Press Release
August 4, 2015

EXCERPT FROM GRACE POE AMBUSH INTERVIEW

QUESTION: Ma'am yung NPC po ngayon sinabi nila na they will use all their apparatus to support your candidacy, kayo ni Senator Escudero. Sure daw sila na president at VP ang itatakbo ninyo?

POE: Wala pa naman kaming pormal na pag-uusap sa NPC. Gayunpaman noon pa, noong panahon ni FPJ marami sa kanila ang sumuporta kanya, maraming salamat.

QUESTION: Ma'am malaking factor po ba sa inyo yung pag-slide down sa VP, makakalaban ninyo si Senator Escudero?

POE: Alam mo yung maganda kasi na sinabi ni Senator Chiz nung umpisa pa lang, sabi niya kung anuman ang desisyon ko, kung ako man ay tatakbong vice president o ano pa man, hindi iyon ang itatakbo niya. Ang sabi niya gusto niyang tumulong at malinaw naman iyon, hindi na sa akin nanggaling iyon at ako ay nagpapasalamat.

QUESTION: So may ganoong usapan ma'am? Hindi kayo maglalaban ever?

POE: Hindi, siya na mismo ang nagsabi nun.

QUESTION: If ever ma'am?

POE: Hindi, siyempre naman hindi ba. You have to do what you have to do for the country and sometimes it's not necessarily what's expected from you but you have to make decisions that are difficult so, kahit na minsan kaibigan mo, kapag merong kailangang gawin, kailangan mong gawin dahil ito ay obligasyon mo.

QUESTION: It doesn't mean fighting?

POE: Alam mo ako, ito yung mga napag-uusapan na mga bagay. Sa ngayon sinabi na niya ang kanyang pagsuporta sa kung anuman ang desisyon ko at ako'y nagpapasalamat pero ngayon hindi ba kahit naman sa trabaho namin sa Senado, marami naman tayong mga kaibigan na naimbestigahan na namin pero ang importante ay hindi yung pagkakaibigan lamang kung hindi yung sinumpaang tungkulin at obligasyon sa ating mga kababayan.

QUESTION: Service over friendship? Ma'am may mangyayari ba sa August 20?

POE: Birthday ng daddy ko pero wala pang plano.

News Latest News Feed