Press Release
April 22, 2015

KAPIHAN SA SENADO WITH SEN. CHIZ ESCUDERO

HOST: Hindi available yung guest natin tomorrow, so let's have Kapihan today. Our guest for today is the chairman of Committee on Finance, Sen. Chiz Escudero. Hi Sir, magandang umaga.

FGE: Good morning.

QUESTION: Sir, first question, yung Supreme Court, vinoid nila yung Comelec contract with Smartmatic for the refurbishment, diagnostic and repair of PCOS machines. So, ano yung implication nun sa implementation ng automated election sa 2016?

FGE: Well, marahil madi-delay ng kaunti. Maaga naman nilang binid out yan at in-award sa Smartmatic, may kaunting delay. Kung tatanggapin na kaagad ng Comelec yung desisyon ng korte at hindi nila hihintaying maging pinal ito, may sapat pang panahon. Ngayon, kung magkukulang sila ng pera, alam ko may savings pa ang Comelec, humigit kumulang 2 bilyong piso pa yung savings nila, kung may kailangan pa silang dagdag na bilhin o dagdag gastusin, inaasahan kong ipagbibigay alam nila sa amin yan, para sa lalong madaling panahon, maaksyunan ng Kongreso at maibigay ang kinakailangang pondo para sa automated election sa 2016.

QUESTION: So Sir with this SC ruling, manual election is not possible? Kasi there are concerns na baka daw bumalik tayo sa manual election?

FGE: Hindi tayo pwedeng bumalik na sa manual elections sa simpleng dahilan, nakasaad sa batas, automated dapat ang ating halalan. So, paglabag sa batas ang pagkakaroon ng isang manual elections. Sapat pa ang panahon sa aking paniniwala. Kung ikukumpara mo sa ginawa ng Comelec noong 2010, sapat ang panahon para makapag-automate pa tayo at makahabol pa tayo in time for the May 2016 elections.

QUESTION: So, mas lalong imposible yung no elections?

FGE: Mas lalong imposible po yun at ang tanging mandato ng Comelec ay pangasiwaan ang eleksyon sa ating bansa kada tatlong taon. Once every three years na nga lang yung trabaho nila, alangan namang hindi pa nila magawa ng maayos.

QUESTION: How about the postponement of the May 2016 election? Kasi ang sabi ng iba, baka daw i-claim ng Comelec na nagkulang yung oras sa kanilang preparation?

FGE: That is not possible, under the constitution and even under our laws; elections cannot and should not be postponed. At walang kapangyarihan ang Comelec na gawin yan. Mula nung maging republika tayo noong 1946, ni minsan yata hindi pa na-postpone ang halalan, maliban sa SK.

QUESTION: Sir ano pa yung legal remedy na pwedeng gawin ng Comelec?

FGE: Kung ako sa kanila, huwag na silang umapila. Kung ako sa kanila, lalo na kung unanimous ang desisyon ng korte, malamang sa malamang hindi na yan babaliktarin ng korte upang sa gayon mas magkaroon sila ng sapat na panahon para dumiskarte pa at gumalaw ng naaayon sa desisyon ng Supreme Court.

QUESTION: So Sir, dapat ba magkaroon ng bidding? Yun ba yung question doon? Yung procedure doon sa...

FGE: Ang question ay yung bidding ay in-award nila at midnight deal daw yung binigay na award sa Smartmatic. Ni-negotiate na lamang at hindi pinadaan sa bidding. May rason din naman siguro ang Comelec noong mga panahong yun dahil Smartmatic ang gumawa, natural lamang na Smartmatic din ang mag-repair at mag-refurbish parang yung MRT lamang yun. Nagkaroon tayo ng problema mula noong inalis ang Sumitomo na syang gumawa nung MRT, marahil yung ang iniisip nila kung kaya't ginawa at nagawa nila yun.

QUESTION: So Sir alin ang best option, bidding, mag-file ng MR or bumili na lang ng bagong machines? FGE: Para sa akin, mag-bidding, huwag nang mag-MR dahil unanimous yung decision ng korte. Huwag na mag-MR, ipa-bidding at sundin ang proseso, at kung may kulang pa, lumapit at dumulog agad sa Kongreso, sa amin, sa Committee on Appropriations t at Committee on Finance para mapondohan yung mga dapat pondohan na gastusin nilang dagdag.

HOST: Any related question about SC ruling? No more? Sir politics na, kasi, meron? May follow-up question ka?

QUESTION: Yung possibility of No-El?

FGE: No such possibility. Impossible and it will be illegal and unconstitutional.

QUESTION: So Sir napag-usapan na rin lang yung Comelec at preparation para sa 2016 election, any update doon sa lumulutang na naman na Poe-Francis tandem o Poe-Escudero tandem sa 2016?

FGE: Ang nagpalabas nyan ni-hindi namin ka partido o kasama. So hindi ko alam kung paano at saan nanggagaling ang usapin kaugnay nyan. Walang pormal na usapan, kasunduan kaugnay ng pagtakbo o hindi pagtakbo para sa anumang pwesto sa 2016. Sa panig ko at least o kanino man.

QUESTION: So wala kayong plano kailan kayo mag uusap ni Sen. Poe para sa inyong political plans sa 2016?

FGE: Wala at malamang magkausap kami pagbalik nya, pag nagsimula na ang sesyon sa unang linggo ng Mayo. Walang ganong usapan sa ngayon. Kung darating man yung usapan na yun, hindi ko rin masasabi.

QUESTION: But any offer from other political parties like administration?

FGE: Wala. Kaya ko lamang mag salita sa sarili ko, walang kumakausap at wala rin akong kinakausap.

QUESTION: Sir walang usapan at wala pang offer. Pero kayo, ano po yung personal na balak nyo?

FGE: Wala pa akong definite na plano at desisyon kaugnay ng 2016. Mahaba at malayo pa naman ang tingin ko. Kung sa tingin nyo o ng ilan na nagdeklara na ngayon na mabuti na yung maaga at late na nga ang panahong ito, pananaw nila yun. Sa pananaw ko, kaya nga inimbento ang last day of filing sa October, dahil yun ang huling tinakdang panahon para magpasya ang sinoman kaugnay ng pagtakbo o hindi pagtakbo sa darating na eleksyon. Wala akong planong madaliin ang anumang pagpapasya kaugnay nyan.

QUESTION: Pero sir according to some LP members, hindi daw nila sinasara ang kanilang pintuan para sa mga outsider.

FGE: Salamat kung ganon. Subalit wala pa namang pahayag mula sa akin o galing man kay Sen. Poe kaugnay ng bagay na ito . At hidni naman kami miyembro ng anumang partido para masaklaw ng anumang desisyon ng proseso nila sa ngayon.

QUESTION: Sir, preference nyo bang tumakbo, kung tatakbo kayo, walang partido?

FGE: Preference kong mabuhay ng tahimik at masaya. Preference kamo e.

QUESTION: Sir for 2016, yung totoo po? Doon ka pa rin ba sa idea ng independent?

FGE: Nung umalis ako sa NPC nasabi ko na yan nun, sinumang tumatakbo o magiging presidente o bise presidente dapat wala nang partidong kinabibilangan. Dapat ang tawag sa kanyang partido ay Pilipinas, dapat ang tawag sa kapartido nya ay Pilipino. Dahil presidente o ikalawang pangulo sya ng bumoto at hindi bumoto sa kanya, ng sumuporta at hindi sumuporta sa kanya, ng kapartido at hindi nya kapartido. Para mas may tyansa ang sinomang magiging leader natin na pangunahan ang ating bansa ng walang kinikilingan at walang pinapaboran.

QUESTION: So more on independent ka, sir?

FGE: Malaya. Parang nung pagtakbo ko noong nagdaang eleksyon, inendorse kami ng ilang mga partido. At nagpapasalamat kami sa suportang yun, hindi naman namin at hindi ko naman tinanggihan,. Subalit pinili ko at nagpasya akong hindi sumali sa alin mang partido maski na noong nagdaang eleksyon.

QUESTION: Pero sir di ba mahirap tumakbong wala kang political party?

FGE: Hindi naman. Dahil sa dulo, desisyon pa rin naman ng bawat botante ang pagkapanalo at pagkatalo ng isang kandidato at hindi ng partido. Ni-hindi nga nakakaboto ang political party. Kung titignan din natin at susuriin, nung tumakbo at naging pangulo halimbawa si dating Pangulong Cory, kokonti lang naman ang kapartido nya noon kumpara sa administration party na KBL. Nung naging pangulo at tumakbo si dating Pangulong Ramos, ang kapartido nya tatlo o apat lang yata sa Kongreso. Ganon din kay dating Pangulong Estrada. Ang kakampi lang yata niya non si Cong. Zamora, yung congressman ng San Juan at isang kongresista mula Bulacan at si Cong. Rivera. Ganon din marahil maski na kay dating Pangulong Arroyo, ang kakampi niya sa campaign ay kokonti lamang, siguro dalawa o tatlong mambabatas lamang. Si Pangulong Aquino nung tumakbo siya, humigit kumulang dalawampu't isa lamang ang Liberal Party members non.

QUESTION: Sir, on the part of Heart Evangelista. Does she have any plan of joining politics?

FGE: None whatsoever.

QUESTION: Bakit may lumabas na report na parang may transfer yata ng residency sa Sorsogon?

FGE: E, syempre nandon yung asawa niya so saan siya boboto? It's just natural na lilipat siya ng residency niya kung nasan yung kanyang esposo at walang kaugnayan yon sa pagtakbo, kulang lang siguro ang tsismis doon sa aming probinsya kaya lumalabas yon but to answer the question directly, no, she has no plans. We have no plans, I have no plan at usapan naming hindi siya papasok sa pulitika maliban na lamang kung papasok ako sa showbiz. At wala akong kabalak-balak pumasok sa showbiz.

QUESTION: Pero Sir, supportive siya in case na mag-decide kayo to run for a higher position?

FGE: Tulad din naman ng pagsuporta ko sa kanya anuman ang gawin niyang sine o teleserye, ganon naman siguro dapat yon at wala akong plano na pareho kaming gumalaw at magtrabaho sa iisang mundo. Mas maganda pag-uwi mo, magkaiba ang pinag-uusapan at pinanggalingan ninyo para may natututunan kayo mula sa isa't isa.

QUESTION: Pero kung gustuhin niya sir, hindi niyo hahadlangan?

FGE: Ayaw niya e, ayon sa kanya at nagsalita na rin siya noon nung mainterview siya. Kaya naman niyang tumulong at nakakatulong siya sa kasalukuyan niyang kinalalagyan na hindi na kailangang tumakbo pa.

QUESTION: Sir, si Sen. Trillanes may sinabi na parang hindi pa ready ang sambayanang Pilipino para sa Trillanes presidency. Sa tingin mo sa kaso niyo, handa na ba ang sambayanang Pililipino?

FGE: Hindi para sa isang kandidato ang sabihin kung handa o hindi ang botante para sa kanila. Desisyon ng botante yan at hindi desisyon ng kandidato.

QUESTION: Sir, paano ba, would you be more comfortable running in 2016 with Sen. Poe?

FGE: Unfair to answer that because it will presumptuous one way or the other, kung dumating na lang siguro yung panahon at pagkakataong yon... don ko na lang sasagutin. Kung kumportable o hindi. Pero sa ngayon na ni walang pinaguusapan, ni wlang alok, ni walang pagkakataon na seryosong matalakay yan. I don't think it would be fair both to me and to her to answer that.

QUESTION: Ano po yung timeline ng LP para dun sa mga gustong magdecide kung anuman ang...

FGE: Last day of filing. Kahit anong deklarasyon ng sinomang nagdeklara na ngayon sa totoo lang, pwede pang magbago yan. Kung maaalala niyo nung nagdaang eleksyon din, ang daming nagdeklarang tatakbong presidente... halos kalahati lang yata ang natuloy. So, anomang deklarasyon ngayon kung hindi mag-file, ay hindi naman totoong kandidatura pa yon. Sa dulo, pag-file ng kandidatura sa particular na posisyon ang magiging pinal na kapasyahan parin kung tatakbo nga ba sila o hindi.

QUESTION: Sir, the mere fact na sa mga survey halos dikit na si Grace Poe kay VP Binay, sa tingin niyo enough basis na yon kung kokonsultahin kayo ni Grace Poe... parang ano ba yung basehan para...

FGE: Sinumang mataas sa suvey, syempre dapat tingnan ng seryoso ang pagtakbo o hindi pagtakbo. Yung pinakamababa nga, pinagiisapan pa kung tatakbo e, yung mataas pa? So, natural yon sa sinomang maganda ang resulta at numero sa survey na seryosong tingnan at timbangin kung tatakbo nga ba siya o hindi. Gaya nga ng nasabi ko, yung mababa nga pinagiisapan pa't pinagaaralan e, e 'di lalo na yung mataas.

QUESTION: Would you be supportive of Sen. Grace anuman yung tatakbuhan niya sa 2016 elections, as a friend?

FGE: Anong sabi, beyond friendship? Hindi ko pa alam kasi hindi ko pa naman alam ang kanyang tatakbuhan.

QUESTION: Seryoso. Di mo pa alam kung susuportahan mo siya?

FGE: Sa anong bagay? Hindi ko pa naman alam ang pasya niya. Kung ang desisyon niya ay huwag tumakbo. Kasama ba yun sa susuportahan ko? Depende sa desisyon niya.

QUESTION: Sir, ano ang nakikita mong scenario? Yung talagang lalaban na lang 'pag nag-file ng COC, ilan na lang yung matitira?

FGE: Tingin ko kapag patuloy na bumulusok at bumaba ang numero ni Vice President Binay, hindi siya tila invincible tulad ng mga nagdaang panahon, nagdaang taon, mas marami ang tatakbo sa pagka-pangulo. Pero kapag tumaas muli ang numero niya or hindi siya kayang talunin ninuman, mas kokonti ang tatakbo.

QUESTION: Plus factor ba yung kapag na-save niya yung naka-schedule na bitaying OFW?

FGE: Hindi niya dapat salbahin yun nang dahil lamang sa pulitika at para tumaas ang numero. Bahagi yan ng trabaho bilang ambassador. Kung hindi ako nagkakamali, o emissary ng Pangulo kaugnay sa mga OFWs.

QUESTION: Any question about politics? No more? So, sir kalian pa namin malalaman ang desisyon mo, sa November, October?

FGE: Kahit naman magsalita ang sinuman ngayon puwede pa ring magbago tuwing October. One time, big time na lang para hindi na bumaligtad at hindi na magbago pa.

QUESTION: Pero ang preparations andiyan na?

FGE: Naniniwala ako na hindi mo puwede o pagplanuhan ang pagka-pangulo e. Ang guhit na dapat diyan sa kamay at tadhana mo at ng bansa . Maski na hindi ka maghanda darating at darating sa iyo. Sa kabilang banda kahit na maghanda ka pa ng todo-todo kud hindi talaga para s'yo. Hindi mo makukuha.

QUESTION: Sir, Palace said no need to convene National Security Council. Sabi niya, 'no compelling reason' to do such.

FGE: Ang desisyon ng palasyo. Sa ilalim ng batas, pangulo lamang ang puwedeng magpatawag ng National Security Council at hindi ang senado. Iminungkahi ko lamang iyon para magkaroon ng mas united na paninindigan ang Pilipinas. At hindi yung parang nagdedebate tayo sa isa't-isa kaugnay nang dapat gawin ng ating bansa. Mas maganda nagkakaisa tayo kapag humaharap tayo sa China. Dagdag pa siguro don. Sana instead of Chief of Staff ang nagsasalita kaugnay ng mga problema sa South China Sea. Isang diplomat, ambassador or opisyal ng DFA ang nagsasalita. Nilalayo na nga natin sa gulo, sa barilan at giyera. Pilit pang ginigipit kapag Chief of Staff ang nagsasalita. Pansinin niyo ang ibang bansa. Palaging isang diplomat ang nagsasalita kaugnay sa hindi pagkakaunawaan ng isang bansa at hindi kailanman yung pinuno ng armed forces nila.

QUESTION: Sir yung statement ni Catapang, pwedeng mag-trigger ng...

FGE: Well, the mere fact na unipormadong chief of staff ang nagsasalita at tumatalakay ng isyu, pinapakita't pinapalabas na ano, military issue ba ito? I think it remains a diplomatic issue, I think it remains a foreign relations issue, I think it remains to be a foreign affairs issue. At dapat manatili yun doon dahil ang desisyon at track ng Pilipinas diplomasya ang gamitin, legal challenge ang gamitin, at community of nations ang takbuhan at lapitan.

QUESTION: Sir baka gusto lang pakita ni Catapang na matapang tayo para huwag tayong binubully ng China?

FGE: Hindi mga bata ang mga bansa na kapag hinawakan yung tenga mo, hamunin mo na hawakan din yung tenga nyan dulo nyan suntukan. Hindi ako naniniwalang uso pa ang giyera para resolbahan ang hindi pagkakaunawaan ng mga bansa.

QUESTION: Sir may proposal for PNoy na mag-initiate ng formal talks doon sa envoy ng China dito sa...

FGE: Definitely that will be a plus. Kung hindi umuubra ang formal talks, kung merong hiyang involved sa pagitan ng Pangulo natin at ng pangulo ng China, dahil meron tayong kanya-kanyang domestic audience na kailangang i-cater. Importante't mahalaga na magkaroon ng back-channel talks na authorized sanction ng magkabilang panig. Hindi lamang para maresolbahan ang isyu pero maging panatag ang loob ng isa't isa.

QUESTION: Sir si Gen. Catapang, dapat po ba sabihan ng Malacañang si Gen. Catapang na huwag nang magsalita?

FGE: Kaugnay ng isyung ito, oo. Kung tatalakayin nya ang joint military exercises, okay lang yun, pero kapag tatalakayin yung ginagawa ng China, yung dapat gawin ng Pilipinas, dapat sana at sana, foreign affairs official na lamang ang magsalita.

QUESTION: Sir pero tingin nyo sanction ng Malacañang yung statement ni Catapang?

FGE: Hindi ko alam, sa totoo lang, hindi ko alam, dapat oo dahil commander in chief pa rin ang Pangulo at nasa ilalim sya ng commander in chief. Subalit hindi ko kayang sabihin kung sanction nga sya o hindi, pero sana sa uulitin ay hindi na.

QUESTION: Sir hindi ka naman na-offend na ni-reject yung proposal niyo ng Malacañang? Hindi ba mas maganda ngang kinonvene yung NSC para na-consult yung mga security?

FGE: Sinumang nagbibigay ng suhestyon, kaya nga tawag suggestion at hindi order or directive, dapat maluwang sa kanya kung papakinggan o hindi. Tulad ng pagtanggap ko doon sa kanilang pagsabing hindi ito kailangan sa panahong ito. Kung hindi man kailangan, edi sana sa hindi malayong hinaharap, mangyari pa rin yun dahil sa simpleng paniniwala, 2 heads are better than 1. Hindi naman kayang balikatin ni Pang. Aquino lahat ng problema ng bansa. Kailangan din nya ng tulong at walang mali at masamang humingi ng tulong sa iba.

QUESTION: Sir ano naming masasabi niyo sa diplomatic efforts ng China?

FGE: Ganoon naman talaga sa foreign relations. Ever since, ganyan naman talaga yun. Hindi mo pupwedeng isumbong sa isang korte ng hindi pumapayag yung kabilang panig. Wala ring international police o international armed forces na pwedeng pumigil sa gumagawa ng bagay na illegal, bawal at hindi naaayon sa amity of nations. So, ang kinakailangan talaga ay kumbinsihin ang buong mundo kaugnay sa isyu at bagay na ito at makilahok sila. Halimbawa, hindi kawalan para sa Pilipinas na ikonsidera na magkaroon tayo ng halimbawa informercial o advertisement sa iba't ibang forum, kabilang na halimbawa CNN, BBC, para makita't mapanood ng iba't ibang bansa yung nangyayari dito, marahil magkaroon ng mas malawak na pag-unawa at atensyon ang ginagawa ng China. Rason para hindi na nila at huwag na nilang ipagpatuloy yung kanilang ginagawa. Marami na tayong nakita sa mundo na matapos mabigyan ng atensyon at ng media attention at sapat na panahon sa ere, ay may mga nagawa at may mga hindi na ginawa kaugnay ng kung anumang ginagawa ng mga bansa.

QUESTION: So dapat sir, maging engaged tayo sa mga propaganda...

FGE: I think we should. I think we should dahil sa pananaw at palagay ko nasa tama tayo. Hindi natin sinasabing atin yan, pero hindi rin nila pwedeng sabihing kanila yan. Wala tayong ginagawang expansion, sila din dapat walang gawing expansion habang hindi pa nareresolbahan ang tunay na pagmamay-ari ng lugar na yun.

QUESTION: Sir yung pagkuha ng attention ng ibang mga bansa po hindi naman yun kinikilala ng China kasi gusto nila bilateral ang isyu eh.

FGE: Noong nilusob ng Amerika ang Iraq noon, international community ang nag-pressure nun. Noong pumasok ang ilang forces sa Syria, ganoon din, international community ang nag-pressure nun. Ganoon din dito, pwedeng ipanawagan ang mga bansa na bilateral man o multilateral, tigilan na muna at bawasan na muna ang atensyon dyan sa rehiyon. Bilateral man o multilateral, or sa pamamagitan ng ASEAN yung gamiting mekanismo, ang imporante, hindi tayo lumapit sa puntong magkakaroon ng putukan sa pagitan ng dalawang bansa.

QUESTION: Sir may proposal ka na parang TV ad?

FGE: Advocacy ads, ito yung commercial -- advocacy ad. Hindi naman mali yun, para ipagbigay-alam lamang ang mga nangyayari't nagaganap dito. At gayundin, pwede rin, ano bang silbi pa n gating mga ambassador kung hindi humiling ng suporta sa iba't ibang bansa kabilang na ang ating ambassador sa UN para magbigay ng dagdag kaalaman kaugnay ng nangyayari dito, para malagyan at mabigyan ng atensyon ang ginagawa ng China laban sa atin.

QUESTION: So, DFA yung dapat mag-initiate?

FGE: DFA, kumuha na sila ng mga eksperto mula sa Department of Tourism, marahil baka mahanap na sila ng paraan na mapagdugtong yung dalawa. Napasikat na natin yung Pilipinas, napalabas pa natin yung ginagawang pambubully ng China sa atin.

QUESTION: Sir with regard dun sa China's growth and influence sa economic affairs natin? Makaka-apekto ba ito?

FGE: Financial influence yes, ng China. Pero naniniwala ako na ang China gusto paring maging one of the "good guys" at nais nilang baguhin yung kanilang imahe lalo na papunta na sila sa pagiging super power na talaga--not only militarily but also economically. At nasa interest ng China sa paniniwala ko, tagalugin ko para di nila maintindihan masyado--na tignan ang maganda at maging mabuting bansa sa international community kung sila'y titignan ng ibang bansa.

QUESTION: Sir since the president is going there sa Malaysia to bring this issue, dapat ba he should get a collective statement na stronger as saying the bullying by China?

FGE: Dalawang bagay yan, una tila wala naman sa agenda ng ASEAN, sana noon pa tinrabaho ng DFA yan. Pangalawa may mga ASEAN member countries na may claim din sa area na yan. So, medyo mahirap yung tatawirin nyang tulay ika nga para makuha ang suporta ng ASEAN. At malamang hindi pwede maging ganon kalakas ang statement dahil nga may ilang bansa sa ASEAN na may claim dyan sa area na yan.

QUESTION: Tama ba, you say you should engage in a propaganda while you don't have the capability to engage in a real war.

FGE: Not only that we don't have a capability, I think war is an outmoded way of settling disputes between nations. Ang paraan para maresolba ang anumang isyu ay makakuha ng mas maraming suporta sa pagitan ng bansa sa posisyong dinadala mo at hindi sa pamamagitan ng armas.

QUESTION: Yung sinabi mo kanina na back-channeling,p ero sabi ng DFA yesterday na baka ma-endanger daw yung kaso natin laban sa China.

FGE: Hindi totoo yun, kahit na ordinaryong kasuhan sa pagitan ngdalawang tao, hindi naman inaalis ng korte na mag usap at magkasundo sila. At hindi nangangahulugan na humina at mahina ang isang kaso ng isang panig dahill lamang naging bukas sya sa pakikipag usap. Ang pangunahin pa ring objectiba ng anumang kasuhan ay magkasundo ang dalawang panig. Siguro last option nalang yung magkaroon ng desisyon laban sa isa at pabor sa isa. Kung mapagkakasunduan man ngayon sa anumang parte ng kaso, hindi yan titignan ng mas mababa ng husgado o korte.

QUESTION: Even former Philippine Ambassador to UN Lauro Baja, ang suggestion niya explore lahat ng option like back-channeling...

FGE: Wala naman mawawala sa aking paniniwala. Ano gagawin ng China? Isusumbong nila na may back-channeling sila ka walang rason na magsampa pa sila ng kaso? Kung ginawa nila yun edi hindi umubra ang back channeling dahil nilabas nila, hindi na back-channel ang tawag doon, front-channel na.

QUESTION: Saan ho yung NSC na yun? Kasi ayaw nila mag-convene pero hindi po ba parang ano mahuhurt lang ang ego ng presidente if he would consult...

FGE: Hindi ko alam kung ano yung rason, pero gaya ng nasabi ko kanina, hindi kawalan o hindi sya pwede o dapat pintasan kapag humingi sya ng tulong. Dahil wala namang iisang taong kayang bumalikat ng lahat ng problema ng bansa. At wala ring iisang taong nagtataglay ng lahat ng talino at magandang intensyon para sa bansa. Meron din ibang taong maaring may ma-contribute na kaisipan o suhestyon kung paano mapapabuti ang isang gawain ng pamahalaan.

QUESTION: Sinabi nga ni Sen. Sergio Osmena si P-Noy ayaw nyang kinokunsulta, like yung mga legislators lagi lang kung sino yung kaibigan nya, nasa paligid nya ang pinaniniwalaan nya.

FGE: Ako hindi nakukunsulta pero naniniwala ako na nanatili parin kaming magkaibigan at yun ang isang dahilan kaya nananatili kaming magkaibigan dahil di namin pinag-uusapan ang trabaho nya at trabaho ko. May papel syang ginagampanan bilang pangulo, may papel din akong dapat gampanan bilang miyembro ng Senado.

QUESTION: Ma-pride talaga?

FGE: Hindi yun ang pagkakakilala ko sa kanya.

QUESTION: Kaibigan ka nga. Joke. Yung sa HongKong, yung statement nila na home wreckers ang Filipina...

FGE: Yun ba yung legislator?

QUESTION: Yes.

FGE: Kung opisyal ang nagsabi nun, may basehan ang ating DFA na magsampa ng reklamo laban sa kanya sa embahada ng CHINA. Hindi sa dinadagdagan ko pa yung away o tampuhan o hindi pagkakaunawaan, pero hindi rin tama na pinapalampas ito ng Department of Foreign Affairs dahil pagyurak at pag apak ito sa imahe ng Pilipino.

QUESTION: Sir magreresume ang session next month, ano ang inaasahan namin? Makaka focus pa ba ang legislators considering start na ng election fever, baka nakaconcentrate na sila sa...

FGE: Well makikita nyo yan sa attendance o kawalan nito--ng mga miyembro. Pero sana manatiling focus at pwede naman mangampanya ng Huwebes hanggang linggo doon sa tatakbo. Pero ang sesyon Lunes hanggang Miyekules. Sana sikapin ng mga miyembro na maging present.

QUESTION: yung proposed 2016 elections sa tingin nyo, mabilis lang maaaprove, parang di na pag iinitan ng mga legilators?

FGE: Are you talking about the budget?

QUESTION: Yes, budget... 2016 budget.

FGE: Hindi ko alam.

QUESTION: Historically, kapag bisperas ng election, anong nangyayari...

FGE: Historically, kapag bisperas ng eleksyon mas nagiging metikuloso ang mga miyembro because the battle lines are drawn. Ibig sabihin may mga kampi-kampihan na, hindi na... wala nang Mr. Nice Guy ika nga na nagpapabalat bunga pang kakampi daw ng administrasyon dahil magkakalaban-laban na sa darating na halalan. Dagdag pa don, syempre ang concern palagi ng oposisyon, baka magamit ang budget para isulong ang kandidatura ng administration candidate. So, inaasahan ko na mas magiging metikuloso ang usapin kaugnay ng budget pero maganda naman yon. Para mas maging masusi ang pag-aaral ng proposed budget ng pamahalaan sa 2016.

QUESTION: Sir sa BBL, yung presence tsaka yung statement ng OIC - Organization of Islamic Cooperation na they are hoping that the Congress will pass the BBL. Do you think it has a pressure sa both chambers na ipasa yung BBL?

FGE: Ako, hindi nape-pressure dahil siguro anomang pananalita dapat buong ingat na bitiwan ng sinomang dayuhan kaugnay sa trabahong ginagagampanan ng kongreso partikular sa pagbalangkas ng batas. Una sa una, ni hindi nila nauunawaan ang nakasaad sa ating saligang batas, kung nilalabag na ba ng BBL ito o hindi. Para sabihin nilang wag ito i-dilute, wag ito bawasan... dapat i-improve ito. Mas nauunawaan yan ng mga mambabatas sa house man o sa senado. Kung kami nga'y hindi nagpapadikta sa Malacañang, sa Pangulo, mas lalo na siguro dapat kaming hindi magpadikta sa sinomang dayuhan.

QUESTION: Sir kasi may parte sa statement niya na baka daw magkaroon ng mga radikal at extremist sa Mindanao kapag hindi na-pass yung BBL.

FGE: Well ngayon po mayroon na namang ganon e. Mayroon na namang ganon sa ngayon at hindi naman po garantiya na pag napasa yan ay mawawala yon. Gaya nga ng nasabi ko, itong BBL ay kasunduan lamang sa pagitan ng gobyerno at MILF, inamin ng MILF yan nung sinabi niyang niyayaya nila ang BIFF na sumama sa kanila kaugnay sa usaping pangkapayapaan. Patunay na sa ngayon, hindi pa po talaga at hindi sila kasama dyan. Dagdag na patunay, hindi all out peace ang mangyayari sa Mindanao pag napasa ang BBL, sa ngayon nga may cease fire tayo sa MILF, e may all-out offensive ang AFP sa BIFF na apektado ang daang libong tao sa lalawigan pa lamang ng Maguindanao.

QUESTION: E, sir may suggestion yung OIC leader na dapat inclusive daw yung BBL. Kaya according to Sen. Bongbong Marcos, sa next BBL hearing ipapatawag yung MNLF, yung Sultanate and other stakeholders.

FGE: Mula't mula yan ang sinasabi namin na ang usapang ito, ang BBL ay sa pagitan lamang ng gobyerno at MILF. Tila inaamin ng OIC chief o kinatawan ng OIC na hindi talaga inclusive itong BBL, isang grupo lang talaga ang kinakausap ng OPAPP at GRP kaugnay sa bagay na ito. Kaya nga nagkaroon tayo ng Zamboanga siege dahil hindi kasama yung Nur Misuari MNLF wing sa usaping pangkapayapaan at sa usapin kaugnay ng BBL. So, babalikan ko... talaga bang magkakaroon ng kapayapaan sa Mindanao o may gulo parin maski na kabila ng pagpasa ng BBL.

QUESTION: Sir sa tingin niyo kayang ma-meet yung target by June?

FGE: Hindi ko alam kung saan nanggaling ang target na yan. Isa lamang ang alam ko, hindi na kami grade one o grade three na sasabihan nila ng finish or not finish, pass your paper. Gagawin namin yung trabaho namin sa tamang panahon gamit ang sapat na oras at panahon din at hindi para kanino man para magbigay ng deadline sa pagpasa ng isang napakakumplikadong panukalang batas.

QUESTION: Sir possible pa ba na maipasa yung BBL sa Kongreso?

FGE: Yes but not as is where is. If they will insist that it be voted upon as is where is, I don't see that it will pass the method of the senate also perhaps of congress in so far as getting the majority support of the members.

QUESTION: Sir dun sa latest pulse asia survey, yung net satisfaction rating ni PNoy nagdive to its lowest level. Ano yung nakikita niyong factor at kung magpapatuloy yon, magiging lame duck president na ba si PNoy, meaning how many months ang kanyang...

FGE: Hindi naman siguro, kung ikukumpara din mababa naman talaga yan sa dating mga naging numero ni Pangulong Aquino pero mataas parin yan kumpara sa iba. The last two years for example of GMA, negative siya. At least nga ito, positive 19 pa at positibo pa yung kanyang numero. Mataas parin kumpara sa mga nagdaang pangulo sa huling yugto ng kanilang termino. Hindi cause for alarm pero dapat magising din ang administrasyon kaugnay sa persepsyong ito ng ating mga kababayan at patuloy na magtrabaho at sikapin na matapos yung kanilang mga sinimulang programa bagaman mahigit isang taon na lamang ang naiiwan sa kanilang termino.

QUESTION: So dapat matuto nang kumonsulta si PNoy.

FGE: Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako e.

QUESTION: Dapat magising, natutulog po ba. Natutulog daw po sa... Sir, may forecast ka daw bas a Pacquiao-Mayweather fight?

FGE: Forecast? Zero crime rate sa araw na yon, siguro panawagan sa gobyerno man, lokal na pamahalaan o pribadong sektor, sana sa abot ng makakaya nila bigyan ng pagkakataon ang ating mga kababayan na mapanood yung laban at sana bago magretiro si Manny Pacquiao, sinabi ko na rin ito noon. Pilitan niya na magkaroon siya ng laban ditto mismo sa Pilipinas para live na mapanood siya ng ating mga kababayan. Makakapaghatid din g turismo sa ating bansa. At makakatulong din sa ating ekonomiya. Siya na nga ang pinakatanyag na boksingero sa buong mundo. Kundi man una, pangalawa. At ang malaking bagay para sa atin na ditto gawin ang kanya o isa sa kanyang mga laban. Huli yatang nalagay sa mapa ng boxing ang Pilipinas e yung Ali-Frazer pa noong taong 1970s pa. Siguro panahon nang muling malagay sa mapa ng boxing ang Pilipinas hindi lamang sa pagkakaroon ng pinakamagaling na boksingero sa buong mundo pero pagkakaroon din ng laban dito mismo sa ating bansa.

QUESTION: Sir yung balak ni Pacquiao na pumasok sa mataas na posisyon, tingin niyo malaki ang tsansa niya?

FGE: Depende. Only a survey can say that. Pag manalo siya baka sabihin ng tao, diyan ka na muna dahil magaling ka at nagbibigay ka ng katanyagan sa ating bansa. Pag natalo naman siya baka sabihin, baka wala ka nang career sa boxing dito ka na lang sa paninilbihan sa pamahalaan. Puwede ring kabaligtaran. Dahil nanalo siya mas sisikat siya. At anumang takbuha niya ay siguradong panalo siya. So, depende sa magiging pananaw at opinion ng o surve lamang ang makakapagsabi kung ano ang tingin ng taong bayan kaugnay diyan.

QUESTION: Pero si Bob Arum may statement na Paquiao for senator this coming election. For president sa susunod na elections.

FGE: Magregister muna siya dahil hindi siya puwedeng bumoto dito.

QUESTION: Sir, may next question si Nimfa. Hindi ba dapat na irregulate daw ang mga ginagawa nilang mga TV program. Na may audience or contestant participations via text message. Gaya daw ng PBB. Magpapa-audition via text message kapag may botohan sa favorite TV contestant, text message din. Di ba dapat mandatory na may texters halimbawa kumikita na sa commercial, kumikita pa sa texter.

FGE: Parang may pinaghuhugutan siya?

QUESTION: Any comment?

FGE: Sa mga pagbabago ng advancement sa technology kailangan updated at makahabol ang gobyerno. Maraming mga teknolohiya tulad nito na hindi saklaw ng regulatory ussuances ng gobyerno na maraming dapat nilang pag-aralan. Kasama na rin diyan ang kongreso kaugnay sa pagpasa ng mga panukalang batas na sasaklaw sa mga bagong teknolohiya. Dapat maging updated din kami. Isa siguro yan sa mga dapat tingnan.

QUESTION: And then Jeff from Manila Times. Isa daw kayo sa nagfile ng AFP procurement kung may update na sa blue ribbon, update sa schedule ng hearing. Kung wala pa, dapat bang i-prioritize yung hearing since milyon-milyong money ang involve daw don?

FGE: May 6 na yata na-set ni Sen. Guingona yung unang hearing ng AFP modernization. Sa unang hearing ang aalamin muna naming sa AFP. Ano ano ba ang naka-linya at nasa pipeline na bibilhin nila. At magkakano ba ang bawat isa na yon? Hindi ko gagamitin yung hearing nay un sa unang pagkakataon para ilabas kung anuman ang inirereklamo ng mga suppliers lamang na natalo o hindi nagwagi na baka iyon ay paninira din lamang. Bigyan ko ng pagkakataon ang AFP palagi. Sabihin na muna ang panig nila at ipagbigay alam sa publiko anu-ano nga ba ang kinukuha at binibili nila at magkanong halaga. Simple lamang ang magiging tanong ko don. Nakalagay sa AFP modernization na dapat 'new' 'bago' ang kinukuha nila. Bakit puro segunda mano ang binibili nila nitong mga nagdaang buwan at taon.

QUESTION: Sir, going back doon sa SC ruling di ba may mas pangangailangan ngayon na may i-appoint na kaagad si PNoy na bagong Comelec Chairman dahi maraming dapat gawin ang Comelec?

FGE: Definitely. Hindi lamang dapat ang Comelec, pati PNP at ang mga bakanteng puwesto. Unfortunately sang-ayon sa ating batas. Pangulo lamang ang puwedeng mag-appoint at hindi ang puwedeng itulak at ipilit ng sinumang ahensiya ng pamahalaan kabilang na ang senado. Pero sana sasabay ako sa mga panawagan sana sa madaling panahon ay mapunuan nay an. Hindi sa madali niyang ipagpilit. Puwede namang piliin ang pinakamagaling at the best for the position nang hindi rin nag-aaksaya ng mahabang panahon.

QUESTION: Kasi, sir dalawa ang vacant position sa Comelec so sinasabi nga ng mga taga-Comelec na parang kulang sila sa manpower, so...

FGE: Hindi naman talaga kulang sa manpower dahil may majority pa rin naman sila para magdesisyon sa anumang isyu na kailangan pagpasyahan ng Comelec. The Comelec still acts as a commission, not thru its chairman only. Basta may majority sila they can decide on any matter relating to the electiosn in 2016. At yung numero ng empleyado, hindi naman nabawasan dahil kulang ang commissioner, nandon pa rin yung bilang ng mga empleyado nila.

QUESTION: Sir ano ba yung reason bakit kaya ang tagal magdesisyon ni PNoy kung sino yung gusto niyang ilagay don sa mga bakanteng...

FGE: Ang narinig ko lamang ay ayon sa kanyang tagapagsalita, pinipili at sinasala talaga ni Pangulong Aquino ang mga i-aappoint nya sa mga sensitibong puwestong yan. Importante naman talaga yang mga puwestong yan.

QUESTION: Another ally ni PNoy nalalagay ngayon sa hot water si DA Secretary Proceso Alcala, according to CoA nag-squandered siya ng more than P14.4 billion in 2013.

FGE: Actually dapat tingnan nang mas maigi yung CoA report, ang nakalagay sa CoA report ang pinakamalaking chunk ng P14 billion ay P6 billion na hindi pa raw naiimplement na farm-to-market road projects. Totoo naman talaga yon, delayed ng isang taon o mahigit isang taon ang farm-to-market road projects ng Department of Agricuture. Yung farm-to-market roads na iniimplement ngayon, pondo pa nong 2013 at 2014 yan. Tama naman na may finding ang CoA ng ganon dahil sayang ang oras, sayang yung panahon, napakinabangan na sana ng dalawang taon pero imbes na mapakinabangan ng mga magsasaka, ngayon pa lamang ginagawa.

QUESTION: During the budget hearing ipagpapaliwanagin nyo?

FGE: Actually, tinanong na namin sila kaugnay nyan eh, sabi namin bakit hindi nyo magawa yung ginagawa ng DPWH na lahat ng bidding procedures, short of award, ginagawa the year before para January iaaward nay an at maaabutan pa yung summer months para maimplement yan. Eh talagang napakabagal lang ng Department of Agricuture sa pag-identify ng projects at pag-tag ng projects na ni-require ni Pangulong Aquino in connection with farm-to-market roads.

News Latest News Feed