Press Release
February 18, 2015

AMBUSH INTERVIEW WITH SEN. ALAN PETER CAYETANO

ON THE BINAY-BSP CONTROVERSY

Sa simpleng paliwanag, kung baga sa relay, bawat hakbang ay naloko at nalugi ang Boy Scout habang may mga kumikita ng daan-daang milyon.

Dalawa ang allegation dito, number one, na nagkaroon ng five percent ang Vice President at medyo lumilinaw na meron talagang five percent, saan napupunta, at ang ginagawa ngayong excuse ay ito daw ay sinuweldo o ito daw ay kita ng nag-ayos ng deal. Pero hindi naman siya nagbayad ng tax at hindi naman niya dineklara para doon, at nawala ang share na 'yun noong birthday ni Vice President Binay, noong mismong araw na yun.

(Inaudible)

Lumalabas na sa bawat hakbang ng deal ay merong kumita ng malaki, na nawala ito sa Boy Scout. So habang ang iba, katulad ni Mr. Oreta, ay kumita ng daan-daang milyon na, hanggang January 22 ng isang taon, ni singko, walang napunta sa Boy Scouts of the Philippines. So it was a bad deal, maanumalyang deal, at pagkatapos ay ngayon, nabubulgar at lumalabas kung saan natago ito.

Ang masama po dito ay hindi isang private corporation ang Boy Scouts of the Philippines, kung hindi ito po ay semi-government, o sinabi na ng Supreme Court na parang GOCC. So, ang mga bata na seven-eight years old seven years ago, 15 anyos na. Ang ten years old seven years ago, 17 anyos na. Hindi nila napakinabangan kahit singko ang property ng Boy Scout na 10,000 square meters. Samantalang ang mga private na negosyante, at maaaring ang Vice President, ay kumita na ng malaki dito.

So nakita natin na nagbuhol-buhol ang kwento ni Atty. Oreta sapagkat ang mga dokumento mismo ang nagsasabing iba-iba ang presyong nilagay nila sa presyo talaga at perang pumaso sa kanila. At noong birthday ni Vice President noong 2011, biglang nawala ang shares na yun. Yun ang sinasabi ko sa earlier testimony ni Mercado na kasi ang five percent na yan ay hindi naman talaga kay Mr. Oreta, pero yan talaga ay para kay Vice President.

So dalawa ang makikita natin ngayon: whether or not may anomalya at number two, paano naman natin poprotektahan ang mga organisasyon katulad ng Boy Scout?

Makikita natin ang pattern. Tuwing may pirmahan ng kontrata, nawawala ang Vice President, at ang ginagamit niya ay ang mga vice president niya sa iba't ibang organisasyon, pati sa city hall, para ang liability... Ito po ay utak-abogado, to protect himself from liability. So that is why I again urge him, sagutin niya ng deretsuhan ang mga ito.

Bakit ayaw ipabukas ng Noble Care ang kanilang bank account? Dahil sa impormasyon sa akin, mate-trace kung saan napunta ang pera, at hindi talaga kay Mr. Oreta napunta ang pera. In the next hearing, doon tayo papunta, pero papunta sa sinabi ni Vice Mayor Mercado, na eventually, it ended up with the Vice President.

Lumalabas kasi na bawat hakbang ay may issue. For example, bakit 85-15, hindi 80-20 o 75-25? Bakit isang bilyon lang ang vinalue samantalang noong ginawa itong commercial, sabi ni Mr. Cuervo, dapat at least P2 billion na ito? Noong ginawa ang GFA, ibig sabihin they had 50 percent more, tumaas nanaman ang value nito. Tapos ang five percent kasi, dito ang sinasabing naguguluhan ang value. Ang nangyari, ang Sime Darby, binenta niya sa Alphaland ang interes niya at 12,000 per share, 100 percent ang binili. Binigay ang five percent kay Mr. Oreta, nilagay niya sa Noble Care, pero ang binayad niya lang ay P20 per share. Later on, a few years later, binalik niya, kinuha niya ang Alphaland share at P10 per share. Pero ang halaga na nito ay P60 per share. So dito lumalabas ang nagkaroon ng P450-550 million na hindi mapaliwanag kung nasaan. Sinasadya ito ng mga abogado at nagtatago ng pera para nga mahirap maintindihan at mahirap makita kung nasaan ang kickback. Pero mismong mga dokumento ang nagsabi sa kanila na wala na ito sa Noble Care.

Sa pagsisinungaling nila, nahuhuli tuloy sila na ilegal ang kanilang ginagawa, katulad ng sasabihin na compensation yun, hindi siya nagbayad ng income tax. Kaya ang utang niya sa gobyerno, sa computation ko, is P500-600 million. Ang binayad niya capital gain, meaning noong tinaas ang presyo ng share. Hindi niya dineklara ang income, samantalang under oath, sinasabi ng dalawa income yun, so ang income tax na ganun kalaki, around 30 percent, and then may surcharge, merong 50 percent charge yun dahil hindi mo binayaran agad and then 20 percent na yearly na surcharge, kaya napakalaki. Ang aming balita, ito nga ang napunta sa charges.

ON THE MAMASAPANO INCIDENT

Unang-una, halos tatlong linggo bago isauli ang armas, pangalawa, kung mino-monitor niyo ang news, ay parang napakasama pa ng loob ng MILF na ipaliwanag na sa kultura nila, hindi basta't magsasauli ng armas. So this tells me a lot, this tells me na moro-moro lang ang mga pagsasauli at sinasabi nilang decommissioning, yun pagbigay ng 75 na armas.

Makikita mo, hindi sinaalang-alang ang socio-economic at cultural significance sa ating mga Muslim area sa Muslim Mindanao sapagkat sinasabi nila na ang MILF, ibibigay na sa atin ang mga armas nila habang ginagawa ang bill. Ang totoo po, mahigit sa isa ang factory, ang totoo ay palakas ng palakas ang front ng MILF, at kumakalat ang reports ngayon - whether it is true or not - na magkakanoon ng mga terror attacks, may mga cities na binabanggit, transportation group, at mga ilang malls. I hope this is not true.

And let me send this message to the MILF. It is now your opportunity to show that you really want peace. Pero kapag nagkaroon ng terror attack, para niyo kaming tinututukan ng baril, para niyong binabaril ang hostages isa-isa tapos sasabihin niyong you really want peace, nagkakamali kayo kung tingin niyong aatrasan kayo ng gobyerno kung ganyan ang taktika niyo.

There is no room for terrorism in peace talks. So ang mga aksyon na MILF in the next few weeks, in the next few months, will tell whether or not peace talaga ang gusto nila o they just want na sakupin ang most of Mindanao.

Sa akin, hindi very significant, hindi natin dapat utang na loob ang pagsauli ng gamit. I am happy na sinauli ang gamit, pero dapat the very next day, hindi lang yung gamit. So saan nila kinuha ang gamit? By now, kilala nila ang mga fighters na pumatay, kilala nila kung sino ang mga Commander, kilala nila ang mga sinabihan nilang tigil-putukan na, kilala nila ang sinabing ceasefire na, tumuloy pa din, why are they not being brought to justice? Bakit kapag myembro nila, ang sasabihin lang nilang penalty, aalisin lang nila sa grupo nila? Bakit ang penalty kapag gobyerno ang pumasok sa kanila, death penalty at pinapatay? Actually, na-mutilate pa ang katawan.

So, kailangan ipakita ng MILF that they are mature enough, that they are civilized enough, to talk peace. Pero yung pinapakita nila, sasagutin nila na iba ang kultura nila, alam nating iba ang kultura, kaya nga tayoo may BBL. Pero hindi pwedeng palagi na lang ang sagot ay iba sila at iba ang kultura.

Yun naman ang excuse palagi, hindi ba? Pero napatunayan na hindi lang sa mga dokumento, sa iba't ibang pag-aaral at sa intelligence report, na ang BIFF ay nakakabit pa din sa MILF. So kung gusto talaga nilang kunin, bakit hindi nila kunin kung talagang yun ang area? Kaya pati ang mga nangyayari ngayon na skirmishes between the BIFF ad the MILF, ako ay pessimistic. I think it is only for show. Kung kailan natin sinabing magkatabi sila at hindi nagbabakbakan, magbabakbakan sila. Pero isipin niyo po yung sa bakbakan sa atin, ilang oras lang, angdami nang patay kaagad. Bakit sa kanila, kung saan-saan nagbabakbakan, dalawa na daw, tapos sasabihin isa lang ang patay, hindi pa ipapakita ang katawan o kug sino?

So enough of show, peace is action, it is not words. So kung talagang gusto ng peace ng MILF, kung talagang sinsero sila, tama na ang salita, dapat gawa. Ipakita nila sa atin na seryoso. Bakit hindi mo itu-turn over ang baril ng SAF, sa SAF naman talaga yan? Turn over the arms factory. Kasi nasa agreement yan, na hindi dapat nila tinayo, nasa agreement yan na dapat hindi sila bumili ng bagong armas, hindi sila pwedeng mag-manufacture ng bagong armas. Pero sa lahat ng news report na sinasabing they are preparing for war, how can you prepare for war if you don't have your own factory, if you don't recruit more fighters?

Lastly, ang BIFF, hindi din nawalan ng bala. So, saan nanggagaling ang funding ng BIFF? Ang ibang terrorist groups naman at ibang mga legitimate funding ng mga Islamic fighters sa ating bansa, hindi magbibigay both sa MILF at sa BIFF yan. So, doon mo makikita na ang alliance at ang financial ties ng BIFF at MILF ay hindi nawawala.

THERE SHOULD BE MORE HEARINGS

At least two more, sapagkat 16 kami, 17, tig-five minutes, at makikita natin, dumadating na sa punto na may mass amnesia ang ibang witnesses. So we have to get the bottom of the incident. Kailangan nating malaman talaga, ano ang order, sino ang nagbigay ng order, bakit ganoon ang pagkilos ng MILF, and, most important for me, can we trust them as partners in peace? Kung hindi, paulit-ulit lang ito. It is sad na 44 ang namatay, but if you look at the past, hindi lang ganoon karami ang namatay at hindi lang ganoon ka-controversial ang way ng pagkamatay. This will continue as MILF continues to get stronger unless we continue the hearings and get to the bottom of this.

Ako ay naniniwala na maraming mga public officials ang nagbibigay ngayon ng impormasyon sa gobyerno tungkol sa pagpapalakas ng MILF sa lugar nila. I hope the government will share this with the public and will expose this rather than keep it to themselves.

Iisang lugar ang Mamasapano, sabi nila kontrolado nila ang lugar. Nandiyan ang BIFF. Gusto nila (MILF) ng peace. bakit hindi gumawa ng effort na ayusin lahat ito? Three weeks pa bago nila naisauli (ang mga gamit ng SAF). Hindi ko na-monitor kanina, yung mga cell phones ba, yung mga personal things ba ng mga sundalo, sinauli? Ikaw nagso-sorry, ikaw nagsasabi na gusto niyo ng peace, pero ang sagot mo palagi sa amin, "sige, kung ayaw mo ng peace, barilan na tayo."

So, we want to see something from their side to show... Kasi ang pinapadala kasi nila sa mga hearing, mga soft spoken, yung mga maaamo at matamis ang pananalita. Pero makikita nila sa mga lugar nila, talagang grabe. Si Chairman Iqbal na mismo ang nagsabi, daig pa ng hayop ang gumawa ng mga ito. Pero kita mo naman kung sino, side by side nag-fight ang MILF t BIFF. So it is time to have some accountability naman.

Ang hinihingi ko lang naman sa gobyerno, let us negotiate from a position of strength, at sana naman may magsalita para sa gobyerno. Ang problema naman kasi sa ating peace panel, lahat kakampi ng MILF. Kapag nagsalita akala mo myembro ng MILF, hindi myembro ng gobyerno. Ang hinihintay ng mga sundalo, ang hinihintay ng AFP, ang hinihintay ng PNP at hinihintay ng ating nga kababayan sa Mindanao, ay may magsalita naman sa peace panel para sa tao. Kasi panay pabor na lang, parang takot na takot o inlab na inlab sa MILF.

I do not understand how the government can say or the administration can say that any BBL is okay, while the MILF is saying any change in the BBL to water it down, gyera na tayo. So that's why I am saying doon tayo nangungulila kasi walang nagsasalita sa peace panel for the government. Trabaho nila yun, dapat inupuan na nila at sinabi ngayon, sa peace, hindi papasa ang BBL. Binasa natin ang Murad letter, nakalagay sa Murad letter na ang paniniwala nila, na-bind na ni PNoy, ng Presidente, ang executive at legislative, pati ang judiciary. We already informed them that that's not true. So what, kapag sinabi ng Supreme Court na unconstitutional ito o inamendahan, gyera nanaman?

So, it is time for solutions. Let us accept that the BBL and the first part of the peace talks were idealistic, but it is also an illusion. So now, it is time naman for solutions na. and we will not have a solution until tapusin natin ang mga hearings na ito. We cannot say na nakausap na natin lahat ng heads, tapos na ang Mamasapano investigation. Kung magsasalita ang ibang survivors, kung ang ibang military at pulis, magsasalita din, we can get to the bottom of this. We can find out kung ano ba talaga ang nangyari, was it General Catapang who said "save the peace talks," or did someone order him to do it? Was it his call, was it the call of Gen. Pangilinan, or of Gen. Del Rosario? Kasi klaro na sa akin na may utos na huwag i-all out support sa SAF kasi baka maapektuhan ang peace talks. Bakit? Paano kung may ibang legitimate law enforcement operation ongoing ngayon, maaasahan ba ng pulis na nasa likod nila ang militar at ang gobyerno kapag nangyari ito? Let me clarify, the AFP is ready and always ready to assist the SAF. It is some of the military commanders who told them not to. Huwag dapat sumama ang loob ng mga nasa AFP (inaudible) because we know them already. But why didn't their commanders balance the peace talks with the rescue when very clear, at least sa hearing, everyone was saying na the rescue was the priority. Pero galing sa bibig ni Gen. Del Rosario at sa bibig ni Gen. Capatang, lumalabas na hindi pwedeng artillery o ang air support kasi baka maantala o maapektuhan ang peace talks.

So these questions, no one of us here can answer. And the executive session, there are things there that have to be revealed para makumpleto ang istorya. Those that will affect national security, personal security, operational security sa operations that are still ongoing, kung meron man, have to be kept confidential. But the parts of the story na magbubuo sa istorya has to be shown to the public, at hindi magagawa yun nang wala tayong additional hearings.

By the way, ang MILF, hindi pa nila sina-submit ang report nila. So anong nangyayari sa kanila, tatlong linggo na, hindi pa nila sina-submit ang report nila?

If the hearings will be scheduled Monday or Tuesday, then next week, hindi lang yun ang malalaman ng publiko, and kasi si Chairperson Grace Poe wants to be able to have a partial report soon so that we can move forward with this incident.

In principle, when I left yesterday, most of them agreed at nag-agree naman si Chair, so it is a matter of scheduling na lang.

News Latest News Feed