Press Release
June 17, 2015

Bam on BBL, MILF Decommissioning, SEA Games, and War vs. Drugs

On BBL and MILF's decommissioning "I think iyong Senate naman nasa proseso pa kami. Wala pa iyang ni committee report, hindi pa po nailalabas ni Senator Marcos, na siyang nangangasiwa sa Committee on Local Government.

Sinabi ko na rin matagal na, kailangan talagang pag-aralan, kung may mga kailangang baguhin, babaguhin. Kung may kailangang amyendahan, aamyendahan natin.

Palagay ko naman po, kapag lumabas na ito finally mula sa Senate, masasabi natin na maayos ang ilalabas nating batas.

Iyong mga isyu sa constitutionality, mga isyu na nagbibigay ng hindi pagkakaunawa sa laman ng bill na iyan, palagay ko malilinaw iyan ng mga kasama kong senador. Sa Senate nagkakaisa kami kasi iyong sa Kongreso, napakainit po ng awayan at labanan. I think here iyong majority at minority, nagkakasundo naman in the sense na alam naming dapat pagdaanan ang tamang proseso.

I am a co-author, isa po ako sa pabor sa BBL, marami rin po akong amendments na gustong ipasok. Halimbawa, iyong ating mga kaibigan at kapatid na indigenous na lumapit sa atin bago pa nangyari ang Mamasapano.

Sabi nila, Senator Bam, baka naman sa BBL mawalan kami ng karapatan. Iyong nag-IPRA nagkaroon na kami ng rights, ngayon baka mawalan kami ng karapatan.

Nag-commit tayo na we will include some amendments doon sa batas para masigurado ang IPs natin hindi mawawalan ng karapatan.

Tingin ko naman, masama ba iyon? Hindi naman dahil iyon ang trabaho ng mga senador. Iyon ang trabaho naming lahat, tingnan ang batas at gawing mas maayos at maganda. Siguraduhin na paglabas nito, ay maging mabisa.

Masama ba na tanggalin ang mga probisyon na magiging questionable iyong BBL? Iyon talaga ang trabaho naming, gawing mas maayos, gawing mas mabisa, and hopefully in the end, makatulong talaga sa mga kababayan natin sa Mindanao.

On Campaign Against Illegal Drugs Isa po akong advocate ng mga youth issues. Pagdating sa kabataan, napakatindi ng problema ng droga talaga.

Lagi kong sinasabi na pinakamainam na lumaban sa droga, hindi po pulis, kundi ang barkada.

Kung ang barkada mo ay isang barkada na nagtutulungan kayo, sinisiguro niyo na hindi kayo napapasama sa ganyang gawain, malaki ang tsansa na malalayo kayo sa droga.

Kaya ang mga nanay at tatay na nakikinig, siguraduhin niyo na ang barkada ng mga anak niyo ay maayos na barkada.

Doon naman po sa mga kabataan natin, maging good influence kayo. Dahil ang impluwensiya ng iyong peer group o ng barkada, iyan ay napakahalagang rason kung bakit ka mapapalayo o mapapalapit sa masamang bisyo.

Hindi ito magagawa ng pamahalaan ng mag-isa. Kailangan ng tulungan ng pamilya, simbahan at private sector.

On PH's SEAG 6th Place Finish Siyempre, sa mga atleta natin, whether nanalo kayo ng gold, silver o bronze o kahit wala kayong pinanalo, proud po kami sa inyo. Kung talagang you did your best, itinaas niyo ang bandila ng Pilipinas, proud po kami sa inyo.

Pero, palagay ko po, ang bansa po natin, we can do better. Sana makagawa tayo ng massive reforms sa ating sports sector para ma-improve natin ang ating standings.

Ang SEA Games, sinasalamin ang estado bilang isang bansa. Kung tayo'y paangat nang paangat na, sana tumaas ang ating standings.

News Latest News Feed