Press Release
July 31, 2014

Transcript of Kapihan sa Senado with Senator Nancy Binay

Q: On the rumors of destabilization

Senator Nancy Binay (SNB): The mere fact nga na kahit sa impeachment hindi kami magpaparticipate, what more pa sa mga coup d'etat, 'di ba? And I think nag-issue na rin naman ng statement ang AFP, even yung mga retired generals na there is no such thing.

Q: On whether someone approached the opposition regarding the alleged coup

SNB: I think wala rin namang mag-eeffort. Doon sa mga nababasa ko, ang mga napagbibintangan ay supposed to be allied with former President Arroyo and alam ninyo naman na kami sa opposition, since umupo si Presidente GMA, kami na yung kalaban niya, so I don't think na lalapit sila sa grupo namin.

Q: Considering there are controversies against the Aquino administration, do you think there are those taking advantage of the situation?

SNB: Mahirap magspeculate, huwag na lang natin, at this point, huwag na lang natin patulan o gatungan pa yang mga ganyang speculation.

Q: On the personal and working relations between President Aquino and vice President Binay

SNB: Okay naman. The mere fact that my father was mentioned during the SONA, na hanggang ngayon hindi nakakalimutan ni Presidente Aquino na during his darkest hour, ang kasama niya ang ama ko. Mahusay po ang kanilang personal at working relations. Sabi ko nga, kami sa pamilya, yung relationship na Aquino-Binay, for us, it goes beyond politics. Kung magkaroon naman ng difference doon sa mga polisiya, kung baga, trabaho lang yun, but at the end of the day, yung personal relationship namin will not get affected.

Q: On the possibility that VP Binay will be endorsed by Aquino in 2016

SNB: Mahirap magsalita ng tapos. Ang dami pang pwedeng mangyari, hindi pa naman 2016.

Q: On her bashers

SNB: Kahapon nanonood kami ng TV ng anak ko, tapos di ba I mentioned na favorite meme ko yung si Princess Fiona. Humirit yung anak ko, "Mom, I like Bellossom better, because she is the strongest Pokemon and she turns into a princess," So ang favorite ko na ngayon, si Bellossom. As a mother, it is an assurance on my part na kahit anong bashing yung gawin sa akin, siyempre ang concern ko is how my kids will take all of it, 'di ba? From now till matapos yung term ko. Yung mga ganung comment na nakukuha ko sa kanila, assures me na they will survive all the bashing na matatanggap ko.

Q: So yung mga anak ninyo aware sa mga bashers and hindi sila affected?

SNB: Parang ganon, kasi sinabi pa niya na I like Bellossom better, so may suggestion pa siya.

Q: Hindi po kayo naooffend?

SNB: Hindi talaga. May personality din ako na no reaction, and my high school batchmates can attest to the fact. Parang sila, natataranta na, pero ako, NR.

Q: On why she is the favorite of netizens

SNB: Hindi ko nga alam kung bakit, and yet, siguro yung nae-evoke ko na emotion, extreme hatred.

Q: Pero mam hindi ninyo pinapatulan?

SNB: Walang time. Parang, iisipin ko pa ba yung isasagot ko, mas marami akong dapat isipin na mas mahalagang bagay kesa doon sa isasagot ko sa kanila.

Q: On whether VP Binay knows about the bashing

SNB: Parang wala, hindi naman kasi siya ganoon ka-active, hindi siya ganoon ka-techie.

Q: On whether she will still wear the same style

SNB: Maybe. Di ba sa fashion naman, kailangan you have to be adventurous? Kung baga, abangan ang susunod na outfit.

Q: On whether she will still get Randy Ortiz as her fashion designer

SNB: Wiling na willing. Parang hindi na niya kailangan, dahil sikat na sikat na siya. Since 2010, siya na yung nagtatahi ng suot ko sa SONA, so siya pa rin.

Q: On whether she will change her style

SNB: Ewan ko, depende kay Randy kung ano ang mapag-uusapan naming dalawa. Hindi siya traditional terno, it's something different. We'll see next year. Malay mo medyo maka-jackpot naman kami sa next eksperimento. Pero feeling ko na kahit okay na 'yun susuotin ko next year mayroon pa d'yan mag-babash.

Q: On whether she is nervous/more conscious on her fashion because of the unfavorable comments on her gown

SNB: Hindi naman. The more nga ako gusto mag eksperimento. Diba sinasabi nila, sometimes you have to push the limit.

Q: On whether she really liked her gown.

SNB: Oo, kasi unang-una napakacomfortable 'yung damit, hindi siya mabigat plus presko siya. Isang factor pa kasi na ang katawan ko hindi ganoon kapayat.

Q: On Malacanang's proposed budget submitted to the House

SNB: I think pagkatapos 'yong nangyayari sa DAP, mas magiging detalyado 'yong pagsusuri sa namin budget. On my part, tatanong ako... kasi hindi ba lumabas din sa DAP hearing 'yung mga DOTC projects na that was approved by Congress apparently hindi na bid out kasi may mga problema sa structure, may problema din sa right of way... Siguro ngayon dapat itatanong natin sa lahat ng mga agencies... Ito ba mga proyektong sina-submit kayo for approval, na test na ba itong kailangan ma-test or wala na ba itong problema sa right of way, wala na bang legal questions? Pag naapprove na kami 'yung budget, by January, tutuloy na itong proyektong ito. So, hindi hayaan ng minority na may na-approve na projects sa GAA na in the middle of the year hindi naman itupad ang isang agency like DOTC. Siguro, I will file a bill or resolution na sa tingin ko dapat may liability. Paano kasi kung sinadya na hindi tinuloy 'yung proyekto para maging savings? Hindi naman ako nagbibintang pero it's a possibility... As much as possible we should avoid that window na puwedeng maabuso.

Q: When the proposed bill will be submitted

SNB: Siguro pag-aaralan muna namin ito ng maigi kasi... Example lang ito kasi hindi naman nakita doon sa DAP hearing, ang usapan lang na capital outlay ng DOTC. Apparently, may mga ibang agencies pa na hindi na tuloy mga proyekto nila. Doon nalang sa DOCT, 14 billion na proyekto 'yun. Isipin mo dito sa Senado ilan hearing 'yan bago ma-approve tapos malalaman mo hindi na tuloy tapos 'yung pondo napunta sa ibang proyekto na hindi lang man dumaan sa amin.

Q: Whether cabinet secretaries will be liable if projects are not implemented in her proposed bill

SNB: Basta may accountability dapat kung nag-dedelay 'yun isang proyekto. For example 'yung NAIA 1 ilan years na 'yan napondohan 'yan ng upgrade and rehabilitation, hangang ngayon, wala pa siya aircon. Hindi ba sabi pa ni Presidente sa SONA niya that more flights are coming in... Ang importante, aside from pupunta sila dito, dapat babalik at babalik din sila. Una silang ma-encounter 'yun airport natin tapos ganun pa 'yung itsura.

Q: What possible penalties might be imposed on erring cabinet members in her proposal.

SNB: Hindi ko pa alam.

Q: On whether it is possible to include the penalties in GAA.

SNB: Pag-aaralan muna kami ng Legis namin kung paano.

Q: On the executive's proposal to legalized DAP since after six months it can be declared as savings

SNB: How can you legalize DAP when unang una 'yung isang issue doon ay cross-border. So, if we legalize the DAP we would need to change the Constitution since cross-border is not allowed. I don't know how we can legalize it.

Q: On whether an agency's budget can be declared as savings and utilized for another agency if six months had elapsed and particular projects are not implemented.

SNB: Hindi kasi puwedeng siya magamit sa abuso. Kaya lang naman naging problema ang DAP kasi hindi sila sinunod 'yong proseso. Kung may savings, ang tamang proseso ay pupunta sila sa Kongreso, hihingi ka ng supplemental budget para doon sa savings. 'Yung na hindi nila ginawa. Kung sunduin lang natin mga proseso... Kaya nga may proseso tayo... Kung sinunod 'yun wala tayong ganito issue ngayon. Unang-unang naman di ba sa Capital Outlay hindi naman ganoon kabilis mauumpisahan iyong project. 'Di lahat na lang puwede na nilang i-declare na savings on the first six months.

Ang tanong bakit hindi na implement ang proyekto. Sabi ko nga doon sa DOTC ang repair ng banyo mahirap ba mag repair ng banyo?

Q: On the obligation of Congress on the approval of the Budget

SNB: After nitong DAP, marami ding na discover na puwede gawin. I think it is high time na may reporting ang executive department kung ano na ang status ng mga proyekto na na aprubahan sa GAA. Kung matatandaan niyo sa hearing, nagulat si Senator Recto na ang sabi "I defended this budget. The whole time I thought either nasimulan na ito, patapos na. Tapos iyon pala, halos lahat ng inaprubahan na proyekto hindi pala natuloy."

Q: On the approved projects are stipulated under GAA

SNB: I am not sure. Siguro maganda kung lahat kami ay nade disseminate ang information.

Q: On whether Senate recognizes DAP as unconstitutional as well as the projects under supplemental budget

SNB: I think kaya lang naman siguro humihingi na si Presidente Noynoy ng supplemental budget para hindi na nga ma delay iyon mga proyekto na nasama doon sa DAP. I think it is more on that. Kasi the mere fact na may MR sila, parang patuloy pa rin iyong kaso.

Q: On whether Senator Binay supports the supplemental budget

SNB: Tignan muna natin kung ano iyong mga proyekto na part ng supplemental budget.

Q: On the declaration of DAP as unconstitutional, do you think the 2015 proposed budget and approval of supplemental budget will take time to be approved by the Congress

SNB: Hopefully, we will exercise our power of the purse. Whether we belong to the majority or the minority kasi trabaho naming iyan na suriin iyong budget.

Q: On whether the minority will support the early approval of the budget dahil mas delikado daw kung re-enacted ang budget

SNB: Oo naman kasi ayaw naman naming na magkaroon ng re-enacted na budget

Q: On whether the minority group under Acting Minority Leader Sen. Sotto already set a meeting for the next agenda

SNB: Hindi pa. Once lang kasi napag usapan namin ang Kontra SONA. We awere waiting for the instructions from Sen. Enrile.

Q: On the priority agendas of Sen. Binay

SNB: I guess, yung same advocacy pa rin sa mga bata at sa mga mothers. Gusto ko mag concentrate sa maternal healthcare. Ang maternal health care ay hindi pa covered ng RH law kasi ito iyong baby na nasa loob. Ito kasi iyong pati ang baby na nasa loob. Dapat habang nasa loob pa siya tiyan ng nanay dapat kasama na ang well being ng mother.

Q: On the bill of premature marriage

SNB: Nagpapasalamat ako kay Senator Pia na approved na ang bill at approved na sa 3rd reading dito Senate. May mga provisions doon sa family code na may mga bias sa mga babae katulad nitong premature marriage kasi kapag na biyuda ka at nag asawa ka before the 301 days puwede kang makulong. Iyon iyong na repeal na provisions. Iyon iyong mga natanggal sa penal provisions. Hindi pa sure ang approval sa House at iyon ang ipa follow natin. Sa batas dapat 301 days pero ang puso hindi natuturuan kung kelan ito titibok. Wala na kasing parusa pero technically hindi pwede dapat maghihintay kayo ng 301 days pero wala na yung provision na may kulong. Dun sa batas, pag lalaki walang kulong kapag nag-asawa agad pero pag babae, pag nag-asawa ka before 301 days may kulong. Magbabayad pa ng fine. Narepeal na yung provision na yun.

Q: Bakit meron pang 301 days?

SNB: Kasi ang covered nito ay yung mga missing. Kunwari may nagsink na barko pwede na nawala lang. Kaya may ganung time. 301 days lang naman.

On the law on adultery

SNB: Pero meron din akong finile na ganun. Yung repealing sa adultery. Kasi diba sa adultery, yung babae lang din naman may parusa. Pag lalaki, wala. Meron din tayong nakasalang na ganung pag-rerepeal.

Q: May parusa na din sa lalaki?

SNB: Hindi. Tinatanggal na yung ganun.

On the Kontra SONA is on Monday

SNB: Parang hindi pa yata. Hinihintay naming ang direksyon kay Sen. Enrile. I think si Sen. Sotto will visit Sen. JPE this week or next week. Puwede namang gawin ang Kontra SONA a week after or a week after that.

Q: On the destabilization plot against President Aquino

SNB: Hindi ko din alam. I think tanong niyo nalang si Senator Trillanes. Yung source niya ng information niya. I think for him there's truth to the issue.

Q: On the resolution filed by Senators Sotto and Honasan that the three detained Senators should stay in Camp Crame

SNB: Kasi sa akin naman, nakakulong pa din naman sila. Anong difference nung nasa Camp Bagong Diwa at nasa PNP Custodial Center. Pero I think nga kaya winithdraw ni Senator Sotto kasi may legal implications na irereview dun sa reso. Supportive ako. Tutal andun na naman sila sa PNP Custodial. For me, I don't see the need na ililipat pa sila eh parehong kulungan din naman yun.

Q: So initiative lang nung dalawa at hindi ng Minority? SNB: Hindi pa. Kasi hindi ko alam kapag naayos na nila yung mga legal kung lalapitan ako ni Senator Sotto.

Q: Willing kayo maging co-author?

SNB: Okay lang. Assuming na walang legal impediment. At the end of the day, it's the Sandiganbayan who will decide where ikukulong yung mga Senators.

Q: On the Minority's stand on the budget deliberation

SNB: Well, hindi naman siguro. Basta well prepared dun sa budget deliberation. Kaya na namin kahit apat lang kami.

Q: Pero dun sa DAP hearing, madami pa kayong hinihinging mga documents and information, pwede niyo ba ipursue yun during the budget hearing?

SNB: I think so. Unang una, haharap naman ulit si Secretary Abad dito pagdating dun sa budget. Ang request ko lang bago siya humarap, masubmit na niya yung mga documents na hinihingi ko katulad nung... Kasi kung matatandaan niyo dun sa hearing, hinihingi ko kung saan nanggaling yung 273 billion savings tapos may 90 billion na listahan na hindi kasama dun sa DAP. Yung 90 billion na yun, saan ginamit yun?

Q: Si VP Binay wala bang suggestion na pag budget hearing ito ang tutukan?

SNB: Wala naman.

Q: On the DILG Budget

SNB: I think pare-pareho pa din yung tututukan natin - DOH, DILG, DSWD. Yung sa DSWD, dadagdagan pa nila yung sa CCT. Meron ding mga COA findings. Hindi ko lang alam if na-address na ng DSWD yung COA findings sa CCT.

Q: Ma'am dun sa DAP hearing marami pa kayong hinihingi na mga documents, information, pwede bang i-pursue nyo na lang yun sa budget hearings?

SNB: I think so. Unang-una, maghaharap naman uliy si Sec. Abad dito pagdating sa budget. Ang request ko lang na bago sya humarap, ma-submit na nya yung mga documents na hinihingi ko, katulad nung...Kasi di ba, kung matatandaan ninyo sa hearing, hinihingi ko kung saan nanggaling yung P273 (sic) billion savings. Tapos may P90 billion na listahan na hindi kasama dun sa DAP e. So yung P90 billion na yun, saan ginastos yun?

Q: Si VP Binay po ba walang any suggestion sa inyo 'O pag budget hearing ito ang tutukan?' 'Busisin mo ito...' Wala syang, any suggestion?

SNB: Wala naman, wala.

Q: Naalala ko Ma'am nung una kayong, nung first hearing ninyo sabi ninyo yung budget ng DILG isa sa tututukan ninyo. This year ganun pa rin ba?

SNB: I think pareho pa rin ang tututukan natin - DOH, DILG, DSWD.

Q: Sa DSWD, kasi P75 billion na yata, P70 plus na yung sa CCT.

SNB: Dadagdagan pa nila yung sa CCT and may mga COA findings e. I don't know if na-address na ng DSWD yung COA findings sa CCT.

Q: Pero Ma'am, supportive ba ang minority dun sa poverty alleviation program na yun, sa CCT program, sa tingin ninyo effective ba ito?

SNB: Ako, I must admit, nakakatulong talaga ang CCT di ba? But ang concern ko is kung may study na ba dun sa mga, kasi ilang years na ito, kung dun sa mga beneficiaries ng CCT, meron na bang nakaahon sa kahirapan? I think yun ang number one validation kung successful ang programang to.

Q: So during the budget hearing tatanungin ninyo si Secretary Soliman kung...

SNB: Oo, yung mga success stories ng CCT.

Q: Ma'am, may ilang analysts na ang nagsasabi dapat daw alisin na yung 4Ps at saka yung lahat ng ibang ipinapatupad dun sa, kasi kung ipagpapatuloy daw yun walang end na. So ano raw ang mangyayari sa iba nating kababayan na sa tingin naman daw ay hindi nakakaahon sa ginagawa ng gobyerno.

SNB: Siguro isa yun sa mga itatanong natin sa budget deliberation, ano yung exit mechanism ng 4Ps. Kasi hindi naman kasi natin masusustain. Hindi rin ako naniniwala na every year na dapat taasan at taasan ang budget for 4Ps kasi dapat at some point dapat may ending ang programang ito.

Q: Kasama ho ang BIR sa may pinakamalaking budget sa 2015, paano nyo sa minority... (unintelligible)

SNB: Ayoko munang sabihin, baka maghanda (laughs).

Q: Ma'am, meron silang bottom up ano ba yun?

SNB: I think susuriin natin yung bottom up budgeting kasi...

Q: Parang pork barrel daw yan Ma'am?

SNB: Last year, napahaging lang yung pagka-discuss dun sa bottom up budgeting. Katulad din lumalabas, it also involves CSOs and POs so unang tanong, who accredits yung mga CSOs saka mga POs? May pera ba na napupunta sa kanila? Which, I think, pag nakita ninyo doon sa DAP meron. Kasi parang meron ata silang seminar, di ko lang matandaan kung alin doon sa, kasi meron dun sa listahan ng DAP na napunta doon sa mga CSOs saka mga POs.

Q: (unintelligible)

SNB: I think so. Yun naman talaga ang trabaho namin di ba? Na suriin ng maigi ang budget.

Q: Ok, about politics. Ma'am consistent si VP Binay sa mga surveys na siya yung number one dun sa mga possible Presidential candidates. Wala ho ba kayong concern kasi may mga presidentiables na before na, two years before the elections, sila yung nagna-number one sa survey, then bandang huli dahil may mga intriga o controversy, biglang, kasi kapag andun ka sa taas no way but go down di ba? May concern kayo at si VP Binay.

SNB: Kasi, para sa amin, it's all about destiny. Lalong-lalo na kung siya nanggaling, 2 percent. Tapos nanalo siya as Vice President so kung talagang nakatakda, nasa tadhana na maging Presidente siya, kahit anong pigil matutuloy at matutuloy yun.

Q: So ano po ang pakiramdam ng pamilya Binay nakatadhana po ba siyang maging Pangulo ng bansa?

SNB: Alam mo hindi namin naiisip. Personally, pag lumalabas ang mga ganyang survey parang ninenerbiyos na ako. Oh no, mataas na naman sa survey. Yung mga kalaban namin sa pulitika naku, magdo-double, magti-triple effort para pababain na naman itong survey na ito. In fact, yung daddy ko, tuwing tumataas yung resulta niya, parang meron din siyang hirit na "Ang taas, pano ko mame-maintain yun." Usually pag ganyan kataas ang tendency nyan is to go down. Ang nakakatuwa sa kanya, from the time he assumed his position as Vice President, hindi, yung galaw nung rating niya hindi ganun kalaki.

Q: So kung mananatiling mataas yung survey mo, kasi sabi ninyo recently lumabas ang survey the following week ba o days, may binuhay na kaso nung mayor pa siya. So ini-expect na ho ninyo na sa susunod ganun pa rin ang pwedeng gawin ng mga kalaban sa pulitika ni VP Binay?

SNB: That's a possibility. Ako greatest fear ko is if they become desperate. Sana wala naman silang saktan na kapamilya ko.

Q: Nandun yung fear nyo na ganun?

SNB: Andun yung fear na yun. Alam mo, yung history namin sa Makati, marami na rin kaming kasamahan na na-ambush na pag palapit na yung eleksyon. So yun lang, yun lang yung parang ipinagdarasal ko na wala sana silang saktan na kapamilya ko.

Q: Ma'am, pano mo ide-describe yung first year mo as Senator?

SNB: First year, ano, ayokong magbuhat ng bangko. Kayo, anong tingin ninyo? I thing yung first year medyo learning curve for me, so during that year pinapanood ko at saka ino-observe ko yung mga kasamahan kong senior senators. Tapos along the way, I get tips from Senator Jinggoy, si Senator Enrile, yung mga kasama ko sa minority. Even yung ibang kasama ko sa majority. And siguro, kumbaga, parang graduation ko yung DAP hearing.

Q: Marami ang pumuri sa inyo

SNB: Ito na yung natutunan ko for the last year.

Q: So Ma'am yung performance ninyo sa DAP hearing, yun na rin ang performance ninyo for the budget hearing.

SNB: I think so.

Q: Ma'am follow up po. Curious lang po ako, ano po yung tip na nakuha ninyo kay JPE? Anong particular aspect ang (unintelligible)

SNB: Depende dun sa topic. Ako, unang-una, lagi niyang sinasabi na dapat yung mga tanong mo madaling maiiintindihan ng mga kababayan natin so make it as simple as possible, which I think, kaya nga yung DAP ang daling naintindihan yung tanong ko. Yun nga yung advice sa akin ni Senator Enrile. Tapos pinapanood ko rin siya, kasi nakita nyo naman siya sa floor pag nagtatanong si Senator Enrile.

Q: Mahirap daw po bang maging muse ng minority?

SNB: Mahirap. Oo naman, kasi ano nga ang tawag kila Sen Tito?

Q: A yung macho block? Hindi ka naman nabubully Ma'am?

SNB: Actually anak-anakan yung dating.

Q: Going back to politics, si VP Binay na open sa pakikipagcoalition sa administration, seryoso ba sya, talking of 2016?

SNB: I think kasi nga, in politics, anything is possible. Marami pa ang mangyayari between now and 2016.

Q: So possible nga na iindorso pa ng admin si VP Binay?

SNB: Di ba, lahat nga posible pero yung percentage na mangyayari yun e hindi ko sigurado.

Q: Pero anong sense ninyo? (unintelligible)

SNB: Alam ninyo, yung mindset ng father ko ngayon, para sa kanya, magtrabaho muna tayo pare-pareho. Tsaka na lang natin intindihin kung mai-endorse siya o hindi. Kasi, unang-una, may sarilli naman kasi kaming partido. Kumbaga, icing na lang sa cake yung ma-endorse pa siya ng Pangulo.

Q: Ma'am, binanggit ni P-Noy doon sa SONA na ang dapat daw na susunod na lider yung walang kaduda-duda na maipagpapatuloy yung reforms o transformation na nasimulan. Do you think the President is referring to VP Binay?

SNB: Mahirap mag-assume. Pero the mere fact that he's part of the Cabinet so kasama siya doon sa nagtataguyod ng mga reforms ng ating Pangulo.

Q: Kailangan pa ba yung endorsement ni PNoy para manalo siya, si VP Binay sa 2016?

SNB: Siyempre lahat ng tulong ay kailangan. Wala namang mawawala kung ma-endorso siya ng Pangulo. Di ba, sabi nga, may kasabihan sa politics na "politics is addition"?

Q: Jay? Was there a conscious effort to get the President's blessing?

SNB: Yung may conscious effort to seek it? Wala... Hindi nga, kasi at this point nga, ang gusto niya, mag-concentrate muna doon sa trabaho niya.

Q: What happened doon sa political party na supposedly, i-lalaunch nila VP Binay?

SNB: I think, hopefully, this year ata magla-launch na siya. Kasi may time constraints din sa Comelec na kailangan pa ng approvals, so marami pa siyang proseso na dadaanan.

Q: May specific month na, Ma'am?

SNB: Wala pa. Wala pa.

Q: Yung pangalan ng party, Ma'am?

SNB: Hindi ko alam eh. Hindi ako kasali sa... I'm not really into it. So, baka si Cong. Toby [Tiangco] yung may mas alam.

Q: So kung tatakbo po yung, siyempre, may official declaration na si VP Biany na tatakbo, ano po ang magiging papel ninyo sa election? Sa kampanya?

SNB: Ako... Hindi ko pa alam, wala pa siyang inaassign sa akin. (Laughter)

Q: Ito, may patanong, sabi ni Senator Alana, kapag si VP Binay na ang presidente, maabsuwelto na sila JPE? Your comment?

SNB: Patulan ko ba? (Laughter)

Q: Paulit-ulit na sinsabi yun ni Senate majority floor leader.

SNB: Katulad nga ng sinsabi ng father ko, nasa korte na yan eh. Let the process take its natural course.

Q: Walang ganoong commitment si VP Binay sa kanyang mga ka-alyado na kung maging pangulo, ay makakaasa...

SNB: Hindi kasi, ibang sanay ang judiciary eh. At yung kaso nila eh nandoon na nga yun eh. It's not up to him.

Q: On JPE's case

SNB: Hindi ko alam kung ganoon kabilis matatapos yung kaso nila. Remember, yung kay President Erap dati, it took 2 years. Ano pa itong kaso nila Senator Jinggoy mas complicated.

Q: (unintelligble)

SNB: Siguro we cross the bridge when we get there.

Q: Eh kung si VP Binay ang i-endorse ng Malacanang, ibig sabihin ba ma-aabsuwelto sila Abad sa DAP.

SNB: Wala pa naman silang kaso...

Q: Ma'am, meron na po sa Ombudsman. Sabi ni Rep. Terry Ridon, Plunder case.

SNB: Siguro we cross the bridge when we get there.

Q: Okay, Ruby? Q: Kanina po, medyo seryoso kayo na huwag saktan ang mga mahal ninyo sa buhay. Mat threat po ba sa inyo or VP Binay? SNB: Hindi, pero ako, based on my experience lang ha. Kasi doon sa local politics may history na kami ng ganoon. If you remember yung close-in ng father ko was ambushed sa The Fort. Doon talaga natakot ako kasi may instance... Dati kasi, naghahatid ako sa mga anak ko eh at naghihintay ako. At kung saan ako tumatambay, may mga lalake na nagtatanong kung tumatambay daw ako doon. May mga ganoon, so siyempre as a mother, dib a, yun ang fear me eh. We don't know it can get dirty and nasty pagdating ng 2016. Q: Pero considering yung mga potential na mga makakalaban ng inyong father sa 2016, capable po ba sila ng ganoong karahasan?

SNB: Hindi nga natin alam. Pwedeng hindi sila, pwedent supporter nila. Wala naman masama kung mag-iingat or magkaroon ng ganoong concern.

Q: May pinapatanong po si TJ, Ma'am. Klaro po ba kung sino na po ang magiging ka-tandem ni VP sa 2016, kung sino ang magiging vice?

SNB: Wala pa. Kasi siguro nga, based on my experience, kung natatandaan ninyo, siya din, bago siya napili ni Presidente Erap as vice president, a week before filing. Ganoon kalate na eh. Hindi pa siya priority.

Q: Pero magkasama kayo sa bahay, wala ba siyang nasasabi na "Oh, ito yung napupusuan ko bilang ka-tandem?"

SNB: Wala. Kasi kapag nasa bahay, inuutusan niya ako eh... "Oh, yung barong ko..." Ganun eh... (Laughter)

Q: Ganoon pa rin, Ma'am?

SNB: Ganoon pa din.

Q: Hindi nyo po ba sinasabi na, "Senador na ako eh."

SNB: Binibiro ko nga siya eh, kunwari, kumuha ng tubig. "Dad, ah. Yung tagakuha ninyo ng tubig, senador na." (Laughter) Sa bahay, we are normal... Anak ako dun. Hindi ako senadora.

Q: Wala bang pag-uusap about politics? About 2016?

SNB: Bihira. Bihira.

Q: Jam...

Q: Ma'am, si Senator Jinggoy po, option pa rin?

SNB: Sabi ko nga, anything is possible. Pero symepre, mas mahirap yung katayuan niya ngayon kasi nakakulong siya.

Q: Sino pa po yung nasa listahan na posibleng...

SNB: Walang listahan eh.

Q: Pero senatorial, may lumalabas na.

SNB: At least sa senatorial mas madami yun eh. Iyon mas kailangan pag-aral kung sino ang i-fefeed. Kasi based doon sa experience sa 2013, medyo nagahol sa pagpili.

Q: Pero paano po yung magiging selection process sa pagpili ni VP? Siya po ba mismo ang pipili this time or may political committee yung party na sila yung magiging...

SNB: Hindi ko pa alam, siguro malalaman natin kapag nabuo na yung political party.

Q: No more? Yung ad ng Taguig was patterned after doon sa Makati. Any comment daw doon po doon?

SNB: I guess, bahala na magdecide yung mga viewers kung feeling nila na kinopya yung ad ng Makati.

Q: Pero ano po yung personal na kinopya yung sa Makati?

SNB: Ano sa tingin mo? (Laughter)

Media: Ma'am, ano tingin mo?

SNB: Ano mas tingin mo? (Laughter)

Q: Bawal daw ang corrupt sa Taguig. Oo nga, may iniemphasize silang ganoon. Bawal ang korap.

SNB: May pagkakaiba din eh. Kasi yung doon sa ad ng Makati, yung daddy ko mayor ng Makati noon eh. So, wala namang personality si Senator Alan sa Taguig, di ba? Hindi naman siya mayor...

Q: Wife naman niya yung mayor.

SNB: So, I think yun ang difference noong ad. Sa Makati, daddy ko talaga yung mayor. Doon sa Taguig, hindi siya ang mayor.

Q: Pero noong nakita ninyo yung ad na iyon sa TV, ano ang unang naging impression mo? Copycat?

SNB: Hindi naman... Wala, pinanood ko lang. NR nga di ba? NR.

Q: If you are saying na hindi siya mayor so may disconnection ito sa 2016?

SNB: Hindi ko alam kung ano yung concept nila doon sa ad, di ba? Kasi noong sa father ko na ad, kasi he was the mayor and nagcelebrate sila ng ilang years noon, kaya ganoon yung ginawa nila sa ad. So, I don't know kung ano yung sa Taguig. I don't know kung ano yung rationale.

Q: Pero kumbinsido ba ka doon sa laman ng ad, na ganito sila sa Taguig.

SNB: Na alin?

Q: Parang hindi ka kumbinsido... Okay.

Q: Since wala siyang connection sa Taguig, maliban sa asawa nya yung mayor, appropriate ba yung ginagawa nya?

SNB: Ikaw, ano sa tingin mo?

Q: Aba, binabalik ninyo sa amin yung tanong... (Laughter)

SNB: Hindi, yun lang... Hindi sa kinoquestion ko kung apropriate, sinasabi ko lang na sa commercial ng father ko, he was the mayor of Makati...

Q: So, may authority.

SNB: So, kung ano man yung achievement... 'Di ba sa ad nga, "Ganito kami sa Makati." Kasi he was part of making Makati kung ano siya ngayon di ba? So, doon sa Taguig, iyon ang hindi ko alam kasi hindi nga siya mayor, hindi rin siya congressman ng Taguig. So, iyon ang tanong. So, sa susunod, pag nakita ninyo si Senator Alan, pwede ninyo itanong, bakit nga... Kung bakit siya ang nasa ad.

Q: Ang sabi si VP Binay may moral personality na kayang i-endorse.

SNB: Baka kasi magkapareho sila ng apelyido ni Mayor Lani. Baka ganoon. (Laughter)

Q: Okay... No more intriguing questions? With that...

SNB: Ito na lang. Alam mo, siguro gusto ko rin magpasalamat doon, o di ba parang showbiz, gusto ko magpasalamat doon sa mga inspite of the bashing, ang dami ko ring narireceive na text, na supporting me, giving me words of encouragement. Na huwag ko na lang pansinin. Every time na nakakatanggap ako ng ganoong message, parang naeerase lahat nung bashers. Tapos na-notice ninyo na-based noong 2013 na tumatakbo ako, kasi noong 2013, parang wala akong kakampi. So ngayon, parang unti-unti, mayroon na akong kakampti. So maraming, maraming salamat.

Q: Magiging ingspiration nyo iyon sa pagperperform ng inyong duty as a senator. May mga supporter na kayo.

SNB: Si Kris, si Boy Abunda, o di ba showbiz...

Q: Ano tinext sa inyo?

SNB: Na-discuss ata doon sa Abunda-Aquino Tonight na they were defending me. Si Allan K. Din nagtweet. And even, si Heart Evangelista also defended me.

Q: Wow.

Q: E si Vice Ganda?

SNB: Wala pa. Pero friends kami....

Q: Love, love, love...

SNB: Love, love, love...

Q: Ok? With that... Thank you very much Senator Nancy Binay.

SNB: Thank you very much.

AMBUSH INTERVIEW

SNB: In another way 'yung pagka-clarify ng savings para 'di rin siya maabuso. For me, basta 'yung definition will still adhere to the Constitution at saka kung ano talagang nilalagay sa GAA. Kasi 'di ba lumalabas ngayon parang naabuso nila 'yung definition of savings, para sa akin we should define it para hindi magamit sa DAP.

Q: Kahit ma'am mid-year. Gusto nila may mid-year savings...

SNB: I think 'yun 'yung isang pagtatalunan namin. Ako personally hindi ako papayag na mid-year ide-deklara na siyang savings.

Q: ...otherwise, bakit mo bibigyan ng pondo na hindi kayang gastusin?

SNB: 'Yun na nga, na hindi pala kayang gastusin within the first six months. 'Di ba?

Q: Ma'am, since involved 'yung COA sa DAP, palagay mo iimbestigahan din sila?

SNB: I guess sa hearing din nga 'yun din ang gusto kong malaman. Kung hindi ba sila aware na cross-border 'yung, I mean, why did they ask the Executive for additional funds when alam naman nila na cross-border 'yun. And kung nag-issue na sila ng disallowance dun sa mga... Unang-una na-audit na ba nila 'yung mga DAP-related projects tapos may naissuehan na ba sila ng disallowance dun sa mga proyekto na 'yun?

Q: Sa hearing, Ma'am, sa next DAP hearing or budget hearing?

SNB: Hindi ko alam kung, siguro kung magpapatawag pa si Senator Chiz, baka mas maigi na invited 'yung COA dun sa hearing.

Q: Ma'am, did you formally request to call COA?

SNB: Siguro I can write Senator Chiz pero ang hirap kasi ngayon 'di ba? Mag-budget deliberation na so baka pwedeng isama na lang siya dun sa budget hearing total maga-appear na naman sila.

Q: Ma'am, wala kang sched kung kailan ka pupuntang Crame?

SNB: Wala pa nga.

Q: Will it be the four of you?

SNB: Hindi ko rin alam. Kasi 'yung schedule namin parang ang hirap... at saka nga, 'di ba nga maliit lang 'yung kwarto ni JPE...  hindi pa kami kasya.

Q: So hindi pa next week 'yung kontra SONA?

SNB: Parang hindi pa.

Q: Ang late naman. Pero gusto ba ni Tito Sen na siya ang magbasa?

SNB: Ay hindi naman. So it's either siya or si Sen. JV ang magbabasa.

Q: Pero anong idea? Kay Senator Enrile

SNB: Hindi. Isang option is si Senator Enrile 'yung magda-draft nung speech tapos siguro may input kami or magbibigay siya ng

Q: 'Yun yung ideal na set up. Pero 'pag ayaw niya? Paano? Sinong magde-deliver?

SNB: Parang hindi naman . Hindi ko alam kung ayaw niya. Kasi 'di ba nung bumisita si JV, okay naman siya sa idea ng kontra SONA?

Q: Oo. Pero the ideal is siya ang magda-draft? Si Senator JPE?

SNB: Parang ganun kasi he still is the minority floor leader, kung baga pagbibigay-galang lang.

Q: But you're also asking Senator Jinggoy for input?

SNB: Ay, oo, hindi nga lang alam kung kailan kami makaka-visit.

Q: Papaano kapag ayaw ni Senator JV magdeliver?

SNB: May ganun?

News Latest News Feed