Press Release
November 19, 2014

Transcript of DZRH with Senate President Franklin M. Drilon

Q: Kahapon po ay natalakay na sa Senado yung pagtaas ng tax exemption diyan sa mga Christmas bonus at iba pang benepisyo. Ano na po ba ang update diyan?

SPFMD: Kagabi po hinabol namin itong tax exemption limit dito sa 13th month pay o Christmas bonus hanggang P82,000. Ipaliwanag ko lang ng kaunti, sa kasalukuyan kasi ay kung ang bonus ng isang manggagawa ay lalagpas sa P30,000, ay magkakaroon na po ng buwis. Ibig sabihin, hanggang sa P30,000, tax-exempt kayo. Pero kapag lumagas ng P30,000 ay iyan po ay bubuwisan na.

Ito pong P30,000 ay sinet pa noong 1995. Kaya po ang ginawa namin sa Senado ay ang ceiling ay hanggang P82,000. Ibig sabihin kung P82,000 ang Christmas bonus mo o ng isang manggawa, iyan po ay tax-exempt. Iyan po ay malaking bagay para sa ating mga mangagawa, dahil hindi mababawasan ang kanilang bonus sa Pasko. Tinalakay po namin iyan kagabi , at maipapasa po namin iyan siguro on third reading by the end of the month dahil mauuna ang budget. Yaan po ang ating gagawin, pero sigurado na pasado ito.

Q: Paki paliwanag lang po ang inyong gagawin, yung mga nakapagbigay na ng bonus at magbibigay pa ng bonus ay maihahabol pa po ba iyan? Ano po ba, magiging retroactive ito?

SPFMD: Hindi po retroactive, dahil kailangan po ng implementing rules and regulations na manggagaling sa Department of Finance. Kaya naman po ipapasa natin ang batas ngunit ang pagpapatupad ay nasa Department of Finance, sa BIR.

Q:Hindi na po ba ito mahahabol, sa Christmas bonus at13th month pay nila?

SPFMD: Susubukan natin yan, pero masikip ang oras.

Q: Pero sigurado sa next year na ang effectivity niyan.

SPFMD: Sigurado iyan, walang kaduda-duda.

Q: Kasi po ay yung iba ay talagang ina-asam asam na yung bonus nila at 13th month pay ngayong Pasko ay wala na sanang bawas.

SPFMD: Pasensiya na po, nagkanda-ipit ipit sa panahon. Sinikap po namin iyan ay maihabol yang batas ngunit hindi ata kaya maipasa. Baka nga not in time, dahil kailangan pa yung implementing rules and regulations sa BIR. Sa Senado at Kongreso, maipapasa iyan by December. Pero kung kailan mai-implement ay nasa Department of Finance at BIR.

Q: Pero next year ay marami nang makikinabang diyan?

SPFMD: Itaga mo sa bato, Neil. Sigurado ako diyan.

Q: Dito naman po sa pagbibigay pa ng karagdagang panahon dito sa mga martial law victims, Mr. Senate President?

SPFMD: Sa kasalukuyan po ay tapos na po ang period to file their claims nuong first week of November. Ngunit iyon po ang sinasabi sa atin ng mga opisyales ng pamahalaan ay maraming hindi nakahabol na Martial Law victims dahilan sa kailangan ng documentation at hindi pepwede na basta basta ibigay ang pera ng taumbayan, at baka ma-Ombudsman o Sandiganbayan pa yung mga opisyal natin.

Marami pong hindi nakahabol kaya po an gaming pinagpasya na iextend natin ang period ng pag-file ng claims ng mag Martial Law victims mga anim na buwan pa po na palugit. Para naman po pagbibigyan lahat ng mga naging bikitima ng Martial Law na makapagfile pa ng kanilang claims sa compensation.

Q: Pag binilang natin, hanggang June.

SPFMD: Tama po iyan. Palagay ko sapat na iyan, dahil nuong nakaraan din ay mayroon ding 6 months na nakaraan. Mayroon na rin namang mga 40,000 na rin ang nag-file pero marami pa raw ang hindi nakahabol, lalo na yung mga nasa probinsiya. Matatanda na rin kasi yung mga Martial Law victims. Kaya amin pong ipinagpasya na iextend ang period kung kelan sila maari mag file ng claims.

Q: Meron po ba kayong idea kung ilan lahat na ang mga Martial Law victim claimants na iyan, at kung magkano ang kanilang tatanggapin.

SPFMD: Hindi ko alam kung ilan lahat ng kabuuan, pero ang sabi kasi ay nobody ang makapagsabi kung ilan talaga ang bilang niyan. Kaya nga po sila nagfifile ng claim dahil kanilang papatunayan na sila po ay naging bikitima ng karahasan nuong Martial Law. Ang compensation ay depende sa degree ng kanilang injury caused to them, including death.

Q: Yung binabanggit po na kahilingan na tigilan na ng Senado ang imbestigasyon sa Iloilo Convention Center ay masyado daw pong maaga daw ito para resolbahan agad.

SPFMD: Ay sa akin po ay sinusuportahan ko ang buong imbestigasyon. Wala po akong tinatago kaya hindi naman ako nagtatago, nakita naman ng taumbayan, humarap ako at sumagot ako sa lahat ng tanong.Wala naman kasing katiwalian dito. Pinaliwanag naman ni Sec. Babes Singson ang detalye nitong ICC at kung ano ang ginawa. Per square meter, ito po ay aabot sa P63,000. Sabi rin ni Sec. Singson ay maari pa pababain iyan sa less than P60,000 psqm, mga P58,000 sqm siguro. Pinaliwanag naman ni Sec. Jimenez kung anong benepisyo ang madadala nitong ICC. Hindi ako nakialam sa kahit anong proseso, sa pagbidding. Wala po akong ninominate ni isang contractor. Di rin ako nakialam sa pag-appoint ng Bids and Awards Committee. Hindi po ako nagrecommend ni isang supplier ng semento o manggagawa sa work site. Lahat po iyan ay ginawa ng DPWH.

Kaya po ako ay di-nagoobject diyan. Ang tanging pakiusap ko lang, huwag naman gamitin ang Senado for lies and political assasination. Yung facts lang, kung ano talaga ang nangyari. Kaya naman sinasangayunan ko naman yung sinasabi ng ibang kasamahan ko sa Senado na bago sila humarap ang isang testigo tulad ni Mejorada ay tingnan muna kung ano ang kanyang sasabihin bago siya humarap sa hearing. Yan nga po ang hinihiling ng aking mag kasamahan at iyan po, for an orderly procedure, siguro kailangan natin.

Ngunit uulitin ko, sinusuportahan ko at wala akong objection to the continuation of the hearing.

Q: Yung kay Mejorada po ba na kaso, nasampahan na ba siya ng libel or perjury?

SPFMD: Matagal ko na pong naisampa ang kaso ng libel at iyan ay po ay pinoprocess sa preliminary investigation sa Pasay City Fiscal's Office.

Q: Dun naman po sa business interest na nagbigay po ng lote at diumano yung tax exemption na binigay dito ay mas luge pa daw ang gobyerno.

SPFMD: Wala naman pong katotohanan iyan. Nagdonate ang Megaworld dito ng 1.7 hectares o 17,000 sqm. Magkano man ang na-claim nila na deduction sa taxes ay yan po ang BIR ang magdedetermine kung magkano ang dapat ibawas. Hindi ko po alam kung humingi sila ng exemption.

Ngunit ito lang po ang aking masasabi - sa kasalukuyan, at present cost, yung 1,700 sqm ay ang halaga ay P500 million. Kung magkano man ang ike -claim palagay ko naman hindi mag-claim ng deduction ang Megaworld dahil duon , eh hindi naman pwedeng ganuon. Kung magkano man ang kanilang cinaclaim nilang deduction eh yan ay isusumite sa BIR, at BIR ang magpapasya.

Q: Winewelcome niyo po ba ang iba pang mga posibleng lumabas sa Senado tulad nila Cong. Buboy Syjuco, kung ano man ang kanilang mga pamamaraan ang kanilang alegasyon, o special audit daw ng COA?

SPFMD: Wala akong problema diyan. Ang sinasabi ko lang, bago sila isalang ay tingnan muna kung ano ang kanilang sasabihin at kung may personal knowledge sila, o may ebidensiya siya. Halimbawa kay Mejorada, eh apat na oras kami na nakaupo ay wala siyang masabi, sinabi niya lang ay "Wala akong ebidensiya." Yun po ay waste of time.

Wala po akong problema. Kahit sino po ang humarap diyan ay kaya kong sagutin. Ang akin lang, wag naman gamitin ang Senado as forum for character assassination.

Q: May nagtext dito sa amin, Mr. Senate President, ang sabi ng texter mula sa Cavite, "Wala sigurong kasalanan si Sen. Drilon at kaya matapang na humarap sa Senado, hindi katulad ng iba na natatakot malaman ang katotohanan."

SPFMD: Yan po ay kanilang opinion. Ang sa akin lang po ang sasagutin ko, ako po ay haharap, hindi po ako magtatago, at ang aking pinangangalagaan dito ang aking pangalan.

News Latest News Feed