Press Release
December 24, 2014

Transcript of Interview with Sen. Alan Peter Cayetano
- DZRH with Neil Ocampo

Nandito tayo sa Cebu, Maayong Buntag at Maayong Pasko, Merry Christmas sa ating lahat.

GUSTO KO MAKITA SA SENADO KUNG GANUN TALAGA KALAKI ANG LUGI NG GOBYERNO KASI BAKA NAMAN MERONG IBANG ALTERNATIVE NA PAGKAKAKITAAN PARA NAMAN ANG TAO, HINDI MALAKI ANG BINABAYAD DYAN.

Unang una, medyo nakakalungkot diba ang Pasko ay time of giving, hindi taking. Sa ating mga Pilipino, hindi lang ito sagrado kung hindi parang dapat hindi ka nangiisa. Personally, medyo masama ang loob ko kasi alam niyo naman, kakatapos lang ng budget hearing a few weeks ago kung saan pinasa yung 2015 budget at dito sa 2015 budget ay mahigit bilyon-bilyon or sa P1.9 billion para sa operation and maintenance sa Metro Rail Transit tapos meron tayong rehabilitation and expansion projects P7 billion, subsidy for mass transport, MRT P4.6 billion, repair and rehabilitation of LRT lines 1 and 2 P977 million, railway extension P3.5 billion. Yung Light Rail Transit Authority P2.8 billion so sa aming pagkakaalam, eh may pondo na yan sa taon na'to para sa kanyang operation at subsidy so unang-una, bakit naman ganyan ang pagka-announce na kung kalian paskong pasko or wala ka ng magagawa, pagbalik niyo ganito na.

Pangalawa, bakit naman ganun kataas? Diba from P15, P11 ang itataas. Kung ikaw ang namamasahe araw-araw, doble ang pasahe mo, eh marami tayong kababayan sa Metro Manila halos P2,000 to P4,000 na lang ang naiuuwi sa pamilya sa dami ng binabayaran, sa laki ng mga buwis at maliit lang ang sweldo nila eh ubos-ubos na yun.

Yun ang nakalagay sa mga pahayagan na ang sabi ng DOTC, the fare hike of 50 to 80 percent would take effect on January 4. So, ang sinasabi parang P11 for yung ilang kilometer so something like P15 to P26 or P15 to P28 ang ilalaki. So makikita mo, ni hindi man lang chinop-chop na parang 'o, mga kababayan ang dapat presyo nito ganito pero para mapagbigayan kayo at yung employer niyo na mapaghandaan, bawasan muna' pero sa akin, pinaka importante kasi ang tao pag sumasakay diyan sa tren, nakikita naman na bukod sa maraming problema eh hindi nmmaintain ng mabuti.

Ang dami ng tao, maraming pinagkakakitaan diyan eh. Kung pupunta ka ng Singapore or Hong Kong, Korea or Japan, mula sa ticketing dun sa loob ng tren, sa labas, yung mga advertising, yung mga stalls kung saan nagbbenta, malaki ang revenue niyan eh. Tingnan niyo yung highway, nung araw ang pinagkakaitan sa highway yung lang toll mismo pero ngayon, yung mga gasolinahan dyan sa toll, malaki din ang kinikita niyan. Yung mga gasolinahan ngayon, diba merong mga nasa loob ng tollways, pag nagbabayad din yan dyan.

Gusto ko makita sa Senado kung ganun talaga kalaki ang lugi ng gobyerno kasi baka naman merong ibang alternative na pagkakakitaan para naman ang tao, hindi malaki ang binabayad dyan. Yes, inaayos na naming. Sana making ang gobyerno at huwag nang abutin na ang mga tao ay pupunta para sa korte para ma-TRO dahil medyo hindi maganda ang record ng ating ibang mga departamento na hindi pinagaaralan ng husto tapos pagdating sa korte, ma-TRO sila.

Gusto ko malaman ng ating mga kababayan na hindi kayo helpless pera kailangan niyo iparinig na hindi tama na ganyan na lang ang gagawin ng gobyerno. I think, kung inexplain nila kung bakit at tsaka ginawa nilang abot kaya siguro naman, maiintindihan ng ating mga kababayan. Pero isipin mo, ang presyo ng gasoline, 40 percent na ang binaba pero ang presyo ng bilihin hindi bumababa. So tapos yun ang itataas nila so anong gagawin nila? Lilipat sa pagkasakay ng jeep yung mga tao eh napaka-traffic sa Metro Manila. So napakabigat. I don't think ang tao basta na lang papaya sa ganitong system.

ANG PROBLEMA NANGYAYARI SA GOBYERNO, LAHAT NG KAPALPAKAN NASA GOBYERNO PERO BAYAD NG BAYAD YUNG TAO SO I WANT TO SEE THE CONNECTION BETWEEN YUNG ITATAAS AT ANONG GAGAWIN NILA SA PERA.

Well, kung matagal na ito eh di dapat matagal na nilang pinpaliwanag at gumawa sila ng computation para sabihin, o ito P10 ang kailangan, itaas muna natin ng P2 pagkatapos ituloy natin sa P4; dapat ginawang gradual para hindi maapektuhan agad ang tao. Pero ito kakatapos lang ng budget hearing naming eh, humingi sila ng bilyon-bilyon, so kung matagal na yan, bakit hindi sila ng November or December nung pinapasa ang budget. Bakit hindi nila sinabing o huwag niyo nang gastusin yung subsidy dahil dapat tao na ang nagbabayad. Eh bilang halal ng tao, nagbigay kami ng pera dyan. Yung katulad ng sinabi ko, LRT Authority P2.8 billion, yung locally-funded projects nila P7 billion, P4 billion, P3 billion pero pati yung subsidy for mass transit P4.6 billion. So saan nila gagamitin yun sa buong taon o kulang ba yan? Hindi naman nila pinaliwanag ng husto yun kasi kung pinaliwanag nila ng husto yan, eh lumabas na sa news yan na kulang ang subsidy na nilalagay ng Kongreso kaya lalabas yan.

Pangatlong punto, okay naman kung maganda ang serbisyo. Hindi parang katulad sa mga airport, umikot ako kahapon at nung isang araw at itong huling araw, para tingnan ang ating mga PTK at anti-5-6 projects, pumunta tayo ng Tacloban, Ormoc, Bacolod, at Iloilo, Dumaguete, Biliran. Alam niyo yung mga airport natin kung hindi sira yung x-ray, CR, hindi gumagana, eh kagabi yung mga kasama ko naunang umuwi galing sa Cebu, ang flight nila 7:45pm, nakasakay ng eroplano 1:30 ng umaga eh. May naririnig ba tayo sa DOTC na 'o, magmulta naman kayong mga PAL,' yung ibang airline hindi nade-delay ng ganun katagal. Diba ang tao pagbayarin mo ng tama pero yung serbisyo naman nakukuha nila eh hindi kakailangan ng tao magbayad eh. Ang problema nangyayari sa gobyerno, lahat ng kapalpakan nasa gobyerno pero bayad ng bayad yung tao so I want to see the connection between yung itataas at anong gagawin nila sa pera. Kasi baka pagbayarin ang tao tapos yung P4 billion na nilagay naming, anong gagawin nila dun? Gagawin nilang savings?

Dun sa tanong mo, P11 sa base at P1 per kilometer so yun ang gagamitin nilang formula so nasa P15 na yun, aabot ng P26 to P28 ang magiging ano so mabigat, parang doble, sa mga namamasada na isang part na kanilang biyahe MRT or LRT eh dodoble yung part na sakay nila sa tren kaya mabigat at sana nakikinig sa ating ang mga DOTC na nagca-calculate nito.

DAPAT ANG GOBYERNO, TINUTULUNGAN ANG TAO NA PLANUHIN ANG GASTOS NILA EH MABABASA MO SA DYARYO, 40 PERCENT ANG BINABA NG GASOLINE TAPOS PASAHE MO TATAAS TAPOS YUNG IBANG BILIHIN GANUN PA DIN KATAAS.

That's why ako kahit na 24 ngayon at gusto ko mabati an gating mga kababayan kaya timing ang interview niyo dahil ako'y nakikiusap sa kanila na in the spirit of Christmas, ituloy muna nila yung consultation. Ano ba naman yung isang linggo kesa naman mapilitan na magfile ng TRO ang ating mga kababayan. Pag yan na-issue ng Supreme Court, anong mangyayari sa kanila? Lalong tatagal ang kanilang increase dahil medyo excessive, number two, meron namang pera sa budget para sa subsidy niyan so medyo maghihinala yung iba para maging savings yung subsidy para magamit sa ibang mga projects. Kung wala sa budget, sana sa budget hearing pa lang sinabi na kailangang magtaas. Kasi mapapansin naming yun dahil every year, may amount for subsidy.

May mga bagong train lines na ilalagay, isang alternatibo din kasi yung mga bagong linya kahit mas mahal ng konti yun kung gusto mo sabihin, 'o sige ito medyo issubsidize yung luma kasi sa mga luma, planado ng mga tao yung pamasahe nila dyan eh'. Halimbawa P8,000 ang sweldo mo or P12,000 eh P2,000 napupunta sa pamasahe mo, pwera pa yung buwis at kakainin mo, hindi pwede na pag gising mo ng isang araw, biglang dumoble yung cost of transportation. Dapat ang gobyerno, tinutulungan ang tao na planuhin ang gastos nila eh mababasa mo sa dyaryo, 40 percent ang binaba ng gasoline tapos pasahe mo tataas tapos yung ibang bilihin ganun pa din kataas.

Ay yung session sa 20 or 21 pero pwede naman maghearing kahit walang session so ibig sabihin by January 1 or 2, kahit January 3 pwede naman kasi yung pagffile ng resolution, pag may session ibibigay sa committee pero the committee itself, katulad ng ginagawa ni Senator Miriam, eh kahit walang resolusyon nasa ilalim ng jurisdiction niyan yung tinatawag na oversight powers ay pwede na maghearing agad yan.

KAYA HUMAHABA AT TUMATAGAL DAHIL ANG KAMPO NI VP BINAY ANG HINDI NAGPAPADALA NG MGA KEY WITNESSES AT HINDI NAGSSUBMIT NG MGA DOKUMENTO.

Well, mabilisan lang, kaya humahaba at tumatagal dahil ang kampo ni VP Binay ang hindi nagpapadala ng mga key witnesses at hindi nagssubmit ng mga dokumento at kailangan natin ipakita sa ating mga kababayan na ikaw man ay barangay captain, senador, congressman, kahit VP or Presidente, pag may alegasyon lalo ito mabigat ang ebidensya sa korupsyon, kailangan harapin ito at sagutin. So, kung siguro 3 or 4 hearings meron pa, sapagkat meron pang 2 mabibigat na isyu at pagkatapos yung mga isyung naiwan, biglang nagaabsent katulad ni Mr. Tiu, nung nabuko yung inconsistencies at kalokohan sa testimonya niya, nawala. But, inuna natin yung national budget at ilang batas na importante tapos magPapasko so towards the end of next month na siguro or beginning of February gagawin yan but sasalubon satin, malalaking isyu sa presyo at siguro yun din ang uunahin natin.

WHAT I'M HOPING FOR IN THE ISKOLAR NG BAYAN IS UMPISA LANG YAN SA PAGINVEST NG GOBYERNO NA BIGYAN NG LIBRENG PAG-AARAL SA ATING MGA KABABAYAN SA COLLEGE.

Napakarami, actually, tayo'y tahimik lang pero naging productive ang Senado. Alam niyo yung pork barrel ay talagang nakaapekto sa Senado kahit naman hindi lahat ng senador nakinabang diyan but bilang Majority Leader, ako kasi ang nagtatraffic diyan so maraming batas, FOI, budget pero bilang author nung batas, itong Freedom of Information Act pero hindi pa napapasa sa Kongreso. Pangalawa, yung Iskolar ng Bayan Act. Eh siguro mga 15 years ko na fnfile ang batas na yan, samalat sa Panginoon, sa ating Pangulo at kay Congressman Romulo sa House at kay Senate President Drilon at sa aking kapatid si Senator Pia. Ngayon, lahat ng ggraduate ng top 10 sa Pilipinas sa Marso at Abril, libre na sa mga state university at wala ng exam. Lahat ng top 10 mga 80,000 students, at may mga kasunod pa yan na ibang scholarship bills kasi ako ay naniniwala na ang college dapat libre at quality kasi pag mas maganda, pinagaralan ng bata, hindi lang mas malaki ang pag-asa ng pamilya, mas malaki din ang kita nila.

Sa ibang bansa kasi, wala silang natural resources tayo meron tayong natural gas, ginto, nickel, kung ano-anong minerals, ang gaganda ng mga beach at laki ng sakahan so nakakalimutan natin number one asset ng Pilipinas ay Pilipino. So what I'm hoping for in the Iskolar ng Bayan is umpisa lang yan sa paginvest ng gobyerno na bigyan ng libreng pagaaral sa ating mga kababayan sa college.

WALANG KATOTOHANAN AND UNLIKE MAKATI NA MAY WHISTLEBLOWER, MAY EBIDENSYA, AT TALAGANG NAKIKITA NATIN; SA TAGUIG, IMBENTO LANG NI BINAY AT NG MGA KAALYADO NIYA YAN.

100 percent, walang katotohanan and unlike Makati na may whistleblower, may ebidensya at talaga nakikita natin, sa Taguig, imbento lang ni Binay at ng mga kaalyado niya yan. Bakit ko nasabi yan? Mismong COA report maraming empleyado pero ang bawat isa ay may time card or ang bawat isa ay nagrereport sa opisina. So ang nagsabi lang na may ghost employees ay yung abogado na inulit lang ni Vice President sa isang interview. Ngayon iniimbestigahan ng Ombudsman yan at binubuksan lahat ng records at kahit sino, mga investigative journalists pumunta kayo sa Taguig - eh pinipigilan lang ng aking asawa, si Mayor Lani kasi gusto nila magsuot ng damit nakalagay na 'hindi kami ghost' - dun naman sa mga sinasabing bidding at anomalya, walang ganun sa report.

Yung sa multicab, nasabi ko na sa committee hearing na kahit mismo ang Makati City council ang magimbestiga, pupunta ako kasi ang sinasabing presyo ni Mayor Junjun eh presyo ng second hand. Yung binibili naming bago kasi ginagamit sa emergency services, yung iba ginawang ambulansya sa mga barangay na maliliit ang kalye eh alanganaman bumili ka ng secondhand eh di nagsitirik yun habang naghahatid ng pasyente. So kung pupunta kayo sa pinagbilhan niyan tingna niyo ang presyo, pag ang presyo, mataas eh magreresign ako. Hindi na kailangan ng imbestigasyon kasi hindi naman tayo papayag na lumalaban tayo sa graft and corruption tapos ganyan din ang nangyayari sa ating lugar. So handang handa kami na magdala ng dokumento, magexplain at paliwanag kami pero let me assure sa mga kbabayan natin, kung may korupsyon dyan, huhulihin naming, tatanggalin at kakasuhan namin sa aming paligid pero sa aming pagiimbestiga, so far, walang katotohanan ang mga sinasabi nila.

SA JANUARY, ISA SA MGA ISYU NA AKING IBBRING UP EH YUNG MAWALAKANG KORUPSYON SA TAX COLLECTION AT CUSTOMS DAHIL MALAKING MALAKI ANG PONDO NA PWEDENG PUMASOK SA GOBYERNO.

Habang may korap sa Pilipinas tingin ko isyu yan pero dalawa ang tingin ko dyan eh number one, napaka-corrupt ng mananalo, pangalawa, pano issolve? Kasi kung ikaw, sabihin mo hindi ka corrupt pero lahat ng napakapaligid sayo corrupt or buong gobyerno ay corrupt, eh pag ikaw ay tatakbong Presidente, dapat bitbit mo yung solusyon. Halimbawa, yung pagpapataas ng sweldo ng bawat kawani ng gobyerno, sa lahat ng bansa lalong lalo na sa Singapore na very successful na na-solve nila yung problema ng corruption, dalawa ang naging formula, kinukulong pag corrupt, panglawa, binibigyan ng tamang sweldo ang kawani ng gobyerno kasi habang mababa ang sweldo, mattempt yan eh kahit naman kayo, tingnan niyo yung mga leading networks sa TV, radio, yung malalaking pahayagan eh bihira may maririnig ka na reporter na gumagawa ng kalokohan, kasi bukod sa integridad nila the station makes sure that their employees are paid well. Pero subukan niyo na hindi mapakain ang pamilya so it's human nature. Babalik ako sa tanong mo, will corruption be a major issue here? Will it be the number one issue? I don't know pero at the very least number two or number three issue sapagkat napakayaman ng ating bansa, kahit saan ka magpunta, kita mo ang kayamanan. Ang problema hindi napupunta sa bulsa ni Juan de La Cruz, kung hindi sa bulsa (ng corrupt) napupunta.

By the way, ang mas malaking koruspyon, hindi ghost employees, ghost projects hindi yung gastusin kumukuha ng porsyento kasi ang budget natin P2.6 trillion no so kung sasabihin mo halimbawa na 20 porsyento ng budget ay nacocorrupt which is P50 billion. Ang sabi ng World Bank, sa bawat piso na nakokolekta, P2 ang hindi nakokolekta. Ibig sabihin, ang tax evasion and smuggling ay mas malaking koruspyon. Kasi between P2 to P4 trillion ay hindi pumapasok sa gobyerno at tama naman yun kasi kung P100 million ang ipapasok mong kargamento at issmuggle mo yun, hindi naman iddeklara na P80 million or P70 million kasi lugi ka pa, iddeklara mo as P20 million tapos may pangareglo ka pa. So, sa January, isa sa mga isyu na aking ibbring up eh yung mawalakang korupsyon sa tax collection at Customs dahil malaking malaki ang pondo na pwedeng pumasok sa gobyerno. Isipin niyo ang pinaguusapan pa lang nating pondo sa MRT ay mga P6 to P12 billion so magkano nawawala sa gobyerno ay nasa trillion, so kung makolekta lahat yun eh baka pwede mo babaan ang presyo ng pamasahe imbis na itaas.

PAG DATING NG JUNE, TITINGNAN KO ULIT ANG MGA NUMERO. KUNG MARAMDAMAN KO NA ANDYAN ANG SUPORTA NG ATING MGA KABABAYAN, AKO'Y HANDANG HANDA NAMAN.

Well, depende din kasi kung anong survey ang tinitignan. Nung dati kasi, apat o lima lang ang naglalaban, talagang pumapasok sa pangatalo, pangalawa, minsan sa pangapat ang aking pangalan at nagpapasalamat sa ating mga kababayan pero in the next six months, gusto ko lang tuparin ang mga pangako ko nung 2013, yung mga bills na gusto kong tapusin. Pag dating ng June, titingnan ko ulit ang mga numero. Kung maramdaman ko na andyan ang suporta ng ating mga kababayan, ako'y handang handa naman. Hindi ako nagtatago sa desire na magbago talaga ang ating bansa at tingin ko may magagawa ako pero isang invitation ko this Christmas season, I will be working for it and take a step of faith tapos tignan natin kung yun ang bibigay ng direskyon ng Pangulo sa atin.

Well, ang binigay sa atin ng Panginoon, ang kanyang sariling anak para tayo'y maligtas diba so regardless ng ating religion and beliefs, yung story about Christmas is about faithfulness pero binigay sa atin ang the best so ibigay natin sa ating pamilya, komunidad, sa ating gobyerno ang the best din. Hindi pwede yung pwede na or okay na yun, ibigay natin ang the best. Yun ang pakiusap ko sa ating mga kasama sa gobyerno. Alam kong mahirap magtrabaho sa gobyerno. Sa DOTC, alam kong marami kayong problema pero pagtulungan natin ito at wag natin basta gulatin ang ating mga kababayan. Merry, merry Christmas!

Dalawang araw naming inikot yung mga projects sa PTK. Dito ang tawag, yung tour yung anti-56, program siya na yung mga vendors, tricycle drivers, mga habal habal ay binibigyan naming ng pondo tapos tinuturuan naming at nakikipagpalitan kami ng kuro-kuro. Mababa ang interest, 3 percent lang compared sa 20 percent ng 5-6. Yan ay ginawa namin sa Bacolod, Iloilo, Ormoc, Dumaguete, at meron sa south and north ng Cebu.

Sa batas natin, nagbago na, deretso na ang takbo at hanggang 2019 ang term at kung papalitan ang batas, pabor din ako dyan. But kung pagbibigyan lang ako ng ating mga kababayan na sa 2015, mga middle of the year payagan niyo ako magfocus sa trabaho at baka mga June, by that time or a month before, magde-decide na tayo at lahat ng isyu na yan ay ating tutukan.

Salamat pero ang susi tayong lahat, pagtulungan nating lahat. Uulitin ko, hindi pwedeng huhulihin lang ang corrupt, kailangan bigyan natin ng solusyon na ang bawat Pilipinoay mapakain ang kanyang pamilya para mawala ang koruspyon.

News Latest News Feed