Press Release
November 16, 2015

SEN. GRACE POE AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT

Question: On the APEC traffic situation.

Sen. Grace Poe: Naturally, siyempre konsiderasyon 'yan. Alam ko ang ating pangulo ay nakipagpulong sa security cluster. Talagang responsibilidad natin, parang isang bahay, responsibilidad natin ang ating mga bisita. Basta wag lang po natin kakalimutan ang ating mga kababayan at papaano naman natin sila mabibigyan din ng konting konsiderasyon at serbisyo. Dahil marami rin sa atin kasi ang naiiba rin yung mga schedule, naantala ng konti. Alam ko kailangan mag pasensya pero siguro dapat kailangan ng alternatibo para yung mga kailangan pa rin pumasok sa trabaho ay hindi naman mabara sa isang lugar. At saka inter-agency cooperation ang mahalaga. Importante rin syempre kung merong mga kasamang security groups ang iba't-ibang mga foreign delegates, kailangan mag coordinate sila at yung sharing of intelligence information para masiguro na we cover all our bases.

Q: Ma'am would you like to react sa nangyari sa Paris, ano yung personal feeling niyo about it?

Poe: 'Yun ngang sinasabi nila, ang pag-atake sa Paris ay hindi lang pag atake sa mga tiga-roon, kundi sa ating lahat. Yung ating pamumuhay, yung ating kalayaan. Lahat tayo ay apektado dito sapagkat ang terorismo ay kalaban ng lahat. Kinakailangan talaga ay masiguro natin ang kaligtasan ng ating kababayan at lalong lalo na ngayon. Sa mga nangyari nga sa airport, nakita nga natin na minsan kulang ng koordinasyon ang iba't-ibang ahensya ng gobyerno. Kailangan ay talagang meron tayong national intelligence group na coordinated po yung mga impormasyon.

Q: On APEC Security risk.

Poe: I think ito naman ay pinaghandaan nila. Pero importante rin siyempre ay wag tayo magpabaya. We should be very cautious with everything--the events, the planning. Syempre sa ating mga kababayan rin, kinakailangan din na kung hindi naman natin kinakailangan na pumunta doon, mas mabuti na siguro na umiwas na rin. Pero syempre nakikipag simpatya rin tayo doon sa mga iba na kailangan pa rin pumasok sa trabaho pero medyo nababara nga dahil sa security measures na kailangan gawin. Pero syempre suportahan natin ito sapagkat ang APEC rin ay magpapakilala sa ating bansa. Basta wag natin kalimutan na marami rin tayong kababayan na apektado rito.

Q: What do you think of calls, criticism for the Philippines to reconsider its membership sa APEC because of its effect sa mga policies...

Poe: Importante kasi na tayo ay nabibilang sa organisasyon para magkaroon din ng mutual protection o kaya mutual support pagdating sa ating international policies kahit sa commerce, trade. Pero kasama po dyan ay ang responsibilidad po ng gobyerno na palaging rerepasuhin kung ito ba ay talagang naayon pa rin sa ating pangangailangan ngayon. Lalo na ngayon na magkakaroon tayo ng Asian Economic Integration, talagang globalization na ang pagtungo ng ekonomiya ng lahat at hindi lang ng Pilipinas. So kailangan ay protektahan natin ang ating sarili. Pero kailangan din ay makipagtulungan tayo sa komunidad ng buong mundo. Para naman kung ano yung pwede natin magawa para sa atin ay matulungan din nila tayo in terms of trade, in terms of security. At importante din na we maintain good relations with other countries.

Q: Ma'am, tomorrow na yung SET decision on your case. Any expectations?

Poe: Ako'y nagdadasal at umaasa na sana ay maging patas talaga ang lahat ukol dun. Para sa akin, syempre ikagagalak ko kung sila man ay bumoto pabor sa atin. Subalit napakabigat din kasi na dala dala natin ang ilang libo, daang libong mga bata na parehong sitwasyon sa akin. 'Pag ako po ay dinisqualify nila, bagamat meron pa pong isa pang step para mag-apela tayo, syempre nalalagay din sa peligro ang kalagayan ng mga batang ito. Mawawalan sila ng estado o kalagayan sa ating bansa.

Q: Pero hindi ka titigil doon, Ma'am? If in case na hindi pumanig sa'yo yung desisyon? You won't stop there?

Poe: Syempre kasi una, 20 million na mga tao ang bumoto sa atin. Itong trabaho na ginagawa ko ay para sa lahat - dun sa mga nagtiwala sa akin, dun sa mga hindi nagtiwala. Ito'y, para sa'kin, isang pribilehiyo at responsibilidad. Kung hindi man tayo magwawagi bukas, i-aapela natin dahil kasama yun sa proseso. Ayaw naman natin na basta sumuko. Hindi naman dahil sa aking sarili, kundi dahil din sa mga nagtiwala sa atin, at para din sa mga bata na maaapektuhan nito.

Q: Ma'am kinakabahan po ba kayo o confident kayo na maliliwanagan ang SET sa disqualification n'yo?

Poe: Tao lang naman. Syempre kinakabahan, nalulungkot, pero may lakas loob din. Kasi naniniwala ako na nasa tama. Nasa tama naman ang ating pinaglalaban. Kaya lang syempre may mga konsiderasyong politikal yung iba, na sana naman ang isipin lang nila, na ang batas ay para iangat kung ano ang makatarungan. Nasa kamay nila ang pag-interpreta ng batas panig sa tama. Ang batas, marahil ay hindi literal pero ito ay palaging ginagamit not as an injustice, but something that will bring about justice. So yun ang sa akin. Ang pinaka-defenseless sa ating bansa ay ang mga bata.

Q: Kapag wala pang final decision sa Supreme Court, tuloy ang paglilibot ninyo? Pag-iikot?

Poe: Syempre. Kailangan. Tuloy lang naman, pero mas maganda sana yung mas maresolbahan ito sa lalong madaling panahon. Basta ang aking nilalagay sa isip, kung ako mabibigyan ng pagkakataon, paano ko matutulungan ang aking mga kababayan? Yun na lang ang aking iniisip ngayon sapagkat kung iisipin ko lahat ng mga pulitika, at tatanggalin ka, hindi ka makakatakbo, maaalis ka sa Senado, yung dapat na gawin kong serbisyo, baka maapektuhan at yun ang hindi dapat mangyari.

Q: Ma'am, personally, may particular po ba kayong kinakatakutan?

Poe: Hindi naman sa kinakatakutan. Meron ako doon sa kanilang pinagdadasal mabuti. Sapagkat sa aking isip, marami sila sigurong kinokonsidera. Ang iba sa kanila, marahil ay may ibang kadahilanan. Pero ako'y nagdadasal, mga kasama ko sila, alam naman nila na pinaglalaban nila ang karapatan ng mga bata, karapatan ng mahihirap, karapatan na magkaroon ng pantay-pantay na pagkakataon. Ito ang pagkakataon nila na ipakita 'yun.

News Latest News Feed