Press Release
September 6, 2015

TRANSCRIPT OF DZBB INTERVIEW ON INCOME TAX AND BALIKBAYAN BOX

Nimfa Ravelo: Magandang umaga po sa inyo, Mr. senator

Sen. Juan Edgardo Angara: Magandang umaga Nimfa at sa mga nakikinig

NR: Sir, tungkol po doon sa -- kako nga kayo ang chairman ng senate ways and means committee -- tungkol sa pagbububwis po, patulong sir sa pagtalakay at pag-explain nito sa ating mga kababayan. Ipinu-push po ninyo na babaan, di ba sir, ang income tax rate para mapataas ang take home pay ng mga manggagawa. Paano po yung inyong proposal, gaano ito ibaba from the present, sir?

JEA: Well, ang original proposal natin, eventually, dapat ibaba natin Nimfa sa 25% yung pinakamataas na porsyento na tax po sa ating mga kababayan. Ngunit sabi nga ng gobyerno, e, masyadong malaki ang tama dun sa kinikita ng gobyerno na kailangan ng panggastos. Ang sabi natin, 'o sige, wag na lang nating gawin 25 percent. I-maintain na lang natin yung existing percentages pero i-update naman po natin yung halaga ng mga binubuwisan natin sapagkat kung titignan natin, 1997 pa po ginawa itong mga rates natin, e. Yung mga brackets -- ibig sabihin yung mga halaga -- meron tayo para sa mga nakikinig -- meron po tayong 7 tax brackets. Ang pinakamababa po dyan, pag kumita ka ng I think, over ten thousand, meron kang 5%. Tapos ang pinakamataas, ang pinakamataas naman na porysento ay 32% kapag ang taxable income mo o ang neto mo, o neto ng kita mo ay lampas ng P500,000. So meron tayong 7 tax brackets na gianwa noong 1997 at hindi na nabago so hindi na naitali sa inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin. So ano po ang ibig sabihin nyan? Ang ibig sabihin po nito, iyon pong kumikita ng malaki dati ay hindi na po iyon ang nabubuwisan ng malaki ngayon. Ang naisasama, dahil hindi natin nabago ay iyong mga bagong pasok lang sa workforce tulad ng mga public school teachers, mga pulis, mga call center employees na isa sa fastest growing industries natin. So yun ang nakikita nating hindi makatarungan dito sapagkat hindi natin binago in the past 20 years. Ang practice kasi sa ibang bansa, Nimfa, ay every 3-5 years, e, binabago po yung halaga na binubuwisan.

NR: Ina-adjust din po sa inflation?

JEA: Naka-adjust po sa inflation kasi kung ang kita mo nga lang P25,000, e yung P25,000 kinain na po ng inflation, e. So, malaki na nga ang binabayaran mong buwis, maliit naman ang naiiuuwi (sweldo) mo sa pamilya mo. At ang mahirap po dyan, pagdating po sa usapin ng buwis, e, kailangan po dyan, magmula po yan sa Kamara de Representante. Kami po sa senado, nag-aantay kami. Kumbaga, kami ay second layer lang po. Yung unang layer po nyan base sa Saligang-Batas ay yung Kamara.

NR: So, ang ibig sabihin, kung hindi po yan papasa sa Kamara, ay walang maaaksyunan ang Senate?

JEA: Tama po yun, Nimfa. Kaya nga marami ang nagtatanong sa akin kung bakit hindi pa ipinapasa ng komite namin yung panukala natin sa income tax kahit January 2014 pa natin inanunsyo ito, ang sabi naman po natin, e, pinipigilan po tayo ng saligang batas sapagkat hanggat wala pong naipapasa na counterpart measure o similar measure yung ating mga kaibigan sa Kamara de Representantes, hindi po natin mailalabas ng komite yan.

NR: Sir, example lang. ang karaniwang sweldo po ngayon, kapag medyo matagal na sa trabaho, nasa P25,000-P30,000 at ang tax po ay mga nasa 32 percent. Doon po sa inyong panukala, ano po ang mangyayari run at saang bracket sya papasok at magiging ilang percent ang buwis?

JEA: Ngayon, kung kumikita ka ng mga P30,000 a month, so ang yearly kita mo ay siguro mga nasa P300,000, minus deductions, mga P250,000. ang tax mo ngayon ay 25% Nimfa. Third to the highest tax bracket na sya. Ang sabi nga natin kanina, meron tayong pitong tax brackets at kung saan ka papasok, dun ka papasok sa third highest tax bracket. 25%. So, sa panukala naman natin, dapat yung ganung halaga na kinikita na hindi naman natin masasabing mayaman ang taong iyon, e, dapat siguro nasa ibaba yun, nasa at least 10-15%.

NR: So, basically, ibababa talaga yun pong ang income tax rate -- ito yung sinasabi ng Malacanang na hindi raw po maa-afford ng gobyerno dahil malaki yung mawawala. Kapag nawala daw po yan, dapat bawiin somewhere. Merong mga nag-propose na yung VAT po ang bawian. Yung from 12% gawing 14%

JEA: Klaruhin ko lang Nimfa. Hindi natin binabago ang tax rate dahil sabi natin para hindi matamaan masyado ang gobyerno, huwag na natin baguhin yung mga porsyento. Kumbaga, ako ang binubuwisan dati ng 25% ay P250,000 annual income sa isang tao, ang bubuwisan na lang ngyon ng 25% ay yung mas mataas na halaga dahil yun ang equivalent amount noong 1997. Kung kumikita ka ng P250,000 noong 1997, kung ano yung equivalent amount pag in-adjust natin for inflation, yun ang ilalagay natin. Dahil alam natin yung P250,000 noong 1997, e, ibang-iba sa P250,000 ngayon. Yung nabibili mo noong 1997, hindi mo na mabibili sa P250,000 sa ngayon. Baka noong 1997, may bago ka ng sasakyan noon, e ngayon wala ka nang mabibiling sasakyan sa P250,000.

NR: Dun sa binabanggit ninyo, ang magiging net effect ay, yung mas malaking kita, yun ang mas malaking buwis. So, ibabalanse para mas malaki naman yung take home pay. Tama, e. Maliit na nga yung kita mo, mas malaki pa yung buwis na babayaran mo. Di ba unfair?

JEA: Tama po yun. Natengga po sya dun sa 1997 rate. Yun ang epekto ng pagka-tengga niya. At bilang kompromiso, willing na nga tayong huwag nang baguhin yung mga income tax rates. Dun na lang tayo sa mga halaga -- sa income tax bracket, i-adjust na lang natin for inflation. Yun ang pinakamaliit na puwede nating gawing reporma. E sana naman kahit dyan, e pumayag naman ang mga kaibigan natin sa DOF, at sa BIR. Alam naman nila na kahit noong 2014 pa kailangan na talagang repormahin yan dahil natengga na po tayo -- at kung titignan naman po natin yung sinasabi ninyo kanina na sila'y nag-aalala sa kinikita ng gobyerno, well, marami po tayong datos, e dahil nag-umpisa na rin po tayo ng hearing dito sa budget. At lumalabas po na dito sa 2014, sa dami ng pera na gobyerno, hindi nagastos lahat. Dito nga po sa pagtatanong dito ni Sen. Ralph Recto na alam naman natin na matagal nang tumatayo bilang vice chairman ng Finance commiittee (Senate), halos 1/3 po ng 2014 budget ay hindi nagastos. So, sabihin na natin P2.7T ang budget hindi nagastos po yung halos P800B dun. E ang mawawala lang naman dun sa ating panukala, ay sabi nga ng BIR ay nasa P20B-30B. Anu ba naman ho yun na ang magiging benepisyaryo naman po niyan ay halos 4 hanggang 5 milyong individual tax payers na ang tawag dyan ay binubuwisan ng withholding tax sapagkat sa pagtanggap ng tseke, tulad ninyo, tulad namin, e, nakakaltas na po yung income tax. So, sa akin, huwag nating unahin ang interes ng pamahalaan, yung interes ng departamento, yung interes ng bureau, sana unahin po natin yung interes ng nakararami.

NR: Sir, pag po ba kinuha yung percentage -- yung mga income tax earners, yung kinakaltasan na ng withholding tax, ilang percent po ba yun ng kinokolekta ng gobyerno? Nasa 35% po ba? o 20%

JEA: Yung income tax collection total po?

NR: Opo

JEA: Well, mga 20%. Nung total tax collection. Sapagkat mga P200plus billion pesos ang kinokolekta sa ating income tax payers at ang total collection naman po natin ay naglalaro sa P1.4T.

NR: E paano nga po ito sa sir, ano po ang inyong gagawin para ma-convince ang Palace? Syempre palaging ayaw ng BIR, ng DOF na mabawsan ang tax collection, e. Hindi ba kailangan si Presidente na ang kumumbinse at paliwanagin dito? After all, siya naman po ang papalo sa DOF at sa BIR.

JEA: Siguro, makikiusap tayo na bigyan ng tsansa dito sa ating counterpart sa Kamara na si Cong. Miro Quimbo na chairman ng house committee on ways and means na...

NR: Ito na po ulit si Senator Angara...

JEA: Yun nga, Nimfa. Hindi naman tayo sumusuko rito sa ating adbokasiya at makikiusap din tayo sa Malacanang, sa Dept. of Finance, hihingi rin siguro tayo ng meeting para yung sinasabi nilang dapat may kapalit yun. Sa tingin ko, hindi naman totally 1 for 1 ang kapalit. Kumbaga, kung may nakikita man silang may P30B na mawawala, kailangan palitan nila ang P30B. Bakit ko sinasabi yan, Nimfa? Sapagkat kung titignan natin yung koleksyon natin over the years, nag-i-increase talaga sya by at least 15%. Tapos nagpasa pa tayo sa kongreso ng isang landmark measure -- yung sin tax law na isa sa proud achievements ng Aquino administration na lumalaki po ang ating tax collection by P80B. So dun pa lang, lampas na yun dun sa gusto nating reporma sa income tax na ibabalik sa milyun-milyong tax payers, milyun-milyong pamilya. At makikita naman po natin na hindi talaga natin kayang gastusin. In fact, kung ginawa na natin yung reporma last year or this year, halos hindi natin mararamdaman, e, dahil hindi naman nating nagagastos yung pera na nalilikom natin dahil sa tinatawag na absorptive capacity o kapasidad ng mga ahensya na gawin yung mga ganung karaming proyekto.

NR: Kaya nga po may naitala pa po na underspending.

JEA: Opo. Malaki po yung issue sa underspending. Hindi po biro yan, sapagkat yan po ay isang hamon sa isang developing country tulad natin at sa akin kung meron tayong problema sa underspending, e, yan ang isa pang argumento para gawin na ngayon ang income tax reform dahil kung hindi natin kayang gastusin e, masama ring nakaupo lang sa bangko ang pera ng gobyerno, nakaupo lamang sa mga ahensya yung pera at hindi gumagalaw, at mas gagalaw yan dahil mas kayang gastusin ng mga pamilya yan. Ibigay mo yan sa mga pamilya, e, siguradong gagastusin nila -- magagastos nila sa edukasyon, sa bahay, sa pagbili ng health plan, education plan, pagbili ng pagkain, syempre, ilalagay din nila sa bangko, siyempre yung bangko magagamit naman nila yun -- ipapautang nila sa mga negosyante. So yung pera, umiikot po sa ekonomiya at hindi nakatengga sa mga bank accounts ng ating gobyerno. Yun sana, makikiusap tayo na magsa-suggest din tayo ng mga -- siguro measures na puwedeng pang-compensate sa income tax loss. Pero sa sinasabi nilang dapat holistic yung pagtingin natin sa tax reform at dapat maging progressive, dapat maging competitive, dapat maging equitable, yun po ang mga salitang ginamit po ng ating kalihim po ng Dept. of Finance. Yun nga, gusto kong i-zero in din yun. Yung progressive... ano ang ibig sabihin ng progressive po? Ang ibig sabihin nyan, pag malaki ang kita mo, mas malaki ang babayaran mo. E, sa ngayon ho dahil hindi natin binago-- ang ibinabayad po ng isang manager ng isang kumpanya o kaya isang kawani ng gobyerno na hindi naman natin masasabing mayaman ay may parehong porsyento (ng tax) doon sa mga bilyonaryo. Yun ay hindi progresibong tax system. Yun ang gusto nating baguhin. At pangalawa, sinabing hindi equitable ang ating tax system, dapat maging equitable, yun nga ang nakikita natin dahil hindi nga makaangat itong ating tinatawag na mga ekonomista ng mga working classes o middle classes. Yan po dapat ang stable class ng inyong ekonomiya o stable class ng inyong politika sapagkat yan yung ayaw ng gulo, yan yung mga magpapadala ng mga anak nila sa eskwelahan. Yun yung elemento ng establidad ng isang lipunan na gusto nating palakasin at yan yung apat o limang milyong taxpayers na sumusuporta po sa ating imprastraktura, sa ating public schools, sa pagpapagawa ng ating kalsada, e, huwag naman natin silang patayin dito sa ating sistema ng pagbubuwis. Yan ang nangyayari Nimfa, e. Yun namang sinasabing dapat maging competitive tayo. Yun ang ating puntos, e, sapagkat noong mga nakaraang taon, nung pumirma po tayo sa Asean integeration, ibig sabihin dito sa Southeast Asia, papasok tayo sa isang economic grouping tulad ng European Union, kasama ang Indonesia, Singapore, Thailand, Malaysia, Brunei, Laos. Sila, nagbababaan na sila ng buwis, dahil nakikita nila nagkakaroon ng kompetisyon yan within the region, e. Yung mga kumpanya yung magagaling na --

NR: Dahil sa ASEAN integration?

JEA: Opo. Yan po ang tinatawag na Asean integration. Nasa proseso tayo na pumapasok dyan, at tayo lang ang hindi nagbababa ng ating tax rate. Tayo lang sa buong Southeast Asia. Yung Thailand, yung Vietnam, tinitignan nila kung paano nilang maibababa yung kanilang individual and corporate income tax rate. Kasi, alam nila, pag single market kayo, halos isang ekonomiya na yan. HIndi lang ekonomiya ng Pilipinas, hindi lang ekonomiya ng Singapore, kundi ekonomiya ng buong Asean. Puwedeng palipat-lipat ka ng mga trabahador, palipat-lipat ka ng mga kumpanya.So yun ang nakikita po natin na dapat maging competitive po tayo, otherwise, e hirap na nga tayo lumikha ng trabaho, naapektuhan pa yung ating employment situation dahil kapag wala ka namang investors, wala kang magtatayo ng mga negosyo, e wala ring makukuhang trabaho yung ating mga kababayan.

NR: E sir, ang lagi kasing tingin ng gobyerno, e, collect and collect. Kung mas maraming makokolekta, mas mainam po. Kasi po, pag nabawasawan .. ito rin po ang sinasabi ng Malacanang na kapag po bumaba kaysa doon sa desired tax collection po o desired revenue, e, baka daw po bumaba ang credit rating natin, baka tumaas ang interest rate natin, baka maging double digit na ulit yung interest rate.

JEA: Hindi na po siguro dahil hindi po mababa yung credit ratings at bakit ko po sinabi yan? Ang tinitignan po ng credit rating agencies, yung deficit level po natin. Yung deficit level po natin wala pa pong 1% ng GDP. Yung mga ibang bansa 3-4% ng GDP tinatanggap po ng credit rating agencies yun. At saka kung titignan natin, andaming pera po. Kahit po yung mga lokal na bangko andaming pera na puwedeng ipautang sa gobyerno. So, sa akin, may mga goals po kasi ang pamahalaan sa tax effort. Ang gusto nila, umabot tayo ng -- yung ibig sabihin ng tax effort, e, yung mga kinokolektang prosyento ng buwis ay aabot sa halos 16-17% ng ating GDP. Ang GDP naman po natin, yun ang total amount of goods and services -- lahat ng economic activities po dito sa Pilipinas. So, yung tax effort po na hinahabol nila, e, 16-17%, e parang ayaw nilang magalaw yun, maapektuhan. E ang sabi ko, nga, yun ay isang governmental goal, sana magkaroon tayo ng konting pleksibilidad dyan sa field na yan sapagkat at the end of the day, hindi naman makakain ni Juan dela Cruz yung mga tax effort ratio na yun. At yung 3-4 million families ay talagang magbebenepisyo kapag naramadaman po nila yung epekto ng tax reform.

NR: Sir, di ba kealangan pa rin i-improve yung tax collection dahil marami pa ring hindi nasisingil? Ang sintemiyento ko, nakakaltas na yung buwis sa sweldo ko, tapos pag bumili ako sa CDR-King o sa mga stalls sa ilang mall na hindi nag-iisyu ng resibo, so itong mga ito hindi nasisingil?

JEA: Dapat masingilan po 'yun. Dapat humihingi tayo ng resibo sapagkat nalulugi po ang gobyerno kapag hindi po nag iisyu ng resibo yung mga establisimyento at negosyo.

NR: Sir, hindi ba na-identify din po na bilyong piso rin po yung hindi nakokolekta. So kung i-improve po ang tax collection, bawing-bawi yung mawawala man sa gobyerno kapag po naipatupad po itong inyong isinusulong.

JEA: Tama po yung sinasabi ninyo. In fact, para sa ating mga self-employed tulad ng mga abogado, mga professional, mga doktor na alam naman nating malaki ang kinikita dyan -- ang average tax payment ay nasa P25,000 lang po, e. E ang mga katulad po nating mga swelduhan, pangkaraniwang mga empleyado lamang, ang average tax payment po natin ay P55,000. So klaro na dapat mag-zero in yung BIR at DOF doon sa mga professional at self-employed para makita kung ano yung tamang buwis na dapat kolektahin. In fact, yung withholding income, hindi po gobyerno ang kumukolekta ryan,. e. Ang nagko-collect dyan, yung mga employer. So, halos walang ginagawa dyan ang gobyerno. Ang tinitignan na lang niya, e, kung nagre-remit yung mga employer. Ang dapat sana, ang talagang tignan nila, yung businesses, like large taxpayers, large-scale smugglers, at saka yung professionals dahil definitely sabi nga nila halos P200B yung undercollection pagdating sa ating professionals, self-employed at large taxpayers.

NR: Sir, hihintayin po namin yung usad ng inyong panukalang batas na yan. Ito lang po, ang sabi ni Divine ng Cavite, 'kudos to senator Angara for pushing that bill. In my opinion, babalik din naman po sa gobyerno yung tax na matatanggal sa income tax ng tao thru VAT and other forms of taxes,' sabi niya.

JEA: Maraming salamat sa ating kababayan sa Cavite. Ang pilosopiya natin dito ay one step back, two steps forward. Kasi, irereporma natin yan, lalaki rin yung tax base at dadami. Pag ginawa nating mas simple ang tax code, mas maeenggangyong magbayad ng tax yung mga tao. So, nagpapasalamat tayo dun sa kababayan natin na taga-Cavite. Sana nga, yun ang makita ng gobyerno na okay lang naman na steady tayo for one year. Kung hindi masyadong tumaas ang ating koleksyon, pero meron naman tayong naiambag sa kaginhawahan ng ating mga kababayan.

NR: Sir, last point dito sa issue na ito, ano yung inyong signal na nakuha sa Malacanang. Ang alam ko po, pinu-push din ito ni Cong.Quimbo although hindi ko po alam kung parehong-pareho po kayo ng ipinu-push na pagbabago sa income tax brackets pero may headline po kasi nung isang araw sa mga pahayagan na ni-reject na raw po ito ng Kamara.

JEA: Yung pagtataas ng tax bracket, ni-reject ng Kamara? Wala na po tayong magagawa run kung yun po ang -- hindi natin sila mapipilit at nasa taumbayan na lang po siguro yung issue dahil sila ang tumatayong kinatawan ng taumbayan. E nasa kanila na yun. Sila naman ang mananagot sa tao. Tayo, we respect their prerogative as a co-equal branch of the legislature.

NR: Sir, baling lang po ako bigla dun sa Customs. Nag-sorry na si Customs Commissioner Bert Lina over the Balikbayan Box brouhaha. Sir, yung pagso-sorry niya, sapat ba? Ano po ba ang dapat sumunod dito?

JEA: Well, maganda namang nagpakita ng pagpapakumbaba si Commissioner Lina dito sa kanyang pagso-sorry sa OFWs sapagkat ang kanilang pakiramdam ay talagang na-focus sa kanila yung efforts ng BOC sa pagbubukas ng balikbayan box. E, alam naman natin na very emotional issue ito dahil ang pinadadala nila, yun ang pinaghirapan nila. Pero syempre, hindi naman dyan nagtatapos ang usapan, Nimfa. Kailangan, may maging reporma rito sa isyu na ito. LUmalabas, e maganda naman yung meeting namin sa Ways and Means. Unang-una magkakaroon ng 24-hour help desk para sa ating OFWs para hindi naman tumagal yung kanilang mga kagamitan dyan sa BOC dahil kung minsan, kung pagkain yan, masisira yun o kung mahalagang bagay na kailangan nang matanggap ng kanilang mga kapamilya rito sa bansa edi at least, may magandang paraan na. Yun po ang pangako ni Commissioner Lina at nagpapasalamat din tayo sa kanya sapagkat suportado nila itong panukala natin sa Customs modernization na sabi nga nila 1957 yung tinatawag na de minimis o yung -- ano ba yung de minimis? ito yung halaga na puwedeng ipataw sa bawat bumibiyahe sa ibang bansa. at sa ngayon Nimfa, sa maniwala ka't sa hindi, yung de minimis ay P10 -- ibig sabihin pag lumagpas na ng P10, puwede nang buwisan. E siguro lahat naman tayo kung bibili ka ng kendi o tsokolate -- sabi nga natin, e, parang hindi yata tama yun dahil nagkakaroon ng diskresyon yung mga kolektor. Puwede nilang piliin kung sino ang bubuwisan nila dahil lahat puwede nilang lagyan kung tutuusin, e. So, dapat pataasan yun at pangalawa yung halaga ng exemption ng mga bagay na pwedeng iuwi ng ating OFWs o mga tinatawag na returning residents -- e dapat itaas na rin po natin dahil sa ngayon nasa P10,000 o P20,000 -- sabi ng ating mga resource persons, sabi ni commissioner nasa P10,000, sabi ng iba nasa P20,000 yung limit na puwedeng iuwi ng returning OFW. So, sa atin maliit yun dahil yang mga OFW, nagtrabaho nang matagal yan sa ibang bansa kaya syempre, meron silang mga kagamitan na nais nilang iuwi rito, e huwag nating gawing mahirap para sa kanila.

NR: So, ibig sabihin, hindi po enough yung nag-sorry si Commissioner Lina at kailangan hintayin po natin yung ilalabas na pangako niya. Di ba may pangako siya na maglalalabas sila ng bagong patakaran tungkol sa balikbayan boxes?

JEA: Tama po yun, so maganda po yung sorry, pero mas maganda po syempre yung merong kongkretong aksyon dyan. At naniniwala naman po tayo kay Comm. Lina na gagawin naman niya yan.

NR: Pero sir, na-clarify di ba na yung -- nung at least nakaupo po si Comm. Lina, hindi pa nagagamit yung balikbayan box na sisidlan po ng illegal drugs at mga baril kasi yun po yung reason nila, hindi po ba? Pinagsususpetsahan yung balikbayan boxes na gagamitin sa mga pagpupuslit?

JEA: Opo, yan po ang naging rason ni Comm. Lina. Pero sabi nga ni Dep. Comm. Dellosa, wala naman silang mga nakitang baril o droga sa mga balikbayan boxes, although sabi nga ni dating BOC Customs Ruffy Biazon, e, meron daw silang nakitang mga ganito.

NR: So, magkakaroon pa kayo ulit ng mga hearing sir tungkol po rito?

JEA: Palagay ko, kelangan nga po dahil meron po tayong panukala -- yung Customs Modernization na nais nating padaliin po yung pagdaloy po ng kalakalan at sa pagpapadala dito sa ating bansa.

NR: Ayan. With that sir, maraming salamat po sa inyong oras. Thank you sir.

JEA: Maraming-maraming salamat Nimfa.

NR: Salamat po.

News Latest News Feed