Press Release
January 26, 2015

Senator Nancy Binay's statement on the arrest and detention order of Makati Mayor Jejomar Erwin 'Junjun' Binay

Isang malungkot na araw sa aming pamilya ang naganap ngayong araw.

Bilang isang miyembro ng Senado, malalim ang aking respeto sa institusyong aking kinabibilangan.

Ngunit hindi mawawala sa akin ang magdalamhati dahil ang ginagalang na institusyon ng demokrasya na tulad ng Senado ay naging bahagi ng lason sa pulitikang umiiral ngayon.

Hindi naman po lingid sa kaalaman ng lahat na ang bumubuo ng Subcommittee na nag-imbestiga sa umano'y mga katiwalian sa Makati ay binubuo ng mga pulitikong hindi kailanman tinago ang kanilang ambisyon sa pulitika.

At ang aming hiling na maging patas ang aming mga kasamahan, tulad ng inyong nasaksihan, ay nauwi sa mga binging tainga.

Harap-harapan ang paglabag ng karapatang pantao ng mga taong tingin ng mga senador na nag-iimbestiga ay sagabal sa kanilang ambisyon.

Tama po bang lumahok tayo sa ganitong imbestigasyon na ang pangunahing layunin ay wasakin ang dignidad at integridad ng mga kalaban sa pulitika?

Inuulit ko: Handa ang aming pamilya na harapin at sagutin ang lahat ng mga paratang. At handa rin kami sa anumang mangyari.

Maraming salamat po.

News Latest News Feed