Press Release
February 3, 2015

Grace Poe Ambush Interview Transcript

On the SC decision on DAP

Poe: In that case, kailangan nating igalang ang desisyon ng Korte Suprema. At least ngayon nalinawan na kasi diumano noong mga nakaraang administrasyon ay mayroong ganyang uri ng paggasta ng pera. At least ngayon magagabayan na rin pati yung executive kung ano ba talaga yung limits ng paggasta ng pera.

On PNP's bidding of patrol jeeps

Q: Reaksyon sa patrol jeeps na gustong bilhin ng PNP. Hindi makamove-on from bidding kasi mayroong pinapaboran na ibang officials

Poe: Yun na nga, lumabas na ang storya na yan. Yang bidding na yan, paulit-ulit na yan. Ilang beses na nagkaroon ng failed bid tapos inaayos nila yung requirements at may nagrereklamo dahil sinasabi na masyado itong nagiging friendly doon sa particular bidders. Para sa akin, hindi nararapat iyon. Ang aking idinidiin, kung sino man ang bibigyan nila ng kontrata dito sa mga sasakyan na ito na kailangan talaga ng ating kapulisan, dapat sa isang reputable o kilala nang kumpanya na matagal nang may serbisyo dito kasi hindi tayo dapat mag-eksperimento. Baka naman nagtitipid tayo ng mali. Hindi ba, ibibigay mo sa isang hindi pa napapatunayan, kung nasira iyan sa Mindanao at walang service center doon, saan mo dadalhin? Pangalawa, yung sinasabi nila na anong klaseng vehicle yan, talaga bang matibay iyan.

Q: May isang police official na sumasali sa bidding?

Poe: Hindi ko narinig iyon, pero bawal iyon. I don't think you should take part in a bidding if you're an employee of that institution. Hindi talaga pwede.

News Latest News Feed