Press Release
June 5, 2015

AMBUSH INTERVIEW IN DUMANGAS

On Citizenship Q: When did you renounce of your American citizenship?

Poe: Ni-renounce ko po ito shortly before I took office in MTRCB sometime October 2010. Ang masasabi ko lang, I think they're underestimating my being able to comply with the law kasi lahat naman po yan naka-document. Not only did I renounce in a public office here in the PH, nagrenounce din po ako sa US embassy. May mga nagsasabing wala akong papeles, yan po ay galing sa State Department. Isa po yang proseso, iimbestigahan ka po nila. Kailangan magbayad ka ng fee at isubmit mo latest tax situation para malaman nila kung may utang ka sa bansa nila o wala. Yan po naman ay kasama sa mga dokumento na pwede ko ma-iprisinta. Sabi nga ng US embassy na it's not a process you have to go through. Dahil siguro sa tingin nila ang MTRCB ay hindi naman isang ahensyang kailangan bilang mag-worry doon. Ginawa pa rin kasi yun ang nakalagay sa batas natin na ang government official in the Philippines has to renounce another citizenship.

Q: On documents...

Poe: I have the renunciation with a public officer in the Philippines, signed and notarized and I also have the renunciation certificate issued by the State Department thru the US Embassy. I think they just want to make sure that I'm compliant. Yung iba siguro may malisya kasi gusto nilang matisod ako dito. Ako naman lagi naman akong tapat sa inyo hindi katulad ng iba na mag-aassume ng trabaho sa gobyerno pero hindi pa naman nagrerenounce pa. Ever since na nadun ako, yung aking mga papeles ay isinaayos ko.

Q: When you go to the US, do you need a visa?

Poe: Oo, kailangan ko talaga ng visa.

On Visit to Jaro

Q: Reflections on visit to Jaro...

Poe: For me, it's an emotional visit. Tuwing pumupunta ako sa isang probinsya, lagi akong bumibisita sa isang simbahan, yan ang bilin sakin ng aking nanay. Lalo na itong simbahan na ito. Nakausap ko monsignor doonn although hindi firsthand account nya doon, narinig na nya ang aking kwento. Sa kasamaang palad, iyong pari na dating sakristan doon ay namatay 2 weeks ago. Sabi ko makita ko ang aking magulang, bonus na yun, malaman ko kung sino sila. Sa tingin ko karapatan ng lahat ng bawat Pilipino, foundling man o kilala ang mga magulang, na pantay-pantay ang oportunidad.

Q: Last visit?

Poe: More than a year ago.

Q: You go to the font?

Poe: Always. But I don't know exactly which font. It's going back to your roots and I'd say it's the closest to my roots that I'd ever come.

Q: Closure?

Poe: May acceptance, pero closure syempre marami pang katanungan sa akin. Pasensya na sa ating mga kababayan na parang natututok sa personal kong buhay pero kailangan sigurong mailabas ito para mawalan ng duda. Sinasabi ng iba, hindi ako tapat. Tapat po ako hanggang sa aking nalalaman at hanggang sa kinakilangan sa ating batas, ginagawa ko po.

Q: What are you thoughts on what Binay said na possible maging runningmate niya si Erap?

Poe: Mas mabuti siguro sa kanya nyo na lang kunin ang komento nya.

Q: Erap said before na susuportahan ka daw niya does that mean na hindi ka niya suportahan?

Poe: Hindi ko talaga alam, minsan depende sa sitwasyon. Sabi kasi nya kailangan nyang suportahan ang oposisyon pero kahapon sabi nya sa news hindi nya pa alam.

On Purisima

Q: On Purisima suspension

Poe: Sa tingin ko may mga admin cases na ngayon laban sa kanya. Syempre kailangan nyang pumasok dahil na-lift na kanyang suspension, hindi na sya babalik as PNP Chief. Nag-resign sya. Pero dapat magtalaga na ng kapalit nya para mawala ang kalituhan sapagkat alam naman natin na si OIC Espina ay temporary lamang. Ang morale ng ating mga pulis ay kailangan. Pero even in our report, we recommended administrative charge against Gen. Purisima but it is now in the hands of PNP. Sa lahat ng nangyayari, dapat itanong nya sa sarili nya kung may kumpyansa pa ang pamunuan ng PNP sa kanya. Pero dapat dumaan din sa proseso, ang importante ay dumaan sa proseso. Wag nilang aayusin yung proseso para mapawalang-sala kung wala namang basehan yun.

News Latest News Feed