Press Release
June 1, 2015

GRACE POE AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT

Question: Ma'am I understand po pumunta kayo ng Bacolod with Sen. Chiz, may we know po kung ano yung reason niyo for going there?

Sen. Grace Poe: Meron kasing Sugar Industry Development Act, kung saan si Sen. Chiz yung finance committee at ako naman ang isa sa mga co-author, ang main author ay si Sen. Cynthia Villar. Tinitingnan po namin sapagkat binabalangkas na po ang IRR nito, implementing rules and regulations. Kailangan makita namin, makausap namin ang local government units para masiguro na yung program na gagawin para dito sa batas na ito ay maging angkop sa pangangailangan ng mga magsasaka sa Bacolod at sa buong Pilipinas na merong industriya ng sugarcane.

Q: Ma'am parang lately medyo napapadalas ang out of town niyo, part na ba ito ng pagkuha ng pulso ng mga tao regarding 2016? Consultation na rin ba ito Ma'am?

Poe: Alam mo sa tingin ko hindi naman sa pagkukuha ng pulso kundi para malaman kung ano ang pangangailangan ng ating mga kababayan. Kasama din po yan sa trabaho namin dito sa senado, marami tayong batas na importante katulad ng BBL kung saan nakasalalay din dito ang mga opinyon ng ating mga kababayan, kailangan makuha din natin yun.

Q: Ma'am, si Ms. Susan will she be actively campaigning for you kung tatakbo kayo, kasi si Mrs. Araneta active na for Sec. Mar?

Poe: Sa tingin ko, natural lang yan sa mga nanay. Pero ang nanay ko kasi ngayon, at magpa-plug na rin ako, may teleserye, ang Probinsyano. Pinagdasal ko na magkaroon siya ng teleserye para hindi niya masyado napapansin ang mga ginagawa ko, kung busy siya. Pero siyempre bilang nanay, pareho naman kaming nagdadasal na kung ano ang makabubuti talaga ay siyang matupad, lalong-lalo na ang kanyang dasal ay siyempre ang aking kaligtasan at na magawa ko ang layunin ko na makatulong.

Q: Ma'am susuportahan niyo ang economic growth CHA-CHA?

Poe: Kailangan basahin dito ang sa economic CHA-CHA. Alam mo pagdating sa land ownership siguro dapat may mga provisions tayo na if it's used for a specific purpose, katulad niyan kung magtatayo sila ng manufacturing company dito. Especially kasi siyempre limitado lang din ang kalupaan dito. Pero ang gusto ko talaga tutukan, nandyan na ako sa economic provisions na kailangan gawing up to date pero isipin din natin na ang ease of doing business ang mas mahalaga. Marami tayong proseso ng pagkuha ng business permits na hanggang ngayon hindi pa nila nagagawang madali. Tapos ang iniisip natin ay palitan agad yung sa batas na hindi man lang natin napapatupad ang meron na tayo ngayon.

Q: Ma'am hindi po ba nag contact sa inyo si VP Binay after you signed the committee report?

Poe: Hindi naman, hindi naman. Hindi na siya tumawag

Q: Wala siyang sinabi kung sumama yung...

Poe: Hindi, wala, wala. Alam naman niya siguro na ito'y responsibilidad ko, naming lahat dito. Tsaka alam mo, pagkakataon na rin kasi, palagi nilang sinasabi ayaw namin pumunta sa senado kasi one sided ang senado, mag-eeksplika kami sa korte. Pagkakataon na nila ito kaya nga namin sinusulong ito para mapunta ito sa Ombudsman at ma-recommend nila kung talaga bang kailangan sagutin sa korte itong mga kaso na ito.

Q: Ma'am sa pag sign niyo, wala na po ba talagang pag-asa ang VP Binay-Poe tandem?

Poe: Sa tingin ko, bago pa lang nangyari to, ang pagiging bukas at pagiging tapat sa, yung mga kilos sa gobyerno ay napakahalaga.

Q: Is there anything he can do to change your mind? Kung sumipot po siya dito sa senado?

Poe: Alam mo hindi naman ako ganun kahalaga eh, ang mahalaga ay ang kanyang responsibilidad sa ating mga kababayan. Siguro ang mas importante para sa kanya ay makumbinsi niya ang mas nakararami na talagang siya ay inosente. Pagkakataon niya ito na magawa yun.

Q: Ma'am parang na lock na yung door sa Poe-Binay tandem?

Poe: Alam mo sa umpisa pa lang, hindi ko alam na bukas ang pinto na yun eh.

Q: Some are asking why you signed when you didn't attend the hearings doon sa Makati probe?

Poe: Alam mo hindi naman kinakailangan na ang isang senador ay mag-attend physically ng isang hearing para pirmahan ang isang committee report. Ang importante ay binasa mo ang kanilang committee report at kausap mo din ang chairman ng subcommittee or mother committee para malaman ang detalye nito. Malinaw naman po na, one plus one equals. Ang importante dito ay ang mga personal at expert testimonies na mga nakuha. Wala naman sigurong ulterior motive ang isang Cuervo para magsinungaling ukol dito sa presyo ng isang building lalong-lalo na lahat ng mga tanyag na pinatayong establisyemento siya ang kinukuha. Sa akin mataas ang kredebilidad ng isa sa mga witness natin dito.

Q: So Ma'am naging mabilis sa inyo ang pag decide na magpirma?

Poe: Oo naging mabilis. Nakita ko naman na maayos ang pagkasulat ni Sen. Koko Pimentel dito, step by step na-eksplika niya ang kanyang desisyon. Isa pa ito nga ay pagkakataon nila na isampa sa korte, pagkakataon nila na masagot dahil nga ang sinasabi nila na ang senado ay hindi patas.

Q: Ma'am anong take ninyo doon sa national ID system?

Poe: Ako kasi, ako'y panig ako doon, noon pa man. Kung hindi man national ID system, ako'y naniniwala na sa DepEd dapat meron ng national ID system para sa mga estudyante. Noon pa man sa MTRCB naniniwala ako sapagkat kapag nanood ng sine pinapakita ang ID para ma-check yung edad. Ngayon marami na sa ating mga kababayan ang nag bibiyahe, o kaya nag-aapply ng trabaho. Napakahirap naman na palaging bitbit pa ang birth certificate. So ang national ID system ay makakatulong sa isang bansa na katulad natin na talagang umaangkas sa mas mabilis na pagpapatakbo ng progress sa ating lipunan.

News Latest News Feed