Press Release
September 16, 2015

Bam on Income Tax, Drug Smuggling and Resignation of Cabinet Members
(Status Update Radio Show, 16 September 2015)

On Reduction of Income Tax

"Iba-iba po ang aming panukala. Ang panukalang na-file ng aming opisina is the readjustment of tax rate. Bakit readjustment? Kasi ang batas natin sa bracketing sa tax rate ay 1997 pa. Almost 20 years na.

Noong 1997, para umabot sa pinakamataas na tax rate na 32 percent, kailangang nasa 35 to 40 thousand pesos ka. Noong panahong iyon, vice president ng isang kumpanya ang may ganoong suweldo.

Ngayon, makaapat o makalimang taon ka sa call center, kaya mo nang maabot ang ganoong suweldo. Hindi na akma ang tax bracketing. Kaya ang aming panukala, i-re-adjust.

Para sa ating hindi mataas ang kinikita, dapat mababa ang tax rate natin. Pero sa mataas ang kita, hindi na mababago ang tax rate na iyon.

In short, iyong ating middle class at marami sa ating salaried workers, makakaranas ng pagtapyas.

This is our effort na gawing tama ang ating income tax rate. Nakalagay kasi sa ating Constitution, dapat ang ating tax rate ay progressive. Ibig sabihin, kung malaki ang kita mo, malaki ang tax mo. Kung kaunti ang kinikita mo, dapat maliit din ang tax mo. Sumusunod lang tayo sa Constitution.

Constant debate ito mula sa ating government agencies. Nagsabi na rin ang Malakanyang na gusto nila, wala nang bagong tax. But si Secretary Purisima, sabi niya bukas sila sa pag-re-adjust pero may hinihingi lang sila na isa ring batas na magpapalakas sa pagkolekta nila ng tax, ito ang easing the restrictions sa bank secrecy law.

Sabi roon, kailangan kung tax evasion o graft and corruption ang pinag-uusapan, puwede silang sumilip sa bank accounts natin."

On Task Force against Drug Smuggling at Airports

"Sana, hindi ito gawing dahilan para ibuklat ang suitcase ng mga pauwi. Trained ang ating K-9, kaya nila itong maamoy. Kapag tumahol-tahol, doon lang nila dapat buksan."

On Resignation of Cabinet Officials Running in 2016 Elections

"Mukhang maraming mag-re-resign in the next couple of weeks kasi malapit na ang filing of candidacy. Tama lang ang mag-resign. In fact, nanawagan kami a few weeks ago na ang lahat ng tatakbo, dapat bumaba na sa puwesto."

On Resignation of DTI Secretary Domingo

"Si Secretary Greg at ako, partners kami dahil chairman tayo ng Committee on Trade.

Sabi ko sa kanya noong nag-usap kami last week, "Secretary ikaw ang isa sa mga pinaka the best partner ko ever." Kasi ang mga batas namin kadalasan, DTI ang nag-i-implement.

When we passed the Go Negosyo Law last year, ngayon po 90 Negosyo Centers na ang natayo, out of 100 na budgeted.

Based on news reports, pumayag na siyang mag-stay until matapos ang APEC.

Malaking bagay ang APEC, it's a good sign na ang Pilipinas, itong APEC, parang senyales na ready na tayong humarap sa mundo. It's the Philippines' coming out party!"

News Latest News Feed