Press Release
June 3, 2015

Transcript of interview of Sen. Escudero
Senate interview

On the residency issue ni Senator Grace Poe, na less than 10 years diumano

Hindi ko alam kung ano'ng pinaghuhugutan ni Congressman Toby, last month gusto nilang gawing running mate si Senator Grace, this month biglang disqualified naman daw. Dalawa lang naman ang nangyari, hindi sila kinausap o tinanggihan, masama pa nga daw ang loob ni Vice President Binay at pumirman si Senator Poe doon sa sub-committee report. Siguro ito na yung balik o bawi, pero maliwanag na walang isyu kaugnay dito at dapat alam ni Congressman Toby yan dahil kapatid ng biyanan nya mismo ang basehan ng kasong ito, si Ginang Marcos nag-file siya noon ng kanyang kandidatura bilang congresswoman noong 1995 at ang nalagay niyang residency ay seven months lamang. One year dapat, ayon sa Saligang Batas, ayon sa Korte Suprema the fact of residence and not the statements made in the COC shall be the basis for residence. Maliwanag yon, at tiyak ko alam din niya yon kaya hindi po isyu yon. Marahil, balik at bawi lang talaga ito.

Kayo, sir, ano ang pagkakaalam nyo, nasa 10 years talaga?

Higit pa don. Sa pagkakaalam ko matapos pumanaw si FPJ at nagdesisyon at nagpasya na silang manirahan dito at aktuwal silang nanirahan dito, mga taong 2005. In fact, kung hindi rin ako nagkakamali, in-enroll na nga niya ang mga anak niya 2006 pa lamang. Hindi ba yon ang pinakamaliwanag na siguro na ebidensiya na sadya, balak at talagang aktuwal na silang naninirahan dito.

Yung sinasabi nyong "bawi"

Ewan ko, mas maganda siguro siya (Tiangco) ang tanungin ninyo dahil hindi ko rin nga alam gaya nang nasabi ko ang pinaghuhugutan niya. Kung last month gusto nilang maging running mate, bigla ngayon disqualified na, bakit pa nila kinonsidera.

Questionable daw ang pagiging natural Filipino citizen nya dahil hindi alam ang parents niya

Maliwanag na rin ang batas kaugnay nyan, hindi naman pwedeng walang estadong kinabibilingan ang isang tao at kung sinasabi nilang hindi Filipino si Senator Poe, puwes ano ang nationality niya. Kung sinasabi niyang hindi Filipino ang nanay o tatay niya na nag-iwan sa kanya sa Jaro, Iloilo, puwes anong citizenship ng nanay at tatay niya. Sang-ayon sa batas at sang-ayon sa korte suprema, sinumang nagsasabing hindi ka naninirahan o citizen ng isang bansa, sila ang dapat magpatunay kung ano nga ba at sino nga ba ang mga magulang nito.

Ano ang plano niyo ni Senator Grace from here since nabanggit natin na napag-uusapan nyo na rin ang halalan

Wala, nagkakataon lamang na nagkakasabay kaming sumagot, parang déjà vu nga ako dahil noong 2004 halos parehong isyu ang dinidepensahan ko kaugnay sa kanyang ama. Ngayon halos parehong isyu rin kaugnay naman sa kanyang anak, makalipas ang halos 11 na taon mula noon.

Yung kay FPJ citizenship?

Citizenship din ang ginamit, at dalawa lamang naman ang ginamit nilang isyu laban kay FPJ noon na ginagamit din tila ngayon laban sa kanya. Citizenship diumano, ibilang mo na ang residency roon, at competence at kakayahan at karanasan. Yun naman pareho ang ginamit na isyu lamang laban kay FPJ noon.

At this early ganoon yung mga isyu kay Senator Poe.

Well hindi kami nagugulat, nakakalungkot siguro dahil nagmumula pa sa ika nga nagsasabing kaibigan niya, nagmumula pa sa sinasabing kakampi diumano niya. Kung ganoon ang kaibigan at kakampi mas nakakatakot siguro yung kaaway nang talaga.

Indication ba na nagpapanic sila kasi pataas yung rating ni Senator Grace Poe?

Hindi para sa akin na sabihin yon, marahil para sa bawat isa sa inyo na maghusga kung saan nga ba nanggagaling at anong pinaghuhugutan nila sa mga sinasabi nila laban kay Senator Poe. Ni hindi po siya kandidato, gusto na nila siyang i-disqualify. Parang dinadaan siya sa technicality, parang walang ibang mabatong isyu sa kanya

Hayaan ko na lamang si Senator Poe ang sumagot non.

May nagsasabing law expert na kapag hindi mo kilala yung magulang, eh hindi rin alam yung nationality niya

Hindi. Nakalagay sa batas at sang-ayon sa maraming desisyon ng korte suprema, kung sinong nagsasabing na hindi ka ganito, hindi ka ganyan, sila ang dapat magpatunay non. Hindi mo responsibilidad na patunayan na hindi mo ginawa ang isang pagkakamali o na hindi ka isang tao na sinasabing mong ikaw.

So yung burden of proof na sa kanila?

Ika nga sa wikang English, "He who alleges must prove the same." That's a basic tenet in law, alam yan ng lahat ng abogado, alam din yan ng lahat ng law students.

Hindi ba nakuha yung nationality ng nag-ampon?

Hindi. Hindi ganoon yon. Yung nationality makukuha niya, pero yung pagiging natural born, siya na talaga yon kaya nga natural born nong pinanganak.

Kung hindi binding yung residency sa 2013 COC, hindi ba yon magko-contradict with whatever she may file later on?

Hayaan kong siya ang sumagot non. Hindi katulad ni Congressman Toby, hindi naman ako ang tagapagsalita ni Senator Poe, na maski na sinasabi niya ngayon, hindi daw galing kay Vice President Binay.

But did you feel the need for you to defend...

Nong panahon ni FPJ, ako din ang nagsasalita kaugnay sa bagay na ito, minabuti ko na marapat din siguro na sa panahong ito gayundin ang gawin ko.

May hamon si Senator Nancy Binay na yung mga pumopusisyon na raw ay magdeklara na ng intensyon na tumakbo

Kung nagdeklara nang maaga ang kaniyang ama wala para sa kanilang pilitin ang sinumang nag-aaral, nag-iisip, nagsusuri at nagninilay-nilay pa kaugnay sa pagdeklara. Ang pagdeklara ng pagtakbo, hindi pagtakbo sa darating na eleksyon ay isang personal na bagay, na hindi pwedeng idikta o ipilit ninuman lalo na ng isang deklaradong kandidato na.

If you're going to run for vice president, why not for...

Hindi pa ako decided kung anong tatakbuhan at ika nga libre naman ang mangarap pero dapat yung paa mo nasa lupa pa rin o yung likod mo nasa likod ng kama kung nangangarap ka, dapat malapit pa rin sa katotohanan.

So VP if ever?

Wala pa akong pasiya o desisyon, kabilang don yung hindi pagtakbo at hindi paglahok bilang kandidato sa halalan at pagtulong na lamang sa likod.

But you're defending Senator Grace, your potential running mate.

Not really, I'm defending her simply because kung si Congressman Tiangco nga nagsasalita siya hindi bilang tagapagsalita ni Vice President Binay, lalo na siguro ang isang kakampi, kaibigan at seatmate pa.

What are you waiting for, for you to decide on the 2016 elections?

Siguro tanungin din natin yung ibang hindi pa nagdedeklara, sila ang may makinarya, sila ang may partido, sila ang may pera, kami wala lahat non, bakit hindi ba dapat mas maagang silang makapagpasiya, kumpara sa amin na wala lahat non.

News Latest News Feed