Press Release
November 14, 2014

Transcript of DZRH Interview with Senate President Franklin M. Drilon

Q: Short reaction po duon sa mga binanggit ni Atty. JV Bautista na kapag ang Senate Blue Ribbon mother Committee mismo ang magiimbita kay VP binay at mag-iinhibit at hindi aattend ang tatlo - si Sen. Trillanes, Cayetano at Koko Pimentel, aattend daw po si VP Binay.

SPFMD: Yung pag-aattend ay nasa senador po iyan. Walang pwedeng magdikta na ang isang senador ay mag-inhibit sa isang hearing. Hindi rin pwede sabihin ni Sen. Guingona "oh kayong tatlo, hinihingi ni JV Bautista na huwag kayo umattend." Hindi pepwede iyan. Ngayon yan ang sitwasyon. Yung inhibition ay pagpapasiya ng isang senador na concerned, hindi natin pwede iimpose.

Q: Kung magagarantiyahan daw yung kortesiya na ipinakita sa inyo kahapon, ay maibibigay din kay VP Binay, dyaan ba ay masisigurado na walang magaganap na bastusan, since ang tatanungin at gigisahin sa Senado ang pangalawang pinakamataas na opisyal sa bansa?

SPFMD: Personally Neil, ako mismo, ginagarantiya ko na hindi babastusin ang Pangalawang Pangulo kung siya ay haharap sa Senado. Ako po mismo ang mag-gagarantiya niyan.

Q: So ano po yan, muli niyong iimbitahan si VP Binay?

SPFMD: Ay iyan po ay nasa kay Senator Guingona, wala po sa akin. By tradition, ang Chairman ng isang komite ang nag-iimbita.

Q: Yung mismo pong nagiimbita sa inyo na si Mr. Mejorada na dati ring Iloilo provincial administrator, ay umamin na wala siyang hawak na ebidensiya na nagkaroon nga ng sabwatan between you and Tourism Secretary Jimenez and DPWH Secretary Singson. Nangangahulugan ba iyan na tapos na ang hearing at duon na lang sa Ombudsman ang paguusapan at abswelto na ang issue na iyan?

SPFMD: Ang pagtatapos po ng hearing ay nasa chair ng committee. Ang pinakamahalaga po nay tayo ay humarap, at hindi po tayo nagtago, at pinaliwanag natin at duon naman lumabas na walang ebidensiya dahil walang katiwalian na nangyari. Para sa akin po, magandang pagkakataon po yung Blue Ribbon hearing para mapakinggan ang lahat ng panig - yung nag-aakusa at ang inaakusahan. Ang pinakamahalaga po, lumabas ang katotohanan.

Iyan po sa aking tingin ang pinakamalaking bagay na nangyari kahapon, at yan po ay pinatunayan natin, na haharap tayo at di magtatago, at ang katotohanan ay lumabas. Walang ebidensiya dahil walang katiwalian.

Q: Kahapon po ay nagtanong si Sen. Binay sa inyo na may kinalaman kung saang pondo nanggaling ang ICC, at kung paano naipatayo yung proyekto na iyan, kayo po ay nagpahayag ng pagka-irita nga ba? Kayo po ba ay na-offend sa tanung na iyon?

SPFMD: Ay hindi po. Iyan po ay binibigyan ko lang ng emphasis dahil ako po bilang isang abugado, alam ko naman ang dapat idiin. Kaya kahapon, idiniin ko na inaamin ko ako ang humingi ng pondo. Walang masama duon, dahil lahat naman kami ay humihingi ng pondo. Ang importante, nagamit ba sa tama ang pondo? May katiwalian bang naganap sa pagbuo ng gusaling ito? Walang ebidensiya, kasi wala namang nangyaring kalokohan.

Ako naman Neil, 25 taon na akong nanunungkulan. Kung inyong maalala, nuong ako ay Secretary of Justice ay daan-daang Hall of Justice ay ang aking ipinatayo sa buong bansa. Nagpatayo po tayo with the cooperation of the Filipino Chinese Chamber of Commerce, 1,600 classrooms sa buong bansa. Wala naman kayong narinig na may katiwalian akong nasasangkot. Kaya ito pong ginawa ng aking kritiko at dati kong empleyado, ay talagang malisyoso at kasinungalingan. Kaya haharapin ko sa Ombudsman ang kanyang kaso.

Q: So kahit po wala siyang ebidensiya, hindi ibig sabihin nuon na abswelto na kayo sa kanya, at itutuloy na pa rin ang kaso?

SPFMD: Ay kanyang mga paratang ay malisyoso. Nakikita naman ng lahat eh.

Q: Hindi niyo po ba pinapatawad agad iyon? Tuloy po ang libel case niyo sa kanya?

SPFMD: Ay iyan po ay hinarap natin iyan bilang isang public servant. Kasama poi yon sa aming panunungkulan.

Q: Muli po nating balikan yung pondo para sa kaliwanagan ng lahat. Paano po nabuo ang pondo sa pagpapagawa niyang Iloilo Convention Center? Gaano po kalaki ang nanggaling sa inyong prok barrel? At bakit mas malaking bulto ng inyong pork barrel ay diyan ibinuhos sa construction ng Iloilo Convention Center?

SPFMD: Neil, hindi lahat ng PDAF ko dati ay ibinuhos dyan. Binuhos ko sa school-building program, P250 million, nagtayo kami ng 1,600 classrooms. Yan po ay maliwanag. Ang pagbuhos po ng pera dito sa ICC ay sa dahilan na ang Iloilo ang maghohost ng APEC ministerial conference.

Yung inyong maalala, katatapos lang ng APEC meeting sa China. 2015, nandito sa probinsiya natin sa Iloilo ang isa sa mga napili bilang isa sa mga host cities para diyan. At iyan nga po ay nilagay natin dahil magagamit ang ICC sa APEC. At Neil, wala namang masama duon. Yaan ay kailangan natin. Ang importante, nagamit nang husto ang pundo.

Sana naman sa mga kritiko natin, huwag nang harangin ang panaginip ng aking mga kababayan na umunlad din ang aming lungsod.

Q: With due respect, Mr. Senate President, baka maari niyong ibreakdown ang pondo na ginamit sa ICC.

SPFMD: Humingi po ako ng pondo under sa PDAF o pork barrel pero hindi po ako sigurado kung iyon ang naging source technically ng pondo. Sangayon sa datos ng DBM, P300 million ng pera nabuo para sa ICC dahil sa Disbursement Acceleration Program (DAP). Yung P200 million galing sa regular budget ng DPWH, at yung P200 million pa ay galing sa corporate funds ng TIEZA.

Ngayon, sinasabi ng mga kritiko, diba naging illegal ang DAP? Tama iyon, ngunit nuong panahon na ibinigay iyan under the Disbursement Acceleration Program ay legal ang DAP at walang question. Ilang dekada na ang DAP ay savings ng pamahalaan na ginamit, tinawag lang na DAP. Ngunit savings iyan.

Sa madaling salita, P300 million diyan ay nanggaling sa overall savings ng pamahalaan na tawag nuon ay DAP, P200 million ay galing sa regular budget ng DPWH, at P200 million ay galing sa TIEZA.

Q: Ang kabuuan po na halaga ng construction ng proyekto ay magkano po?

SPFMD: P700 million.

News Latest News Feed