Press Release
October 23, 2015

Speech of Senator Francis 'Chiz' Escudero during Atty. Lorna Kapunan's Declaration to Run as Senator

Salamat, alam ninyo makailang ulit ko nang napanood at nakita si Atty. Lorna sa loob ng korte, sa isang forum at sa rally ,ngayon ko lang po siya nakitang kinabahan at kabado habang nagsasalita sa ating pong lahat partikular, nais ko pong banggitin (inaudible) sa lahat ng bumubuo ng Aksyon (inaudible) at sa lahat po ng nandirito ngayon.

Kay Senator Grace at si Atty. Lorna, isang maganda at pinagpalang gabi sa inyo. Mula sa malayo kong kinakalagyan, hinangaan ko na po si Atty. Lorna dahil sa kanyang tapang, dahil sa kanyang talino at dahil sa kanyang paninindgan at dahil sa hindi siya marunong umatras sa anumang laban. Maganda rin ho ang kalooban niya.

Napili po namin siya ni Senator Grace dahil sa mga katangiang iyan. Dahil sa mga katangiang iyan ang rason din kung bakit marapat at karapat-dapat suportahan nating lahat ang kanyang mithiin, ang kanyang layunin, ang kanyang pangarap. Upang maging miyembro ng Senado sa darating na halalan at sa darating na taon.

Hiling at dalangin ko, pangarap mang maituturing, sabi nga ni Jimmy kanina, pangarap mang maituturing, alalahanin natin, lahat ng bagay nagsisimula sa munting pangarap. At hindi po magiging katotohanan at realidad iyan kung hindi po natin sama-sama at sabay-sabay na pagtutulungan.

Dahil kahit gaano katapang, kahit gaano katalino si Atty. Lorna, kung wala po kayo, hindi po niya mararating ang kanyang kasalukuyan at haharaping karoroonan bilang miyembro ng Senado sa 2016. Hindi ko po ito gaanong papahabain, nais ko lamang pong sabihin na sa hinaharap na panahon, excited po kami ni Sen. Grace na makasama at makapiling si Atty. Lorna sa kampanya para makita namin iyong kakaibang bahagi at kakaibang galaw at pag-uugali ni Atty. Lorna sa labas ng napakatapang naming nakikita na Atty. Lorna sa loob ng korte, sa forum at anumang interview.

Sana, Atty. Lorna, makita at mamasdan ng ating mga kababayan ang inyong talino, ang inyong tapang, ang inyong pagmamalasakit at pagmamahal sa ating bayan sa mga susunod na araw, linggo at buwan. Sa muli po, maraming salamat at taos-pusong pagbati sa inyong lahat. Thank you, have a good evening.

News Latest News Feed