Press Release
November 9, 2015

SEN. GRACE POE AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT

Question: On escalators and elevators for December?

Sen. Grace Poe: Lahat, puro rehabilitation lang at saka mga dose lang ata ng mga escalators ang matatapos ng Disyembre. Yung karamihan noon, mga within the next quarter pa.

Q: Ma'am, ano yung paliwanag bakit mayroong December, mayroong pang-next year?

Poe: Dalawang kompanya iyan. Yung isa, Mitsubishi, yung isa Schindler. Pero parehong rehabilitation, hindi pagbabago. Hindi overhaul yun.

Q: May pagkukulang ba talaga ang DOTC o nakatali lang sila dahil sa procurement?

Poe: Sa tingin ko, patong-patong na kasi, alam mo yung iba, common sense lang. Para sa akin, yung procurement laws--oo nakakapigil sa mga ibang mga kontrata na mas bilisan, pero sinasabi nila na magaling daw ang procurement laws natin dahil mas nababawasan ang korapsyon at ang inefficiency. Pero tingnan mo naman ang nangyari, diba? Dahil dun sa maintenance contract na kinuha nila, naging balakid pa nga sa pagaayos ng ating mga trains. So hindi na natin masasabi na, may procurement law nga tayo pero minadali rin nila yung emergency contract, nagkaroon ng emergency para diyan.

Q: Ma'am, would you say na malaking source ng problema ay ang hindi pagpili sa Sumitomo bilang maintenance provider?

Poe: Sa tingin ko, isa iyan sa nagiging ugat ng problema na ito. Sa isang kompanya na nakajoint venture sa isang kompanya, pero wala naman talagang reputasyon ang mismong kompanya na mamamahala sa maintenance. So doon nag-umpisa yung malaking problema. Parang sasakyan iyan. Pag hindi mo ginagawa ang tamang oil change, susunod-sunod na ang pagkasira ng makina nito.

Q: On Sec. Abaya's reason to opt for a cheaper choice, because Sumitomo's proposal was too expensive?

Poe: Tingnan mo sa kanilang desisyon na iyon. Sabi ko nga, "Tinatayuan ninyo ba yan." Eh yun daw ang procurement law. Eh alam nila na naging failure ang pagkuha nila noon. Sa maling pagtitipid. Kasi ngayon, patong-patong na ang aberya at mas malaking problema na ang ating kinakaharap. Hindi pa natin binibilang doon yung nagiging hirap sa ating mga kababayan at iyong dagdag sa kanilang oras ng pagbi-biyahe. Ang gusto ko ring linawin, ano, itong Dalian Train na dineliver dito, dapat ito, dineliver na kasabay ng makina. Pero dahil nga may ibang dahilan, magkahiwalay pa, hindi pa natin mate-test sa ating mga tracks, dahil dito sa kontrata, dapat 60 km/h. Yung maaccomodate lang ng ating mga riles ay hanggang 40 km/h. Hangga't hindi pinapalitan yung mga sirang riles, hindi natin matetest yung prototype na idedeliver dito. Kaya, nakakalungkot mang isipin, pero yung pinapangako nila na by next year matetest na natin ang mga prototype, pero hangga't hindi pinapalitan ang mga riles na sira, hindi din natin matetest. So hindi pa rin tayo makakaorder.

Q: Should Sec. Abaya resign?

Poe: Matagal ko nang iniisip 'to. Masakit man at hindi lang naman ako ang dapat masunod dito, pero para sa akin, talagang napakaraming hindi nagampanan na trabaho at talagang pinabayaan lamang. Pero minsan kasi, mayroon nga tayong proseso, pero meron din tayong sinasabi na maging proactive naman tayo. Mismong inspeksyunin natin--may mga tanong tayo na hindi sila nakakasiguro sa sagot. Kung talagang tinututukan nila, halimbawa na lang, sino ba yung mga nagbi-bid ngayon? Sabi niya, hindi daw iyon sa kanyang komite. Pero, actively, kinakailangan alam mo yung mga deadlines, kung kalian idedeliver yung isang bagay. Kung talagang gusto mong matapos iyan, bilang isang kalihim, dapat nasasaulo mo na kung kalian dapat i-deliver ang mga bagay-bagay. Eh ito, parang nagtatanungan pa sila. At hindi pa niya alam yung mga ibang circumstances kung bakit nadedelay.

Q: So ma'am, resign na?

Poe: Ako sa tingin ko, we deserve a better DOTC Secretary. Perhaps, Sec. Abaya is very intelligent, matalino siya, pero sa tingin ko ang kailangan natin hindi lamang may kakayanan, kailangan ay yung tinututukan yung proyekto para makadeliver on time.

Q: So should he resign, especially due to the gravity of mishaps that happened in his term, from the MRT to the Tanim Bala incidents?

Poe: Maraming nagsasabi na maikli nalang ang panahon niya, baka magkagulo pa kapag nagresign, isa iyang konsiderasyon. Sinong pwedeng ipalit sa kanya ngayon. Siguro isang tao talaga na nakakaalam, na may experience na sa DOTC. Pero para sabihin na tiisin nalang dahil ilang buwan ang natitira, para bang sinasabi natin na...diba? Siyempre, dapat din may pananagutan. Pero, hindi pa naman ito ang huli. Magkakaroon pa tayo ng hearing. Kasi nga, yung delivery pa rin ng train, alalahanin natin, na hanggang ngayon, wala pa ring makina yung nandiyan, kaya hindi pa rin magagamit. At hanggang ngayon, lagpas tatlong buwan ang paggawa ng isang CR lamang. Ganiyan katagal. At aabutin ng ilang buwan para lang mag-ayos ng escalator. So kung dun lang, kung may kumpanya kang pribado, isa na yang kondisyon para akuin mo ang responsibilidad at sabihin mo--meron pa sigurong ibang mga ideya para mas mapabilis ang proseso. Dahil ang pinakakawawa dito ay ang mga pasahero.

Q: Kailan po talaga mapapakinabangan ang mga bagong ito?

Poe: Hindi malalaman. Kasi, yung delivery palang ng prototype, magagawa palang iyan ng December, pero pagdating ng December, hindi pa rin nila pwedeng i-test natin, dahil kailangan pang palitan ang mga riles na yun. Kailan papalitan? Hindi pa alam dahil kailangan pang aprubahan ng DOST ang chemical component di-umano ng mga tracks at riles.

Q: Reaction on newly-filed DQ case.

Poe: Sabi nga nila yung kaso, sana daw yung ating mga load sa telepono ay parang mga kaso. Unli. Pero, pare-pareho naman yung mga claims nila. Si Dean Amado, opinion niya iyon, pwede niyang isampa iyon, pero marami rin sa ating lipunan ang pwede niyang bigyan ng pansin. Ito naman ay hindi nakakaagrabyado sa iba. Siguro iniisip nila, principle, pero haharapin ko naman iyan. Kahit na bukas. So magsampa sila ng kaso. Gusto ko ring malaman yung opinion nila sa ibang isyu. Katulad ng overpricing. O di kaya problema sa MRT. Magaling na Dean, baka pwede ring tumingin kung ano pang mga kaso na talagang makakabuti sa ating mga kababayan.

Q: On attendance to the COMELEC Hearing

Poe: Alam ko, kailangan kong magpakita bukas, mga ala-una ng hapon.

Q: Pero appearance lang po, ma'am?

Poe: Appearance lang.

Q: On Edu Manzano saying he's a Dual Citizen on Headstart.

Poe: Alam ko, bago siya...Magiging problema iyan. Kung dual siya--hindi ako abogado, ano, siguro dapat marinig ko yung buong interview--pero, kailangan ay naka-attach ang kaniyang renunciation sa pag-file niya ng Certificate of Candidacy. So, lilinawin ko muna sa kanya.

Q: When you talked, ang understanding ninyo ay Pilipino siya?

Poe: Siyempre. Lahat naman kami, alam ko imbitado rin siya ng isang partido. Ang naintindihan ko noon, tumakbo na siya na Vice Mayor. At naging isyu na iyan at naresolba na. Tumakbo rin siya ng VP.

Q: On Yolanda

Poe: Kailangan talaga nating tingnan, suriing mabuti kung ano ba talaga ang mga numero. Hanggang sa ngayon, halimbawa, yung NDRRMC, sinasabi nila, tinitingnan nila kung ilan ba talaga yung namatay, diba mayroon pang proseso diyan. Pero higit pa doon, iba't ibang statistics kung ilan pa ang homeless hanggang sa ngayon. At sinasabi nila na nagkaroon ng problema dahil sa disbursement ng budget para magpatayo diyan. Sa tingin ko talaga, ang kailangan na maging rehabilitation hanggang ngayon...Nagbitiw na nga si Sec. Ping bilang rehab Czar. Dapat patuloy pa rin na mayroong isang namamahala na Secretary level na bigyan ng mas mataas na awtoridad para ipagpatuloy ang rehabilitasyon. Kasi, sino ba ngayon ang nag-iisang in-charge ng Yolanda rehabilitation? Parang wala tayong maituro. Sabihin natin, DPWH, DBM, pero yung mismong Yolanda efforts, yun dapat ang maging klaro na tinututukan. Para lahat ng ahensya, nagsasamasama sa kanilang pagdisburse ng funding o pag-initiate ng rehabilitation projects.

Q: On meeting Luli last Sunday?

Poe: Oo. Kasi, inadopt ako ng class of 91 ng AFP. Si Luli ay isang honorary member din.

Q: Nag-usap kayo?

Poe: Oo.

Q: What was the conversation about?

Poe: Wala. Hello, hi. Pareho naman kaming anak. Natural lamang na ang aming mga posisyon, para sa aming mga magulang. Wala naman kaming personal na away. Pareho ang aming...Nakikita ko siya noong ako ay nag-aaral pa. Pareho ang aming highschool.

Q: Did she raise her concern on her mother's detention?

Poe: Hindi namin pinag-usapan iyon. Nagkamay lang kami, acknowledging each other. Of course we have to be respectful or cordial. Wala naman kaming personal na alitan, kaming dalawa.

News Latest News Feed