Press Release
August 25, 2015

Bam on Amendments to Consumer Act, Balikbayan Box
(Transcript of Interview after Hearing)

On Consumer Act

Q: Medyo marami pong proposal, but what's the most pressing?

Sen. Bam: Maraming mga lumabas na amendments na kinakailangan. I think there were three basic amendments. Unang-una, 1992 pa po ito kaya 23 years old na iyan.

Iyong una, ang pag-a-update ng Consumer Act to include digital, e-commerce, pag-include ng mga issues natin sa Internet, mobile. That's one major aspect kasi noong 1992, wala pa po iyon.

Ikalawa, ang pag-increase ng penalties. Palagi kong kasama ng DTI sa mga trade check. At the end of the day, kahit may nahuli tayo na lumalabag sa batas, napakaliit naman ng puwedeng ipiyansa sa kanila. So there's an increase in the penalties.

Third, iyong pagiging pro-active ng DTI sa mga consumer complaints. Kasi right now, hinihintay ang mga tao para mag-complaint. Tapos pag may complaint, kailangang may proseso na dapat pagdaanan.

Napag-usapan na ng consumers na kung ang kino-complain mo, fifty pesos lang, hindi ka naman dadaan sa proseso na mahaba at masalimuot.

We're looking at possibly giving DTI powers to be pro-active sa mga consumer complaints. Kung may nabasa sila sa Twitter o Facebook na isyu ng taumbayan, puwede nilang aksiyunan on their own instead of waiting for a formal complaint.

Iyan ang tatlong bagay but I have to admit na medyo marami-rami ang kailangang pag-usapan, pero handa naman kaming pag-usapan in the next hearings.

Q: When we speak of penalties, for which specific violations?

Sen. Bam: Kunwari nagbebenta ka ng produktong sub-standard o ang consumer complained about false advertising. Mayroon tayong mga penalties tungkol diyan na kailangang iakyat.

DTI has been proposing to increase penalties para magka-ngipin sila at para maging deterrent din for businesses to do these acts na nakakasama sa ating consumers.

Q: By increasing penalties and fines, may imprisonment din po na?

Sen. Bam: Currently ang suggestion ng DTI, mayroon ding imprisonment. Of course, pag-uusapan pa ito. At the minimum, I am favor of increasing the fines kasi mababa talaga ang fines.

I think it's being increased to P50,000 or five percent of gross sales, whichever is higher. Medyo malaki po iyon. That's quite a substantial increase.

Nasa panahon pa tayo ng TWG, pag-uusapan pa iyan. But definitely, dapat talagang i-increase ang penalties. Twenty years na iyang hindi inaakyat.

Q: Paano papasok dito ang Internet?

Sen. Bam: Ang chapter na hiniling ko sa DTI, a specific chapter dealing with e-commerce, dealing with digital type of products. For example, kung may complaint ang mga tao, ano ang proseso.

Kung may binili ka online, kapag hindi natuloy ang transaction mo. Kung ginamit mo ang credit card mo, hindi naman natuloy.

Maraming bagay na ngayon sa ating modern society na wala sa Consumer Act. Panahon na para isama iyan at maging malinaw sa taumbayan kung ano ang puwede nilang gawin kapag may consumer complaint.

Palagay ko rin, kulang pa ang resource speakers natin. Right now, most of the attendees are government agencies so gusto rin naming marinig ang mula sa consumer groups at iba't ibang civil society groups.

On BOC and balikbayan box

Sen. Bam: Right now, I think suspended na ang kanilang proseso upon further review. I'm quite happy na suspended.

Alam ninyo, we filed a bill last year sa pagtaas ng de minimis charge. Ngayon kasi, above ten pesos, technically puwede nang i-tax iyon. So kahit bumili lang ako ng tsokolate sa ibang bansa, puwedeng i-tax iyon ng Bureau of Customs. Hindi talaga siya realistics.

That bill that we filed last year, itinataas ang ten pesos to ten thousand pesos. Baka nga dapat mas mataas pa roon.

We're hoping that with the uproar, masabayan ito ng batas that can really increase the de minimis charge. And we make it legal, iyong pag-send ng produkto pabalik sa ating loved ones, legal na talaga, hindi na puwedeng i-tax ng BOC.

With regard to the mandatory opening, at least suspended na po ito. I'm sure there will be hearings here in the Senate. Maging mas malinaw ang mga patakaran diyan.

Kung may concern sa drugs o armas, there might be ways to check even without opening. May K-9 units tayo, may x-ray naman tayo. Kung may mahanap tayong armas diyan, kung may maamoy ang K-9 units natin na drugs, e di buksan. Pero iyong bubuksan nang basta-basta, palagay ko po, labag iyan sa kalooban ng ating loved ones sa ibang bansa.

News Latest News Feed