Press Release
October 29, 2014

Transcript of Ambush Interview with Senate President Franklin M. Drilon

Q: Any comment sa plunder case na finile sa inyo ni Mejorada?

SPFMD: Malisyoso, walang basehan. Siya po ay tinanggal ko bilang consultant, at sinampahan ko po siya ng libel dahil sa malisyoso at kasinungalingan niya sa lahat ng ito. Ang disenyo ng Convention Center ay ginawa ng isang batikang arkitekto, si Architect Coscolluela. Yan po ay innominate ng Megaworld na siyang nagdonate ng property. Ang budget po ay P700 million, nanggaling po sa P200 million from TIEZA, P500 million from the national budget. Ito po ay 11,000 square meters, at wala po akong kinalaman tungkol sa bidding.

Wala po akong ininominate na isang bidder, sino mang bidder, ang bidding po ay sinupervise ng opisina ng DPWH Secretary and supervised by Secretary Singson. It is obvious that this complaint has absolutely no basis.

Q: Pwede pong palinaw lang, bakit ninyo tinanggal si Mejorada?

SPFMD: Dahilan po siya ang nag-ooperate ng aking Facebook account noon, at may mga napansin ako na inilagay duon na mapanira na ina-attribute sa akin, pero hindi naman totoo. Yung mga politikong kalaban niya, inaatake niya gamit ang aking Facebook account, para tirahin niya.

Q: So parang binabawian po niya kayo ngayon?

SPFMD: Obviously.

Q: May mga pabor siya na hiningi sa iyo?

SPFMD: Tama po iyan. Hiniling po niya sa akin noon na irekomenda siya bilang Press Undersecretary sa Malakanyang, o maging Regional Director sa TESDA, eh ayaw po sa kanya nung mga kinauuukulan. Hiningi po niya dati na tulungan ko din siya duon sa mga libel cases na ifinile dati sa kanya ng dati niyang boss na si Boboy Syjuco. Hindi po ko nagawa iyan, dahil wala naman akong kapangyarihan over diyan sa mga taong iyan.

Q: Overpriced daw ng P488 million yung ICC. May basehan po ba iyon?

SPFMD: Ridiculous. The total cost of the ICC is around P700 million. Kung sasabihin mo na yung overprice ay P488 million, ang matitira na lang, around P220 million. Yaan po ay 11, 600 square meters of an international convention center. Samakatuwid, ang sinasabi niya, ang project per square meter ay around P18, 000 lang which is quite ridiculous. It just shows how ridiculous his claims are.

Q: You are confident na hindi magpoprosper yang kaso na iyan?

SPFMD: Well, pangalawa na iyang kaso na finile niya.

Q: You are not bothered at all?

SPFMD: No I am not bothered at all.

Q: Balak niyo po ba siyang kasuhan?

SPFMD: Matagal ko na siyang sinampahan ng libel case for all his malicious lies.

Q: Including this issue, sir?

SPFMD: Well noon pa, matagal na niyang isinisigaw ito, kaya sinampahan ko siya ng libel. That is not because of what he filed today, that is because of the same allegations that he made up in his blog.

News Latest News Feed