Press Release
July 7, 2014

GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT

Q: Yung investigation po ng PDAF, because of this issue ng DAP na napapag-usapan. Yung continuation po ng PDAF investigation sa Senate, are you in favor of that?

Sen. Grace Poe: Ako naman kasi, sa tingin ko, importante talaga ang mga imbestigasyon sa Senado. Unang una, dahil mas nalalaman ng taumbayan ang mga nangyayari dahil nakatutok lahat sa Senado. So kahit na sabihin mong mayroong parallel na kasong nakasampa, maaari naming mas mapabilis ang pagsagot ng tanong lalong-lalo na sa publiko kapag mayroong Senate hearing, so ako talaga sa tingin ko hindi naman makakasama at mapapabuti pa kung maipapagpatuloy pa nating matanong yan dahil nga ang trabaho ng Senado ay para maayos natin kung ano man ang kakulangan sa ating batas. Sa tingin ko kulang pa rin ang ating mga rekomendasyon kung papaano natin maiiwasan ang ganitong uri ng pagnanakaw.

Q: Kung kayo ang tatanungin, ano-ano ang mga recommendation ninyo?

Poe: Isa para sa akin, na ang implementing agencies, halimbawa, ay talagang mayroong klaro or direct responsibility kung papaano nila imo-monitor yung mga proyekto. Hindi pwedeng hihingi lang sila ng certification mula din doon sa mga local government o kung sino pa. Ano ba ang monitoring efforts nila? So dapat yan malinaw na nakasaad sa batas kung papaano ang isang pag-iimplement ng mga proyekto. Pangalawa, sino ba ang may command responsibility? Hindi nila pwedeng sabihin na "kapag wala ako, yung aking assistant, siya lang lahat." Dapat nakasaad doon kung sino ba ang may command responsibility sa bawat departamento.

Q: Sabi ni Sen. Chiz, dapat bago mag SONA kailangan magpaliwanag si Sec. Abad tungkol sa DAP. Ano po ang masasabi ninyo?

Poe: Without exception, palagi ko naman sinasabi iyon. Diba public service is a public trust. Kinakailangan naman talaga na kahit sino, kahit na si Sec. Abad, kahit na kami, kung mayroong issue, kailangan i-eksplika ng mabuti ang ating kinatatayuan dito lalo na ngayon na mayroon nang desisyon na lumabas ang Supreme Court. So ano ba ang mga hakbang nila ngayon, at ano ba ang sagot nila ukol dito.

Q: Kailangan na bang magpaliwanag ni Sec. Abad?

Poe: Sa tingin ko lahat ay kailangang magpaliwanag. Lahat ng nasasangkot dito at lalong-lalo na siguro kung sino yung nag-authorize o sino yung implementor.

Q: Ma'am would you like to comment? Quoting Malacañang, sabi po nila wala silang kasalanan doon sa DAP issue because it was done in good faith? How would you react on that?

Poe: Oo nga, isa nga iyan doon sa dapat mapatunayan ng lahat, ang "good faith." Kahit naman ang korte nagsabi, yung "good faith" aspect kailangan patunayan nila na sa kanila iyon, sinasabi pa nga din ng Supreme Court, kung hindi ako nagkakamali, at sa mga opinions na hindi ang Supreme Court ang magdedesisyon ukol dito sa "good faith," ibang korte iyan.

So para sa atin, ang dapat natin tutukan ngayon ay ang pag-audit kung saan nagamit ang pera ng DAP. So siguro dito makakatulong din si Secretary Abad, kung pinayagan niya itong mabigay sa iba't-ibang departamento, pahingi na ng report kung paano nagastos ito. Kasi ang puno't dulo nito, PDAF man o DAP kung ito ay sa ghost project, mali, pero kung ito ay nakatulong, halimbawa dito sa DAP, edi sinasabi din naman ng Supreme Court na hindi mo naman pwedeng baklasin ang mga kalsadang nagawa mo na at kung tunay man itong nakatulong sa tao ay nakabuti pa ang programang ganoon. Pero ang sinasabi nga, will it be more burdensome to undo the projects that were already made possible by the DAP?

Q: Ma'am some are calling for Secretary Abad's resignation, will you call the same?

Poe: I would call for anyone involved in this to make clear what their position is regarding the DAP to be able to clarify things. Kasi, we need to be sober din at this particular point, mabilis kasi magsabi ng resign, pero baka mag-resign tapos hindi naman ma-eeksplika yung isyu.

Ang punto ko dito, talagang kailangan nilang patunayan, at sa tingin ko makakatulong din kay Secretary Abad na ipakita niya na yung pinagkagastusan ng pera ay tunay na nakatulong, kung hindi niya mapapakita iyon, kahit naman sino sa gobyerno, kung hindi natin nagawa ang ating trabaho, ay pagbigyan natin ang ibang makakagawa ng trabaho na iyon.

Q: Ma'am do you think impeachment is possible against the president?

Poe: Well, the impeachment is a political exercise so kahit naman sino ay pwedeng magsampa ng impeachment complaint pero para sa akin na magkumento kung ito ba ay nararapat, kung ito ba ay magtatagumpay ang puno't dulo niyan kung makarating iyan sa amin ay isa kami sa magdedesisyon diyan, so siguro hindi na muna ako dapat magsalita tungkol diyan, pero sa nakikita ko naman dapat munang mag-eksplika yung mga nasasangkot dito bago tayo mag-isip ng ganung klaseng hakbang kaagad-agad.

News Latest News Feed