Press Release
June 2, 2015

Transcript of interview on BBL

On BBL, satisfied ba kayo sa explanation na in the long run you'll reap the benefits

Oo pero alalahanin natin yan din yung pangako nong pinasa yung ARMM, kaya sa pangalawang pagkakataon, nais naming gawing tama ito at iwasan yung mga pagkakakamali ng nagdaan at sa kasaysayan. Ika nga nila, "fool me once, shame on you, fool me twice, shame on me." Hindi dapat payagan ng kongreso na mangyari to sa pangalawang pagkakataon, na yung mga pangakong binitiwan nong pinasa yung ARMM, ganon pa rin ang binibitiwan ngayon at kakagat kami nang wala man lang binabago sa batas na nauna na namin pinasa.

May balak ba kayo na i-cut yung 75 billion

Hindi. Ang layunin namin magamit ito kung ganon man kalaki, this time around, sa tama, sa wasto at sa dapat na paroonan, dahil nakita nakita natin sa nagdaang panahon kahit na bilyon ang binuhos natin, napunta lamang sa iba't-ibang bagay at nananatiling may pinakamahihirap tayong mga kababayan sa ARMM. So siguro naman, panahon na, sa ngalan nila, na iwasto natin yung pagkakamaling yon at baguhin yung mga dating gawain na tila gusto lamang nilang ulitin ngayon, pero MILF naman ngayon ang may hawak ng poder at hindi na MNLF.

How do we address parang magiging another layer ng bureaucracy, maraming madadagdag na officials?

Naunawaan ko yon, sabi nga nila ito daw ang price of peace ika nga na magkaroon ng pagkakataon na ma-achieve yung political aspirations, yung bangsamoro aspirations na pamunuan angmga sarili nila. Naunawaan ko yon, nais lang naman namin na maging maliwanag yon at maging maayos sa ngalan ng good governance at hindi simpleng pag-accommodate lamang sa mga kausap nila sa negotiating table. Kaya layunin din naming maging inclusive yung BBL. Hindi lamng ito dapat tailor-made sa MILF. Dapat posibleng makilahok, sumali at maging bahagi ng BBL ang MNLF, kung saka-sakali ang BIFF at ang iba't-ibang grupo pa na ang layunin ya magkaroon ng self-governance.

Na-justify ba yung na hindi na nga sila magbibigay sa government, tapos ganon pa kalaki yung funds na ibibigay sa kanila?

Hindi, kaya yun ang nais naming liwanagin sa susunod na pagdinig para liwanagin at dagdagan yung kaalaman ng senado don. Nais naming sabihing hindi ginawa ng OPAPP at ng GPH yung trabaho nila kaugnay sa pagkuha ng inputs sa local government units at sa iba't-ibang ahensiya. Kaya kinakailangan talaga mas mahaba at masusing pag-aaral na ginagawa ng kongreso ngayon para punuan yung pagkukulang na yon.

Malabo na yung October deadline na sinasabi ni SP Drilon?

May panahon naman siguro para doon, pero maliwanag at least inamin na nila na malabo naman talaga yung June 10 deadline, pero pwede ba, tigilan na natin yung mga deadline, basta gawin na lang natin nang tama yung trabaho natin, yun yung mas gusto kong mangyari.

Bukas (Wednesday) na yung last hearing pero marami pang questions

Depende kung matatapos ang lahat pero tila napakarami pang nakabinbing isyu. Hanggang ngayon nga ni wala pa kaming opisyal na posisyon ng ilang ahensiya, kabilang na ang DND, DILG, PNP at AFP. Wala pang pormal na position paper at mga opinion lamang ng kinatawan nila. Personal na opinion ng kinatawan nila ang binibigay sa amin.

Mas maganda na yung mga cabinet members yung pupunta dito kasi puro Usec, Asec lagi

Okay lang namang hindi, basta kaya nilang i-bind yung kanilang ahensiya. Ang problema yung pinapadala nila, hindi naman pwedeng i-bind yung kanilang ahensiya na kinakatawan. Okay lang naman na hindi mismo yung kalihim ang mag-attend, basta clothed with official authority and function yung kinatawan na pinapadala nila at siyempre makakasagot ng tanong.

You can finish it by tomorrow?

Hopefully, but if at all hindi, gaya nang nasabi ko hindi naman kami dapat nag-ooperate sa finish or not finish, pass your paper. Napakaimportanteng piraso na lehislasyong ito, na kung kailangang buhusan ng panahon, bubuhusan namin ng panahon.

News Latest News Feed