Press Release
October 28, 2014

TRANSCRIPT OF SEN. GRACE POE'S dzMM INTERVIEW
With Mr. Ted Failon

ON HUNGER AND MALNUTRITION

TED FAILON: Madame Senator, good morning po, madame.

SEN. GRACE POE: Hi, magandang umaga, Manong Ted at sa lahat po ng nakikinig, magandang umaga po! Parang nakonsensiya na naman ako dun sa pinlay-back yung ano sa akin.

FAILON: Pagbutihin mo.

POE: Oo, pagbubutihin ko talaga yan. Pag nag-iisip po ako, yung billboard ng nanay ko na nakataas pa yung daliri, kahit sa Quiapo ako nagpupunta, nakikita ko pa rin siya. Sa totoo lang po, yung speech na ibinigay ko kahapon ay dahil po sa World Food Day. Ngayon po, dun po sa nabanggit na datos na 15 million undernourished Filipinos...if we'll have to speak strictly about statistics, hindi po nalalayo yan. Pero ang sinasabi naman ng national statistics natin dito, yung poverty, below poverty line natin...so talagang maraming nagugutom sa atin. At ang isa pa, yung self-rated poverty at "food-poor" na sinasabi ng SWS. Syempre mahirap naman nating sabihing basta self-rated poverty yan, iba naman yung pananaw ng iba't ibang tao pero that's 9.3 million Filipino families.

So, kung 9.3-million Filipino families, times five (number of family members) o times three mo yan kasi kada family there are three kids. Mas tataas pa actually yung datos pero wag natin kalimutang whether it's a million kids or 27 or 15 million kids, wala pong dahilan para hindi natin pakinggan na napakahalagang problema ito.

(NOTE: 9.3 million food-poor Filipino families x 3 children = 27.9 million "food-poor" Filipino children)

FAILON: Mayroon po kayong panukala nga po dito, doon po sa paglalaan nga ng pondo. Ang kasalukuyan pong proposed budget ng pamahalaan, P2.6 trillion... e, may mga erra-errata ngayon. Sa inyo hong pag-aanalisa at pag-aaral po ng proposed budget na ito na aaprubahan na. E, sangayon ba ho kayo sa kanila pong nakalaan na pondo particularly po for DSWD and DepEd, dito po sa kanilang feeding program?

POE: Alam niyo po kasi sa akin, syempre yung budget hindi mo kaagad-agad basta pwedeng palitan yan tapos ma-iimplement kaagad. Kailangan yung mga institusyon na mag-iimplemente niyan ay handa. Masaya ako dahil at least pagkakataon na ito, sa administrasyon na ito, lahat ng severely wasted kids... ibig sabihin buto't balat, kasing laki ng tanzan ang mga braso ay mabibigyan na ng pagkain kasi 500,000 sila, mabibigyan ng 1 point something billion ang DepEd para mapakain sila. Tapos yung Day Care Centers naman natin ay mabibigyan na ng pondo sa DSWD para sa pagkain pero kulang pa po ito kasi we have 15-million kids in a public school. At ang sa akin, kahit na sabihin mong pangarap ito... e kaya naman ng bayan natin e. Ang dami nating ginagasta. Malaking tulong sa mga magulang kung alam nilang pag pasok ng mga bata, hindi nila poproblemahin ang pananghalian nila. So, sa tingin ko marami tayong dole-outs na ibinibigay, ayaw natin ng salitang subsidy. Ayaw natin ng salitang subsidy pero sa tingin ko, let's look at this as an investment because sabi nga sa World Economic Forum, one of the biggest advantage of this country is a young workforce. E, papaano naman magiging effective workforce yan kung bata pa lang ay hindi na kumakain ng tama. Hindi magiging kasing talino ng dapat sana ay potensyal niya.

FAILON: Actually po Madame Senator nga ano, ang laki ho... ang lalim ng problemang ito because when you say na ganito karaming mga batang Pilipino po ang either under nourished o kaya talaga pong malnourished ano po. Ang tanong nga diyan e, bakit sila walang makain? Dahil po yung magulang din e walang kabuhayan, ano ho? So, talaga hong malalim po ito. Pero sa inyo... kayo ho ba'y naging bahagi po ng mga pagdinig para busisiin po itong... saan ba napunta itong P62 billion na ito? Para doon sa Condition Cash Transfer, ngayon for this year, kasi nga po ito po yung layunin po nito Madame e. Diba yung masiguro ho muna na yung mga magulang ay pinag-aaral ang mga anak, kaya nga may condition, Conditional Cash Transfer. Tatanggap ka ng pera mula sa gobyerno, dole-out talaga ito... bibigyan ka ng pera, siguraduhin mo lang na yung bata, mag-aaral. Pero eto, mayroon kang pera para sa pagkain, yung bata makakakain bago mag-aral, yung mga magulang may dagdag nga pong kita, bigyan ng pera para pambili po ng pagkain, Madame Senator.

ON THE PROPOSED STANDARD LUNCH PROGRAM FOR KIDS

POE: Kung magbibigay tayo ng malaking budget, pwedeng sa National Public School Feeding Lunch Program, at least direkta sa tiyan ng mga bata ang ganitong uri ng programa. Sabi ko nga, there's some frivolous items in the budget na parang sa tingin ko, kung napunta sa tamang programa, hindi lamang sa lunch program, sabihin nating para sa mga dapat mapuntahan na programa, magsasaka, yung mga ospital natin, mga public hospitals. Katulad po nung buy-out halimbawa na pino-propose para dun sa MRT na alam naman natin kahit bidding yun ay hindi naman talaga pagmamay-ari pa rin ng gobyerno dahil parang binayaran mo lang yung Landbank, hindi ba? Pero may mga bagay-bagay na ganon na pwedeng busisiin. Pero ang punto ko lamang po, kung hindi man maihahabol sa budget na ito, kailangan na natin pagaralan na i-institutionalize ito, gagawin naming case study itong programa ngayon ng DepEd next year na feeding program for the severely wasted, to make sure na kapag nagpasa kami ng batas ay hindi naman mabubulsa lamang ang pondo na mapupunta dito.

FAILON: Well, kasi kung ngayon din, kagandahan po, we trust ito pong integridad ni Sec. Brother Armin, kasi sila po ang implementing agency po nito, because in the past, as you know siguro, ultimo yung purchase ng noodles, di ba overpriced? May mga - ultimo yung mga gripo na pang-inuman ng mga bata doon sa mga public schools ganoon din po, ang daming kontrobersya. At least ngayon, nandyan po si Brother Armin. But, can you tell us first po Ma'am, ano po ba ang detalye nitong feeding program na ito? Ilang - sa budget po na binabanggit po ninyo, ito po ay araw-araw na pagpapakain sa mga bata. Saang mga lugar? At ito po ay tatagal ng hanggang kelan?

POE: Hindi, ganito po yun, kasi maraming version ito ngayon na nakasalang sa Senado. Yung sa akin halimbawa, kung ano muna yung kaya ng gobyerno, like let's say from kinder to grade 4, so parang ang nilaan ko dyan ay P10 billion, at P14 per child. Pero kailangan pa ngang i-deliberate. Ang isa pa kasi dyan, yung sinasabi natin, 120 school days pa lamang yung sa'min. Yung version na una kong sinubmit a year ago. Meron ding ibang version si Sen. Sonny Angara, meron din si Sen. Miriam Defensor-Santiago. Kaya nga po lahat yan, sa komite yan ni Sen. Pia. Titingnan nya kung ano ba talaga ang pinaka-applicable. Kung kailangan 201 school days, kasi yun po ang number of school days natin or yung 120 na standard na nourishment of the kids o yung sa makakayanan ng ating gobyerno. Pero sa tingin ko talaga, it's about priorities. At sa tingin ko, ito talaga hindi dapat panghinayangan.Malaking tulong sa mga magulang, hindi lamang sa mga bata.

FAILON: Opo, this is a matter nga po ng who will implement and how will they implement? And yun pong kumbaga, post-audit na mangyayari po dito kung talagang napunta nga sa tama yun pong ginastos. Alright, so Ma'am ika ninyo you would like to institutionalize ito pong feeding program na ito.

POE: Lunch program po. Opo.

FAILON: Yun pong lunch program, opo, so, mayroon po kayong panukala, at ito po ay nakapending ngayon in the Senate. Ilan po itong version na gusto nyong pag-isahin?

POE: Parang apat or lima yung alam ko na versions at magaganda rin yung version ng iba. Nagkataon lamang po at ako'y nagulat rin na di ba usually naman kapag nagdi-deliver ka ng privilege speech, wala namang pumapansin talaga dyan, dahil di ba halos araw-araw merong ganyan. So, marami namang iba at yung kay Sen. Sonny, maganda rin. Kaya nga po, pangako naman ni Sen. Pia, yun na nga, iko-consolidate na nga ito, kasi malaking bagay ito kapag napasa ito ng administrasyon na ito. Kasi po yung Malaysia, Singapore, kung saan nakita naman natin na sila'y very progressive. Meron silang subsidy talaga doon sa mahihirap na mga distrito nila. Yung United Kingdom kung saan progresibo't mayayaman na ang per capita mas mataas, libre po ang kanilang pagkain sa mga early years of education. So, they really see the necessity of this. Kaya sabi ko, wag na nating isipin na sayang ang pera dito kasi kung hindi naman nanakawin ang pera at aayusin natin ng tama ang implementasyon nito ay makakatulong, kasi marami nga noong mga panahon natin kahit papaano ay nakakuha ng libreng pananghalian o libreng mais o kung anumang tinapay sa school. Pero ngayon, wala na nga ito. So sabi ko kung kelan pa sinasabing lumalago ang ekonomiya, ipadama natin yung biyaya na yan.

FAILON: Kung kelan umabot na ng trilyon, P2-trilyon ang budget. Madam Senator so you're saying na itong panukalang ito kung sakaling maaprubahan dahil wala na hong panahon para ito'y maisingit sa budget, this would be fully implemented by 2016 pa?

POE: 2016, ganon talaga. Kasi alam mo kahit gusto kong ma-implementa agad ito, ayoko nung bara-bara lang. Kasi nga tama po yung sinabi nyo na dati merong instant noodles na overpriced na wala namang nourishment. So you really have to standardize it. Alam nyo po yung isang hamburger chain ano, meron silang cook book sa kanilang programa, yung kanilang feeding lunch program at may Malunggay meatballs sila. Pwede po talagang pagkasyahin kung talagang itatama po yung pagkagawa. Yung iba dyan hinihikayat ko kayo, bisitahin nyo yung Philippine Christian Foundation School sa Balut, Tondo. Yung programa ng UK dito, makikita nyo ang ayos po ng implementasyon ng feeding program doon at yung mga bata mataas yung score.

FAILON: So pwede hong maging kumbaga, ito nga pilot ano, yung model na pwedeng sundan nitong panukalang ito. Alam nyo ho Madam Senator, siguro hindi natin maitatanggi nga na may magaganda na mga prinsipyo at mga panukalang ganito pero doon ho nagkakatalo sa implementasyon. Kapag lalo na pinakielamanan ng mga pulitiko. Alam nyo sa bandang dulo, ito ho talaga ang katotohanan dyan. Example sino ba ang mag-iimplement nito, saang lugar ito? Kung distrito yan, kung lugar ko yan dapat dyan ang lahat ng platong gagamitin ay pangalan ko. Dapat dyan lahat ng mga pakakainin dyan dumaan muna sa akin yung mga magulang nyan nakausap ko lahat, para sabihin na utang na loob ninyo kaya kayo nakakakain ng libre dahil kay mayor, kay governor, kay congressman...

POE: Dahon ng saging na lang ang ipambalot dahil baka tatakan pa. Pero alam nyo po yung programa po ni Bro. Armin, yung perang ibibigay sa 500,000 severely wasted kids ay downloaded sa mga principals ng mga schools. Ngayon wala naman pong fool-proof. Syempre kailangang pinagkakatiwalaan mo rin ang administrasyon ng paaralan na yan. Pero ganon po ang pagdownload ng pera, hindi sa local government. So pag-aralan po natin. Kaya nga po 2016 pa. Pero kahit na sabihin na 2016 pa, dapat ngayon pinag-aaralan na talaga yan. Kaya nga po nagsalita na ako para gawing prayoridad sa mga hearings.

FAILON: ...But in the end pa rin, as you all know, as you know Ma'am ano ho dahil kayo ay bago pa lang na senador na sa bandang huli po, hindi Kongreso ang nasusunod sa budget kundi ang ehekutibo, do you agree?

POE: Malaki po ang impluwensya ng ehekutibo, pero ayoko naman pong sisihin lahat sa ehekutibo. Sa tingin ko talagang dapat idiin lang. Pero hindi lamang sa executive e, kasi po yung kongreso rin, kailangan maging partner dito para maipasa. Kasi katulad ng ibang bill, katulad ng FOI, ang tawag nga daw ay FYI na, kasi nga masyadong matagal. Pero tingin ko dito, mararamdaman ng mismong mga constituents ng ating kasama sa kongreso kaya malaking bagay na. Pwede nating tawagan ang ibat ibang probinsya at sabihin nya sa kongresista nyo na magkaroon kayo ng libreng pagkain sa paaralan, sa tingin ko ito ay pakikinggan.

ON FOI

FAILON: Sige po nabanggit nyo po yung FOI ano ho, ito lang muna, ano na ho ang status nito ngayon? Malapit na naman kayo magbreak. Nasaan na po ang FOI?

POE: Ang balita ko po, hindi daw natuloy ang hearing sa pag-consolidate, yun ang balita ko, hindi ako sigurado, merong nag inform sa akin. Pero yun nga po e, meron tayong interparliamentary courtesy ayaw naman silang katukin palagi. Pero yun nga sabi nga ni Speaker Belmonte bago matapos yung kanyang termino ay ipapasa niya ito, priorities po ay maayos sa Senado ang FOI pero malapit po talaga sa loob ko ay yung pagkain ng bata kasi yun po talaga yung ating advantage.

FAILON: Iyang FOI po nga na iyan ay inaabangan nga po ng marami dahil SALN lang po ang hinihingi namin sa isang tanggapan mahigit isang buwan na Ma'am. Mahigit isang buwan na po, matagal na po iyon kaya we are putting this on the record and speaking of SALN para din kay Madam Miriam na yung mga SALN daw po ng public official o mga lingkod bayan ay maging detalyado na. Balikan ko lang po yung kay General Purisima. Ano po ba talagang nangyari kay General Purisima ay hindi po ako nag-imbento.

PNP COMMITTEE REPORT: TINATAPOS

POE: Yung aming committee report, inaayos na kasi ang daming naging panukala sa modernization so inaayos pa po na matapos. Bagama't hindi kami Blue Ribbon Committee at hindi na namin pinag-aksayahan ng panahon ang pag-iimbstiga diyan ang isa pong nilagay namin sa committee report ay recommendation na pag-aralan ng PNP ang kanilang record sapagkat nakikita talaga namin yung inconsistency dun sa mga report nila. Wala pong reservations and in terms of our observation lang po. Pangalawa po yung internal affairs...

FAILON: Madam Grace thank you for your time ma'am, pagbutihin niyo.

POE: Maraming salamat Ted at sa lahat ng nakikinig.

FAILON: Thank you.Sen. Grace Poe.

News Latest News Feed