance of warrant arrest? Sen. Jinggoy: Tomorrow, I don't think so. Most probably kung talagang mamadaliin, probably next week.

Q: 'Yung legal team n'yo may kanya-kanya bang assignment?

Sen. Jinggoy: Yes. Mag-uusap sila kung sinong mag-aargue... kung sino ang mag-appear.

Q: Sir, bukod doon sa petition for bail....

Sen. Jinggoy: Wala pa akong petition for bail, ano pa lang motion for judicial determination of probable caus.

Q: Is there any plan for a petition for bail?

Sen. Jinggoy: Definitely, of course. Ang ibig sabihin naman nun, pag inaresto ka, hindi sinasabing guilty ka. Kung non-bailable offense, hindi agad sinasabing na guilty ka. Kaya nga kinukulong para hindi ka tumakas sa responsibilidad mo na dapat araw-araw ka nasa hearing kapag tinatawag ka ng Korte. But that doesn't mean that you are already guilty pag nakakulong ka. Kaya nga magfa-file kami ng motion for bail because the bail is a matter of right.

Q: Sir, if your petition for judicial determination of probable cause is dismissed...

Sen. Jinggoy: if it is dismissed magi-issue na ng warrant of arrest.

Q: How about the warrant of arrest for Sen. Bong?

Sen. Jinggoy: Well, I cannot speak in his behalf. Iba kasi yung binagsakang division namin. I do not know as to what motions they filed in the Sandiganbayan. I can only speak for myself, for my case.

Q: As a friend, when you talk to Sen. Revilla, kapag nakakausap niyo siya, nandoon ba takot n'ya?

Sen. Jinggoy: Siyempre first time lang niya 'yan. Di pa yan sanay makulong. Kung ako hihingan niya ng advise: Stay cool, lagi siya magdasal kasi noong araw noong nakakulong ako, naalala nakadalawang buwan na ako sa loob ng kulungan, napansin na siguro ng nanay ko na masyadong din a ako mapakali, na gusto ko nang lumabas, binigyan ako ng novena prayers. Sabi ng nanay ko sa akin, magdasal daw ako gabi-gabi tapos makakalabas daw ako. Ako naman siyempre susunod ako payo ng nanay ko. Gabi-gabi nag nonovena ako, paulit-ulit na nga. Ang daming novena, ang daming santo, si St. Jude, Sta. Filomena, Our lady of Manaoag, Kinuwestion ko nanay ko, sabi ko.."Ma, lahat pinagdasal ko na, hindi pa rin ako nakakalabas, nandito pa rin ako, naging barkada ko na nga lahat itong mga santong pinagpapadasal mo sa akin." Tumawa lang s'ya nang tumawa, sabi niya, in due time lalabas ka. Kailangan kumapit ka pa rin sa Panginoon. Ang nanay ko relihiyosa. It worked naman for me. Naging panata ko pa nga na sabi ko noong nasa loob ako ng kulungan nangako ako sa Panginoon na kapag ako nakalabas dito, linggo-linggo akong dadalawin ko talaga sa Baclaran. Simulang lumabas ako ng 2003 up to now, hindi ako namimintis, lagi ako pumupunta sa Baclaran. Siguro mangangako na naman ako, dalawang beses na.

Q: Sir, are you willing to testify and be cross-examined.

Sen. Jinggoy: Of course, SOP naman iyon. Ico-cross examine naman ako siguro ng mga prosecution panel.

Q: Sir, pagdating ng trial may bagong argument pa ba kayo iprepresent?

Sen. Jinggoy: Wala pa naman kami na-present sa Sandiganbayan so far. Siyempre in the course of the trial may lalabas na mga ebidensya.

Q: Sir, kinakabahan ka pa rin ba (on being jailed)?

Sen. Jinggoy: The fear is always there of course. Siyempre mahirap. The mere of it na makulong ka, na makulong ka naman ay tumatayo ang balahibo ko, lalo kapag naiisip ko ang mga anak ko, ang pamilya ko.

What is the lesson na natutunan mo ngayon na may panibago kayong plunder case?

SJEE: This is the price that I have to pay. Alam ko naman from the very start when I entered politics, this is a dirty game. But I will never give up. Ito ang kinagisnan ko, dito ako masaya, masaya akong tulungan ang ating mga kababayan at hindi po ako susuko. Sa lahat ng mga bumabatikos sa akin, nagki-criticize sa akin, hindi kayo magiging dahilan sa aking pagsuko sa aking laban.

Hindi po kayo nagsisisi na in-endorse niyo ang mga NGOs?

SJEE: I was made to believe that they were legitimate NGOs. Sino ba namang senador na mage-endorse ng NGOs na bogus? I will be the first one to denounce it. Hindi ako mag-e-endorso sa bogus NGOs. Trabaho ng IAs iyon, ng mga implementing agencies. Why blame us?

On the statement of a CBCP official urging senators implicated in the pork scam to say sorry.

SJEE: Why would I apologize? There's no basis for me to apologize because m conscience is clear.

Sino ang mga balak niyong iharap na witnesses?

SJEE: Hindi ko pa alam. It's still premature.

Pero part na iyon ng preparations ng legal team mo?

SJEE: Wala pa. Of course, kahit mayroon na, I will not divulge it. Siyempre strategy ng legal team ko iyan.

Si Pauline Labayen, do you see her helping you out?

SJEE: I have not seen her, I have not talked to her. I really do not know where she is right now.

No communication, no information about Pauline? SJEE: No communication whatsoever.

Ano ang pinakamami-miss mo?

SJEE: Mami-miss ko iyong linggo-linggo kong pagpunta sa Baclaran. Mami-miss ko ang pamilya ko, hindi naman araw-araw na magkakasama kami sa loob ng kulungan. At siyempre ang higit sa lahat, mami-miss ko ang interaction ko with my constituents.

Sa mga senador may mami-miss ka ba?

SJEE: Wala.

Wala?

SJEE: Wala.

Wala ka talagang mami-miss?

SJEE: Wala. Iyong mga mababait sa akin, mami-miss ko.

Like who?

SJEE: Marami namang mababait. Si Sen. Nancy, iyan napakabait na bata niyan. Mas matanda kasi ako. Si Sen. Sotto...

Lahat ng mga taga-minority, mami-miss mo sir?

SJEE: Hindi lahat. Sa akin na lang iyon kung hindi ko mami-miss.

Iyong staff mo prepared na rin ba sila?

SJEE: Nung nag-adjourn tayo sine die, dininer (dinner) ko na sila. Sabi ko, "Don't cry for me. I shall return."

Have you talked to your father regarding Sen. JV Ejercito signing the Blue Ribbon report?

SJEE: I don't want to talk about it.

On chairmanship of the Senate Labor Committee.

SJEE: Well I have already requested, because I have 2 pending labor bills, which I already sponsored before we adjourned, I had requested Sen. Angara to defend them if I am unable to attend the sessions, and Sen. Pia Cayetano.

Tinuturuan na ba daw kayong gumawa ng loombands para maging libangan niyo habang nasa detention?

SJEE: Gusto na akong turuan ng asawa ko na gumawa, kaya lang hindi ko kaya dahil parang gawaing pambabae iyon. Pero kung talagang wala na akong magawa sa kulungan, siguro magpapadala na ako para gumawa ako ng loombands. Pero wala naman akong mapagbebentahan na mga inmates doon dahil ang mga inmates ko dalawa lang.

Ang VACC is calling on the DILG Sec. Roxas and PNP Chief Purisima to resign dahil nagwo-worsen daw ang criminality, maraming high profile killings?

SJEE: First of all, if you compare the crime rate naman during the previous administration and during the present administration, for me mas talamak ang killings noong araw kung ikukumpara ngayon. Ang advice ko lang na talagang higpitan ng chief PNP ang kanilang mga chief of police na sinasakupan ng mga killings, hindi lamang sa high profile personalities, kung pati sa media killings.

Sa tingin walang basis?

SJEE: Wala naman... Tingin ko dapat sibakin ni Gen. Purisima lahat ng mga chief of police na talamak ang kanilang crime rate.

Ano daw ang plano ninyong pamatay oras habang nasa loob?

SJEE: Wala, kasi noong araw based on my experience ang ginagawa ko noong araw: exercise Monday, Wednesday, Friday. Kain, nood ng teleserye, kain, tapos tulog. Importante sa akin iyong cable para makapanood ulit ako ng teleserye.

Exercise para manatili kayong sexy, sir?

SJEE: Dapat kailangan kong maging sexy para sa inyo.

Paano kapag binisita kayo ni Sen. JV sa detention.

SJEE: Next question please.

Pero ang conjugal visit araw-araw iyon?

SJEE: (laughs) Sana nga araw-araw.

Iikot ba kayo gaya ng ginawa ni Sen. Revilla?

SJEE: If I still have time. Kung lalabas na ang warrant of arrest, paano pa ako iikot?

May standing offer po si Sen. Bong na minsan magsama kayo sa pag-iikot.

SJEE: Yeah oo. Hindi ko lang siya nasamahan. Marami kasi akong ginagawa.

Saan kayo abala?

SJEE: Siyempre spending time with my family.

Ang minority hindi muna nag-meeting kung sakali mang dalawa kayong mababawas sa minority bloc?

SJEE: Wala. the last time we met siguro was last month or two months ago.

Kumusta ang morale ng minority bloc sa Senate?

SJEE: Ok naman.

When was the last time na nakausap mo si JPE?

SJEE: Halos araw-araw nagtatawagan kami. Siyempre mas naaawa ako kay Sen. Enrile, he is already 90 years old, marami pang nararamdaman, mahina ang tenga, tumataas ang presyon, ang mata niya. Dapat talaga, for me, sana i-consider ng Sandiganbayan, ng kanyang division, ang house arrest. Kawawa naman.

Mayroon ba siyang advice sa inyo? Ano ang napapag-usapan niyo ni JPE?

SJEE: You better be strong. Don't think about it. Kaya natin ito. Nagbu-boost siya ng aking morale.

Tinutulungan ka ba niya sa gagawin mong depensa sa kaso mo?

SJEE: Gina-guide naman niya kami.

Including Sen. Revilla?

SJEE: I do not know. Baka naman pati si Sen. Bong.

Hindi ba sumagi sa isipan niyo na nagsisisi kayo na politiko kayo?

SJEE: Hindi. No regrets.

(Gagawa kayo ng movie?)

SJEE: Gagawa kami ng movie? Hindi siguro. Siguro kaunti lang ang nakakaalam sa inyo, before this scam came out, nakagawa na ako ng pelikula, hindi ko lang napalabas. Kami ni Maja Salvador.

Ano ang title sir?

SJEE: Actually ang title noong pinapalitan ko na. Kasi it was about a family, parang father of the bride. Pinapalitan ko na ng title - "Ang Daddy kong Sexy."

Ano ang original title?

SJEE: "Daddyguard." .. Baka malagay sa archives iyon.

Seryoso iyon?

SJEE: Depende sa producers at direktor kung papayag. Pero pinapapalitan ko.

Mayroon ba kayong ina-arrange na despedida, gathering?

SJEE: Despedida? Wala. I just hope na hindi pa lumabas ang warrant of arrest bago kami mag-celebrate ng silver wedding anniversary sa June 28. Actually 2 years na naming pinag-planuhan ito ng misis ko. Pero noong nagkaroon ng problema, hindi na namin na-plano. So kung saka-sakali na hindi kami issue-han ng warrant of arrest before June 28, siguro magkakaroon lang kami ng simple gathering with my close friends and relatives.

May renewal of vows?

SJEE: Simple na lang. dapat iyon, siyempre it's a milestone. Magse-celebrate kami. Kaso with these events that are unfolding right now, Malabo na siguro. Pero sabi ko naman sa asawa ko, pakakasalan ko siya ulit kahit sa loob ng kulungan.

Nag-start na po ang classes, kumusta ang mga anak niyo sa eskuwela? May naririnig ba kayong sumbong na binu-bully sila?

SJEE: Wala naman sa ngayon. Actually kaya na nila iyon. They have experienced that before when they were still young. Pero ngayon kaya na nila iyan. Iyon lang maliit (youngest daughter, 8 years old) ang inaalala ko... Well, nagtatanung-tanong sa nanay niya. Umiiyak na lang sa akin.

Compared sa una niyong plunder case, is there any difference now?

SJEE: Before it was my father who was the target, now it is the 3 senators who are the targets. So medyo magkaiba.

Parting words?

SJEE: This might the last Kapihan sa Senado before the Sandiganbayan issues a warrant of arrest against me. I assure the public, my constituents that I will still serve to the best interests of my constituents. Kahit nakakulong ako, magta-trabaho pa rin ako. Sa mga kumukutya, sa mga bumabatikos sa akin, hindi po kayong magiging dahilan sa pagsuko sa laban na ito. Lalaban ako hanggang sa aking huling hininga dahil wala po akong kasalanan. Salamat.

With that thank you very much and good luck, Sen. Jinggoy Estrada.

SJEE: Thank you.

News Latest News Feed