Press Release
February 9, 2015

GRACE POE dzMM INTERVIEW TRANSCRIPT

Karen Davila: Unahin na natin nasa linya natin, swerte tayo ngayong hapon, walang iba kundi ang chairperson ng Senate Committee on Public Order, Sen. Grace Poe is on the line. Sen. Grace, magandang hapon sa inyo Ma'am.

Sen. Grace Poe: Hi, magandang hapon Karen at Vic at sa lahat nakikinig, magandang hapon po.

Vic Lima: Magandang hapon po sa inyo Ma'am.

Davila: So, Sen. Grace, siguro ang una, naniniwala po ba kayo kay PNP Gen. Alan Purisima? Poe: Alam mo, ayoko namang pag-initan sya, hindi naman yun. Sa tingin ko, yung kabuuan talaga ng istorya, marami talagang kulang pa. At kung sinasabi nga ninyo na naniniwala ba ako, aamin ko, hindi. Kasi - pero sabi ko nga, ini-expect ko na rin na ang mga ibang dumadalo, hindi talaga nagsasabi ng totoo, pero kapag binubuo mo yung palaisipan o yung puzzle dito, makikita mo na meron naman talagang hindi pagkakatugma. Halimbawa na lang yung sinasabi nya, kasi dinaan tayo sa teknikalidad e. Pasensya na pero sila rin naman ang gumawa nitong problema na ito sa sarili nila. Halimbawa yung sinasabi nya, "Hindi naman ako nag-uutos e. Ako'y nagsa-suggest lang."

Lima: Advisory daw.

Poe: Ano ba naman yun, di ba? Nandoon ka sa posisyon na nasa Malakanyang ka tapos kung - tapos may sinabi kang direktiba, edi syempre, alangan namang hindi tatratuhin yun na isang direktiba sayo ano? Lalo na, nakakababa ang pwesto mo, kahit na sabihin mong suspendido sya, hindi pa naman sya pinapaalis ng tuluyan sa PNP. So, una yun, pero at least, mismong nanggaling kay Napeñas na hindi naman nya narinig diretso sa bibig ng Pangulo na, "Ito ang dapat mong papakinggan." Si Gen. Purisima nga yung in-charge, pero hanggang sa dulo nga di ba, sya pa rin ang kausap, hanggang sa araw na suspendido na sya sa buwan ng Hunyo, sya pa rin yung kausap. Kaya mahirap talagang paniwalaan.

Davila: Okay, so, Sen. Grace, ang ilan sa mga excerpts sa hearing kanina, sinabi ni Napeñas, dahil sa dalawang pumalpak na misyon, ang Oplan Terminator 1 and 2, use of guided bombs was considered. So, nitong January 9, 2015, pinangalanan daw nila itong Oplan Exodus kasama si Purisima, pero he was suspended.

Poe: Tama, pero alam mo, dapat kapag ikaw ay kumakalap ng intelihensya or intelligence, minsan naman kahit na hindi opisyal na kasama ng sangay ng iyong departamento ay kinakausap mo. Halimbawa, suspendido nga si Purisima pero meron syang institutional knowledge. Meron syang pagkakaalam sa kasaysayan ng ganitong mga operasyon na ito. So, natural lamang na hihingi ka ng transition, di ba? Kung ano pa yung mga alam na nya? Kunwari na lang, merong iniimbestigahan ang law enforcement, kahit naman yung mga kriminal na nakakulong, kung may alam sila, kakausapin mo rin e, pero, hindi mo naman sila pwedeng pakinggan na sila yung didirekta sayo kung papaano mo gagawin yung trabaho mo. Intelligence. You can gather some anywhere. Yun lang, who was actually giving the orders. And ito yung problema dito, sinasabi nga nila, Napeñas is almost taking it as if he is the fall guy. He's already admitted to being - making the judgment call for the operation. Pinapaalala ko lang sa kanya, "Alam nyo Supt. Napeñas, 26 years ang inyong serbisyo sa gobyerno sa pamamagitan ng pagiging isang pulis. Tapos, kapag ikaw ay napagbintangan, kung ikaw ay sumunod sa chain of command at nakinig ka sa isang suspendidong pulis, ang mangyayari sayo baka ma-dismiss ka pa sa trabaho mo. At wala pa ang pensyon mo." So, talagang..

Davila: Oo.

Poe: Oo, kasi di ba parang...

Lima: I think that would be an unauthorized order, kung suspendido. Davila: Pero, tama ka Sen. Grace, kawawa si Napeñas.

Lima: Wala.

Poe: Well, kaya nga sinasabi ko, ganoon siguro kabigat yung dala-dala nya na parang inaako na nya sa sarili nya ang pagkakasala para wala nang madawit pang iba. Pero para sa akin naman, responsibilidad ko rin na ipaalala sa kanya na, "Ang pinakaresponsibilidad mo dito ay magsabi ng totoo, isa. At pangalawa, alalahanin mo rin kung ano'ng pwedeng mangyari sayo dahil sa ginagawa mong yan?"

Davila: Okay, Ma'am, Sen.Grace, sinabi ni Napeñas kanina, ito sa harap po ninyo, sabi nya, "Sabi po ni Gen. Purisima, huwag ko munang sabihan ang dalawa, saka na, kapag nandoon na, ako na ang bahala kay Gen. Catapang." So, he was suspended during this time, ano'ng pananagutan naman dito ni Gen. Purisima Ma'am na he was suspended? Inuutusan nya si Gen. Napeñas. Lima: Suspended and the pre-operations meeting was conducted in the White House?

Davila: Oo, kumbaga, kasi itong si - pasensya na kayo Ma'am. Ang tingin ng marami, "Swerte naman nitong si Purisima. Nag-resign na, tinanggap ng Pangulo, wala naman sa benepisyo nya ang apektado."

Poe: Kaya nga sabi na nila e, "Meron yang pananagutan dapat." Ewan ko kung sa police court martial rin ano? Kasi kapag nahuli nang ganyan, dismissal yan e, ang grounds nyan. Kung mawawala rin lang lahat ng kanyang benepisyo, ang problema kasi Karen, ang ginagawa unang-una, kung napapansin ninyo kay Gen. Purisima, meron din syang prepared statement e. So, lawyer draft na, meron nang mga abogado yan at ang mga sinasabi nga nya, "Ang pagkakaiba kasi nito ay hindi naman pag-uutos. Ito'y advice lamang. Pwede namang, ang pagkakaiba ng advice, pwedeng hindi mo sundin. Pero ang pag-uutos ay dapat mong sundin." Pero kahit na yun, sabihin na natin advice yun, mali yung advice na yun. Hindi ba? As in tinuturuan 'yan to break the chain of command.

Davila: To break the chain of command. Yeah. Oo. Oo.

Poe: Pagsuway rin yun. Kasi remember, he may be suspended as a PNP chief but he remains to be a police officer.

Lima: Oo. A police pa rin. Pulis pa rin siya.

Davila: Yes good point.

Lima: Ma'am kasi dito, it seems na si Napeñas, kasama din ho ba sa imbestigasyon ninyo, hindi lang yung nangyari sa Mamasapano, kundi, don't you think you should ask Napeñas, is somebody stopping you from telling the truth as to from whom you accept the orders? Parang the advisory from somebody like Purisima, parang malabong hindi mo sundin yun. Kasi sabi ho ni Purisima, based on the hearing, well that was only advice. He can follow that or not. Do you think Napeñas will not follow the advisory of Napeñas? My God hindi ba? Sa akin lang po.

Poe: Sabi niya, he has hadso many years of service, I think nag-PMA pa yata ito, in short alam na niya, pati dun sa handbook Ng PNP kung ano ang tama at mali. Ano ang pinapasok niya? Kahit pa sabihin mong advice lang yan, eh di dapat alam niyang hindi dapat sundin yun. Pero ang isa pa na malabo sa akin, sabi ko, bigyan mo ako ng kopya sa intelligence report mo, sino ba talaga nagsabi na si Marwan ay nasa Mamasapano hindi ba? Sabi niya hindi niya alam ang nagsabi. Sabi ko paano? Kasi daw, yung sa kanila ay tactical lamang.

Lima: Iba yung intel.

Poe: Ang strategic daw ay wala sa kanya. Eh yun naman pala eh, bakit siya ang gumagawa lahat ng direktiba or order? Dapat sa intelligence rin hindi ba? Sabi ko, sige ipatawag natin yung General Mendez, na sinasabi, in-charge dun sa intelligence report. Kasi sa intelligence report, ilalagay dun kung paano nila napag-aralan yung environment na pupuntahan nila. Kung ilan ang kailangan na kasama nila. At saka kung sino yung mga nagbibigay ng information. Granted hindi lahat yan pwede ibulgar sa publiko. Pero hindi ba Karen and Vic, one of the things kasi is mayroong reward money yan eh. Kung sino nagtunton nun, kung isang indibidwal ba, kailangan lehitimo ito hindi ba? Baka wala naman talaga nagbigay ng tip. Baka naman ito ay intelligence report ng isang bansa na ibinigay sa atin. Wala namang masama dun. In fact, kung merong isang terorista at ang isang bansa ay makakaalam nito, kailangan tulungan niya ang isang bansa para, dahil lahat naman tayo apektado sa isang terror threat. Kaya lang, dapat talaga malaman natin. Ano ba, may informer ba o yung intelligence na yan ay galing sa ibang source?

Davila: Actually Senator Grace, maganda punto ninyo, because ang lumabas sa isang report sa ABS-CBN ay dalawang taga-MILF ang informant. So ang tanong nga dito, kung civilian yun? Pero let's say kunektado sa MILF, imagine kung ibigay mo dun yung limang milyong dolyar?

Lima: Yeah. Kumita pa.

Davila: Ang pananaw nga ng ilang senator is si Marwan ay talagang ibinigay na. The MILF gave him up.

Lima: Itinatwa na. Oo. Because of the money, the money.

Davila: Oo. Because...

Lima: Pwedeng ganun din yun senador.

Poe: Yun na nga. Pero these are all conspiracy theories that may seem likely. Pero we have to verify. Of course we will never divulge the name of the informer for safety reasons. If ever nga, legitimate yun. Pero eto nga, ang isa pang kinakatakutan--remember may ipinadala silang representatives, etong MILF, sabi "hindi ba may ceasefire hindi ninyo ba sinusunod?" Parang lumalabas nga, hindi ninyo kontrolado yung mga tao sa ground ninyo. Hindi ba? Eh nakikipag-usap kami sa inyo. Eh papaano kung nakikipag-usap kami sa inyo, pinirmahan na natin lahat yan, yun pala hindi ninyo kontrolado yung mga nasa ground. Hindi ba?

Lima: Right. True. True.

Poe: Yun ang mga dapat pag-aralan. Tapos tinanong ko rin si Superintendent Napeñas, ibig sabihin ninyo po, yung 300 pulis na naghihintay dun sa kalsada hindi nakapasok because they were under threat of heavy fire na? Pero sabi ko, meron bang nasaktan sa kanila maski na isa? Sabi wala. So ibig sabihin, sinubukan ba talaga ninyo?

Lima: Yeah. Na mag-penetrate.

Poe: Kasi paano ninyo nalaman yung threat kung hindi ka talaga pumasok, and how can you say it's a huge threat if wala namang nasaktan sa inyo? Hindi ko kinukwestiyon ang kagitingan ng ating mga pulis. Ang sinasabi ko lang ay yung liderato, kung ano ba talaga ang sinabi nila. Hindi naman tayo pwede magbilang ng bala. Ilang bala ang ginamit ninyo? Ilang bala ang pinaputok nyo diyan? Baka lumabas na hindi rin sila sumalakay talaga. Hindi sinubukan.

Lima: Saka ma'am, ang napansin ko kanina parang napakarami ho ng dinadaanang tao for you to get a reinforcement? An augmentation? Tapos by the use of texting lang? Ang tagal. Mauubos nga ang tao mo bago dumating ang reinforcement. Hindi ba?

Poe: Yun nga eh. Imagine ganyan.

Lima: Ang dami.

Poe: Alam mo tinatanong ko nga...Sabi nga nung ibang senador "naku malalaman ng ibang bansa yung intelligence dun sa Pilipinas." Kasi nagre-relay lang pala tayo sa texting. Imagine that, hindi ba? Kasi tinatanong ano ba yung communication capability? Meron naman daw sabi ni General Espina. Yun nga text ang ginagamit. Tapos ang daming pasa-pasa na gagawin natin o hindi.

Lima: Ang daming approval.

Poe: At the very end there was white phosphorous na ginamit nila sa pagpigil sa labanan. Mga mag-ala-6 ng hapon. Sa tingin natin if it was sent earlier baka naman mas meron pang mga nasalbang buhay. Sec. Volt Gazmin said na yung White Phosphorous na yun...they don't know the coordinates, baka meron pang tamaan na SAF pero ito masusunog ka lang naman siguro kung direkta kang tamaan niyan di ba? Hindi katulad ng bomba talaga. So it's a calculated risk that they could have taken.

Lima: Yes.

Davila: Pero siguro Ma'am I think ang pinakamalaking balita na lumabas mula po sa hearing ay honestly ung pag-amin ni Alan Purisima that he was in the White House that allegedly nagbibigay siya ng he so called advice na he even encouraged si General Napeñas to break the chain of command na huwag mo nang sabihin sa ganito. Ang tanong dito kasi Ma'am, anong parusa sa kaniya? May parusa ba iyan?

Poe: Pag ganyan kasi breaking the chain of command. Meron dismissal talaga.

Davila: Ang pangit naman Ma'am na si Napeñas lang ang may risk ng dismissal, hindi si Purisima that would be would unfair.

Poe: Well with the information that I have now, of course it really seems that way. Di ba tinatanong siya ni Sen. Drilon, "what do you mean? You were in the White House, Are you giving command?" Tapos sabi niya "I was just listening di ba."

Lima: Di ba.

Poe: Meron din siyang ganun. Inconsistent.

Lima: Observer daw observer.

Poe: Just giving advice so talagang ano iyan remember sa mga nakikinig ang pagtanggap ng pangulo ay ang kaniyang resignation being PNP chief pero di pa siya tinatanggal sa PNP.

Lima: Ma'am matindi rin yung sinabi niyo kanina baka iyan. Sabi niyo baka po informer lang iyan pero wala naman, baka kung san lang mapunta yung pera. You said that I took note of that.

Davila: Kaya nga di ba.

Poe: One thing we say, let say MILF sana reformed rebel iyan kasi baka kahit informer siya mapunta sa kaniya.

Davila: Baka mapunta sa MILF.

Lima: Anong gagawin sa pera.

Poe: Anong gagawin sa pera.

Lima: Pakawala nga pakawala ng MILF.

Davila: Actually ayun ang usap-usapan. Ma'am ang latest ngayon is si Purisima fails to secure a temporary restraining order so yung court of appeal's order sa Ombudsman to file comment on the TRO plea. So as of today, after your hearing, he's still suspended.

Poe: Well, okay precisely a bit but we can't change the fact that he is liable and he's still invited to our hearing.

Lima: Ang the amount that used in the operation Ma'am, sinasabing ni Napeñas 100,000 lang ha, naliliitan ako dun.

Poe: Ayun na nga po kasi marami rin nagtatanong kung ano yung operational cost kasi kasama yun dun sa intelligence at tsaka sa planning. So sabi niya 100,000 so sabihin na natin kasi this is an ongoing operation baka naman loaded na talaga yung para sa equipment nabili na lahat iyan ganun. Isa pa namin dapat tanungin, ano ba yung mga baril kasi may capability ba talaga yung mga PNP natin na may baril na ganyan o tinulungan tayo. Okay lang naman... dapat malaman natin kasi yung mga itong mga baril na ito na... (lost signal)

Davila: Okay, siguro ibabalik ko lang na ito Ma'am so ang na-established sa hearing kanina I think the biggest establishment is Purisima was really involved whether magbigay ng advice kung anumang gusto niyang sabihin at clearly nandun siya in the know siya ma'am ang tanong ngayon dito ay in terms ngayon ng of the tactical judgment call on the grounds si Napeñas na yun, correct Ma'am di ba? Sino ngayon ang liable ma'am for not informing the AFP ahead of time?

Poe: Ganon na rin si Napeñas na rin kasi...

Davila: Siya yun?

Poe: Siya na yung operational comman dun.

Davila: Oo!

Poe: Pero gayun pa man mali parin yung payo na binigay sa kanya ng isang pulis rin diba? Si Purisima na sinabing huwag ipaalam. Pero alam mo ito ngang isa diba...yung Senado gumawa nga ng batas ano? Yung information diba sinasabi parang he was alluding to appoint na whenever they coordinate with the AFP it feels that their operations is aborted or it fails.

Davila: Totoo naman yun ma'am. 2012 kasi alam ng AFP si Marwan nakatakas.

Poe: Parang ang sinasabi nga mahirap nang malaman nila. Pero malaki ang sugal na ginawa nila dito. Alam mo pagdating sa Bangsamoro Basic Law at pagdating sa mga terrorist activities at saka information, ano bang mangyayari niyan? Ibig sabihin ba dadaan pa tayo sa...kunwari mayroon nang autonomous government doon no, ipapaalam natin sa kanila, makikipag-coordinate tayo? Pag dating dun sa actual operation baka napanis na yung impormasyon dahil marami nang nakaalam.

Davila: Korek!

Lima: Sunog na!

Poe: Oo. Isa yun sa mga dapat pag-aralan dito sa mga probisyon ng BBL. Pagdating sa terrorist activity, the less people who know or the less groups who know about it, the better. Pero dapat strategic; yung mga nakakaalam ay talagang handa at kaya talaga yung operation. Davila: Okay! Senator, sinabi ni Gen. Napeñas na ang MILF mahigit sa ano daw, ano ba yung sabi niya? 200 ang namatay? Of course hindi natin alam. We don't know. 18 lang ang inaannounce ng MI.

Poe: Tama. Alam mo sabi kasi nila psych, psy war...

Davila: Psy war.

Poe: Oo. Syempre ayaw nilang aminin na ganon din ang laki ng nawala sa kanila diba? Para sa kanila, kung inamin lang nila na iilan lamang eh mukhang sila yung nag-wagi dito sa engkwentro na ito. Pero tama yung sinabi naman natin na talagang ito yung mission accomplished na nakuha nila si Marwan. But at what cost? Alam mo Karen and Vic, meron pong nabanggit na ang Special Action Force, mga bata pa ito. So, they had 5 years at least na ground experience. Itong mga nasa MILF camp, mga 10-11 years old pa lang. Nakikita na nila yung nangyayari sa paligid nila. Mga ganong edad pa lamang ay naghahawak na sila ng armas. Mga ganong edad pa lamang ay alam na nila ang kapaligiran nila. Kaya ang kalaban natin kahit na hindi sila professional ay mayroong battle experience. Kaya nga po mahirap dun talang kalaban sila. Hindi po talaga madali.

Lima: Yes.

Davila: Ma'am anong sinabi ng MILF, I don't know if it was tackled, kung bakit ayaw pa ibalik ng MILF ang baril ng PNP, ma'am?

Lima: Hindi pa naaabot yun.

Davila: Wala pa?

Poe: Oo. Parang hindi naman siya official; hindi pa niya alam yung mga official na kasagutan diyan. Alam mo pinadalhan kami ni Ginoong Iqbal noong January 29 ng liham na nagsasabi na hindi siya magpapakita muna. Kasi kailangan niya ng approval ng central committee ng MILF.

Lima: Oo.

Poe: It's been how many days since the 29th pero wala parin. Sa tingin ko yung mga katanungan na yan parang ang level lang niya ang sumasagot diyan. Kaya nga po hindi pa po talaga kumpleto ang mga katanungan. Pero tama Karen, at least na amin na ni Gen. Purisima yung kanyang pagkakasangkot dito.

Davila: Laking bagay nun!

Poe: Malaking bagay nga yun.

Davila: Oo!

Lima: Ma'am kung hihingi ng clearance, what is that fellow doing there from the MILF? Bakit siya andun? So, nilabag niya?

Poe: Kaya sabi ko: "who sent you here?"

Davila: Did you take your oath sabi mo? Baka pinadala yun ma'am? Ayaw lang ni Iqbal magpunta?

Poe: Oo! Pero dapat kasi may kasamang sulat yun eh.

Lima: Oo!

Davila: Oo! Duly authorizing him.

Poe: Sa Makati hearing, diba humingi tayo ng sulat na meron ka ba talagang authorization na magrepresent diba? So, kailangan may ganon. Kasi hindi naman direktang naka address yung imbitasyon doon sa pumunta kanina.

Davila: Oo! Alright, on that note, Senator Grace Poe, tomorrow may isa pang hearing. Ang malinaw dito yung sinabi niyo ngayon is clearly ang Bangsamoro Basic Law hindi na ito papasa ng basta-basta? Yun ang very clear sa sinabi ninyo.

Poe: Sa akin, gusto natin ng kapayapaan pero ito'y isang leksyon din sa atin na pag-igihan ang pagrerepaso nito. Hindi ko naman sinasabing itapon na natin ito sa basura. Pero, tanungin natin kung sino ba talagang may control diyan. Ipakita ng MILF ang sinseridad nila bago talaga tayo maka-usad dito.

Davila: Okay! Alright! Ma'am Thank you so much! Senator Grace Poe good luck tomorrow again!

Lima: Good Luck! Thank you!

Davila: Thank you ma'am!

Poe: Maraming salamat din po!

Lima: Thank You!

News Latest News Feed