Press Release
August 17, 2015

Senate interview with Sen. Francis G. Escudero (FGE)

QUESTION: Sir, sinabi ni Sec. Mar na nag-usap daw sila ni Sen. Grace, kayo ni Sen. Grace, tapos na ba yung usapan niyo?

FGE: Hindi ko alam na nagkausap sila at hindi pa namin napag-uusapan o kung mapag-usapan man namin.

QUESTION: According to Sec. Mar, nag-usap daw sila, pero sa kanila daw muna yun kung (inaudible).

FGE: Kaya siguro hindi ko alam at hindi rin natin alam dahil sa pagitan lang nilang dalawa yun.

QUESTION: So, hindi nag-update sa inyo si Sen. Grace?

FGE: Hindi at hindi naman talaga siya, hindi naman niya kailangang mag-update.

QUESTION: Pero sir kayo, kamusta (inaudible)

FGE: Hindi napag-uusapan yun hangga't wala pa siyang pasya kung ano'ng tatakbuhan niya. Uulitin ko yung sinabi ko, anuman ang takbuhan niya, presidente man o bise ninuman, susuporta ako sa kanya.

QUESTION: Waste of time po ba yung pag-usap ni Secretary Mar at ni Senator Poe?

FGE: Si Sen. Poe lang at si Sec. Roxas ang pwedeng sumagot noon. Hindi para sa akin na sagutin yun.

QUESTION: (inaudible) na very hopeful pa rin yung (inaudible), of course you also have perfect tandem if ever?

FGE: Wala. Walang nararamdamang maganda man o masama. Karapatan nilang dalawa yun at indibidwal din silang magdedesisyon kaugnay sa bagay na yan. Wala akong kinalaman doon.

QUESTION: Sir, just in case hindi ma-convince si Sen. Poe and then ligawan si Rep. Leni Robredo, tinign ninyo magiging mabigat na kalaban yung vice presidential race?

FGE: Ni hindi ako deklaradong kandidato, gayundin si Cong. Leni, gayundin yung ibang mga pangalang binabanggit. Hintayin na lang natin sigurong magdeklara sila o kung sinuman, kaugnay sa partikular na pwesto at hayaan nating sumagot na lamang yung deklarado at magfa-file na mga kandidato. Hindi para sa akin doon na magkomentaryo doon. Dahil ako mismo, wala pang desisyon o pasya, much less announcement kaugnay sa bagay na yun.

QUESTION: Sir what do you think dun sa pag-file ni Lito David?

FGE: Parang ang lalim ng pinaghuhugutan niya. Hindi na ako naniniwalang gumising lamang siya isang umaga at biglang nagdesisyon siya na kuwestiyunin ang citizenship ni Sen. Poe. Aalamin namin at dapat lamang alamin kung sino ba ang nasa likod niya? Sino ba ang nagtutulak at nag-uudyok sa kanya dahil OA naman na nag-file na siya sa SET, nag-file pa siya sa Comelec, at hindi na ako magugulat kung mag-file siya saanman. Hindi rin ako maniniwalang biglang nagkaroon siya ng adbokasiya isang umaga paggising niya laban kay Sen. Poe at tungkol dito. At kapag nalaman namin, titiyakin naming ituturo at sasabihin namin.

QUESTION: Sir bilang lawyer sir, tama po bang may (inaudible)?

FGE: Hindi. Maliwanag na hindi at maliwanag rin na pangha-harass lamang ito. Paano mo naman sasampahan ng falsification matapos mong magsampa sa SET ng kaso, ni wala pa ngang desisyon anuman ang korte na nagsasabing kasinungalingan o intensyunal o sinadya ang kanyang ginawa?

QUESTION: Sir may hinala ba kayo kung sino ang mga nasa likod?

FGE: Nirereserba ko muna yung hinala ko. Pero kapag may sapat na kaming batayan at ebidensiya kung sino, palagi naming ilahahad yun para matigil at mabisto at makita kung sino ba talaga ang nasa likod ni David at nang matanggal din yung maskara niya na sinasabi niyang adbokasiya lamang daw niya ito.

QUESTION: Sir hindi ka naniniwala na si Lito David lang ang nasa likod nito?

FGE: Dahil kina-career na niya. Gaya nga ng sabi ko, gumising na lang ba siya bigla isang umaga at biglang sinabi niya na, "Ka-career-rin ko ito, sa SET man, sa Comelec man, sa DOJ man, sa Supreme Court man." Hindi naman yata kapani-paniwala yun. Lalong-lalo na, lumabas lamang siya noong mainit na ang usapin kaugnay sa pagpapasya ni Sen. Poe.

QUESTION: Sir, hindi ba maiko-consider na forum shopping yun kasi SET na tapos Comelec naman ngayon?

FGE: Ang Korte ang dapat na magdesisyon noon. Para sa akin lamang, bilang obserbasyon, maliwanag na nilalako niya ito at maliwanag din na nais lamang niyang 'ika nga sirain, siraan at batikusin si Sen. Poe tulad marahil nung nakita natin ginawa sa tatay niya bago pa man siya tumakbo lalo na nung siya ay nagdeklara.

QUESTION: (inaudible) FGE: Hindi namin pinag-usapan. Para sa akin lamang ito, para alamain, dahil duda na talaga ako at hindi kapani-paniwala yung kanyang ginagawa.

QUESTION: Pero may inkling kayo?

FGE: Meron, meron. Pero hangga't wala kaming sapat na batayan hindi ko muna sasabihin.

QUESTION: (inaudible)

FGE: Hindi malayo yun. Ayan din ang anggulong tinitignan naming. Subalit wala kaming sapat na batayan para sabihin o ituro ang sinuman. Sa ngayon. Anggulo yun. Automatic na anggulo yun. Naitanong na nga kung partikular na possibleng yun. Possible yun pero wala pa kaming sapat na batayan para maituro o sabihin kung sino sa ngayon.

QUESTION: (inaudible)

FGE: Ilalahad namin palagi para mabisto at makita ang tunay na kulay nitong si Atty. David. At gayundin ang pagkakaraoon ng orchestrated na galaw laban kay Sen. Poe bago pa man siya magdesisyon kaugnay ng papel na pwede niyang gawin o hindi pwedeng gampanan sa 2016.

QUESTION: (inaudible)

FGE: Hindi para sa akin na sabihin yun. Hindi naman siya threat kainuman ngayon dahil hindi pa naman siya nagpapasya o nagdedeklara ng kanyang intensiyon. Paano halimbawa kung magpasya si Sen. Poe na hindi siya tatakbo? Bigla bang iwi-withdraw ni David itong mga kaso na isinampa laban kay Sen. Poe?

QUESTION: Do you share the same sentiment with the COMELEC? Sa pag-aaward ng, sa pag-lease na lang PCOS machines sa election?

FGE: Ang mas importante para sa akin, automated ang halalan, at hindi manual. Nakakadalawang automated elections na tayo, ang panget naman kung babalik pa tayo sa manu-mano. Ang mas importante, automated ang election, trabaho ng mga non-government organizations gayundin ang COMELEC na tiyakin na itong automated system na ito, sa pangunguna o pangangasiwa ng sinumang pribadong kompanya ay tunay na magbibigay ng tama at accurate na bilang ng boto ng ating mga kababayan sa 2016 elections. Ngayon, kung may dagdag na gastos, isang bagay na dapat tignan ng Kongreso at ng COMELEC din, kung may pagkukunan ng pera at kung sapat. At sa susunod na eleksyon sobrang laki naman ng ginagastos natin, dapat tignan at suriin natin iyon, kaugnay ng darating na eleksyon. Pero pansamantala, para sa akin ang mas mahalaga, automated ang halalan.

QUESTION: Sir kasi sa ngayon iyong 80,000 plus na binili nila tapos hindi pala gagamitin sa halalan. Sa Smartmatic ba iyon?

FGE: Well tama iyon, pero kung maaalala ninyo marami ang mga naging pasya at desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa kung ano ang pwede at hindi pwedeng gawin ng COMELEC. Noong una may binili narin sila, sinabi ng Korte Suprema bawal. Ito binili nila pero ibang COMELEC iyon, at tila nahuli na sila sa preparasyon. Rason para magpasya silang lease, imbes na refurbish, nasa atin parin naman iyon at pwede parin naman nating i-refurbish at magagamit pa rin iyon sa mga susunod na halalan. Obligasitong isasagawa ng COMELEC.

QUESTION: Parang sinadya daw po ng Smartmatic doon sa time constraint para wala nang choice ang COMELEC kung hindi i-approve yung kontrata?

FGE: Hindi ko po maipagtatanggol o ipagtatanggol ang Smartmatic kaugnay niyan pero alam naman nating lahat na medyo naaantala talaga at na-delay ang COMELEC sa pagbid at pag-award nito dahil sa pagkansela ng mga naunang bidding either walang nakilahok o dahil hindi tumupad sa terms of reference na itinalaga ng COMELEC. Medyo nagahol naman talaga ang COMELEC noon sa panahon dahil na rin sa ilang bakanteng dapat mapunuan. Rason din para hindi makapagtrabaho at makapagsimula ang COMELEC sa mga takdang panahon na dapat sana nilang nagawa iyon.

QUESTION: So no one is to be blamed sir?

FGE: Meron. Pero gaya nga ng sabi ko isang bagayna dapat tignan at suriin pagkatapos na. Ang mahalaga ngayon automated. Mas malaking problema para sa atin kung naging mano-mano ang eleksyon. Mas malaking gulo, mas malaking problema ang haharapin natin sa darating na eleksyon. Kung ganoon man ang mangyari.

QUESTION: Sir you've always mentioned that you are going to decide independently with Senator Grace Poe but you also have time to meet with her anytime soon? Gaya ng ginagawa ng kabilang kampo?

FGE: Wala. Nagkikita naman kami sa Senado at minsan nagkikita din kami sa labas sa iba't ibang okasyon. Wala akong plano at wala kaming balakin magkita kaugnay sa mga bagay bagay na iyan. Hiwalay sa ordinaryong pagkikita at pagkakataon na meron kami para magkausap.

QUESTION: (inaudible)

FGE: (laughs) Pinapanood ko rin iyun paminsan-minsan at nakakaaliw talaga.

QUESTION: Wala bang tamang panahon para sa inyo ni Grace para magdeklara?

FGE: (laughs) Lahat na may balak na nagpaplanong tumakbo o hindi tumakbo sa 2016 na matatanong, dapat magpasya bago mag-last day of filing. Hindi naman ito karera ng kabayo unahan sa pagdeklara o pagpabilisan ng takbo. Dapat sa tama at takdang panahon o kapag nakapagpasya na sinuman, doon sila magsalita kaugnay ng kanilang desiyon na may kinalaman sa 2016.

QUESTION: May tamang panahon pa po?

FGE: Hindi, pagdating ng panahon ni Aiza Seguerra. (laughs) Okay?

QUESTION: Pwede ho bang (inaudible) ng Smartmatic?

FGE: Ang tanong bakit hinayaan ng Comelec na mangyari iyon? Dahil nga naantala ang bidding, nakansela ang bidding ng ilang ulit wala nang ibang nakilahok. Siguro kung may pupunahin man tayo, may mga nag-contribute bakit nakarating iyan sa puntong ito. Pero, hostage man o hindi, Smartmatic man o ibang kumpanya, gaya nga ng sabi ko, mas mahalaga, automated ang halalan.

QUESTION: (inaudible) dun sa substitute BBL?

FGE: Oo isa ako sa mga mag-iinterpolate sa BBL, ah sa BAR pala...

QUESTION: (inaudible)

FGE: Hindi ko pa natatapos makupara ang BAR dun sa original na BBL proposal. At gayundin sa MOA-AD na desisyon ng Korte Suprema. Doon naming ibabase ang aming interpolation para matiyak tatalima ang BAR sa anumang mga naunang desisyon ng Korte at mga probisyon ng konstitusyon.

QUESTION: (inaudible)

FGE: Mahirap malaman at masabi, ni hindi ko pa nakikta yung listahan ng interpolators. Siguro habang hindi pa sinisimulan ang pagtalakay ng budget sa October, may malaking tsansang tumutok muna sa BAR ang Senado.

QUESTION: Sir yung pamumuno po sa bansa ay (inaudible) of course may mga plano pero hindi pa kayo nagdedeklara pero may mga plano sa pagtakbo sa posibleng mas mataas na posisyon? Sir kayong dalawa ni Senator Grace Poe very confident po kayo sa pagiging magkaibigan ninyo po ni Senato Grace Poe?

FGE: Walang pag-uusapan dahil wala pa siyang pasya at desisyon. Anumang pasya at desisyon niya ang pag-uusap ay mangyayari kapag katapos noon. Iyong pagpasya at pag-decide sarili ng isang tao iyon at hindi dapat angkinin, o itulak o pwersahin ng iba.

QUESTION: (inaudible)

FGE: Kapag nag-decide siya kung anong gagawin niya. Tandaan ninyo ang dessiyon bahagi diyan ang pagtakbo bilang pangulo, pagtakbo bilang pangalawang pangulo o hindi pagtakbo sa anumang pwestong iyon dahil hindi pa naman re-eleksyonista si Senator Poe.

QUESTION: Kailangan...(inaudible)?

FGE: Kailangang ano? (laughs) Hayaan muna natin siyang magdesisyon huwag nating unahing ang kariton, 'ika nga, bago iyong naghihila sa kariton. Okay?

QUESTION: Okay thank you sir!

News Latest News Feed