Press Release
October 3, 2014

Transcript of DZRH Interview with Senate President Franklin M. Drilon

Q: Mainit na usapan po sa Senado yung show cause order, yung patuloy na pagdedma ni VP Binay na umattend sa mga hearing diyan, itong mga question sa Korte Suprema na itigil ang mga imbestigasyon ng subcommittee ng Blue Ribbon, yung gagawin ng sub committee ng Blue Ribbon na kapag hindi pa rin umattend sila Mayor Binay ay ipaaresto na. Ano po ba ang masasabi diyan ng lider ng Senado?

SPFMD: Unang una Neil itong ating imbestigasyon ay tinatawag natin na in aid of legislation. Ito po ay isang proseso na kailangan natin para malaman natin kung ano ba ang mga kailangang baguhin sa ating mga batas. Pangalawa, itong proseso na ito ay para malaman natin kung ano ba talaga ang katotohanan sa mga sinasabing anomalaya dito sa Makati Building 2.

Ngayon, sana po galangin ni Mayor Junjun Binay ang ating proseso sa Senado. Kami po ay kung inyong matatandaan, hindi po kami nagissue ng subpoena kay Vice President Binay, bilang respeto sa kanyang tanggapan. Pero si Mayor Junjun Binay po at ang kanyang mga kasamahan, sana naman po ay sila ay sumipot.

Ngayon, kasama po sa proseso na hinihiling ang kanilang paliwanag kung bakit inignore nila ang subpoena ng Blue Ribbon subcommittee. Ngayon ito po ay binigyan ng ilang araw - ito po ang proseso - para magkaroon sila ng pagakakataon na magpaliwanag at humarap sa Senado at galangin ang proseso. Ngayon kung walang sapat na rason eh siguro pagdedesisyunan ng Blue Ribbon Committee na kung ano na ang karapat-dapat gawin para mahiling natin ang kanilang testimony.

Q: Posible ba na talagang ipaaresto sila Mayor Junjun Binay at icicite for contempt ng Senado?

SPFMD: Ang proseso po, hihingi ng paliwanag ang Blue Ribbon Committee. Ngayon, nasa mga miyembro ng Blue Ribbon Committee, nasa sa kanilang determinasyon kung meron bang sufficient explanation - o kung tama ba yung naging sagot kung bakit hinid daw sila nakasipot. Hindi lang naman si Mayor Junjun Binay, meron din ibang sinubpoena din sa pagkakaalam ko. Ngayon hinahanapan sila ng eksplanasyon kung bakit hindi sila sumipot. Ngayon kung tama ang paliwanag nila, ngayon hihingin na lang na humarap na sila sa susunod. If they will continuously ignore o kung patuloy nilang balewalain ang Senado, mapipilitan na sila ay idetain sa Senado hanggang sa sila ay magtestify.

Yaan po ay matagal nang napagdesisyunan sa Korte Suprema. May kaso nuong 1950's at sinustain ang kapangyarihan ng Senado na pilitin na magtestigo ang sinuman na kailangan sa isang Senate hearing.

Q: Pagumabot na sa puntong ganuon, ilang araw ba madedetain yan?

SPFMD: Let us not anticipate, malayo pa iyan. Ang naging desisyon ng Korte Suprema sa Arnold case, sila po ay madedetain para makapagtestify sila sa Senado.

Q: Bilang courtesy naman kay VP Binay, hahayaan niyo na lang siya sa proper forum daw magpaliwanag at hindi na siya pumunta sa Senado? Ok lang ba sa inyo?

SPFMD: Hindi namin siya inissuehan ng subpoena, out of respect to his office. Kinumbida siya lang po. Nasa kanyang pagpapasiya na po kung haharap sa Senado o hindi. That is his privilege.

Q: On the economic bills, sa pagtitipon po ng Management Association of the Philippines, binanggit ninyo na magrerekomenda kayo ng special session sa 2015 para maipasa yung mga pending economic bill sa Kongreso? Ano po ba yang mga economic bills na iyan?

SPFMD: Marami po iyan, nung nakaraang tatlong linggo lamang nung ibingay sa amin ng economic cluster ng Kabinete yung mga panukalang batas na isyang kailangan natin para tuloy tuloy ang mga reporma at ang pagunlad ng ating ekonomiya.

Halimbawa, yung pagreview ng mga incentives sa mga kumpanya na binibigyan ng pribilehiyo sa buwis. Alam mo ban a mejo may 186 na batas ang nagbibibigay ng iba't-ibang pribilehiyo sa mga bagong kompanya. Kailangan ba iyan o hinde? Ito pong buwis ay source ng revenue ng ating estado, pero dahil sila ay mga pioneer ay binibigyan sila ng pribilehiyo, mga income tax withholdings.

Mayroon din po yung Fair Competition Act na amin ding tatapusin. Mayroon po rin na batas tungkol sa modernization ng Customs. Mayroon ding batas na tungkol sa pagbabago ng ating income tax bracket at yung mga sa tax sa Christmas bonus. Yaan po ay tatalakayin naming muli lahat dahilan sa medyo nahuli yung executive sa pagbigay sa amin ng mga kanilang mga bersiyon ng mga pnaukalang batas., kaya baka kailangan nga ng special session. Ngunit sisiskapin naming na tapusin lahat iyan bago ang pagdating Hulyo sa susunod na taon.

Q: Kasama na po diyan yung sa Bangsamoro Basic Law at yung Freedom of Information Bill?

SPFMD: Tama po iyan. Sa katunayan, yung Bangsamoro Basic Law, inumpisahan na namin yan ngayon, at sisikapin namin yan tapusin by March of next year. Yung Freedom Of Information bill, tapos na po sa Senado, nanduon na po sa Kamara De Representate.

Nandiyan din po yung yung emergency powers for the energy shortage. Yan po ay masalimuot. At yan po ay aming tatalakayin agad pagbalik namin sa Oktubre. Tanggap po natin na kulang ang ating supply ng kuryente at magkakaroon ng mga blackout pagdating ng Marso hanggang Hulyo next year. Ngayon ang kailangan natin ay mga nasa 300 megawatts ng generating capacity. Kailangan po natin ang pahintulot ng Kongreso bago mabili iyan ng Department of Energy. Importante po iyan para sa ating ekonomiya, dahil kapag hindi natin na address iyan, tiyak na magkakaroon ng mga blackout, lalo na kapag tinamaan tayo ng El Nino.

Q: Reaction on the latest Pulse Asia survey regarding Pres. Noynoy Aquino?

SPFMD: I'm sure nakikinig si Presidente Noynoy sa kanyang mga bosses, at pagaaralan iyan ng Malakanyang, yang latest survey ng Pulse Aisa. Tingnan natin kung ano ang gagawin ng pangulo. I can assure out people that nakikinig siya, and he listens to his bosses.

Q: Diba tanggap naman na ng Malakanyang na wala nang pagasa yang term extension?

SPFMD: Yan nga ang aking sinabi, nakikinig si Presidente Aquino sa kanyang mga kababayan.

News Latest News Feed