Press Release
July 15, 2015

Transcript of the DZRH interview of Senate President Franklin M. Drilon

Q: On the Senate accomplishment

SPFMD: Sa larangan ng ekonomiya, may mga ilang batas kaming ipinasa para lumago ang ekonomiya at makapagbigay ng trabaho. Nandiyan ang anti-trust law na magbabawal ng monopoly, at nandiyan din yung batas para ma-improve yung inter-island domestic shipping dahil sa walang kompitensya. Ibig nating buksan ang domestic shipping para magkaroon ng kompetisyon at bumaba yung gastos. Sa ngayon, ang cost of transport ng bigas mula sa Davao papuntang Manila ay mas mahal pa kumpara sa Thailand to Manila. Iyan ay dahil sa monopolya. Sa larangan ng edukasyon, yung Iskolar ng Bayan Act kung saan yung top 10 stedents sa bawat high school ay libre ang tuition sa mga kolehiyo. Ngayong taong ding ito, ang exemption sa income tax tungkol sa mga bonuses ng manggagawa ay itinaas natin mula sa P30,000 hanggang P82,000 na bonuses ay hindi bubuwisan.

Q: Naging busy rin ang Senado sa mga imbestigasyon in aid of legislation...

SPFMD: Iyan naman ay iniimbestigahan para yung mga patarakaran na hindi sang-ayon sa ating batas ay ating tinitingnan at ayusin. Ang imbestigasyon ay in aid of legislation para malaman yung mga pagkukulang sa batas na pwede nating ayusin.

Q: Kasama po ba kayo sa sinasabing dinner ni PNoy kina Sec. Roxas at Senators Poe and Escudero?

SPFMD: Hindi po ako kasama at nabasa ko lang iyon sa pahayagan. Siguro sa kanilang tatlo, dahil sila ay mukhang interesado na maging pangulo at pangalawang pangulo kaya sila ang nakumbida.

Q: Bilang top leader ng LP, hindi ba kayo nakokonsulta kung paano piliin ang top bet ng LP?

SPFMD: Siyempre, we defer to the President being our leader, and we get signals from him. Kaya si Pangulo, he wants to preserve the political alliances na nabuo noong 2010 at 2013, kaya siya muna ang namumuno para ma-maintain ang alliances na ito. After that, mag-uusap kami.

Q: Kasi merong impression na parang naiipit si PNoy na he has to please yung mga kapartido niya sa LP and at the same time, bigyan ang mga constituents niya ng magaling at winnable na leader.

SPFMD: Alam mo Karen, kung may isang tao dito sa bansa na talagang gusto yung challenge, iyan ay si Pangulong Noynoy. Kilala ko iyan at matagal na kaming nagkasama. Kung may mga challenges, hinaharap niya iya. Halimbawa, noong mga nakaraang taon, yung RH bill ay tinulak niya nang husto, kalaban niya ang simbahan, but it's for the good cause. Yung Sin Tax Reform Law, eschewed in favour of certain businessmen, ay talagang tinulak niya, at ngayon ang ganda ng resulta dahil may mahigit na P50 billion additional revenues. Yung impeachment ni dating chief justice, it was a challenge to him. Si PNoy, regardless of the odds, kung sa kanyang tingin ito ang kailangang gawin at dahil sa tingin niya iyon ay tama, gagawin niya. Regardless of the odds, kung sa tingin niya ay kung sinong kandidato ang makakapagpatuloy ng kaniyang reporma, iyon ang kaniyang ieendorso. Yung sinasabing mababang survey ni Secretary Mar, ang basa ko sa presidente ay kung sa tingin niya ay si Secretary Mar ang makakapagpatuloy ng reporma na kaniyang inumpisahan, haharapin niya yung hamon at sisikapin niya na ang kaniyang anointed candidate ay mananalo.

Q: Bakit yung mga political party ay kumakausap ng mga outsider?

SPFMD: Alam mo, Deo, iyon ay resulta ng ating multi-party system sa bansa. Yung ating Saligang Batas which allowed a multi-party system has given rise to this. Ang daming political parties.

Q: On the prospect of Drilon running for Vice President

SPFMD: Hindi na po. tayo ay nanunungkulan na at sa aking tingin ay mananatili na lang tayo sa Senado at makakatulong tayo kung sino man ang maging pangulo kapag nasa Senado tayo.

Q: Any chance na magbago ang isip ninyo?

SPFMD: Sabi ko nga sa isang interview, I always have my head attached to my shoulder, my feet on the ground. Hindi po madali at kailangang paghandaan po iyan.

Q: Sa estado ninyo, yung karanasan at calibre ninyo ay dapat nasa mas mataas na posisyon na.

SPFMD: Hayaan mo na ang taumbayan ang mamili ng kanilang kandidato na ibig humarap at mamuno sa mas mataas na posisyon. Sa tingin ko, makakatulong pa rin tayo as a senator of the land.

Q: On Iloilo's hosting of the APEC meeting and various developments in Iloilo

SPFMD: Pinaghahandaan po namin iyan. Nang bumalik ako sa senado, 2010, inumpisahan ko iyan at with the support of President Aquino, we were able to improve the province. Yung mga proyekto na para sa tao. Halimbawa, magtatayo kami ng malaking dam - the biggest outside of Luzon - the Jalaur River Multipurpose Project na 1960 pa yung batas na nagsasabi na itayo ito, after 55 years lang napondohan. Yun ay magbe-benefit sa 700,000 magsasaka, ang rice production will increase from 140,000 metric tons to 300,000 metric tons kaya malaking bagay ito in terms or rice self-sufficiency.

Q: Iyan na po ang legacy ninyo. Biruin ninyo ang daming negosyante sa Manila na napunta na roon, yung mga kalsada...

SPFMD: Yung mga highway na ginawa natin doon, at nang ginagawa iyon, wala kayong narinig na gulo ng mga informal settlers dahil binigyan natin sila ng bahay. Nagtayo kami ng resettlement site para ssa mahigit 1,000 pamilya kaya waking nagrereklamo.

Q: Sana gayahin ng ilang opisyal at mambabatas ang ginawa ninyo sa Iloilo.

SPFMD: I'm sure gusto rin nilang gawin iyan. In fact, yung isang bagay na ginawa ko roon - yung paglilinis ng Iloilo River - si Mayor Rama ng Cebu, humihiling na i-share ko raw sa kanila on how we were able to do it. It's a good feeling na nakakatulong tayo.

Q: Tuloy pa ba yung ginagawa ninyo na yung PDAF ninyo ay binibigay sa Filipino Chinese community at sila yung gumagawa ng classrooms. Maraming humanga doon. Tuloy pa ba yun?

SPFMD: Hindi na dahil wala ng PDAF, pero tama ka Deo, dahil doon ay nakapagtayo tayo ng 1,400 classrooms thought the Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry. Nagsimula kami ng P140,000 per classroom hanggang sa umabot hanggang P350,000 per classroom, pero mas mababa sa ordinary government contractors na umaabot ng P800,000 per classroom. Magandan program iyon, unfortunately because of the decision of the Supreme Court sa PDAF, hindi na po natin maituloy iyon.

News Latest News Feed