Press Release
October 26, 2015

Senator Francis 'Chiz' Escudero's Press Conference
FULL TRANSCRIPT
VENUE: Cucina Ni Bunso Restaurant - Quezon City

QUESTION: Kumusta po yung nagging pagkikita niyo ni VP?

FGE: Wala, na masarap yung pagkain. Naimbitahan kami nung may-ari ng lugar, bagong bukas at nagkita kami doon. Pero hindi totoo yung account ng Star na may private room at lahat, hindi totoo 'yun. Walang ganun. Parang ganito yung kwarto. Lahat nandoon at kumain lamang ako ng tanghalian doon. Nauna na silang kumain kasi.

QUESTION: Sir, ano'ng reaction ni Sen. Grace?

FGE: Wala. Napag-usapan na namin kahapon yun, kasama ng ibang pinag-uusapan namin. Wala naman. Dahil sa kurso ng campaign at pre-campaign, magkikita at magkikita naman talaga ang mga kandidato kapag naimbitahan sila sa pare-parehong lugar. At hindi naman rason yun para gamitin at gawing issue ninuman.

QUESTION: Ano lang sir yung exchange ninyo?

FGE: Wala. Kumain ka na? Oo tapos na. Kakain ako ha. Ganun, as in...masarap yung sinampalukan. Ganun, bakit yung kare-kare ngayon lang nilabas kanina wala yan. Hindi ako nagbibiro.

QUESTION: Pero sir hindi awkward?

FGE: Hindi naman kasi pampublikong lugar yun at wala naman kaming pinag-awayan. Hindi lang kami magkakampi ngayon pero wala kaming pinag-awayan.

QUESTION: Sir bakit biglang ganun knowing that he got your support nung last elections tapos parang...?

FGE: Bigla ba? 2013 pa yun.

QUESTION: I mean ba't ganun yung treatment niyo sa isa't isa?

FGE: Hindi naman kami nagkikita eh, in fact huli kaming nagkita sa isang okasyon din. Birthday yata ni Tita Midz 'yun. Yun yung huli naming pagkakikita rin.

QUESTION: Sir when you were invited alam mong nandoon na siya?

FGE: Oo.

QUESTION: Hindi pa kayo nailang?

FGE: Hindi naman siguro rason yun para lumiit ang mundo mo dahil may katunggali kang kandidato, o kakamping kandidato, hindi ka na pupunta sa isang lugar. Kung magkasabay kayo ng flight, biglang iiwas ka na ng flight? Hindi naman siguro ganun dapat yun. Kapag nalaman mong nandoon yung isa, papa-rebook ka? Hindi naman. Mahirap naman yun. Liliit yung mundo mo kapag ganun.

QUESTION: Sir ano'ng masasabi ninyo na in social media, there are some that are making it look like you're it's a betrayal to Sen. Poe?

FGE: Kasama na siguro yan. Nanggagaling yan sa mga grupong nais kaming paghiwalayin ni Sen. Grace, pero sa totoo lang sa lahat ng tambalan, kami siguro ni Sen. Grace ang may pinakamahabang pinagsamahan. Pinakamatagal na nagsama at magkakilala kung para sa ibang mga tandem. At kung may isyu mang ididikit diyan siguro mas didikit yan sa ibang tambalan na kulang o hindi naman gaanong kalapit yung kanilang relasyon o pinanggagalingan.

QUESTION: Sir si former Congressma Floirendo wala naman siyang ni-raise na topic, di ba he's trying to patch things with you?

FGE: Hindi totoo yun, ni hindi nga kami nagkausap. Sinabi lang niya na masaya ako at nandito kayong lahat. In fact sabi niya rin sa akin, na kung nandoon din nga si Sen. Grace ay iimbitihan niya rin doon dahil lahat naman kami kaibigan niya. At hindi naman rason yung pagkakatakbo namin sa iba't ibang pwesto, magkakatunggali kami sa iba't ibang posisyon, hindi naman rason yun para maging kagalit niya o kabati, kaibigan at hindi na ang sinumang tumatakbo.

QUESTION: Pero sir yung pagsasama ninyo, does that mean he'll stop attacking you or you'll stop attacking him, ceasefire??

FGE: Walang pinag-usapang ganoon. Palagi naman kapag tama, tama. Kapag mali, mali para sa akin. At hindi naman ako yung pangunahing gumagawa niyan.

QUESTION: May pinag-usapan kayong political?

FGE: Wala, pagkain nga lang eh, alam mo yung saktong conversation? Good afternoon, kumain ka na ba? Tapos na, ako kakain, hindi pa ako kumakain, o bakit may kare-kare ka kami wala, o bakit may sinampalukan ka kami wala, o yan tikman mo yang tenga masarap yan. Ganun, nakausap ko dahil kaibigan ko naman si Rey Langit nandoon din, nakausap ko si Rey, nakilala ko din si Princess Jacel, nagkausap kami ng kaunti ni Atty. Quicho dahil pareho kaming abogado.

QUESTION: Wala pong dapat ikabahala si Senator Poe?

FGE: Wala.

QUESTION: Sir, hindi siya nagtanong?

FGE: Nagtanong at kinuwento ko din naman sa kanya, kasi lumabas din naman sa balita at hindi din naman namin tinago. Wala na talagang isyu at kwento ano? Iyon na lang talaga?

QUESTION: Meron pa sir...

FGE: Ano? Hindi siya secret meeting.

QUESTION: Sir sa senatoriables?

FGE: Sa Huwebes yata naka set yung pag-anunsiyo ni Senator Poe sa senatorial slate namin, iyon yung napiling petsa dahil yun yung pinaka-convenient at available yung lahat na makapag-attend dahil siyempre may kanya-kanya na ding schedules.

QUESTION: Kumpleto sila sir? Lahat nag-commit?

FGE: Karamihan sa pagkakaalam ko, hindi man lahat. Kasi hindi din ako ang naghahandle nun, iaanunsyo din iyon ng maghahandle ng Senate slate at yung mga personalidad na bubuo ng Senate slate namin ni Senator Grace.

QUESTION: 12 sir? You're expecting 12 including guest candidates?

FGE: Ayokong pangunahan si Senator Grace, ilang araw na lang din naman, hayaan natin siya ang mag-anunsyo.

QUESTION: Thursday na sir?

FGE: Wala pa, wala pa bang media advisory? Magkakaroon.

QUESTION: Lumabas na yata sa Rappler yung 12 sir?

FGE: Kung anuman yung lumabas hindi pa final iyon at wala pang pinaghuhugatan iyon dahil sa totoo lang, naisa-pinal pa lang yata ilang araw pa lamang ang nakakalipas yung mga naunang listahan na lumabas, hindi ko alam kung saan nanggaling iyon.

QUESTION: Si Isko Moreno sir?

FGE: Dahil napuntahan namin iyon. Alangan namang hindi pa, ikaw naman. Mahirap naman yatang gawin iyon.

QUESTION: SI Senator Sotto sir?

FGE: Wala pa akong nakikitang dahilan pero sa paisa-isang tanong na iiyan mabubuo na natin yung dose, hintayin na lang natin sa Huwebes, hayaan nating si Senator Grace mag-mention. Yung mga paisa-isa, tatlo lang naging apat, mamaya niyan walo na eh.

QUESTION: Sir kung ide-describe ninyo lung yung slate ninyo, yung combination of... ano yung irerepresent nila?

FGE: Si Senator Grace ang nagpasya at namili, ang ilan ay pinag-usapan namin at sa kanyang talumpati marahil nitong darating na Huwebes, ay doon niya ilalahad ang rason o dahilan kung bakit nabilang at naging kabilang ang bawat isa at yung kinakatawan ng bawat isa sa aming senatorial slate. Inuulit ko, ayokong pangunahan si Senator Poe sa bagay na iyan.

QUESTION: So talagang napagkasunduan ninyo na siya lang yung pipili, wala kayong say as VP?

FGE: Siya lang naman talaga eh, madalas naman, urban legend na siguro iyan na hindi siya nagpapasya, sa totoo lang insulto hindi sa akin kundi sa kanya yung mga nagsasabing hindi siya ang nagpapasya at nagdedesiyon sa mga bagay-bagay. Mula't mula, noon pa man, sumasagot lamang ako kapag tinatanong ako at nagbibigay ng opinyon kapag hinihiling, hindi ko ugali ang pangunahan ang sinuman.

QUESTION: Sir sa lower income tax? Can you clarify yung status kasi yung admin parang nag-soften yung stance.

FGE: Kung eleksyon man ang dahilan nila, kung pulitika man ang dahilan nila wala na sa akin iyon, ang importante maibigay natin sa ating mga kababayan dahil ito naman talaga naman ang panawagan ng panahon at kailangan natin sa ngayon. Hindi rin ito pamumulitika. Kung hindi pamumulitika ang pagpayag nila, huwag din nila tawaging pamumulitika ang pagtulak namin nito dahil Pilipinas na ang isa sa may pinakamataas na buwis na binabayaran sa buong mundo. Sa buong Asya, tayo naman ang isa sa pinakamataas din kung hindi pinakamataas. Panahon na para i-review, pag-aralan muli, at tingnan kung paano maiibsan ang binabalikat ng ating mga kababayan kaugnay ng buwis na binabayaran natin. Pagtrabahuin naman natin ng kaunti ang BIR at hindi yung madaling kwento na lamang na palaging yung mababait na nagbabayad ang pinagbabayad nila at mas mataas na buwis pati. Dapat kung babaan man iyan, magtrabaho ang BIR nang lumaki ang tax base at lumawak ang tax base. At yung mga dating hindi nagbabayad ay mapasok sa tax net, 'ika nga, ng BIR. Dagdag pa dito, hindi totoo yung mga sinasabi nilang may mga programa ng gobyernong tatamaan. Ang halaga na mawawala sa gobyerno ay humigit-kumulang tatlumpung (30) bilyon lamang ayon sa estimate ng Department of Finance kung irere-bracket natin yung income tax. Yun lang naman yung unang hakbang sa pagpapababa eh. Mahaba pang kwento ito. Maliban sa pagpapa-rebracket, mayroon ding pagpapababa ng tax rate at pagsimplify ng tax system natin. Unang hakbang pa lang ito at ang halaga nito'y P30 billion lamang. Paano nila sasabihin na may programang tatamaan samantalang ang kabuuang underspending ng pamahalaan mula noong 2011 ay nasa P623 billion na. Ito'y wala pang limang porsyento ng 6P23 billion. Last year alone, ang underspending ng pamahalaan ay nasa 303 billion. Wala pang 10 porsyento ito ng underspending para sa isang taon lamang. So hindi totoo na may matatamaang programa at proyekto ng pamahalaan kung gagawin natin ito. Kung tutuusin natin ang binabayarang buwis natin, humigit-kumulang katumbas ng sweldo para sa tatlong buwan sa loob ng isang taon. So kumbaga kung nagtatrabaho tayo ng mula Lunes hanggang Disyembre - Enero hanggang Disyembre, yung sweldo natin mula January hanggang March napupunta lang ho iyon sa pagbayad ng buwis. Ang totoong napupunta lamang sa atin ay yung kikitain natin mula Abril o yung suweldo natin mula Abril hanggang Disyembre. Ganoon kalaki yung tax.

QUESTION: Umusad kaya kapag bumaba si PNoy?

FGE: Kung ang BBL nga umaasa pa silang mapapasa, ito pa kaya eh mas maraming may gusto rito kaysa iyon.

QUESTION: Sir, do you have a timetable? Kaya pa kaya?

FGE: I think, yung basis is the call of Speaker Belmonte and Senate President Drillon. Ang hindi ko maintindihan, bakit pa kailangan magpaalam ang Speaker at Senate President bago sila may gawin? Hindi ba't magkahiwalay ang trabaho namin? Hindi ba't may separation of powers? Hindi ba't co-equal branches of government? Bakit kailangan magpaalam bago may gawin kami sa Kongreso? Hindi ba dapat may check and balance nga? Gagawin namin dapat kung ano ang tingin naming tama at dapat at pagpapasyahan ng pangulo kung pipirmahan ba niya or yung dito niya or maganda yung nag-uusap at hinihingi ang opinyon ng bawat isa kaya nga may, pero hindi rin naman siguro dahilan na huwag gawin ang isang bagay dahil ayaw ng administrasyon kung gusto naman ng Kongreso dahil magkahiwalay naman po kami.

QUESTION: Hindi ba masasayang ang efforts kung ive-veto lang sir?

FGE: Humigit-kumulang dalawampu (20) na yata ang bill na vineto ni Pangulong Aquino na ipinasa ng Kongreso na hindi kasing halaga ng panukalang batas na ito. Wala akong nakikitang dahilan kung bakit hindi ito pagpapaguran ng Kongreso kung ito naman ang kailangan at hinihiling ng ating mga kababayan. Nagawa at nangyari naman na ito noon. Na-veto na rin ni Pangulong Aquino ang ilang panukalang batas na ipinasa ng Kongreso. Pero ganoon naman talaga dapat yun eh. Hindi naman talaga dapat nagkokontiyabahan ang executive, legislative at judiciary, "kapag ayaw ng isa biglang hindi na namin gagawin". Hindi rason iyon para hindi namin gawin ang isang bagay. Kung naniniwala talaga si Speaker Belmonte at Senate President Drilon dito. Sana pangunahan nila ang pagpasa nito sa magkabilang Kamara at hayaan natin ang pangulo na magpasya at magdesisyon naman kung ano ang gagawin niya rito. Tatlo naman ang option niya, sign it into law, let it lapse into law, or i-veto niya yung panukala.

QUESTION: Sir, yung INC?

FGE: What about?

QUESTION: Sa mga lumalabas na may case na. Lumalabas na may reason talaga to investigate the INC.

FGE: Bawat reklamo ninuman lalo na kung isinampa sa husgado o sa DOJ, dapat naman talaga tumakbo iyon and let it take its ordinary and regular course. Nasa DOJ, nasa kamay ng DOJ ang pagpapasya kung may sapat bang ebidensiya para maghain ng kaso laban kaninuman. Sa kabilang banda, siyempre may karapatan din sa due process ang sinumang maaakusahan at may karapatan din silang ihayag ang kanilang mga opinyon, pabor o kontra sa ginagawa ng pamahalaan. Sa isang demokrasya dapat binabalanse natin palagi ang karapatan ng biktima sa kabilang banda, may karapatan ang inaakusahan, sa kabilang banda, partikular yung right nila to due process at dapat sabay din nating hinahabol at hinahanap, hustisya sa kabilang banda at paggalang sa mga karapatan natin sa ilalim ng Saligang Batas at sa isang demokrasya.

QUESTION: Kung may ganitong allegations, hindi po papasok yung sinasabi ng iba na separation of church and the state?

FGE: Depende. Hindi ko pa naman kasi nababasa yung alegasyon at akusasyon laban ba kanino? Laban ba sa ilan? Depende siguro sa maisasampang kaso. Wala pa naman kasing kasong nagsasampa. Reklamo pa lang ang nababasa o napapakinggan natin o napapanuod natin sa social media.

QUESTION: Sir totoo bang nagpapa-investigate ang kampo nila Senator Grace kung sino yung behind the filing of citizenship?

FGE: Sa pagkakaalam ko, in-assign at tinalaga ni Senator Grace sa kanyang mga abugado ang pag-alam sa abot ng kanilang makakaya kung sino ang nasa likod nito. Siyempre, priority pa rin nila ang pag-handle ng kaso at pagtanggol kay Senator Grace. Pangalawa lamang siguro yun sa hiniling niya kung maaaring malaman at gawin nila. Wala naman kaming ISAFP o NBI para hilingin yan.

QUESTION: Kung sakaling malaman ninyo sir? Ano'ng plano niyong gawin?

FGE: Tama lamang na maihayag at malaman ng publiko lalo na kung may sapat na katibayan para patunayan yun.

QUESTION: So kung politically motivated...?

FGE: Kasabay yun ng pangkalahatang kaalaman ng mga kaganapan at nagaganap at kung bakit ginagawa ang mga partikular na mga bagay.

QUESTION: Friday yata nag-deny na si Sec. Mar na walang mate-trace sa kanya...?

FGE: Wala pa naman kaming right na akusasyon laban sa kanya. Wala pa namang dahilan sa ngayon para itanggi niya iyon.

QUESTION: So kahit suspetsiya wala po?

FGE: Ayokong pangunahan yung ginagawang trabaho ng mga abugado at ayoko ring magbitaw ng salita nang walang sapat na katibayan.

QUESTION: Sir, ano'ng progress ng investigation?

FGE: Hindi ko alam eh. Hindi ako tumututok sa ginagawa nilang iyon. Iyong kaso namang sinampa laban kay Grace apat pa lang. Hindi pa nadagdagan.

QUESTION: Lahat sir?

FGE: No, no, no. Sa Comelec.

QUESTION: Apat sir.

FGE: Apat. Apat na.

QUESTION: Hindi kasama yung...?

FGE: Hindi. Hindi kasama yun. Sa...

QUESTION: Tatad...

FGE: Si David, Si Elamparo, Si Tatad, Contreras. Hindi pa nadagdagan? Apat pa lang?

QUESTION: Ilan ba sir yung bilang ninyo?

FGE: 25 days yun eh from last day of filing.

QUESTION: So mayroon pa?

FGE: Malay natin. Mahaba-haba pa.

QUESTION: Sir kasi may issue na extension kasi na ano... hindi ba ganun ka-importante yung DNA results na ano nila? Kasi hinihingi...

FGE: Hindi. Nagsabi kasi ang SET na magdedesisyon daw sila ng November 3 or November 4 yata. So humiling ng panahon iyong abugado para kung talagang nanaisin at kakailangan talaga nila iyon, kaunting panahon pa para maisumite. Positibo man o negatibo yung DNA test. Kasi yung DNA test naman talagang ginawa at gagawin talaga ni Senator Grace iyan maski na walang kaso. Sino ba naman ang foundling na ayaw malaman kung sino ang kanyang mga tunay na magulang? O at least sa kanyang mga magulang. So talagang gagawin niya iyon at gagawin talaga niya iyan para sa sarili niya. Siguro bonus na lang o karagdaragan na lamang yung posibleng maging benepisyo nito sa kanyang kaso. Pero kung mapatunayan na hindi iyon yung inaakala nilang mga magulang, wala akong nakikitang rason para maapektuhan yung kaso niya, one way or the other. Ibig sabihin lamang noon, hanggang ngayon hindi pa rin alam at nalalaman kung sino ang tunay niyang mga magulang.

QUESTION: Pero hindi dapat mag-decide based on ano? Kasi parang kung hindi man nila ma-submit, magde-decide na lang sila based doon sa submission of evidence?

FGE: Nananatili pa rin yung aming paninindigan at posisyon sa isyung iyan. Na doon sa nagsasabing hindi siya Pilipino at dapat magpatunay kung ano ang nationality. Hindi naman siya pwedeng maging stateless. Pangalawa, kung sinasabi nilang hindi siya natural-born o naturalized siya, hanggang ngayon hindi pa rin nila ipinapakita yung desisyon ng korte o yung Republic Act o PD na ipinasa ng Kongreso na nagsasabing, may batas at desisyon ang Korteng ginawa siyang Pilipino. Yun lamang kasi yung dalawang pamamaraan para maging naturalized ang isang tao. There is only two ways to naturalized, either a court decision or Congress passes a law. So if they say she is naturalized then they should present either one of the two. Hindi pwedeng legal theory yung pagiging naturalized. Dalawa lang kasi yung paraan niyon. If you're not naturalized, you are natural born.

QUESTION: Sir kapag positve yung DNA, makakaapekto pa rin sa SET yung isyu kung naturalized o natural born?

FGE: Definitely, kung positive iyon at Pilipino yung isa sa mga magulang niya, settled na iyon na natural born siya. Hindi na natin kailangan pasukan yung mga teorya pa ng International Law, ng Generally Accepted Principles of International Law, ng Treaty or Convention on Statelessness, iyon na iyon. Pero kung hindi, ang mag-aapply pa rin naman yung iyon.

QUESTION: Sir, issue on whether a foundling is natural born?

FGE: Sana mapagdesisyunan ng SET iyon kahit na DNA na, kahit na positibo pa yung DNA, sana mag-rule pa rin sila para mag-apply ito sa lahat. Sinabi na rin ni Senator Grace ito'y hindi lamang laban niya, laban din ito ng lahat ng daang libong Pilipino na ang kalagayan ay tulad niya na hindi alam kung sino ang mga magulang. So it will still serve a useful purpose.

QUESTION: Sir, kapag may magma-match kumbinsido kayo sa DNA?

FGE: Hindi ko alam kasi hindi ko kilala kung sino. Pinanatiling pribado ni Senator Grace yung mga tao na pumayag magpa-test. Diumano ay baka may kinalaman sa pagkakapanganak o kapanganakan niya, so hindi ko malaman kung ano yung tsansa. Pero gaya ng sabi ko, positive man iyon o hindi, ang mas malaking bagay na ito ay para malaman ni Senator Grace, sino ba naman ang may ayaw, kung sino yung magulang niya.

QUESTION: Sir, may sinabi yung isang political analyst na yung mga disqualification cases, eventually sa SC eh, sana yung decision na lang is let the people decide?

FGE: Nasulat iyon sa kaso ni FPJ noong 2004. Isa sa mga opinyong sinulat doon sabi ng isang mahistrado, paraphrase "We should not live to the unelected members of this court. The power and right to decide who the next president will be. That decision is best left to the sovereign Filipino people," nakapaloob iyon sa decision sa kaso ni FPJ na binabanggit ng Korte Suprema noong 2004.

QUESTION: Pwedeng ganun sir?

FGE: Well, bahagi ng precedent iyon at maaaring maging basehan iyon ng korte sa magiging pasya niya, maaari.

QUESTION: Sino na raw po iboboto ni babe as a president? Tumakbo na ang Ninang Miriam.

FGE: Anu-ano?

QUESTION: Sabi po ni ninang Miriam. (laughs)

FGE: (laughs) Eh di tanungin ninyo siya. Sinagot na iyan nung nag-file kami sa Comelec. Siya ang tanungin niyo ulit.

QUESTION: (Laughs)

FGE: Ako na naman ang naging tagapagsalita ng asawa ko, hayaan mo na. Siya na nga yung palaging nagsasalita sa bahay, ako pa rin ang magsasalita para sa kanya, tama na. (laughs)

QUESTION: May meet and greet si Sen. Miriam mamaya ah.

FGE: Saan?

QUESTION: Sa UP sir...

FGE: Matutuloy na? Na-postponed nga pala iyon last week.

News Latest News Feed