Press Release
October 7, 2015

Transcript of DZRH Interview with Senate President Franklin M. Drilon by Neal Ocampo

Q: Kaya pa po bang tapusin ng Senado ang mga nakabiting panukalang batas ngayong may apat o limang senador na tatakbo sa pagka-bise presidente at may iba pa na sasabak din sa national elections?

SPFMD: Medyo hirap rin, dahil ngayon lang nangyari sa tagal ng aking panunungkulan sa Senado na meron kaming limang kandidato for vice-president at isang kandidato for president. Tapos may dalawa pang nakakulong at isa pang naka-medical leave, kaya medyo hirap kami, ngunit patuloy pa rin.

Kahapon po ay ipinasa namin yung mga panukalang batas ukol sa mga high school sa mga probinsiya na magiging national high schools, at mamayang hapon ay aming ipapasa ang bicameral committee report tungkol dito sa transparency sa mga buwis o sa mga exemptions sa buwis ng mga negosyo. Kaya hirap din, pero pinapatuloy namin ang mga debate sa mga panukalang batas dito sa Senado.

Q: Ano po ang tingin niyo dito sa vice-presidential candidates sa darating na election? Very exciting?

SPFMD: Exciting, of course. Lalo na yung bagong mukha sa larangan ng national politics, ang aming kandidatong si Leni Robredo, ay talagang nakikita natin ang kanyang sincerity. Alam mo she's a fresh name in national politics kaya talagang exciting po.

Q: Sa unang pagkakataon ay ngayon lang nangyari ito na 5 ang vice-presidentiable.

SPFMD: Pero yung presidentiable, tatlo pa lang.

Q: Sa SWS survey, mukhang kayo ang "most satisfied" na official ah.

SPFMD: Ako po ay nagpapasalamat sa pagtitiwala at talagang tayo po ay nagsisikap na maipakita sa ating mga kababayan na patuloy pa rin ang ating trabaho sa Senado upang we can continue to deserve the trust of our people. Talagang mahirap, but hindi po tayo nag-gigive up.

Q: Posible pa rin po bang maisama sa senatorial slate ng LP si dating Chairman Francis Tolentino?

SPFMD: Yaan po ay pinag-uusapan. Siguro ay sa Biyernes ay iaanunsyo ng partido at ni Pangulong Aquino ang slate ng partido. Titingnan na lang natin at iyan ay pinaguusapan.

Q: Pero bilang pagliliwanag, hindi pa miyembro si Chairman Tolentino ng Liberal Party?

SPFMD: Yaan po ang pagrereport sa akin ng partido. Wala pong nakikita sa aming computer files na siya ay miyembro ng Partido Liberal.

Q: Sumisigaw po yung mga pensionado, yung SSS bill na karagdagang P2000 na pension, ano po ang posisyon niyo diyan at ano po ang status niyan sa Senado?

SPFMD: Unang una po ay ibig ko lang liwanagin na si Senator Drilon po ay sumusuporta sa panukalang batas na magkaloob ng dagdag na P2000 pension sa ating mga SSS pensioners. Kahapon lang po ay tayo sumulat kay Senator Villar upang ipahayag na tayo ay walang anumang pagtutol sa nasabing panukalang batas at hindi na po tayo magtatanong at hindi na ako magpopropose ng mga amyenda.

Sa pagkaaalam ko, naguusap po si Senator Ralph Recto bilang co-sponsor ng measure at saka ang mga SSS officials dito sa panukalang batas sa SSS upang makapaghanap at tingnan ang kapakanan ng lahat ng SSS pensioners at members. Uulitin ko lang po, si Senator Drilon po ay sumusuporta dito sa panukalang batas na magkakaloob ng karagdagang P2000 pension sa mga pensioners.

Q: Sana ay maihabol daw ito by Christmas time ng Senado po iyan.

SPFMD: Sisikapin po natin.

Q: Yung 2016 budget ay maipapasa po bago matapos ang taon at yung Bangsamoro Basic Law ay talaga bang malabo na?

SPFMD: Okay, unahin ko yung Bangsamoro Basic Law, malabo nating maipasa ngayong araw na ito o sa buwan ng Oktubre. Ngunit pagdating po ng Nobyembre at pagbalik namin sa sesyon, iyan po ay bibigyan namin ng prayoridad kasama ang national budget.

Ang aming pong time table ay ipapasa natin bago matapos ang taon ang Bangsamoro Basic Law kasama din po yung P3 trillion na 2016 national budget, ay nasa agenda namin pagbalik namin sa November 3. Dahil by that time, we expect na tapos na ang deliberasyon sa House of Representatives at maiaakyat na sa amin. Bago po matapos, kagaya ng nakalipas na limang taon ay atin pong ipapasa ang 2016 budget.

Q: Ang anti-political dynasty bill, malabo na rin po bang maipasa?

SPFMD: Wala pa pong committee report na ating pagdedebatehan sa Senado. Uulitin ko lang po, ako po ay sumusuporta diyan. Wala po akong kamag-anak na elected official-maliban lang sa isang second cousin doon sa amin, si Iloilo Mayor Jed Mabilog, he is my second cousin. Other than that, wala po akong elected official na kamag-anak.

Q: Yung dalawa pong nakakulong na senador, si Revilla at Estrada, pwede po ba silang kumandidato sa 2016 elections?

SPFMD: Pwede po, dahilan sa hindi pa naman sila disqualified, hindi pa sila convicted. They are presumed innocent hanggang po magkaroon ng judgment sa husgado. Yaan po ay nasa ating Saligang Batas.

News Latest News Feed