Press Release
September 7, 2015

Transcript of interview with Sen. Cynthia Villar

Q: Ano po ang pag-uusapan ninyo ng NP?

Villar: Wala naman, palagi siyang (Sen. Alan) out of town. Hindi namin nakakausap. Gusto niya siguro vice president.

Q: With Mar?

Villar: Hindi nga sure. Kasi if you read the press release wala pang napag-uusapan.

Q: Kasi iyong mga kino-consider na maging ka-tandem ni Mar, lahat hindi available. Si Sen. Alan na lang.

Villar: Bahala siya.

Q: Paano si Sen. Bong Bong?

Villar: Pati ako nalilito na rin.

Q: Pwede ngang mahati ang NP?

Villar: Sabi ko nga free zone pag silang lahat tumakbo. We are hoping na hindi naman pero kapag tumakbo lahat sila, free zone.

Q: Nata-traffic din ba kayo?

Villar: Hindi kasi galing akong Las Pinas. Magaganda ang daan papuntang Las Pinas. Dahil kay Sen. Manny Villar. Ang grabe naman Edsa. Kaya kapag may nagungumbida sa akin na dadaan ng Edsa minsan ninenerbyos na ako. Hindi ko na tinatanggap, idine-delegate ko na lang kay Mark kasi doon naman siya galing sa North. Pero yung mga dito sa Manila, tinatanggap ko yun.

Q: Importante po ba ang infrastructure para ma-address ang traffic problem?

Villar: Hindi ba every day tayo nagko-commute, kung pangit ang infrastructure, everyday na tayong buwisit. Hirap na hirap. It's very important.

Q: Ngayong September may meeting ang NP?

Villar: Wala pa. Wala pa sila.. Supposed to be may meeting kami every two weeks kaya lang kino-confirm pa kung matutuloy.

Q: Kumalas na daw po ang NP sa alliance sa LP para suportahan si Mayor Duterte?

Villar: Wala naman. Kanina naman ang headline si Alan daw ka-tandem ni Mar. I think they are just creating stories. Wala pa talaga.

Q: Ano ang chances na mag-stay ang NP sa coalition with LP?

Villar: Depende kung ano ang gagawin ng 3 naming kandidato. Kung may isa sa kanila pupunta sa LP, free zone kami. Kasi ang mangyayari kung lahat sila kakandidato, kung sino ang sasama sa kanila wala nang party discipline, kanya-kanya na.

Q: Si Cong. Mark, may decision na?

Villar: Wala pa.

News Latest News Feed