Press Release
October 15, 2015

Interview with Senator Grace Poe (SGP) and Senator
Francis G. Escudero (FGE) with Ms. Heart Evangelista

TAYAG: Yes, ito na po, totoo na po ito, si Sen. Grace Poe ay naririto na officially. Nag-file na siya ng Certificate of Candidacy, good afternoon ma'am. Ang dami po naming mga audience ngayon.

SGP: Opo, good afternoon Ruby at sa lahat ng nakikinig sa DZMM, magandang hapon po sa inyong lahat.

TAYAG: Ma'am kumpleto na po ba ang ating senatorial lineup, ma'am?

SGP: Kumpleto na po. Ito po ay pormal na iaanunsyo natin sa susunod na linggo. Hinihintay lang po natin, kung hindi ako nagkakamali, dalawa sa kanila na pormal magdedeklara sa kani-kanilang mga distrito bukas so bigyan muna natin sila ng pagkakataon.

TAYAG: Bakit daw po ma'am? Ano po ang dahilan nila kung bakit hindi pa po makapag-decide?

SGP: Hindi, nagdesisyon na sila pero mayroon kasi silang inaayos na selebrasyon at doon nila sasabihin pero hindi lamang iyon. Mas maganda kasi kapag inanunsyo ay sabay-sabay na sila na magkakasama. Subalit iyong mga iba naman doon ay nabanggit na rin sa mga pahayagan kung sinu-sino sila.

TAYAG: Ma'am kanina po nagsabi si Sen. Serge Osmeña na siya daw po ay tatakbo as independent candidate pero doon sa mga nakalipas po na writeup lumilitaw po na kasama po siya sa inyong lineup.

SGP: Opo, alam mo sa totoo lang marami akong natutunan kay Sen. Serge at isa siya sa aking ginagalang at hinahangaan na senador at para sa akin kasi, ang pagbuo ng koalisyon ay hindi lang dapat dahil sa partido. Kung sino ang naniniwala ka makakatulong talaga sa bayan. Para sa amin inclusive, fairness, justice, napakahalaga, hindi divisiveness. Ngayon, bilang isang independent na kandidato, ginagalang ko din ang pananaw ni Sen. Serge dahil siya nga ay isang independent, siya nga ang nagturo sa akin niyan. Kaya bagama't hindi namin siya makakasama, alam ko naman na kapag nandoon siya sa Senado ay pareho rin ang aming adbokasiya para sa ating mga kababayan.

TAYAG: May vitamins po ba kayo particularly na iniinom para maidaos po ninyo ang inyong campaign?

SGP: Alam mo iyan ang pangaral sa akin ng nanay ko palagi. Ang unang-una niyang iniisip ay ang aking kalusugan. Para sa akin, sabi nga nila dapat magdala ng saging palagi kapag nag-iikot for potassium at tubig. Vitamins, sa totoo lang wala pero dapat talaga mayroon.

TAYAG: Marami pong salamat ma'am. Ang dami pong naghihintay sa inyo. Samantala si Sen. Chiz Escudero, makakasama natin si Sen. Chiz Escudero. Kasama niya dito ang kanyang maybahay na si Ms. Heart Evangelista, ma'am magandang hapon po sa inyong lahat, ano po ang magiging support ninyo sa inyong asawa?

EVANGELISTA: Nandito lang ako para sa kanya after ng kanyang tough day. Paglulutuan ko siya ng masarap na pagkain, iyon lang siguro ang magagawa ko para sa kanya. Ayan na, teka, siya muna ang interviewhin mo.

TAYAG: Sen. Chiz Escudero totoo na po ito, ito na po talaga. Senator, just in case na kayo po ang mananalong vice president ano po ang posisyon na gusto ninyong makamit?

FGE: Hindi para sa akin na sabihin, hindi para sa akin na idikta iyon. Nandito ako para tulungan at gampanan ang papel na marapat gampanan sa isang panguluan sa ilalim ni Sen. Grace Poe.

TAYAG: So ang (inaudible) ninyo pong susundan ay parang Housing sir? Housing department (inaudible)?

FGE: Ulitin ko, hindi para sa akin ang magdikta o sabihin.

TAYAG: Sir, kailan po kayo mag-iikot?

FGE: Nagsisimula naman na kaming mag-ikot, lalo na habang recess dahil kapag tapos na iyong recess, kailangan namin muling magtrabaho sa Senado.

TAYAG: Sir, babalik pa po ba kayo sa Senate come November?

FGE: Oo, may trabaho pa kaming gagampanan doon at ako rin mismo may trabaho pang gagampanan at dapat tapusin sa komiteng pinangungunahan ko.

TAYAG: Kanina po natanong namin iyong tungkol sa health issue kay Sen. Poe para mairaos ninyo po itong kampanyang ito, may vitamins po ba kayong iniinom? Mahaba-habang laban po ito.

FGE: Hindi, kaya pa naman at saka regular naman iyong check-up ko palagi kada taon at okay naman so far.

TAYAG: Lagi ninyo pong makakasama si Ms. Heart Evangelista?

FGE: Hindi, nagkataon lang wala siyang taping ngayon pero kung saka-sakaling bakante siya, bakit hindi? Pero ang kasunduan namin priority iyong trabaho niya at kung libre lang doon lang siguro siya makakasama.

TAYAG: Sir, pwede ninyo po bang i-confirm iyong 12 senatorial candidates po ninyo?

FGE: Next week pa yata ia-announce ni Sen. Grace kasi may ilan pang kandidatong hindi pa pormal na nagdedeklara. Ayaw naman namin silang pangunahan so pagkatapos nilang gawin iyon, doon na namin iaanunsyo iyong buong slate. Siguro sa darating na linggo.

TAYAG: Sen. Chiz, maraming-maraming salamat po sa pagpapaunlak ninyo sa DZMM.

FGE: Salamat din po, magandang hapon.

News Latest News Feed