Press Release
July 10, 2014

Transcript of Sen. Grace Poe's dwIZ Interview

Q: Yung pintuan sa anumang posible na mangyari sa 2016? You're not closing your doors?

Sen. Grace Poe: Naku, loaded yan, Ms. Cely. Alam niyo po ang pintuan ng kinabukasan, hindi mo pwedeng sarhan yan. Hahanap at hahanap iyan ng butas. Alam niyo po, wala tayong kapangyarihan sa ganoon. Kaya ang pwede lang nating gawin ay iwasan ang pintuan na iyan siguro, para huwag tayong ma-suck into that door. Kaya nga po pinagdadasal ko... bagamat meron namang mga magagandang intensyon na nagpapayo at ako talaga ay napapalibutan ng mga taong nagbibigay ng tamang payo... na magkaroon ng lakas ng loob na piliin kung ano ba sa tingin ko ang nakararapat. Hindi lang para sa aking sarili kundi para sa aking pamilya at sa nakararami. Kasi mahirap iyan, alam nyo, kapag kinokonsidera ako sa ganyang posisyon, karangalan iyan e, pero minsan lumalagpas sa karangalan yung iba at napupunta sa ulo nila. Ayoko talagang humantong sa puntong iyan. Kapag iyan ay nagpalaki ng ulo at nagpalaki ng loob ng isang tao, hindi niya nakikita ng patas ang buong larawan ng sitwasyon.

Q: Diyan sa sinabi ninyong iyan, kami ay naniniwalang iginuhit talaga sa tadhana. Ito may nagtetext na, actually, ang dapat na kasama kung sakali ni Senadora Grace ay si Senator Serge Osmeña. Magandang tandem ito.

Poe: Alam mo si Senator Serge, napakatalino niya. Alam mo yan, Ms. Cely, kapag may sinabi siya. Kaya nga talagang ako'y saludo sa kanya at nagpapasalamat dahil nung ako'y nagkakampanya, diba sobrang kulelat nga ako? Ang layo ko sa survey. Si Senator Serge, tatawagin talaga ako niyan sa bahay niya tapos sa umpisa pa lang sabi niya, "Eto, nagpa-survey ako, nandito ka. Ito ang dapat mong gawin." Siya talaga yung nagbuhat sa akin. Silang dalawa ni Senator Chiz. Kaya lubos-lubos ang aking pasasalamat sa kanila at hanggang sa ngayon kapag mayroon akong mga tanong lalung-lalo na tungkol sa energy, sa banking hindi ko pa siya masyadong natatanong, pero sa energy in particular nagbibigay iyan sa akin ng advice at isa pa, hindi naman niya pinipilit ang kanyang mga kinatatayuan.

Q: Tanong ko naman po, ang kilalang kandidato ngayon ng administrasyon, si Mar Roxas. Nandiyan din naman ho ang kaibigan ng tatay ninyo, si VP Binay. Silang dalawa yung ika nga ay deklarado. Ano po ang masasabi ninyo sa Roxas-Poe? Binay-Poe? Poe-Binay?

Poe: Unang-una sa tingin ko, hindi naman talagang deklarado na si Sec. Mar. Pero sa aking personal na pagkakakilala sa kanya ay mabait na tao yan. Minsan na mi-misunderstand pero okay si Sec. Mar. Si tatay Binay, kaibigan nga ng aming pamilya, ng aking tatay. Ang maganda sa apelyido ko ay ang pagiging magalang. So, saan man, basta lamang nasa tama, ako po ay gumagalang sa kanila. Pero para sabihin na kung saka-sakali ay ganito, ganyan, e bakit ko naman sila ilalagay sa posisyon na para bang napasubo sapagkat nagdadadaldal ako. So huwag na lang.

Q: Senator, saan po nakasalalay ang inyong desisyon pagdating ng 2016? Just in case? Ano po ang mag-uudyok sa inyo kung sakali?

Poe: Hindi ko po talaga alam dahil hindi ko naman iniisip. Alam mo ang dasal ko talaga ay palaging ganito, alam ko corny ito sa marami pero yung nangyari sa akin sa eleksyon, lahat ng mga signs na nakikita ko ano, ako'y nagdadasal sa Nazareno ng maigi. Ang sinasabi ko, maraming salamat sa mga naibigay mo sa akin. Sana ay mapatunayan ko ang aking sarili, alagaan mo ang aking pamilya na nawa'y nasa mabuting kalagayan ang aming kalusugan. Ang hindi ko talaga ipinagdadasal na sana ay ako ay makatakbo sapagkat hindi po talaga iyon ang dasal ko. Ang dasal ko ay sana ang aking trabaho ay ma-appreciate ng mga tao dahil ito ay nakatulong sa kanila. Yun po ang katotohanan.

Bueno: Malapit kayong magkaibigan ni Sen. Chiz Escudero so until now wala kayong anumang initial na pag-uusap na may kaugnayan sa 2016?

Poe: Iyon nga po, wala. Ang pinag-uusapan namin ay ang kanyang inspirasyon.

Bueno: Ninang ka ba, ma'am?

Poe: Mahiya naman sila sakin, magka-edad lang kami. (laughs) Kay Heart, pwede akong mag-ninang.

Q: Balikan po natin ang 2004 elections, ano po bang tingin nyo kay President Gloria Arroyo? Ngayon nga ay walang nangyari sa kaso. Nakapag-usap na po ba kayo?

Poe: Syempre, hindi kami nag-uusap. Ganito yan, para sa akin, dapat talagang magbayad dahil sa mga nagawa ng iba. Pero mabagal talaga ang sistema ng hustisya natin. Ang punto ko lang, sana matapos na at malaman natin in writing kung guilty ba o ano. Yun nga ngayon, ang mga kaso ay nakabinbin. Hindi ako magpapakaplastic, sasabihin ko na sa sitwasyong ganun, katulad nga nyan, sana ang sistema ng hustisya natin ay maging mas klaro.

Q: Si Senator Frank Drilon at Sec. Pangilinan, mukha pong matalik nyo ng kaibigan ngayon.

Poe: Hindi po matalik na kaibign. In fact, di kami nag-uusap ni Sec. Pangilinan. Last time nag-usap kami was in the National Organic Association sa Cebu in 2012, dun ko sya huling nakita. Hindi ko po naging matalik na kaibigan kailanman. Si Sen. Drilon--alam naman ninyo... sya ay campaign manager namin sa Liberal (party). Maayos ang pakikitungo sakin, mabait si Sen. Drilon. Kaya ang sabi ko, ang pag-iimbestiga sa lahat ay dapat mas malinaw. Yung iba, may direktang pruweba, yung iba, hearsay lamang ng ginawa nila noong 2004. Kaya nga sana, mas konkretong ebidensya ng pagmamanipula ng iba. Hindi pwedeng sabihing lahat ng kaaway. Minsan, meron ka dapat constructive goals din, iisipin mo din ano ba ang aking layunin. Ang layunin ko ay ito, dun ako nag-concentrate sa electoral reforms, amyendahan ang batas, ayusin natin. Yun ay mas maayos na paraan para magkaroon ng hustisya. Di lamang sa paghihiganti.

Q: Salamat po.

News Latest News Feed