Press Release
September 1, 2015

Transcript of interview with Sen. Cynthia Villar

Q: ON NP-PDP Laban meeting

Villar: Wala naman kaming meeting. Inimbita lang kami ng PDP-Laban. Pinag-explain si Mayor Duterte ng kanyang mga opinion tungkol sa mga problema ng Pilipinas. Hindi nga niya sinabi kung kakandidato siya. Sabi niya hindi pa siya decided. Nagtataka nga kami bakit lumabas sa diyaryo na there is a merger, nag-jump ship daw kami kay Mayor Duterte. Sabi nga ni Sen. Manny Villar, iyong aming NP President, hindi pa nga kami nakakapili, paano kami magja-jump ship? At hindi pa nagde-declare ang mga kandidato except Secretary Roxas and Vice President Binay. So hindi po totoo iyon.

Q: But there was indeed a meeting last night?

Villar: Wala kaming meeting last night.

Q: But you already met with PDP?

Villar: We're always meeting with PDP Laban. Parang sharing of opinion lang. We always meet regularly kasama ni Koko.

Q: Kailan po iyong nandoon si Mayor Duterte?

Villar: In one of those meetings, I cannot remember. Weeks ago.

Q: There was never a mention..?

Villar: Si Mayor Duterte nga hindi siya sigurado kung tatakbo, paano naman iyon? Exag.

Q: During the meeting may banggit man lang ba ng possibility of tandem?

Villar: Wala. We're talking of the problems of the Philippines, sa peace and order, sa justice system.

Q: Sila Senators Marcos and Cayetano po, nabanggit ba nila na kinakausap nila si Mayor Duterte for a possible partnership?

Villar: Wala. Ang sabi ni Sen. Cayetano sa akin, nagkita sila sa Davao. Tayo namang lahat kapag pumunta sa Davao makikita natin si Mayor Duterte. Kasi ako kapag inimbita ako doon syempre opening remarks ang Mayor diba? Ikaw ang guest speaker, magkasama kayo. It's natural in Davao.

Q: If Duterte decided to run would he be an attractive candidate for NP to support?

Villar: Siguro. Alam naman niya ang problema ng bansa. Magaling naman siya. He has done a lot for Davao City. He will be a good candidate.

Q: Problema nga lang wala pa siyang sinasabi?

Villar: Wala pa siyang sinasabi.

Q: Ano po ang reason bakit niya nilalatag yung plataporma niya sa inyo or yung gusto niyang mangyari?

Villar: I think siya ang nakikiramdam kung ano ang reaksyon ng tao doon sa kanyang mga ideas.

Q: parang testing the waters?

Villar: Oo. Siguro tinitingnan niya kung naga-agree ang mga tao sa mga ideas niya.

Q: Nag-agree ba kayo sa sinasabi niya?

Villar: Ang masasabi ko, he knows the problem. Kasi alam mo, matagal na rin siya sa local government. Alam na alam niya ang problema when it comes to the justice system of the Philippines, very familiar.

Q: Pero nagbigay ba siya ng solusyon?

Villar: Oo, may solusyon siya.

Q: Do you agree sa solution niya?

Villar: Yes, when you talk of peace and order, magaling siya doon. Iyon naman ang forte niya.

Q: Will you be holding further talks?

Villar: Wala namang naka-schedule na further talks. Remember, we are big investors in Davao City kaya okay naman si Mayor Duterte sa amin kasi sinusuportahan niya naman ang mga investors sa Davao City. Davao City is a good city to invest in.

Q: But when you met with Mayor Duterte, iyan po ay bilang Nacionalista Party?

Villar: Hindi, friends lang.

Q: Ano ang status ng NP ngayon?

Villar: Tanungin mo si Sen. Marcos, si Sen. Cayetano, sila ang magde-decide hindi naman kami kandidato.

Q: You are waiting for them to decide?

Villar: Yes, we are waiting for them.

Q: Si sen. Bong Bong hindi pa nagdecide?

Villar: Hindi rin, he's thinking about it.

Q: Higher position ang tatakbuhin niya?

Villar: Hindi rin tayo sure doon. Sa kanya iyon. Hindi naman iyon setting aside ang senatorial campaign. I think he is thinking hard about it.

Q: Wala pa bang presidential bets na nagi-invite sa NP para makipag-usap sa inyo?

Villar: Lahat iyan nakausap na. Hindi as NP. Siguro pumupunta sila kay Sen. Villar, hindi sa akin.

Q: Lahat sila?

Villar: Yes naman, I'm sure nakausap nya nang lahat iyan.

Q: Si Secretary Roxas? Senator Grace?

Villar: Yes.

Q: Mga nag-explain na rin ng plataporma?

Villar: Hindi naman plataporma de gobyerno. Hindi naman ganoon ka-serious. Mga getting to know each other lang tapos social visit. Si VP Binay palagi naming kasama sa mga affairs. Marami siyang ina-attendan na affairs. Mahilig siyang mag-attend ng affairs kaya makikita mo siya doon.

Q: Walang formal discussion?

Villar: Wala. Too early.

Q: May mga TV ads na nga po...

Villar: Siguro tinitingnan nila kung TV ads will help them. Syempre testing the waters diba?

Q: Kapag nagdeclare si Sec. Cayetano at Sen. Marcos, NP po ang unang maga-announce?

Villar: Siguro bago sila mag-declare sasabihin muna nila sa amin. We're waiting.

Q: Lumipat daw ang NP?

Villar: Saan lilipat? May Kandidato na ba ang PDP Laban? Wala pang nagde-declare. Tanungin nyo si Sen. Koko kung may kandidato sila.

News Latest News Feed