Press Release
October 5, 2015

SJVEE Ambush Interview Transcipt

On Yolanda hearing today

Q: Ano po ang masasabi ninyo sa mabagal na Yolanda rehabilitation?

SJVE: Gumagalaw naman ang rehabilitation. Pero siguro dapat mabigyan ng impormasyon ang ating mga kababayan na talagang may katagalan ang pag-develop ng isang housing site. Unang una, dahil sa pag-identify ng lupa. Pagka-identify ay kailangan namang i-consolidate ang mga title, yung mga permits, tapos dadalhin mo pa ito sa PAG-ASA para mai-check yung safety kung geologically pwede ito or pasado ito. So it would take time. Kaya ngayon pa lang babawi dahil natapos na ang requirements na iyan. NHA promised to build 45,000 houses this year, by year-end. Ako po balak kong dalawin iyan by December or January para makita natin kasi kapag 40-50,000 na pabahay ang nagawa ay significant na rin ang number na iyon. Kasi iyon ang pangako nila. Pero totoo naman ang sinasabi nila na medyo may kabagalan. Nung una kasi may disconnect eh, yung local government units, lalo na ang Tacloban for example, at ang national government. Alam naman natin na may hidwaan dahil sa pulitika. Pero nakita naman natin doon sa effort sa unang hearing (Senate hearing in Tacloban last November 27, 2014), na kapag pinagsama-sama mo ang concerned agencies at LGUs, umuusad. Kaya nga we have to understand, the government should not allow the political squabble. Sa tingin ko iyon ang dahilan kung bakit ang rehab effort ay naging mabagal sa simula, dahil sa disconnect ng local government at national government.

Q: Pero sir, hindi ba dahil sa pagkuha din ng permit iyon ang naging problema?

SJVE: Well matagal talaga kasi kapag consolidated na, identified na ang lupa, title at mga plano at medyo may katagalan iyan. Kaya lang, kung siguro mapapabilis ng lahat ng mga ahensiya, mas maganda. Kaya tinitignan po natin iyan para lang gumalaw ang lahat ng agencies. Kumbaga para sa atin sa mga ahensiya dito, konting delay lang iyan. Pero sa pang-araw-araw na buhay, it's a struggle for survival for the Yolanda victims. Bagama't iniintindi natin na may katagalan nga ang pagtapos ng pabahay at rehab efforts, kinkailangan pa rin natin i-fasttrack kasi survival ang katumbas nito ng ating mga apektadong kababayan ng Yolanda.

Q: Malaking funding for Yolanda rehab?

SJVE: Medyo may kalakihan nga ang pondo. Pero kung para makatulong ito sa rehabilitation at para makarecover ang ating mga kababayan, iyong funding ay hindi dapat natin isipin. We will provide because it's for their survival. Pangalawa iyong kanilang livelihood. Siguro iyon ang dapat nating pagtulong-tulungan. Pero masasabi natin through the constant monitoring and with the oversight functions of Congress, kahit papaano ay gumagalaw ang mga ahensiya. Sa National Housing Summit, isasama namin ang Yolanda rehab efforts - ang direksyon at pagsisiguro na iyong relocation sites ay di na malalayo. Kumbaga, kung kayang in-city ay in-city na lang para di na madislocate ang ating mga kababayan.

News Latest News Feed