Press Release
February 9, 2015

OPENING STATEMENT OF SEN TG GUINGONA III
DURING THE MAMASAPANO HEARING

Dahil sa trahedya sa Mamasapano, nagkaroon ng malalim na lamat sa tiwalang matagal na nating binubuo ng magkabilang panig sa usaping pangkapayapaan sa Mindanao.

Tatlong punto lang ang ibig kong iparating sa lahat:

1. Gawin natin ang lahat upang lumitaw ang katotohanan. Katotohanan lamang ang daan tungong katarungan para sa lahat. Katotohanan lamang ang magbabalik ng tiwala sa isa't isa. Ituloy ang usaping pangkapayapaan base sa katotohanan, at katarungan, at manunumbalik ang tiwala.

2. Mayroon nagsasabi na mag-resign na si Pangulong Noynoy Aquino. Mali yan. Hindi tama ang mag-resign. Now more than ever, we need a leader that will navigate us through these difficult times. Si Pangulong Noynoy ang ama ng ating bayan at naniniwala ako na kasama natin siya at siya ay tutulong sa paghahanap ng katotohanan.

3. Mayroong mga sumisigaw ng all out war. Maling mali yan. Hindi yan ang tamang landas. Alam natin lahat, lalung-lalo na ang mga sundalo at pulis, na pagdating sa digmaan, walang panalo. WALANG PANALO. Ang unang mabibiktima sa digmaan ay ang mga sibilyan, mga nanay, mga bata at ang mga pamilya. Walang mananalo sa digmaan.

News Latest News Feed