Press Release
November 14, 2014

Transcript of Bombo Radyo Interview with
Senate President Franklin M. Drilon

Q: Napansin po namin na kahapon ito po yata yung unang pagkakataon na yung Senate President mismo ay ginisa ng kanyang mga kasama sa Senado. Parang winaive niyo po ba iyan, kayo po ay naging resource person? Ganuon po ba ang nangyari kahapon Mr. Senate President?

SPFMD: Tama po iyan. Para wala pong masabi ang taumbayan, na tayo ay may tinatago, na tayo ay nagtatago. Kaya humarap po ako, at ipinaliwanag ko kung ano ba talaga itong sinsabi nilang "katiwalian" na sinasabi nila sa Iloilo Convention Center. Kaya winaive ko po, ang sabi ko, magiging resource person ako, at sasagutin ko ang lahat ng tanong ng aking mga kasamahan sa Senado.

Q:Kahapon po inamin mismo ng accuser niyo na si Mr. Mejorada na dati ninyong empleyado na wala pala siyang ebidensiya na magpapatunay na duon po sa alegasyon sa overpricing ng Iloilo Convention Center.

SPFMD: Tama po iyan, wala siyang ebidensiya, dahil walang katiwalian na nangyari. Kung maalala ko nung bata pa ako, merong pelikula sa sine, si Lino Brocka pa ang direktor. Ang title, "Tinimbang ngunit kulang." Ganyan po ang aking tingin kay Mejorada, na talagang humarap sa Senado at inamin na ang kanyang ebidensiya ay bulong-bulungan. Ngayon lang ako nakarinig ng isang taong nagdedemanda na ang rason, "May nagbulong sa akin."

Aba eh nakakalungkot din. Kanyang binaliwala ang aming pangalan, 25 taon kong inalagaan, eh inakusahan ako ngunit kahapon lumabas ang katotohanan sa Senado. Ang katotohanan, ang pag-amin ni Mejorada na walang ebidensiya na ang Iloilo Convention Center ay overpriced, na kami ni Sec. Singson ay Sec. Jimenez ay nagsabwatan. Yaan po ang lumabas na katotohanan.

Q: Diyan po sa Iloilo, may nagsusulong diyan - kung konseho nila- na dapat idekalrang persona non-grata ito si Mejorada at sa social media , patok na patok, waste of time itong pagdinig sa Senado.

SPFMD: Well ako po ay nagpapasalamt sa suporta na ipinakita ng aking mga kababayan sa Iloilo. Nakikita naman nila na hindi lang ito ang proyekto natin , madami tayong dinala na proyekto sa Iloilo. Ngunit wala naman silang naririnig na tayo po ay nakipagsabwatan kaninuman para kumita.

Dalawampu't limang na ako sa serbisyo, marami na akong proyektong itinulak sa ating pamahalaan. Yung mga Halls of Justice, billion po ang involved diyan, ni minsan wala kayong narinig na tinawag sa Ombudsman upang managot sa kahit ano mang kaso. Meron po tayong ipinatayo na 1,600 na school buildings at half the cost, sa buong bansa , kasama ko ang Filipino-Chinese Chamber of Commerce. Wala po kayong narinig na tayo ay may ginawang kalokohan.

Ngunit itong si Mejorada, talagang sinungaling at malisyoso pa, kaya pinagaksayahan niya ng panahon hindi lang ng Senado, kungdi ng buong bayan, para sa kanyang mga walang kabisa-bisang akusasyon, kaya hindi ko masisisi ang konseho sa Iloilo kung sinasabi nila na binabalak nila na ideklara itong tao na ito na persona non-grata. Nasa sa kanila iyan, wala po akong control diyan.

Q: Nabanggit po mismo ni DPWH Sec. Singson na kung may piso na mapatanuyan na nakinabang siya ay magreresign siya. Eh kayo din po, kasama sa kinasuhan. Kayo ba, may bwelta kayo, hahabulin niyo po ba itong si Mr. Mejorada?

SPFMD: May pending libel case laban sa kanya, dahil na rin sa mga "katiwalian" na kanyang sinasabi. Yaan po ay ipinauubaya ko sa Department of Justice. I avail of my rights as a private citizen.

Nakakalungkot lang po at nakakahiya po ang pagdawit ni Mejorada sa mga pangalan ni Singson at Jimenez, at sana po naman ang kanyang pinaggagawa ay hindi maging dahilan na mapigil ang preparasyon ng Iloilo para sa APEC ministerial conference sa susunod na taon.

Malaking bagay po kasi iyan sa aming mga Ilonggo na matuloy itong hosting ng APEC. Ngayon kung dahil kay Mejorada ay talagang magiba ang isip ng miyembro ng Kabinete sa pagkakaroon ng APEC meetings sa Iloilo ay talaga pong wala tayong masisisi kung hindi si Mejorada, dahilan po sa kanyang kagagayan.

Kaya po ang hinhiling ko lang kay Mejorada, wag naman niya harangin ang layunin at pangarap ng mga Ilonggo na umunlad, ang dream ng aking mga kababayan na umunlad naman tayo at huwag niyang haluan ng politika yung desire na matulungan ang aming mga kababayan diyan sa Iloilo. Q: Ano po ang pananaw niyo duon sa mga nagsasabi na diversionary tactics yung investigation sa ICC duon po sa imbestigasyon naman sa Pangalawang Pangulo ng ating bansa?

SPFMD: Well, wala akong ebidensiya ukol diyan. Ang akin lang masasabi, nuong umpisa ng imbestigasyon ng Senado ukol diyan sa parking building sa Makati , yung pong si Mayor Junjun Binay ang sinabi niya "Eh bakit ang Makati lang ang inyong iniimbestigahan? Bakit hindi niyo imbestigahan ang Iloilo Convention Center?"

Aba eh, nuon palang yan, sinasabi na nila. Ngayon, eto na nga, dumating na tayo sap unto na iniimbestigahan na nila Sen. Guingona, siguro, hindi ko alam kung coincidence lang ito, ang nangyayari.

News Latest News Feed