Press Release
September 3, 2015

TRANSCRIPT OF AMBUSH INTERVIEW AFTER BALIKBAYAN BOX HEARING

Sen. Juan Edgardo Angara: Naging maganda ang resulta na nag-usap at nagharapan yung BOC at OFWs. Nailabas ng mga OFW at kanilang mga kinatawan yung mga hinaing dito sa polisiya ng BOC at on the other hand, naintindihan rin naman ng OFWs na may mga lehitimo ring mga interes na hinahabol ang ating BOC tulad ng pagsugpo sa smuggling. So yun ang maganda at sabi ko nga, napaganda pa nga sana yan dahil sabi nga ng BOC, magpapatayo sila ng mga complaint desk sa BOC kung meron mang mga OFW na kung saka-sakali ay naiipit ang kanilang mga pinadala sa Customs, e, aaksyunan nila nang mabilis.

Q: Sir, young pag-apologize ni Comm. Lina, is that enough?

SJEA: Hindi. Syempre hindi naman sapat yung - maganda naman sa palagay ko na nagpakita ng pagpapakumbaba si Commissioner Lina dito sa kanyang pagso-sorry. Pero syempre, ang importante dyan, e, yung polisiya na nagpapahalaga at nagbibigay ng importansya sa ating OFWs

Q: Ano po yung mga resolusyon?

SJEA: Well, klarung-klaro sa akin na yung mga halaga na ibinibigay na exemption, kumbaga kung ano yung halaga na kayang ipasok ng ating mga kababayan, ano yung halaga na hindi kayang ipasok ng ating OFWs, e, hindi na po aakma sa panahon. Kumbaga, outdated na sya, lumang-luma na dahil 1957 pa ho sya na-set. So ibig sabihin, hindi natin nabago. Tulad ng buwis, natin di ba? Ang sabi ko nga outdated na. E yung Tariff and Customs Code natin, kung ang buwis natin 1997 pa at kelangan nang baguhin, ito 1957 pa. Yun ang masaklap dyan. Dun sa mga OFWs natin, I think minimum of P100,000 dapat tapos dito naman sa de minimis value na ipinapasok natin, ang sabi nila dapat P10,000 ang minimum. Dahil sa ngayon, P10 lang, e puwede na nilang buwisan.

Q: So, sir kasama po sa Customs Modernization?

SJEA: Oo. Yun po'y bahagi ng Customs Modernization Act.

Q: So, nag-agree yung Customs dun sa P100,000 minimum?

SJEA: Well, magbibigay daw sila. Ang sabi nila, okay daw sa kanila ang P50,000 pero mukang ang gusto ng iba'y P100,000. Pero ang importante dyan, may kapangyarihan na ibibigay po sa BOC o kaya sa Dept. of Finance na taun-taon o kaya every three years, puwede nilang baguhin yun para hindi na mapako sa panahon.

Q: Pag babaguhin, babaan o taasan?

SJEA: Taasan.

Q: Sir, yung P100,000, ano yung returning residents or...

SJEA: That's for returning residents. At saka yung committee, pag-aaralan din kung ano yung mga special provision na puwedeng gawin for our OFWs.

Q: Particularly?

SJEA: Particularly, kung paanong mapapabilis yung pag-process nung sa kanila, ano yung mga identifying marks or special treatment na puwedeng ibigay sa OFWs.

Q: Sir, nilinaw po ba kung patuloy pa rin yung pag-impose ng mas mataas na tara - yung from P80,000 to P120,000 per container van?

SJEA: Mukang hindi pa klaro yun. Although it was touched upon dun sa questioning ni Sen. Recto. Pero ang habol nga nila, is yung forwarders. Pero yung ultimong papasan dyan ay yung mga OFWs pa rin dahil karamihan ng nagpapadala ng balikbayan boxes sila pa rin po.

Q: Sir, may legal basis yan? P80k-P120K na tax?

SJEA: We will correct it. Ang ayaw natin, yung may discretion masyado yung - Yun ang nangyayari ho sa ngayon, e, dahil hindi nabago yung batas, masyadong malaki yung diskresyon, e. Mukang meron siguro tayong mga tao sa BOC, yun ang gusto nila na hindi klaro yung batas at malaki yung discretion nila. At yan ang gusto nating limitahan dito sa ating panukala.

Q: Sir dun sa meeting kanina ng Senate and House leaders, kasama itong CMTA sa posibleng aprubahan. So mami-meet ba yun before daw ng October and adjournment?

SJEA: I think, on our part on the committee on ways and means, ilalabas po natin itong panukala after maybe one or two hearings na lang. Paplantsahin na lang po natin, pero ilalabas po talaga natin.

Q: So, meron na kayong dina-draft na committee report?

SJEA: Meron na ho. Even as of last week. Iikutin namin po.

Q: Sir sa exemption, how could we prevent smuggling?

SJEA: It will enable more goods to pass through. Magiging mas efficient sya. Syempre yung officials ng BOC, puwede silang mag-concentrate on the higher value items dahil hindi siya subject doon sa minimum. Kung ano yung over that, dun sila magko-concentrate. E, alam natin limited resources tayo. Sa ngayon kasi, talagang hirap na hirap tayo sa enforcement.

Q: Sir, yung sinasabi nyo kaninang individuals na ayaw linawin yung tara, hindi ba ito yung mga delikado sa loob.

SJEA: Yan ang hindi natin alam, no? we will ask Dep. Commissioner Dellosa about that in the next meeting. Hindi na sakop ito dahil kumakain ng oras yung sa balikbayan box issue.

Q: Sir, is there any guarantee made by the Customs that there is ...

SJEA: In passing lang po iyon. I think, yun ang something that we have to clarify sa next hearing dahil nabanggit nga ng isang Cutsoms collector nga ng customs na sa naiiwan, napakadaming cargo, napakaraming pasahero, wala man lang tayong x-ray doon sa ating baggage carousel.

Q: Sir, ano masasabi nyo sa sinabi ni DepCom Dellosa na wala, pero sabi ni former commissioner Biazon, meron?

SJEA: Well, I think hindi sila - maybe they were talking about different periods, kasi sabi nga ni DepCom Dellosa, I think 2013 or 2014 sya pumasok - e si Commissioner Biazon, I think 2011 andyan na sya. So, baka ang sinasabi nila, ibang panahon. But, maganda rin yung puntos ng isang kolektor na mag-concentrate tayo sa high risk entry points na kung saan talaga may history ng pumapasok po yung mga armas, may mga nakapapasok na kontrabando.

Q: Thank you sir

SJEA: Thank you.

News Latest News Feed