Press Release
August 26, 2015

Bam on Laude Case, JPE's Manifestation and BBL
(Status Update Radio Program)

On Jennifer Laude case

"Hindi po ito legal opinion. Personal opinion lang po. Hindi katanggap-tanggap iyan na gawin sa kapwa tao, to a fellow human being. Hindi justified na gumawa ng ganyang klaseng karahasan.

Sabi nga ng legal team ni Jennifer Laude, napakalaking bagay na inamin na ni Pemberton na siya iyong may kagagawan doon sa karahasang nangyari kay Jennifer Laude. Sabihin mo nang naloko siya, for me, hindi pa rin justified na papatay ka ng tao.

Ang mahalaga, makuha ni Jennifer Laude ang tamang hustisya. Iyong isang isyu, sinasabi nila kapag foreign power ang may masamang ginawa, hindi nabibigyan ng hustisya ang mga Pinoy.

Ang inaabantayanan natin dito, hindi lang personal na isyu ni Jennifer Laude kundi pati rin iyong isyu ng mga bansa na dapat kahit sila'y mas malakas kaysa sa atin, mas mayaman na bansa, dapat iyong justice system natin, manaig pa rin. We need to be able to uphold the right of Filipinos.

Bantayan natin ito. Maraming isyu rito. May LGBT issue, may justice issue, may sovereignty issue."

On JPE's Manifestation

"Kahapon, nagbigay na si Minority Floor Leader Juan Ponce Enrile ng manifestation. Sabi niya, bakit kumakaunti ang mga senador dito? Sabi niya, kung feeling ng minority wala o kulang ang mga tao, magtatanong sila tungkol sa quorum.

Kung walang 12 senators ang nakaupo, walang quorum. Kailangang itigil ang proceedings. Twelve plus one.

Sabi ni JPE kahapon, hindi naman ako nang-aasar, hindi naman ako naging difficult, kaya lang nakapahalaga ng BBL na pag-usapan, dapat nandito tayo at nakikinig.

In fairness, natutuwa ako dahil ako ang nag-interpelate kahapon at marami ang nakikinig sa atin."

On BBL Interpellation

"Actually, marami pa iyan. Itong BBL, sinisikap natin itong maging magandang batas. Definitely, dapat iyong makukuha ng mga Muslim brother natin at ang mga benepisyo diyan, hindi dapat mabawasan ang mga nakukuha nila ngayon sa ARMM. Kung kakaunti rin, bakit pa natin ito ginagawa?

Ang pinupunto ko lang kahpaon, ano iyong mga nasa ARMM law versus the current version ng BL BAR?. Ano ba ang nasa BL BAR na wala sa ARMM law, na ibig sabihin ay dagdag na benepisyo. Ano iyong nawala, nabawas at ano iyong kaparehas? Mahalagang mayroon po tayong point of reference.

We want to make that comparison. Naging maganda naman ang talakayan namin. Definitely, imumungkahi natin na ibalik iyong mga ibang bagay doon kapag period of amendments na."

News Latest News Feed