Press Release
August 29, 2014

Transcript of Bombo Radyo Interview
with Senate President Franklin M. Drilon

Q: Ang ber months ay papasok na po ngayon, kailangan na matapos ang isa sa mga pinakamahalagang batas ng bansa- ang pambansang national budget. Kamusta na po ang pagtalakay niyan sa Senado?

SPFMD: Tuloy tuloy po ang pagtalakay ng national budget sa Senado. Nuong Miyerkules, ang budget po ng Department of Health ang ating binusisi. Ang budget po ang pinakamalaking budget po sa kasaysayan ng Department of Health - P102.2 billion peso. Ito po ay lumaki ay dahil sa Sin Tax Reform Act o yung pagbubuwis sa sigarilyo at alak. Yaan po ay tinulak natin noong 2012 kaya naman po lumago ang koleksyon ng BIR sa mahigit na P51 billion na ginamit para sa budget ngayon ng DOH, sangayon na rin sa Sin Tax Reform Act na aking itinulak. Kaya naman po maraming hospital at pagamutan ang matutulungan.

Ganun din, yung P37 billion ng P102 billion ng DOH ay para sa Philhealth program, para maipasok natin ang sa P14 million Pilipinong pamilya na mahihirap, upang malibre sila sa mga hospital at gamot sa bansa.

Q: Liban diyan sa budget at sa Blue Ribbon Committee hearing sa overpriced Makati building, ano pa po ba ang pinagkakaabalahan sa Senado?

SPFMD: Alam mo ngayong umaga nakita ko sa pahayagan, ang mga pinakamayamang tao sa buong bansa. Yung 50 pinakamayaman sa buong bansa ay siyang may hawak ng 30% ng ating ekonomiya. Kaya nga tinatalakay natin ngayon sa Senado yung Fair Competition Act. Ito yung batas na naglalayon na ang competition sa mga negosyo sa bansa, malaki ka man o maliit lang, ay dapat pantay pantay.

Ito ay tinutulak natin upang lumawak ang hanay ng negosyo sa bansa, dahil sa ngayon, ilan lang mga pangalan ang humahawak sa ating mga negosyo. Halos merong monopoly sa maraming mga produkto. Kaya po ito ay ating itutulak para lumawak ang hanay ng mga negosyo, at makapaggawa at bigay tayo ng maraming trabaho para sa ating mga kababayan.

Q: Ayon po sa interview namin kay Pang. Aquino, suportado niya ang anti-dynasty bill. Ano po ang estado niyan sa Senado?

SPFMD: Ay sa amin po ay sa tingin ko ay maipapasa yan. Sa aking tingin, susuportahan naman ito ng aking mga kasama sa Senado dahil makakabuti ito sa estado ng ating pulitka. At hihintayin po namin na maipasa iyan sa Kamara de Representantes, at kapag naipasa ay agad naming tatalakayin iyan.

Q: Ayon din sa panayam namin kay Pang. Aquino, ang sinusuportahan niyang Charter Change ay ukol sa issue ng overreach at hindi sa pagpapalawig ng kanyang termino. Ano po ang reaksyon niyo dito?

SPFMD: Alam mo isa sa mga hindi nagustuhan ng Pangulo ay yung DAP decision na kung saan sinasabi na in bad faith ang executive branch, na kailangan pa nilang patunayang they did those acts in good faith otherwise, ikukulong sila. Ito naman po ay mali, dahil ayon naman sa napag aaralan namin bilang mga abogado, "good faith" is always presumed. Hindi naman pwede agad sabihin an "Eto ay may masamang intensyon ka, at ipakita mo na hindi totoo ito." Mali po iyan.

Yan siguro ang disappointment ng ating Pangulo. Kaya hintayin natin yung resulta nuong inihain na motion for reconsideration kung paninindigan ng Korte Suprema yung sinabi nila, bago natin talakayin itong judicial overreach na sinasabi.

Q: On a lighter side, bakit nyo po tinanggap yung ALS ice bucket challenge?

SPFMD: Sa akin po this is a good cause. Ito ay causa na ating susuportahan, lalo na sa sakit na ito na marami pa ang di nakakaalam, at kung ano ang dahilan nito. Kaya naman po tinanggap ko ang challenge ng aking kaibigan na si Rep. Jun Jun Tupas.

News Latest News Feed