Press Release
August 19, 2015

GRACE POE AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT

Question: On Sen. Sotto's statement to continue your father's legacy?

Sen. Grace Poe: Tama, tama. Kay FPJ noon, Bayan ang bida. Iyon naman talaga sa aking pagdededisyon ang una. Kung ano ang makabubuti sa ating mga kababayan kasi marami pa tayong mga pangarap para sa ating bayan na pwede pa nating itulak ng mas mabuti.

Q: To run as independent daw po if you ever decide to run?

Poe: Oo, kasi wala naman akong party talaga. Kung may mga susuporta sa akin as an independent candidate kung saka-sakali.

Q: Not NPC or LP?

Poe: Hindi, diba dati rin naman tumakbo rin kami sa coalition bagamat hindi naman talaga kami miyembro ng kung anong partido. Sa trabaho ko naman sa Senado, marami akong kaibigan sa bawat partido pero nananatili naman akong tapat sa kung ano ang nararapat.

Q: Ma'am, yung pagsuporta ng Magdalo, makakaapekto ba ito sa inyong pagdedesisyon?

Poe: Malaking bagay iyon. Ako'y nagpapasalamat dahil ang Magdalo, kilala naman sila na talagang nakikipaglaban sa mga corrupt, sa mga hindi makatarungan, hindi sila natatakot na magsalita. Nagpapasalamat ako sa kanilang liderato, kay Sen. Trillanes, sa kanyang tiwala kasi ang ginagawa niya ngayon hindi madali. Ang kanyang sariling pag-iimbestiga dito ay hindi naman para sa kabutihan lang niya. Ito ay para sa ating lahat.

Q: Ma'am, how was the NPC meeting last night?

Poe: Masaya. Masaya naman. Okay 'yung meeting kagabi ng NPC, marami nang mga dati naming kakilala. Pero siguro kung nag-uusap-usap kami doon, ¼ lang ang pulitika, ¾ ay mga kwentuhan...Pero sinabi rin nila, sabi ko nga dahil galing pa ng iba't ibang probinsya iyan eh, kung ano ang kailangan nila sa bawat rehiyon nila, yun ang mga dapat na tutukan, hindi yung mga issues ng politika lamang. Yung mga pwedeng plataporma na tulong para mas mabawasan ang kahirapan, kung hindi man mawala, at mas mabigyan ng maraming trabaho ang ating mga kababayan.

Q: On Susan Roces' statement--will detractors stop after what she had said?

Poe: Ah, hindi. Alam mo, hindi naman para bumatikos o para mapigilan iyan--hindi mo mapipigilan iyan. Pero bilang nanay, hindi mo mapipigilan na depensahan ang anak mo. Ito ay isang natural lamang na bagay. Kaya nga iniiwasan din niya ang masyadong paglabas kasi very emotional. Pero I appreciate it, kasi iba 'pag ang nanay mo ang nagsalita. Kanina nga, tumawag ako para magpasalamat at sabihin sa kanya na okay lang ako, na huwag siyang mag-alala masyado...Sabi ko at least malumanay pa rin naman siya. Malaking bagay iyon kasi lahat kami pag medyo tumatapang na pati kami napapailang rin. Pero okay naman. Maraming salamat.

News Latest News Feed