Press Release
October 1, 2014

TRANSCRIPT OF SEN. GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW

Poe: Pinag-aaralan namin, sabi namin, bago kayo bumili ng mga train, siguro dapat magpapunta kayo dun ng maintenance provider para mayroong single point of responsibility, yung hindi turuan. Dapat magsama-sama, mag-usap na ang private owners ng MRTC at yung DOTC. Kasi parang may disconnect sa kanilang dalawa. Kanya-kanya sila, hindi sila magkasundo.

Q: Kanina may binabanggit yung sa budget ng DOTC sa 2015 magkasama na rin yung buyout?

Poe: Mukhang hindi nila na-justify. Mukhang kailangan yun, kasi ilang beses silang tinanong nina Sen. Recto, Sen. Chiz, Sen. Osmena. Tinatanong sila, ano ba ang binibili ninyo diyan? Hindi kasama ang istruktura diyan, hindi kasama yung common stock. Binibilang ninyo yung sa Landbank and sa DBP, diba? Bakit pa ninyo kailangang bayaran e kumikita naman yung dalawang banko na iyan. So yun yung mga issue doon, na sa tingin ko, at hindi naman ako ang chairman ng finance committee, baka hindi iyan ma-approve.

Q: So possible na tanggalin yung portion na yun?

Poe: Malaking posibilidad po yun pero siyempre hindi ako yung chairman noon, pero kung ako ang magrerekomenda from this committee hearing, so far, ang masasabi ko lang, they haven't justified the need or the urgency to pay 53.9 billion.

Q: So inassure ba nila na habang wala pa yung bidding dun sa mga kailangan natin para sa maintenance ng MRT, sa present situation, okay pa yung safety ng mga pasahero?

Poe: Dapat nga natanong naming ng diretsahan yun no. Kapag informally, kapag nag-uusap kami, sabi okay naman daw, tapos yung expansion ng ridership hanggang 800,000 e ngayon nasa 600,000 tayo so okay pa. Pero kailangan na talaga yung overhaul which is due in 2016. So if the overhaul is due on 2016, I'm assuming that it is still okay.

Q: In dealing with the ownership...

Poe: I don't know if they've maliciously done it but there's certainly more to be desired in what they are doing. I don't know if it's lack of technical knowledge on the system but as Senator Ralph said, they should have institutional memory of what has been going on in the MRT, and they should have been able to provide for seamless transition.

Q: Tsaka ma'am, diba they even offered to buy secondhand?

Poe: This was in the last administration. And there was an offer na hindi naman natuloy. Di pinayagan ng MRTC kasi sila ang mapapahamak diyan eh. So meron, pero ang problema talaga ngayon, ang problem ng maintenance provider, began already in 2012. It's already in this administration that I feel--I don't know if it's a subject of a court case already--nasa Ombudsman na iyan, dapat daw walang dahilan para magkaroon ng emergency granting of maintenance agreement with this company without bidding, diba? Naibigay doon sa APT na sabi "eh bakit hindi nalang kayo nag bidding?" Yung Sumitomo all of a sudden, abruptly, diba renew na lang sila ng renew tapos tinanggal. So, meron talagang pagkukulang. So hopefully ngayon, imbes na magturuan lang ng magturuan, ayusin nila para ligtas ang pasahero, kaya sabi ko, nagbid na ba yung Sumitomo? Kasi diba parang sila yung kailangan natin. Ang sabi ng MRTC hindi na raw sila interesado sa general maintenance. Gusto na nilang ngayon overhauling. Can we blame them? Of course not. Kasi ang dami nang lumang mga parts diyan.

Q: Ma'am, yung loop na connecting sa Trinoma?

Poe: Oo, yun nga yung pinapaaral ko sa kanila kasi apparently sabi ni Mister Sobrepeña, yung Monumento loop na yun. Mas maraming makakasakay kung mayroong papuntang EDSA as opposed sa papuntang Maynila. Pero tama din yung sinabi ni Ms. Dayao, siya yung sa civil society and commuter din siya, sabi niya teka muna, but if we add 300,000 more passengers, hindi kaya mas magiging pahirap yan sa capacity ng train. So may mga ganung issue na pinag-aaralan kaya I said DOTC, MRTC, please mag-usap kayo. Mag-usap naman kayo kung ano ang pwede.

Q: So ma'am wala pa pong possible date na pupwedeng magdugtong na talaga ang MRT at LRT? Poe: Ganito, I'm telling them to submit to me on a weekly basis now yung mga glitches at kung anumang mga report. I will also ask them to submit to me kung meron silang mga napag-usapan. But right now, ang hinihintay ko ay ang report ng MTR Hong Kong kasi binayaran sila ng MRTC para i-audit ang sistema ng train. Doon natin malalaman kung gaano ka-palpak, yun ang pinaka-nakakatakot. Before we can even think of connecting our trains, the safety of all our passengers. But based on your question, I will ask them to submit to me when they have met and talked about it.

Q: Yung complete government buyout, yung takeover, it's not possible you said kanina na yun nga lang pag-settle ng DBP and Land Bank mahirap na.

Poe: Mukhang malabo. Kasi ang ating chairman of finance, present kanina di ba? And then all three present senators here a while ago were asking exactly what are you buying. And if you were here, you would say that they're not really sure what they were buying, are they buying the equity, common stock, the actual structure? Parang hindi sila sure, may mga matitira-tira pang utang sa ibang bangko. Mapupunta lang talaga ang pera na yan sa DBP at Land Bank so sabi nga nila, kumuha ka ng pera sa isang bulsa mo at nilipat sa kabila. Tinanong pa, "hindi ba kumikita ang DBP at Land Bank diyan?" kasi ngayong ang interest rate ay 5%. Noong nag-umpisa yan, 15%. Ngayon dahil increasing ang interest rate na they'll reach 18% in year 2025. Sa ngayon ang binabayad na interest rate ay 10%, so kumikita talaga ang DBP at Land Bank. So hindi nga maintindihan bakit gusto, baka mali ang advice na magkaka-control na tayo kapag binili natin yan sa $53.9 (billion), no way, wala pa rin tayong control.

News Latest News Feed