Press Release
June 25, 2014

Transcript of DZRH Interview with Senate President Franklin M. Drilon

Q: Mahaba-haba po ang inyong break. Ang pagbubukas pa po ulit ng sesyon ay sa July.

SPFMD: Tama po iyan Joe. Sang-ayon po sa ating Saligang Batas, ang pagbalik po natin sa Kongreso ay sa fourth Monday of July, on July 28.

Q: Maaring hindi apektado ang inyong Kapulungan sa nangyari sa inyong tatlong senador, but definitely as individual members of the Senate, ay apektado rin ang inyong miyembro sa kalagayan ng inyong mga kasama.

SPFMD: Well, the senators are mature enough. Alam namin na may probema ang aming tatlong kasamahan, ngunit patuloy po ang trabaho sa Senado. Pagdating ng Hulyo, ng SONA, the President will define his legislative agenda. Ang budget po ay ibibigay sa Kongreso one week after the SONA. Tatalakayin namin iyan at tatapusin namin yan bago matapos ang taon, notwithstanding na kulang kami ng tatlo.

Yung Bangsamoro Basic Law, tatalakayin din natin. Gagawin natin lahat ng kailangan naming gawin. e Yung tatlong senador - sila Sen. Revilla at Sen. Estrada- naman ay may mga vice chairman sa kanilang mga Senate committees. Sila po ang mag-take over dito. Ganundin po kay Sen. Minority Leader Juan Ponce Enrile. Sen. Sotto as the Deputy Minority Leader will take over the functions of Sen. Enrile.

Q: Pinag-uusapan natin ang 2015 budget. Dito po ba makakasigurado na ang tuambayan na wala nang magmamanipulate at makapagsisingit ng PDAF dito sa 2015 budget?

SPFMD: Nakakasiguro po kayo, aking mga kababayan. Ang sagot po ni Senator Drilon, Wala pong maisisingit na PDAF sa taong ito. Ating titiyaking na walang PDAF o kahalintulad nito sa 2015 budget. Wala na ang PDAF sa Senado. Tayo po ang nanguna diyan. Inalis namin ang PDAF sa current budget. Asahan po ninyo na sa 2015 budget, wala pa rin po ang PDAF.

Q: Ngayon po ay maraming panukalang batas na dapat talakayin sa pagbalik ng sesyon. Pero nagkakaroon po ba ng pagkakataon ang Senado na kahit papano alamin ang dahilan sa mga dugtong dugtong na problema ng ating bayan? Lalo na yang presyo sa agricultural products - akalain nyo yun, agricultural products, ganoon ang itinataas na presyo?

SPFMD: Tama iyan Joe. Nagulat tayong lahat sa nangyari. Kaya iimbestigahan namin iyan sa Senate Committee on Agriculture. Dapat tingnan natin kung bakit tumaas ang presyo ng mga bilihin, tulad ng bawang. Biglaann ito. Ito ba ay kakulangan sa produksyon? Kailangan ba natin ng mas maraming ektarya ng tataniman ng garlic, kung napakakulang ng production natin? Kung hindi kulang, ito ba ay mataas ang production costs? Kulang ba ang assistance ng gobyerno, tulad ng sa pautang o yung access to credit?

Kung may sapat na production, bakit tumataas? Ito ba ay artificial, dahil sa hoarding? Ito ba ay dahil sa ang kumikita dito ay mga trade leaders na may monopolya? Kung ganun ang lalabas ay dapat natin iprosecute yan sa tulong ng Department of Agriculture at ng Department of Justice. Yaan ay aming aalamin.

Q: Kayo man po ay magugulat nang mabasa namin sa isang pahayagan ang isang masusing report, mula pa pala 1900 kopong kopong, ay wala pa sa 20% ang napoproduce na bawang ng bansa. Wala pa sa 20% percent ang galing sa bansa, inaangkat lang natin ang karamihan.

SPFMD: Tama iyan Joe. Baka nga ang solusyon dito, ay kailangang suportahan ng gobyerno ang ating garlic farmers nang sa ganon ay makagawa tayo ng mas maraming supply. Sabi nga, it's the law of supply and demand. Kung marami ang demand at hindi sapat ang supply, talagang tataas ang presyo. Sangayon sa data na yan, 20% lang ng ating national demand ang kayang tugunan ng local na farmers. Dito maraming opportunity na hindi natin nabibigyan ng suporta. 80% ang additional market dito, kaya bigyan natin ng pansin iyan.

Q: Marami po ang nagsasabi na sa mga nangyayari ngayon ay panahon na para ireview at itama ang polisya ng ating bansa.

SPFMD: Tama po iyan, mayroon akong panukalang batas na naipasa na namin sa Senado, na yung House version ay ipapasa pa lang. Eto yung bill sa pagpapabilis sa pagdinig ng kaso sa Sandiganbayan. Isang epektibong paraang ng laban sa korapsyon ay yung mabilis na paglilitis ng mga kaso. Dahilan po kapag masyadong matagal, nawawalan ng epekto. Ang conviction, nakakalimutan.

Tatanungin kita Joe, naalala mo pa ba kung ano na ang nangyari sa fertilizer fund scam? Hanggang ngayon wala pa akong narinig na nakasuhan. Sampung taon na ang nakalipas. Bukas sabihin natin, nagkaroon na na ng conviction, nakalimutan na natin. Nawawalan ng bisa yang conviction gamit ang ating anti-graft laws sa tagal ng kaso. Para maging effective na deterrent ang ating justice system, para po ang maysala ay mapaparusahan at maging ehemplo sa mga may masamang balak. Pero sa nangyayari ngayon sa tagal ng kaso, nakakalimutan lang natin.

Kaya po pinipilit ko na maipasa yung ating panukalang batas na siyang makapag-papabilis ng kaso sa Sandiganbayan. Halimbawa, marami doong kaso sa Sandiganbayan 60%, yung amount involved is less than P1 million. Dapat doon na natin ilagay yun sa mga RTC para yung mga malalaking kaso na lang na talagang significant at makapagbibigay ng halimbawa o panakot, iyun po ang lilitisin. At mabilis ang paglitis para po maging deterrent sa commission ng graft.

Q: Siguro dapat repasuhin na rin natin yung Revised Penal Code?

SPFMD: Alam mo, hindi madali yan because talagang yan ay base sa mga prinsipyo na hindi naman nag-iiba. Sang ayon po ako that we will review some portions there, lalo na po yung penalty is based on the amount involved dahilan po sa 1930s pa yung Revised Penal Code. Yung mga penalties ay hindi na po sang-ayon at hindi na po consistent sa ating present day realities.

Q: Ang sabi po Mr. Senate President ito pong pork barrel scam investigation, pinakamadali na po ang dalawang taon bago matapos po ang paglilitis.

SPFMD: Tatayuan ko ng rebulto yung mga justices kung matatapos nga nila ng 2 taon. That is how I believe na talagang mabagal, kaya itatayo ko ng rebulto ang Sandiganbayan justices pag natapos po ito ng dalawang taon. But kidding aside, tama po yan. Kung kayang tapusin in two year's time, talagang iyan po ay maganda, dahilan po ay kung talaganag consistent po iyan sa ating speedy trial na nakalagay sa ating Saligang Batas. Pangalawa, makikita ng taumbayan na kung talagang ikaw ay nagkasala, mapaparusahan ka o makukulong ka, kung ikaw ay walang ebidensiya naman, ay mabalewala yung kaso laban sa iyo. Kaya importante ito ay matapos in two years' time.

Q: On the automatic suspension of the three senators

SPFMD: Automatic po ang suspsension ng mga akusado once mag-file ng petition to suspend them ang Ombudsman. Walang gagawin ang Sandiganbayan kundi i-suspend sila. After 90 days naman po, mananatili pa rin sila sa detention, hindi sila pwedeng mag-apela dahil sa non-bailable offense ito.

Q: Mananatili po silang chairman ng kanilang mga komite after 90 days?

SPFMD: Opo, pero yung vice chairman will take over. Halimbawa sa Committee on Public Services, si Bong Revilla, may vice chairman. Ganun din sa Committee on Labor, si Senator Estrada may vice chairman. Yun pong sa Minority Leader, si Deputy Minority Leader Tito Sotto ang vice chairman na magta-take over.

Q: On the Liberal Party moving to retire Purisima early

SPFMD: Hindi po ako nakikialam sa promotions sa PNP. Hindi po ako nakikialam at wala po akong balak na makialam.

Q: On LP's plans for 2016

SPFMD: Hindi po naming pinag-uusapan ang 2016 ngayon, ang pinag-uusapan ay kung paano po natin maaayos itong mga problemang hinaharap natin, at tumutulong po kami sa mga polisiya ng Pangulong Noynoy para po makabuti sa ating mga kababayan.

Q: Senate President, kung nanaisin po ba ng ating mga kababayan ay kayo po ba ay tatakbo sa mas mataas na posisyon sa 2016?

SPFMD: Joe, kababalik ko lang sa katatakbo.... dito sa aking subdivision.

News Latest News Feed