Press Release
November 12, 2014

Transcript of interview with Sen. Cynthia Villar today, November 12, 2014

Q: On the hearing on meat smuggling

Villar: We are trying to help our livestock industry, especilly hog raising kasi sa hog raisers, majority 65% are backyard farmers. That means, iyong maliliit na nag-aalaga ng baboy. We are establishing if there is smuggling, if there is technical smuggling. Smuggling is talagang outright and we are accounting for 100,000 MT na hindi dumaan sa Bureau of Customs. So that is smuggling. We are looking at 30,000 technical smuggling. Kasi iyong duty sa good meat is 35 percent, yung sa offal and fats is 5 percent. Iyong good meat nilang pinapasok dine-declare nilang offal and fats, 5 percent para hindi sila magbayad ng 35 percent, they saved 30 percent duty. So iyon na-establish din namin iyon, may nawawalang something like 30,000 MT. Tapos ang masama nito, iyong imported na meat, hindi iyan pwede na ise-sell sa market. Frozen iyan eh, once na defrost, sira. Matagal na iyang frozen. Iyong sine-sell natin sa market natin, frozen dahil sa market dine-defrost, nakalagay sa freezer, sira iyon.

Q: Sino ang liable dito?

Villar: Kasi ang control daw sa market is local government, baka ang local government hindi sila familiar sa mga imported na frozen kapag na-defrost iyon, sira na iyon. Kailangan iluto iyon agad. Kaya lang naman tayo nagi-import, for the processor kasi kulang ang local natin for the processor. Hindi naman pumupunta sa processor, pumupunta sa market ang majority. Kung dinala mo iyon sa market at thawed, wala sa freezer, sira iyon. Ang safety nun may problema. Tapos pinatay pa iyong ating small pig raisers kasi siyempre iyong ganoon mura.

Q: May batas po ba tayo na bawal ito?

Villar: May batas, ang implementation ang may problema. We are just establishing that there is something wrong, for the people to know na mag-ingat tayo sa imported meat na frozen, not safe sa market. Q: Iyong 100,000 MT po ay outright smuggling?

Villar: Mga 30,000 MT ang technical, ang outright 100,000 MT.

Q:Anong period ito?

Villar: 2013 ang tiningnan namin. Hindi maganda ang data nila, hirap na hirap nga kami. Hindi namin mahanap ang data.

Q: Magkano po ang kinita nito?

Villar: Halimbawa kung nag-technical smuggling ka ng 30,000 MT, ang savings mo is P30 per kilo. Ang 30,000 MT ay 3 million kilos x 30 = about P100 million.

Q: Ano ang problema, kulang sa batas.

VIllar: Marami na tayong batas, it's always implementation.

Q: Hindi na kailangang mag-legislate?

Villar: No, ang gusto namin iyong tariff between offal and good meat, kasi magkaibang tariff rate kaya nagte-technical smuggling. Kung magkapareho ang rate na iyon, wala silang benefit na mag-misdeclare. Nagbayad sila pero misdeclared. Iyon ang solution doon. Nilalakad namin na lahat na lang 35, walang 5, wala naring 35. Iyong 35 idedeclare nila na 5, they save 30 per kilo.

Q: Parang hindi cooperative ang mga importer?

Villar: Hindi, syempre ang importer gusto nila iyon. Government ang dapat gumawa nito. It's the government who is supposed to help people. Ang hinahanap ko is like ito, Tariff Commission ito, ang pagtaas ng tariff sa offal para pareho sila, there is no room for technical smuggling. And of course, iyong smuggling per se, Cuustoms iyon and the Bureau of Animal Industry.

Q: Kanina pino-point out ninyo sa DA, parang kulang ang pagtulong sa tao?

Villar: Kasi sabi nila hindi nila malakad o maayos iyong harmonization ng tariff, hindi ko lang maisip why hindi malakad iyon to prevent technical smuggling. Kung ako nasa place nila, I will not stop na hindi ma-harmonize iyon kasi you are allowing yung nagsi-circumvent sa law. You have to do that. And then iyong mga food safety, bakit hindi nila higpitan? Hindi na iyang magi-smuggle kapag hinigpitan nila iyon. Kasi majority pumupunta sa palengke, kapag hinigpitan nila iyan sa palengke na that is expired, hindi na magi-smuggle kasi it's not allowed. They are just allowed to import to go to the processor. Doon safe iyon kasi palaging nasa cold storage. Doon sa palengke, nato-thaw na iyon.

Q: Ilang percentage po noong inimport ang pumupunta sa palengke?

Villar: Parang 50 percent. Ang laki. Ayaw nilang sabihin sa akin, sabi nila hindi nila alam pero ang feeling ko mahina na iyong 50 percent. 20 percent lang daw ang napupunta sa processing, so may 80 na nawawala, hindi lahat iyon pumunta sa palengke, sa supermarket.

Q: Hindi na-check iyon kung safe o hindi?

Villar: Unsafe na iyon kapag pumunta sa palengke. Kasi frozen iyon, kapag hindi nag-remain frozen iyon, unsafe na iyon. Ang tagal na noon. Dinala iyon sa America, kaya nila binenta iyon ng mura kasi about to expire iyon.

Q: DTI na ba ang may responsibilidad para imonitor ito?

Villar: DA na iyan kasi food iyan. Processed food kasi ang sa DTI.

Q: Medyo close kayo kay DA Sec Alcala, did you call his attention?

Villar: Hindi niya alam, hindi siya ang pumunta sa hearing na ito kasi busy siya kaya ako nag nagko-coordinate kay Usec Reano. We will try to help each other. Kasi when I went to this meeting, hirap na hirap kami sa figures. 12:30 na ng gabi, wala pang nagsa-submit tapos nagdatingan sila umaga, sa hearing na. Noon ko pa sinasabi sa kanila na ilabas nila para mapag-aralan namin. Ngayon lang sila nagpipilitang lumabas, hindi pa kumpleto so nahirapan ako. I will talk to them again kasi nahirapan ako.

Q:Bukas magpa-participate ba kayo sa hearing on the Iloilo Convention Center?

Villar: Hindi na siguro. Napapagod na ako sa mga smugglers. Iyon na lang ang duty ko. Mabigat na iyon, it took me long para mag-aral dito, marami pa kong pag-aaralan.

Q: Sa Nacionalista Party, wala bang lumalapit para awatin na sila Senator Alan at Trillanes?

Villar: They are so convinced about it. Gusto nila iyon personally. Hindi naman gusto namin as a party iyon. Alan is so decided, si Koko, decided, si Trillanes, decided. Alam mo dito sa Senado wala namang nakakaturo sa ibang senador kung ano ang dapat mong gawin. Nangyari na ba iyon dito? In the same manner they cannot tell me what to do, I cannot tell them what to do. That is the practice in the Senate.

News Latest News Feed